SLP10 Fil9 KUWARTER1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Baitang/Pangkat: __________

Pangalan ng Guro: _______________________________ Petsa ng Pagpasa: __________

I. SUSING KONSEPTO

Ano ang Opinyon?

Ang isang opinyon ay


makatotohanang saloobin o
damdaming hindi maaaring
mapatunayan kung tama o mali.

Mga salita/pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng matatag na opinyon:

1. Buong igting kong sinusuportahan ang …


2. Kumbinsido akong …
3. Labis akong naninindigan na …
4. Lubos kong pinaniniwalaan …

Mga salita/pahayag ang ginagamit sa pagbibigay ng Neutral na opinyon:

1. Kung ako ang tatanungin …


2. Kung hindi ako nagkakamali …
3. Sa aking pagsusuri …
4. Sa aking palagay …
5. Sa aking pananaw …
6. Sa ganang sarili …
7. Sa tingin ko …
8. Sa totoo lang …
Ang mga salita at panandang ginagamit sa pagbibigay ng opinyon - Brainly.ph

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO

• Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-


opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba pa) (F9WG-lc-d-42).

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 1


III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
Basahin mo at subukang magbigay ng iyong opinyon hinggil sa
mga katanungan mula sa bahagi ng nobelang “Bata bata Paano ka
Ginawa?”

Basahin mo.

Sa paligid hindi lang gown at suklay ang dala ng maraming ina sa


kanilang anak kundi pati make-up at lipstick.

Ano kaya ang dahilan ng ina sa


pagpapahid ng lipstick at make-up sa
kanyang anak?

Sa aking palagay kaya nilalagyan ng make-up at lipstick ng mga nanay ang


kanilang mga anak dahil may okasyon, palatuntunan o paligsahang
dadaluhan o sasalihan ang mga anak nila.

Pinupulbuhan nila nang makapal ang mga anak nila, nilagyan ng eye
liner, pinapahiran ng pampapula sa pisngi.

Sa tingin mo ano kaya ang


ipinapahid sa pisngi ng mga anak?

Sa tingin ko nilalagyan ng foundation at blush-on ang mga pisngi ng mga


anak nila, upang lumabas ang ganda.

May sinabi si Ding kay Flor at batay sa pagsulyap nito sa paligid,


nahulaan ni Lea na itatanong nito kung si Maya ba ay hindi nila pipintahan
din.

Kung ikaw si Flor mahuhulaan


mo rin ba ang ibig sabihin ni Ding?

Kung ako si Flor, mahuhulaan ko ang ibig sabihin ni Ding na hindi


pipintahan si Maya dahil sa kaniyang pagsulyap.

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 2


Hindi, mahigpit ang order ni Lea na huwag lalagyan si Maya kahit
lipstick. Para kay Lea, maruming tingan ang isang batang naka make-up at
lipstick. Imbis na makaganda‟y sinisira nito ang kalikasan ng isang batang
mukha. Nilalagyan ng anyo ng kamunduhan at karanasan.

Para sa’yo tama ba ang sinasabi


ni Lea tungkol sa paglagay ng make-up
sa mga bata?

Para sa akin tama ang sinasabi ni Lea sapagkat mas magandang tingnan
ang mga bata kapag natural lang ang mga mukha nito at walang make-up.
- Hango sa Bata Bata Paano ka Ginawa? (Unang Kabanata)
Del Rosario, Mary Grace G. et al. Pinagyamang Pluma 9, Quezon City, 2015

PAGSASANAY 1
Panuto: Narito ang ilang sitwasyon kung saan opinyon mo’y
mahalaga, ilahad ang iyong saloobin at asahang aking
diringgin. Gamitin ang mga pahayag sa pagbibigay ng
opinyon, tatlo hanggang apat na pangungusap lamang,
gawin sa iyong sagutang papel.

1. Ang pagbabalik probinsya ng mga LSI (Locally Stranded Individual) sa


kasagsagan ng pandemya.

Kung ako ang tatanungin __________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Pagpapasara ng isang malaking T.V station sa bansa.

Sa aking palagay _____________________________ ______________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 3


3. Ang pagpapahintulot sa mga manggagawa na magbalik-trabaho sa kabila
ng banta ng Covid sa bansa.

Kumbinsido akong _____ ____________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Ang pagpapauwi sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) na lubhang


naaapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho.

Labis akong naninindigan na _ ____ ________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Ang pamimigay ng ilang munisipalidad sa bansa ng mga tablet sa mga


mag-aaral at pagpapalagay koneksiyon ng internet para sa kasiguruhang
makapagpapatuloy ng pag-aaral ang mga mag-aaral anoman ang estado
sa buhay.

