Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

FILIPINO NOTES for PRELIMS

I. BARYASYON AT REHISTRO NG WIKA

A. BARYASYON NG WIKA

ARTIKULO 14, SEKSYON 3-9 (1935)

- Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagkakaroon ng isang wikang pambamsa na ibabatay sa isa sa
umiiral na katutubong wika.

BARYASYON – pagkakaiba ng antas sa paniniwala o diwa ng pagkakaiba ng


mga sinasalita batay sa heograpiya, sosyolohikal, pananalig, relihiyon, at mga
edukasyon.

- Sa pagdaan ng panahon naging espesyalisado ang gawain at


tugkulin ng tao at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba iba ng
kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.

BARAYTI – pagkakaiba ng pananalita batay sa kanilang pananaw.

- Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista


ang wika ay heterogeneous o nagkakaiba iba. Dala ito ng
nagkakaibang pangkatng tao na may ibat ibat lugar na tinitirhan,
interes, Gawain,pinag aaralan at iba pa.

BARAYTI NG WIKA ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na


nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong
sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon/varayti ng wika. Ito rin ang
pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang
pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita.

B. REHISTRO AT BARAYTI NG WIKA

REHISTRO NG WIKA

- Isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong


nagsasalita o gumagamit ng wika.

REGISTER/REHISTRO
- Ay simpleng varayti at/o baryasyon sa paggamit ng wika
partikular sa kontekstong panlipunan na gumagamit ng mga tiyak
na salitang hindi madalas ginagamit sa konteksto.
- Barayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng
tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Tumutukoy sa
ispesyalisadong paggamit sa wika upang makilala ang
ispesipikong domeyn o gawain.

ESTILO

- Barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap.


Maaaring pormal., kolokyal at personal.

MODE

- Barayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag


tulad ng pasalita o pasulat.

IBA’T IBANG BARAYTI NG WIKA

1. DIYALEKTO

- Ang barayti ng wikang nalilkha ng dimensyong heograpiko. Ito ang


wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o
maliit.

- Ito ang wikang nabuo mula sa pangunahing wika ng isang


lalawigan nakadalasang sinasalita sa iba’t-ibang baying nasasakupan.

- nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay


sa pinanggalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita.

HALIMBAWA:

Lawa ba iyan? [Tagalog----Katubigan]

Lawa ba iyan? [Ilokano----Malawak]

2. SOSYOLEK

-Barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong


soysal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat na lipunan.
- sinasalita ng mga tao sa isang lipunan.Gayundin, nagtatakda ito ng
klasipikasyon ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay,
interes, hilig at kasarian.

HALIMBAWA:

Wikang bekimon/ gay linggo: wika ng mga bakla . Ginagamit nila ito upang
mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan
ng salita.

“Ang chaka naman ng fez ng jowabels mo.” (Ang pangit naman ng mukha ng
kasintahan mo)

Wikang balbal/ kanto:

“Lakas ng amats ko sa nomo natin kagabi. Galit si mudra ko at senglot na


naman!” (Ang lakas ng tama ko sa ininom natin kagabi. Nagalit ang nanay ko at
lasing na naman ako)

Wikang conyo: conyospeak isang baryant ng taglish o salitang ingles na


hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng codeswitching.

“OMG! Lakas naman the rain. And there is a baha na out there. So yuck talaga!”
(Ang lakas naman ng ulan at baha na sa labas. Nakakadiri talaga!)

Ang SOSYOLEK ay maaari ring okupasyunal na rehistro.

HALIMBAWA:

ABOGADO/JUDG DOCTOR/NURSE
E
Guilty Diagnosis
Trial Therapy
pleading Prognosis
hearing Symptoms
Exhibit Emergency
settlement Patient
Justice check-up
Fiscal Ward
Appeal x-ray
complainant
3. JARGON

- Nabuo ang wikang ito dahil sa iba’t-ibang propesyon na umiiral sa isang


lipunan.

