Filipino 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

1

ORMOC SE SAN SCHOOL


Mabini St., Ormoc City
S.Y. 2021-2022

UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 2

Pangalan: ___________________________________ Iskor: ______________

Guro: _____________________________________ Petsa: _______________

PAGBASA

I. Basahing mabuti ang kwento. Pagkatapos, gawin ang mga sumusunod


na pagsasanay sa ibaba.

Ang kauna-unahang Matsing

Ayon sa matatanda, noon daw unang panahon ay walang matsing ditto


sa ating bayan. Ito raw ang kwento na nagsasabi kung saan nagmula ang
naturang hayop.

Doon sa malapit sa isang gubat ay may naninirahang isang mag-anak.


Isang umaga ang kaisa-isang anak na lalaki ay inutusan ng kanyang ina upang
mangahoy sa gubat. Umalis ang bata at ang ina'y nagpatuloy sa kanyang
pagluluto. Pagkaraan ng ilang sandali ang bata ay dumating.
"Saan naroroon ang mga kahoy?" ang tanong ng ina. "Wala pong kahoy
sa gubat eh, ang sagot ng bata. "Ano bang wala? Sulong, manguha ka ng kahit
anong panggatong," ang utos ng ina.
"Naririyan naman ang tatay, bakit hindi ninyo siya utusan?" ang sagot ng
batang dumadabog.
Ganoon na lamang ang galit ng ina. Ang hawak niyang sandok ay
inihagis sa anak na noon ay papanaog.
"Hayo, anak na masama. Sumulong ka at buhat ngayon ay humanap ka
ng iyong ikabubuhay," ang wika ng ina.
Ang sandok ay tumama sa likod ng bata. Ito'y naging buntot. Ang damit
niya'y nalaglag at ang buo niyang katawan ay tinubuan ng maraming balahibo.
Ang ina'y natakot nang makita ang nangyari. Tinawag niya ang bata,
ngunit walang tinugon ito kundi "kr-r-r-r, kr-r. at tumakbong patungo sa loob ng
gubat .Yaon daw ang kauna-unahang matsing na kanilang nakita.
2

A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong


nabasa. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Sinu- sino ang tauhan sa kuwento?
__________________________________________________________
2. Ano ang inutos ng ina sa anak?
__________________________________________________________
3. Ano ang nangyari sa tamad na anak?
__________________________________________________________

B. Lagyan ng bilang 1-4 ang patlang upang ipakita ang pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari.

______Nagalit ang ina at inihagis ang sandok sa anak na noon ay

papanaog.

______Inutusan ng ina ang anak na manguha ng kahoy sa gubat.

______Naging matsing ang bata at tumakbong patungo sa gubat.

______Ang sandok ay tumama sa likod ng bata at naging buntot,

nalaglag ang damit at tinubuan ng balahibo.

C. Isulat ang T sa patlang kung tama ang ipinahahayag ng bawat bilang at M


kung hindi.

_________1. Masipag na bata ang kaisa-isang anak na lalaki.

_________2. Natuwa ang ina nang walang dalang panggatong ang anak.

_________3. Ang sandok ay tumama sa likod ng batang lalaki.


3

II. Lagyan ng bilang 1-4 ang mga patlang para maayos ng paalpabeto ang
bawat salita.

1. ______ usa 2. ______tula 3. ______bola


______elepante ______tela ______lapis
______pusa ______tala ______papel
______kalabaw ______tipon ______damit

III. Isulat sa linya ang salitang-ugat ng mga salita sa bawat bilang.

_____________1. napakasarap

_____________2. nabalisa

_____________3. natutulog

_____________4. masakit

_____________5. masustansiya

IV. Pagtapatin ang salita sa hanay A sa salitang kasalungat nito sa hanay B.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

a. kalungkutan
_______1.maganda
b. malamig
_______2. malakas
c. maliit
_______3. liwanag
d. dilim
_______4. kaligayahan
e. pangit
_______5. mainit
_______6. pumikit f. dumilat

_______7. malaki g. mahina


h. malusog
4

WIKA

I. Bilugan ang pangngalan. Isulat sa patlang ang T kung tao, H kung hayop,
B kung bagay, L kung lugar at Png kung pangyayari sa patlang.

______1. Bagong dating ang aking kaibigan.

______2. Malapit na ang aking kaarawan.

______3. Mabilis na sumaklolo ang mga bumbero.

______4. Maglalaro kami sa bakuran ngayong hapon.

______5. Mabait ang aking alagang pusa.

II. Ikahon ang pangngalan sa pangungusap. Isulat sa patlang ang PT kung


Pangngalag Pantangi at PB kung Pangngalang Pambalana.

_______1. Ang guro ay mahusay magpaliwanag.

_______2. Ang Bundok Makiling ay tunay na maganda.

_______3. Si Lapulapu ay matapang na nakipaglaban.

_______4. May nakita silang malaking elepante.

_______5. Maganda ang lungsod na pupuntahan namin.

III. Tukuyin ang kasarian ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa patlang.

___________1. Masarap na ulam ang inihanda ng kusinera.

___________2. Ang manunulat ay sinabitan ng medalya.

___________3. Palaging nagkukuwento sa kaniyang mga apo ang lolo.

___________4. Dinumog ng mga tagahanga ang aktres.

___________5. Malakas at mapinsala ang nakaraang bagyo.

IV. Lagyan ng bituin (★) kung nagpapakita ng paggalang ang sumusunod na

pahayag.

_______1. Aalis kami sa ayaw mo at sa gusto.

_______2. Kayo po ba yong nakasalubong ko kanina?


5

_______3. Maligayang bati sa iyo, kaibigan!

_______4. Pwede bang humingi ng baon mo?

_______5. Magandang gabi po sa inyo!

V. Bilugan ang tamang pantukoy para sa pangngalan.

1. (Si, Sina) Aling Joy at Manong Mark ay naghihintay na sa bahay.

2. May dalang mga gulay sa bayong (si , ni) Lolo Proceso.

3. Masaya (ang, ang mga) anak sa pagdating ng kanilang ama.

4. Sinundo (nina, ni) Mark at Johnny ang kanilang kaibigan sa terminal.

5. (Si, Sina) Alex ay masunurin na bata.

VI. Piliin sa hanay B ang letra ng angkop na reaksiyon sa mga pangungusap


na nasa hanay A.
A B
_____1. Ate Lei, puwede mo ba akong ibili ng A. Ok lang. Nasa
pasimano ang remote
acrylic paint? control.
_____2. Maaari mo ba akong turuan sa
B. Oo naman. Tungkol
takdang-aralin ko sa Filipino? saan ba ito?
_____3. Kung maaari sana, gusto kong ilipat
C. Maaari naman.
ang tsanel ng TV. Nakakulong naman ang
aso namin.
_____4. Makikiraan po ako. Pupunta po ako sa
bahay ng kaklase ko na nasa likod D. Oo. Mas masaya
kapag marami tayo.
ng bahay ninyo.
_____5. Maaari ba akong sumali sa inyong laro? E. Sige, bukas ako
pupunta sa book store.

You might also like