Buong igting kong sinusuportahan ang __ _________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
IV. SUSI SA PAGWAWASTO
______________________________________________________________

PAGSASANAY 2
Panuto: Basahin ang mga trending issues na nakapaloob sa
bawat facebook post at magkomento sa comment section
gamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng
opinyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 4


Trending #1

1. PAGKALAT NG FAKE NEWS NA WALANG SAPAT NA BATAYAN


NA MADALING PANIWALAAN NG MGA MAMAMAYAN

Trending #2

2. DISKRIMINASYON SA MGA DOKTOR AT NARS DAHIL SA


PANDEMYA

Trending #3

3. ANG PAGBABALIK NG KLASE SA PAMAMAGITAN NG ONLINE


LEARNING

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 5


Trending #4

4. ANG PAGSASAILALIM NG ILANG LUGAR SA PILIPINAS SA


ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

Trending #5

5. ANG DIGMAAN SA BANSANG AFGHANISTAN NG MGA


AFGHANS AT TALIBAN

PAGSASANAY 3
Panuto: Sumulat ng iyong opinyon batay sa editorial cartoon na
makikita sa ibaba. Suriin kung ano ang ipinahihiwatig ng
editorial cartoon na ito at kung paano tayo makakatulong
sa pinagdaraanan ngayon ng bansa. Gumamit ng mga
pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon. Isulat
ang sagot sa sagutang papel saloob lamang ng limang
pangungusap.

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 6


Rubriks sa Pagmamarka sa Pagsasanay 3

10 PUNTOS 7 PUNTOS 3 PUNTOS


Kung nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Hindi nailahad nang
opinyon gamit ang mga opinyon gamit ang mga maayos ang opinyon
pahayag na ginagamit pahayag sa pagbibigay at ilang pahayag
sa pagbibigay ng ng opinyon subalit hindi lamang sa
opinyon at nailahad gaanong nailahad ang pagbibigay ng
nang wasto ang punto punto ng opinyon opinyon ang nagamit
ng opinyon

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsasanay 1

Ang Pagsasanay 1 ay tatayahin sa pamamagitan ng rubriks na ito

10 PUNTOS 7 PUNTOS 3 PUNTOS


Kung nasagot ang Nakapagsagot lamang Nasagutan ang 2-1 na
limang katanungan ng 4-3 na tanong at tanong at nagamit ang
gamit ang mga nagamit ang mga ilang pahayag sa
pahayag na gingamit pahayag na nasa loob pagbibigay opinyon
sa pagbibigay ng ng kahon
opinyon

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 7


Pagsasanay 2

1. Kumbinsido akong hindi tayo dapat basta-basta naniniwala sa mga


balita na wala naming basehan.
2. Sa aking palagay hindi nararapat na mag-isip tayo ng hindi maganda
sa mga taong binubuwis ang kanilang buhay para sa nakararami lalo
na ngayong panahon ng pandemya.
3. Lubos kong pinaniniwalaan na mahalaga ang pag-aaral subalit
bigyang pansin din natin ang katayuan ng mga mag-aaral na walang
sapat na kakayahan para sa ganitong paraan ng pagututro.
7
4. Buong igting kong sinusuportahan ang desisyon ng ating pamahalaan
para sa kaligtasan ng mga mamamayan.
5. Kung ako ang tatanungin dapat ay iwasan na ang ganitong klaseng
digmaan sapagkat marami ang nadadamay na sibilyan higit sa lahat
tayo pa rin ay nasailalalim ng pandemya, kinakailagang magkaisa ang
lahat.
Pagsasanay 3

Ang Pagsasanay 3 ay tatayahin sa pamamagitan ng rubriks na ito


10 PUNTOS 7 PUNTOS 3 PUNTOS
Kung nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Hindi nailahad nang
opinyon gamit ang mga opinyon gamit ang mga maayos ang opinyon
pahayag na ginagamit pahayag sa pagbibigay at ilang pahayag
sa pagbibigay ng ng opinyon subalit hindi lamang sa
opinyon at nailahad gaanong nailahad ang pagbibigay ng
nang wasto ang punto punto ng opinyon opinyon ang nagamit
ng opinyon

V. REPLEKSIYON
Panuto: Ipaliwanag ang katanungan na makikita sa ibaba sa loob
ng tatlong pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

“Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang kahalagahan ng mga


pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon?”

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 8


VI. SANGGUNIAN

Aklat:
(1) Amog, Maybel V. et al. (2019) Kalinangan Batayan at Sanayang Aklat sa
Wika at Panitikan 9, Ikatlong Edisyon, Sampaloc Manila.

(2) Del Rosario, Mary Grace G. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 9, Quezon City

Modyul:
(1) Torres, Shiela Mae P. et al. “Filipino_Baitang 9 Kuwarter 1 Modyul 10:
Pahiwatig sa Akda” Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V – Regional
Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Link mula sa Internet:


(1)Mga salita at Panandang Ginagamit sa Pagbibigay Opinyon (2019) mula sa
mga salita at panandang ginagamit sa pagbibigay ng opinyon - Brainly.ph
na-accessed Setyembre 4, 2021

(2) Blank Facebook Template Download (2020) mula sa Blank Facebook


Template - 12+ Free Word, PPT & PSD Documents Download | Free &
Premium Templates na-accessed Setyembre 4, 2021

(3) “Pilipino Star Ngayon” EDITORYAL - Ipagpatuloy ang mga nakasanayan sa


COVID (2020) mula sa EDITORYAL - Ipagpatuloy ang mga nakasanayan sa
COVID | Pilipino Star Ngayon (philstar.com) na-accessed Setyembre 4, 2021

Manunulat : Derek Jan R. Abril

Editor : Adrian B. Bulalacao

Tagasuri ng nilalaman : Sonny A. Taugan

DO_Filipino_Baitang 9_K1_LP10 Pahina 9

You might also like