Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

eFDS 16: One-on-One Time Kasama ang Anak

(eFDS-MaPa 1)

Description Ang pamilyang patungo Sa Matatag, Sa Matagumpay, at sa masayang pamumuhay ay


nakatungtong sa pundasyon ng pagkakaroon ng positibong relasyon sa pagitan ng
magulang at bawat anak. Lahat ng nilalayon nating mga magulang para sa ating anak -
halimbawa ay ang sumunod sa utos - ay nakasalalay sa relasyong ito. Ang unang
hakbang sa pagtatag ng magandang relasyon ay ang paglalaan natin ng oras na
makasama ang bawat isa sa ating anak. Ang tawag sa espesyal na oras na ito ay One-
on-One Time.

Ano nga ba itong One-on-One Time? Paano ba ginagawa ito, at paano ito naiiba sa
ibang uri ng interaksyon sa ating anak? Ano ang epekto nito sa ating anak at sa
relasyon natin sa kanila? 

Ang One-on-One Time ay madali at masayang gawin kasama ang batang anak o anak
na tinedyer. Sa One-on-One Time, nararamdaman ng ating anak na siya ay mahalaga,
minamahal, at ligtas. 

Gawain Basahin natin ang uang komiks. Ngayong buwan, makikilala natin si Jun-Jun na walong
taong gulang at ang kanyang Nanay. Sa komiks na ito, makikita natin kung paano mag-
One-on-One time sila Nanay at Jun-Jun. 

Komiks 1

Pagnilayan natin ang mga tanong tungkol sa eksena. Maganda ring pag-usapan ito
kasama ang asawa at/o mga anak.
1. Ano ang mga sinabi at ginawa ni Nanay sa simula nang inaya niya si Jun-Jun na
mag One-on-One time?
2. Anu-ano ang mga napansin ninyong ginawa o sinabi ni Nanay habang nakipag-
One-on-One Time kay Jun-Jun?
3. Ano kaya ang naramdaman ni Jun-Jun pagkatapos ng kanilang One-on-One
time? Ano naman kaya ang naramdaman ni Nanay?

Ang komiks naman na ito ay tungkol kay Maria na isang tinedyer at sa kanyang Tatay.
Tingnan natin kung paano sila mag-One-on-One time. 

Komiks 2 

Pagnilayan natin ang mga tanong tungkol sa eksena. Maganda ring pag-usapan ito
kasama ang asawa at/o mga anak.

1. Ano ang nagustuhan mo sa kung paano nakipag-usap si Tatay kay Maria (na
isang tinedyer)?  Ano ang kapansin-pansin sa kanyang mga kilos at
pananalita?
2. Sa tingin ninyo, bakit kaya hindi pinansin ni Tatay ang kanyang telepono? 
3. Ano kaya ang naramdaman ni Maria sa mga kilos at salita ni Tatay?

Key Contents Narito ang mga pundasyon sa paggawa ng One-on-One Time:


and Tips

1. ARAW
Maglaan tayo ng limang minuto lamang o higit pa araw-araw para sa bawat
isang anak. Pwede itong gawin sa takdang oras, halimbawa, limang minuto
bago matulog o pagkatapos ng siesta sa hapon, para maaasahan ng ating anak
na regular itong mangyayari araw-araw. Makakatulong ito para matandaan
natin at ng ating anak ang espesyal na oras na ito. 

0. LARO
Sabihin sa ating anak na meron tayong oras para makipag-One-on-One time
at maaari siyang
pumili ng gusto niyang gawin o paksang pagkwentuhan. Hayaan siyang
manguna! Kapag nangunguna ang ating anak sa One-on-One time,
nakararamdam siya ng pagpapahalaga, napapatibay ang kanyang kumpyansa
sa sarili, at nahahasa ang kanyang imahinasyon. 

Pwedeng magbasa o tumingin ng mga larawan, sumayaw o kumanta, maglaro


gamit ang mga kagamitan sa bahay kasama ang ating sanggol o batang anak.
Pwede naman tayong makipagkwentuhan tungkol sa mga hilig o paborito
artista, sports, o palabas kasama ang ating tinedyer na anak. Sa una, maaari
manibago sila pero sa kalaunan ay hahanap-hanapin nila ang oras na kasama
ka! 