- Ang tawag natin sa natatanging bokabularyo ng isang particular na


pangkat na Gawain o propesyon.

- Ang mga Jargon ay maaring tawagin na “salitang balbal”, “salitang


kalye”, o “salitang kanto”

HALIMBAWA:

Chaka Hindi Maganda Not Pretty


Fes Mukha Face
Japorms Porma Clothes
Keribels Kuha Mo Ba? Got It?
Kebs Pa? Kaya Pa? Can You Still Go On?
Kano Amerikano People From America
Erpat Ama Father
Ermat Ina Mother
Muhon Karpintero
Segue Scriptwriter
Sikyo Guwardiya Security Guard
Purita Mahirap Poor People

4. IDYOLEK

- Nakagawiang pamamaraan o estilo sa pagsasalita ng isang indibidwal o


ng isang pangkat ng mga tao at iba ang paraan ng pagbigkas sa karaniwang
paraan,

- kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ng wika ng


partikular na indibidwal.

HALIMBAWA:

MGA BROADCASTERS

-Mike Enriquez

- Noli De Castro
- Mon Tulfo

- Rey Langit

- Gus Abelga

5. EKOLEK

- Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay


nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng
mga taong gumagamit nito.

HALIMBAWA:

Pappy—ama Mcguyver—karpintero

Mumsy—ina Lady Gaga—lola

6. ETNOLEK

- Nalikha ang wikang ito sa mga etnolinggwistikong pangkat.

Halimbawa:

Wika ng mga Tagausug

Wika ng mga Ivatan

Wika ng mga Ifugao

Wika ng mga Kankanai

B. ANG PAPEL NG PAMBANSANG WIKA SA GITNA NG PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA BANSA

WIKA

- Ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao


- paraan upang maipahayag sa paraang sistematiko ang ating
pagkamalikhain, mga saloobin,paninindigan, magbigay ng impormasyon,
magkwento, atbp.
- Henry Gleason: masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraangarbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga
taong kabilang sa isang kultura

ROLE NG WIKA

 Tagapagbuklod

 Pakikipagtalastasan

 Pagkakakilanlan

 Pagkakaunawaan

KATANGIAN NG WIKA

1.) Ito ay may masistemang balangkas.

- Nakaayos sa tiyak na balangkas

- Nakabatay sa balarila or grammar at ponema, morpema, hanggang


sintaks.

Halimbawa: nag-aaral Anna siya mabuti makapasa pagsusulit -> Si Anna


ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa siya sa pagsusulit.

2.) Ito ay sinasalitang tunog.

- Ang wika ay binubuo ng mga tunog.

- Pinagsama-samang tunog upang makalikha ng mgasalita.

3.) Ito ay pinipili at isinasaayos.

- Layunin ng wikaang magkaroon ng epektibong komunikasyon na may


malinaw na mensahe.

4.) Ito ay arbitraryo.

- Ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng


gumagamit nito.
Halimbawa:

Ang salitang bahay kapag isinalin sa ibang wika ay:

Ilokano – balay

Chavacano – casa

Tausug – bay

5.) Ito ay patuloy na ginagamit.

- Isang katangian ng wika ay ang pagiging gamitin. Ito ay kasangkapan sa


komunikasyon.

6.) Ito ay nakabatay sa kultura.

- Nagkakaiba-iba ang wika nang dahil sa iba-ibang kultura.

Halimbawa: Ice Formations (Filipino vs. Ingles)

7.) Ito ay dinamiko o nagbabago.

- Ang wika ay nadaragdagan ng bagong bokabularyo habang lumilipas ang


panahon.

Halimbawa:

Ang salitang bomba ay nangangahulugan na:

- pampasabog

- igiban ng tubig mula sa lupa

- sikreto o baho ng mga kilalang tao.

I. PAGPROSESO NG IMPORMASYON

ANG PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON


- Ang pagpoproseso ng impormasyon ay maihahalintulad sa kung
paano inaayos ang tahanan at opisina. Ginagamitan ito ng iba't ibang
mahuhusay na estratehiya. Tulad ng pag-aayos ng tahanan at opisina, inaaalam
kung paano maoorganisa ang mga kasangkapan, kung saang lugar ilalagay ang
mga ito at kung paano iaayos ang mga ito sa lagayan. Sa pagproseso naman ng
impormasyon, nilalapatan nang maayos na sistema at organisasyon ang mga
konsepto o mga kaisipan upang maintindihan ito nang lubos at mapanatili sa
kaisipan.

- Ito ay tumutukoy sa pagkuha, pagtatala, pagpapakita, pag-iintindi at


pagpapalaganap ng impormasyon. Ito ay isang paraan ng paglikha ng mga
bagong kaalaman mula sa mga narinig, nakita, nabasa at napanood na
napapalawak dahil sa karanasan.

- Ang paggamit ng kaalaman mula sa mga impormasyong natamo ay


nagbubunga ng kadalubhasaan at patuloy itong lumalawak dahil sa pag-iisip
nang analitikal at pag-aangkop ng karanasan. Naging marunong ang isang tao
kapag nakapagproseso ng maraming impormasyon.

A. PAGPILI NG BATIS/SORS

PAGPILI NG BATIS (SOURCE) NG IMPORMASYON

1. Ang impormasyon ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga


naririnig, nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa
sariling karanasan.

2. Maaari ding ang mga impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o


representasyon at interpretasyon sa mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan,
laki, hugis, kulay o bilang ng mga ito.

3. Ang impormasyon impormasyon ay maaaring ukol sa pananaw, kuro-


kuro, kontrol, datos, direksyon, kaalaman, kahulugan, persepsyon at mga
representasyon . Ang Kasingkahulugan ng salitang impormasyon ay “
katotohanan”, “Kaalaman” at mga “datos”.

Ang mga DATOS AT KAALAMAN ay mga konseptong magkaugnay bagamat


may tiyak ba gamit ang mga ito. Ang datos ay mga kaalamang kinokolekta,
inuunawa at sinusuri bagamat upang may tiyak makabuo ng bagong
impormasyon o kaalaman. Ang KAALAMAN naman ay mga kaisipang
natutuhan bunga ng pagproseso ng impormasyon o mga kaisipang natamo o
natutuhan mula sa maraming karanasan.
PRIMARYANG BATIS

- Naglalaman ng impormasyon na galling mismo sa bagay o taong


pinag-uusapan sa kasaysayan.

Halimbawa: Biktima at salarin, saksi, manonood, tagapakinig

SEKONDARYANG BATIS

- Batayang ang impormasyon ay mula sa pangunahing batis ng


kasaysayan.

Halimbawa: dyaryo, mga libro, radio, pinagkwentuhan

B. KATEGORYA NG PAGPROSESO

KATEGORYA NG PAGPROSESO NG IMPORMASYON

1. PANDINIG (aural o auditory)

- May hilig sa musika o iyong may hilig sa pakikinig ng talakayan o


anumang gawaing may kaugnayan sa paggamit ng tainga o pandinig.

2. PAMPANINGIN (VISUAL)

- Ang mga impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng


pagpapakahulugan o interpretasyon sa mga bagay na kanilang nakikita (mapa,
tsart, dayagram, graphic organizer, mga pattern at mga hugis).

- Ang hugis, kulay, bilang, bigat at gaan, ayos at ang pagkakabuo ng mga
bagay ay ang basehan ng kanilang pag-unawa o pagbuo ng bagong kaalaman.

3. PAGKILOS (KINESTHETIC)

- May kaugnayan sa salitang Griyego (kinesthetic) na nangangahulugang


pagkilos.

- Nakakaunawa ang isang indibidwal sa pamamagitan ng mga


demonstrasyon, eksibit, pag-aaral ng kaso at mga kongkretong aplikasyon.