0. ATENSYON
Patayin muna natin ang TV at itago ang cellphone. Tingnan ang ating anak.
Tumango o sabihing “Nakikita ko na (ilarawan)...” upang iparamdam sa kanya
ang pagbibigay natin ng buong atensyon. Tanggapin natin ang kanyang
sinasabi nang walang panghuhusga. Sa pagbibigay ng buong atensyon sa ating
anak, nararamdaman niya  na siya ay pinapahalagahan. Mas malalaman din
natin ang kanyang interes at kakayahan kung nakapokus lamang tayo sa
kanya. 

Pagninilay Basahin at pagnilayan ang mga tanong sa ibaba, bilang paghahanda natin sa One-on-
One Time: 

1. Obserbahan ang inyong anak at bigyang-pansin ang mga hilig niyang gawin.
Ano ang mga gawain, laro, o bagay na nagpapasaya sa kanya? Mahilig ba
siyang kumanta? Maglaro ng lutu-lutuan? K-pop o K-drama? Sige nga, ilista
natin sa ating talaarawan. Ang mga ito ay maaaring maging simula ng ating
One-on-One Time! 
2. Anong oras o parte ng inyong araw maaari kayong mag One-on-One time?
Tandaan na 5 - 20 minuto lang ang kailangan. At pwede namang i-adjust ayon
sa inyong konteksto.

Takdang- Ang ating takdang-aralin ngayong buwan ay i-praktis ang mag-One-on-One Time
Aralin kasama ang ating anak sa loob ng 5 minuto araw-araw. Balikan natin ang mga
materials at komiks para sa 3 hakbang:

1. ARAW – Subukan itong gawin nang araw-araw. Tandaan, isang anak sa loob
ng 5 minuto.
2. LARO - Hayaan silang pumili at manguna sa gawain. Pwedeng sabihin ang:
“Anak, meron akong 5 minuto para makipag-one-on-one. Ano ang gusto
mong gawin?” 
3. ATENSYON - Bigyan ng buong atensyon ang inyong anak.

Basahin ang mga tanong sa ibaba ukol sa inyong praktis at isulat sa talaarawan ang
inyong mga sagot. Magtala ng dalawa o higit pang talaarawan entry tungkol sa inyong
One-on-One time ng inyong anak (pwedeng karanasan sa isang anak o magkaibang
anak):

1. Anong oras ninyo karaniwang isinasagawa ang One-on-One time? Nagagawa


niyo ba ito araw-araw (kung hindi, ano ang balakid)? 
2. Ano ang ilan sa mga ginawa ninyo ng inyong anak sa inyong One-on-One
time? Ang anak ba ninyo ang pumipili o nangunguna sa gawain?
3. Ano ang nagustuhan ninyong nangyari sa inyong One-on-One time? Ano ang
nararamdaman mo at ano kaya ang nararamdaman ng inyong anak?

Maaaring hindi maging ayon ang lahat para magawa ang One-on-One time. Narito ang
ilan sa mga posibleng hamon na pwedeng maranasan sa paggawa ng One-on-One
time at ang mga solusyon na maaaring subukan:
Hamon Posibleng Solusyon

Walang akong sapat Mag-isip ng gawain sa bahay na maaaring gawin kasama ang
na oras sa dami ng inyong anak. Tandaan din na sapat na ang 5 minuto para sa
gawain sa bahay. One-on-One Time.)

Sa una, maaaring naiilang o hindi sanay ang ating anak na


Ayaw ng anak ko na makipag-One-on-One Time. Pwedeng tumabi lang muna sa
makipag-One-on- anak at pagmasdan ang kanyang ginagawa. Iparamdam sa
One Time. kanya ang inyong interes sa kanyang ginagawa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng buong atensyon.
Ipaliwanag sa mga anak na may kanya-kanya silang oras para
Lahat ng anak ay sa One-on-One Time. Mag-isip ng ibang oras para sa bawat
gustong makipag- anak o humingi ng tulong sa ibang matanda sa bahay na sila
One-on-One Time muna ang ka-One-on-One Time.
nang sabay-sabay.

You might also like