- Ang mga pelikula at video ay nakahanay sa estilo ng kinesthetic.


- Ginagamit ng mga mag-aaral ang lahat ng kanilang mga pandama
(panlasa, amoy, pandama, paningin, pandinig) upang maging kapaki-pakinabang
ang kanilang pag-aaral.

HAKBANG SA PAGPROSESO NG IMPORMASYON

a. Pagtukoy (Defining) ito ang pagpapahayag ng kahulugan. Ito ang


paglalarawan sa kalikasan, saklaw at kahulugan.

b. Paghahanap (Locating)  pagdidiskubre ng eksaktong lugar o posisyon


ng isang bagay

c. Pagpili (Selecting) maingat na pamimili sa pinakamabuti o


pinakaangkop na bagay

d. Pagtatala at Pagsasaayos (Recording and Organizing)

ang ganitong paraan ng pagkuha ng impormasyon ay ang pagsunod


sa mga bagay na dapat ay may pagkakaayos. Halimbawa kung bibili ka ng mga
gagamitin mo sa iyong pag-aaral ay kailangan na isa-isahin mo ang mga bibilhin
mo na gagamitin at ito ay iyong ilista upang hindi makalimutan at maging mabilis
ang pagbibili sa mga bagay na ito .

e. Paglalahad/ Pagbabahagi (Presenting)

isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang


isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o bumabasa.

f. Pagtatasa (Assessing)

isa itong proseso ng pagkalap at pagsusuri ng impormasyon mula sa


iba't ibang batis/ paraan/ estratehiya upang magkaroon ng malalim na pag-
unawa ang guro sa nalalaman, naiintindihan, at magagawa ng mga mag-aaral sa
natutuhan sa kanilang leksyon, paggawa ng gawain, proyekto, atbp sa kanilang
asignatura. (Hubra at Freed 2000).

Nagsimula ang pagproseso ng impormasyon sa papamagitan ng pagtukoy


sa kung anong impormasyon ang kailangan. Inihahanda ang mga
kagamitan tulad ng aklat na mapagkukuhanan ng impormasyon, taong
mapagtatanungan, kagamitang mapapanood, usapan na mairinig, panayam at
maari ding hanguan sa media o internet.

C. PAGBASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

PAGBASA

- Ito ay pagkilala, pag-unawa, pagsusuri, pagkuha, pagbibigay-


kahulugan at pagtatasa sa mga nakalimbag na simbolo.
- Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na
simbolo ng kaisipan (Fabrigas et al.)
- William S. Gray, " Ama ng Pagbasa".

KAHALAGAHAN NG PAGBASA

1. Sa pamamagitan nito nasusukat ang kabuuan ng isang tao sa kanyang


pagsasalita kapag palabasa ang isang tao, marami siyang maibabahaging mga
kaisipan, kaalaman at karunungan batay sa genre na nabasa niya na
makapagpapaangat sa kanyang kalagayan sa lipunang ginagalawan .

2. Nagpapataas ito ng kalidad ng pagkaunawa ng isang tao sa bawat


anggulo ng buhay, pagsasalita o pagsusulat man, kaakbay sa kanyang
pagkilos .

3. Nakatutuklas ng maraming karunungan at kaalaman ang isang taong


palabasa na tutugon sa kanyang pangangailangang pangkabatiran sa iba't-
ibang larangan tulad sa sinyensya, panitikang pagsulat o pasalita man,
kasaysayan, sikolohiya at maging sa lipunang kinabibilangan niya.

4. Ang estudyanteng palabasa ay may mas malaking posibilidad na makapasa


sa mga pagsusulit na ibinibigay ng guro sapagkat sa kanyang pagbasa ay mas
nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang kanyang talasalitaan at
dumadami ang kanyang mga karanasan.

5. Higit sa lahat, mahalaga ang pabasa sa isang tao para hindi siya mapag-
iwanan ng nagbabagong panahon na dulot ng rumaragasang makabagong
teknolohiya.

MGA DAHILAN KUNG BAKIT TAYO NAGBABASA


1. Gustong maglibang o libangin ang sarili.
2. Pampalipas oras.
3. Upang hindi mapag-iawanan ng panahon.
4. Madagdagan ang kaalaman.
5. Magkaroon ng kamalayan sa mga nagaganap sa paligid.

PANANALIKSIK

- Masistemang pagsusuri ng mahalagang impormayson hinggil sa


isang tiyak na paksa o suliranin.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

1. Sa pananaliksik ay matututuhan nilang hanapin at alamin ang mga bagong


kaalaman o interesanteng mga bagay na sila mismo ang aalam o gagawa nito.
Natutulungan ang sarili upang maging masipag, matiyaga, malikhain at
malayang magdesisyon, kumilos o gumalaw sa paghahanap ng impormasyon.

2. Sa pananaliksik ay makapagsasanay kung paano matuto nang mag-isa.


Sapagkat hindi lamang ang paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at
pakiramdam ang ginafamit sa pananaliksik. Ginagamit ditto pati ang malalim na
pagsusuri at interpretasyon sa bawat impormasyon na makukuha nila.

3. Ang pananaliksik ay isang kasangkapan para lalong mapahusay ang


kakayahan sa pakikipagtalastasan; lalong mapalawak ang magandang relasyon
sa kapwa at lalo pang mapalawig ang kaniyang kaalaman hinggil sa kapaligiran
at lipunang ginagalawan.

Benepisyong edukasyonal

- ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro upang magsilbing


gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay mapagtagumpayan
niya ang epektibong pagtuturo sa kanyang mga mag-aaral.

 Benepisyong pangkaisipan

- nadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang indibidwal at


nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa natitipon niyang mga
ideya at pananaw mula sa iba't ibang manunulat.

Benepisyong pangkatauhan
- sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga datos, nahahasa ang
kagalingan ng isang mag-aaral at nagbubunga ito ng kahusayan
sa pakikibagay at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang tao.

Benepisyong personal

- Sa proseso ng pananliksik, napapaunlad ng isang mag-aaral ang


kritikal at analitikal na pag-iisip na magbubunga ng kanyang
pagiging metatag sa buhay. Nakakaya niyang tumayong mag isa
at nasanay na siya sa paghahanap ng mga datos bilang tugon sa
paglutas ng mga suliranin at sa mga pagsubok ng buhay

Benepisyong pambansa

- Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang pag-unlad ng


bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng metatag na lipunan
tungo sa mabuting pamumuhay para sa lahat. Maging ang
desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa kapakanan ng
pambansa ay batay sa resulta ng mga isinasagawang
pananaliksik

MGA ANTAS NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

•Active Listening

•Note-taking

•Highlighting

I. MGA GAWAING PANG-KOMUNIKASYON

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA FILIPINO

•Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kanyang kaiisipan at damdamin.

•Tayong mga Filipino ay mayroong kani-kanyang natatanging pamamaraan, gawi


at kaugalian hinggil sa pakikipagkumunikasyon. Iba iba ito sa bawat pangkat ng
tagapagsalita ayon sa nakagawiang konteksto ng kultura.
A. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA GAWAING PANG-KOMUNIKASYON

MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA GAWING PANGKOMUNIKASYON

1. Lugar.

- Ito ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinagawa ang


komunikasyon. Malaki ang epekto nito sa gawing
pangkomunikasyon sapagkat ito ang nagtatakda sa uri, paraan
at gawi ng pananalita. Isinaalang-alang ang lugar sa
pagsasakatuparan ng paghahatid ng mensahe at kung paano
maaring isagawa ang daloy ng usapan. Halimbawa nito ay
mga dayalekto sa iba’t ibang lugar.

2. Mga Taong Naninirahan sa Lugar.

- Sila ang humuhubog sa lugar. Ang kanilang paniniwala, ugaliin,


gawi at uri ng pamumuhay, at maging ang kanilang kaisipan
hinggil sa mga bagay-bagay sa kanilang paligid ang siyang
nagtakda ng paksa o usapin.

3. Sosyo-ekonomiko

- Antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kanyang estadong sosyo-


ekonomiko ay nauugnay sa mga gawing pangkomunikasyon.

4. Edukasyon

- Ang paggamit ng antas ng mga salita ay may kaugnay sa edukasyon.


Ang mga guro at mga propesyonal ay kadalasang gumamit ng pormal na mga
salita habang ang impormal na pananalita ay kadalasang naririnig sa palengke,
kalye at sa tabi-tabi.

5. Kasarian

- May mga salita ang mga babae na hindi naayon na gamitin ng mga lalaki
at may mga salita ring ginagamit ang mga lalaki na hindi naayon na gamitin ng
mga babae. Halimbawa: Bro, Sis, at iba pa.
B. TSISMISAN, UMPUKAN, PAGBABAHAY-BAHAY AT PULONG BAYAN

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON

TSISMISAN. Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na “chismes”.


Karaniwang sinasabing tsismis ang mga kwento o pangyayari na maaring
totoo at may basehan ngunit may mga bahaging sadyang binawasan o
dinagdagan upang ito’y mapag-usapan at magkaroon ng iba’t ibang bersyon.
Mabilis itong magpasalin-salin sa isang tao patungo sa ibang indibidwal.
Maaring ito ay nakakasira ng reputasyon ng ibang tao.

Ang tsismis ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag
hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman
ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at
maging mas malapit sa bawat isa.

Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at makapanira ng


reputasyon ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan ang kanilang katauhan,
kamalian, at kasalanan. Ang madalas na pinaguusapan na tsismis sa komunidad
ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, paagbubuntis ng mga hindi kasal o
‘disgrasyada’, pagiging homoseksuwal, at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan
din ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.

UMPUKAN. Ito ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa


pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakaibigan, magkakaklase,
magbabarkada, magkakatrabaho o magkakakilala na may pagkakatulad sa
gawi, kilos, gawain at hangarin. Ito ay nagyayari dahil ang isang paksa,
usapin at hangarin na karaniwan na bawat isa ay nais talakayin at
bigyang linaw. Ang umpukan ay impormal at madalas na mangyari ng hindi
binalak.

Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo
o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa
anong kadahilanan.

Ginagamit din ang "umpukan" para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao
sa isang grupo o pangkat. May mgaumpukan na impormal ang talakayan kung
saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang
bagay o paksa.
Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na
maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na
pakikipagtalo.

TALAKAYAN. Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa


pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral
sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.

PAGBAHAY-BAHAY. Ito ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang


pakikipag-usap sa mga mamamayan sa kanilang bahay. karaniwang mga
isyu sa barangay na nais ipahatid ang pakay ng mga taong nagbabahay-
bahay (mga opisyal ng barangay). Sa pamamagitan nito, nagkakaron ang
mga mamamayan ng mga impormasyon hinggil sa mga Gawain at layunin na
ipapatupad sa lugar.

Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa iba’t ibang lugar at


tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng
impormasyon. Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang background
investigation sa taong nais bumili ng kotse o mag-loan ng malaking halaga.
Nagsasagawa sila ng interview upang makakuha ng iba pang impormasyon, at
ma-beripika kung totoo ang lahat ng iyong isinulat sa kanilang application form.

PULONG-BAYAN. Usaping politikal ang karaniwang paksa nito. Ito ay ukol


sa mga gawain at layuning pambarangay at pambayan. Kinabibilangan ito
ng pangkat ng mga namumuno sa isang barangay o bayan kasama ang
mga mamamayan upang pag-usapan ang mga layunin, proyekto at/o mga
batas na isasakatuparan sa mga lugar. Ang pulong-bayan din ay di-gaanong
pormal kapag ang pinuno sa bayan ay nagsasagawa lamang ng anunsyo sa
pangkat ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsasalita.

Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang


pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago. Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat
ay binibigyan ng pagkakataon makapagsalita.

C. KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang paggamit ng
pagpapahayag na hindi ginagamitan ng salita. Hindi natin ito napapansin
sapagkat ang paggamit ng mga kilos, ekspresyon at mga paralenggwahe ay
umaayon sa bugso ng nararamdaman sa oras ng pagpapahayag. Ang tawag
dito ay mga uri ng komunikasyong di-berbal.

KINESIKA (KINESICS)- ito ay tumutukoy sa mga komunikasyong di-berbal


na may kaugnayan sa paggalaw ng katawan tulad ng tindig (posture),
kumpas (gestures), ekspresyon sa mukha (facial expression), at occulesics
na tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact) sa pagpapahayag ng
mensahe.

GALAW NG MATA. Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang


mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.

TINDIG. Isinasaalang-alang dito ang ideya kung paano naapektuhan ang


ibang tao sa paraan ng pag-upo, paglakad, pagtayo o kaya ay pagkilos ng
ulo. Kung paano ang paggalaw ng katawan o tumindig ay may iba’t ibang
kahulugan. Ang bilis at bagal ng paggalaw ay mayroon ding ipinapahiwatig.
Halimbawa: Sa Telebisyon, ang pag-upo nang nakakrus ang paa at
maayos nang pagtindig ay nagpapahiwatig na handa ang guest artist sa
mga tanong at iba pang ipapagawa.

PAGKUMPAS. Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at


kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol,
magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o
makikipag-alitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at
marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may
kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe
Halimbawa: Ang pagkaway ay maaring mangahulugang paalam o kumusta.

EKSPRESYON NG MUKHA. Ang mukha ay nakapagpapahiwatig ng


kaligayahan at saya, ng kalungkutan, galit, takot, at maging ang kabiguan.

OCCULESICS/PAGTINGIN. Kung paano ka tumingin sa iba ay


nagpapahiwatig ng maraming kahulugan. Ito ay maaaring nagpapakita ng
pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot at maski ang pagkagusto.
PANDAMA (HAPTICS)- ang pandama tulad ng paghawak ay
nakapagpapahayag din ng iba’t ibang kahulugan. Halimbawa: pakikipag-
kamay, paghawak sa kamay, pagtapik sa balikat at iba pa.

PROKSEMIKA(PROXEMICS)- tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaring


may kaugnayan sa dalawang taong nag-uusap. Ang distansiya ng mga taong
nag-uusap ay naghahatid din ng iba’t ibang kahulugan. Halimbawa: Distansya ng
guro at mag-aaral. Kalapitan ng magkakaibigan at iba pa.

PARALENGGWAHE (PARALANGUAGE)- Tumutukoy ito sa tono ng tinig


(pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama
rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto. - Ang
anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop
sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap. Halimbawa: pahinto hinto o pautal-
utal na pagsasalita, paghalahak, pagtawa at pagbungisngis.

BAGAY (OBJECT LANGUAGE)- Malimit itong tawaging material culture. Ito


ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid (na
tinatawag ding material artifacts). Karaniwang nauukol sa arkitektura tulad
ng mga disenyo ng damit, gamit, sasakyan, pati narin ang pagkakaayos ng
gamit sa opisina o bahay at pananamit ng isang tao.

ORAS. Binigyang pansin ang pagkakaiba ng umaga, tanghali, hapon,


takipsilim, gabi, hattinggabi at madaling araw. Sa ibang kultural na kalagayan
ang mga ito ay may kaugnay sa trabaho at pagpapahinga. Kaugnay nito,
maaring ang kaisipan ng mga Filipino na pumasok sa trabaho na lampas
sa takdang oras ng pagpasok samantalang ang mga Amerikano ay dapat
pumasok sa trabaho sa nakatakdang oras. Sa ibang bansa ay may winter,
summer, spring at fall.

SIMBOLO. Malinaw na mensahe ang hatid ng mga simbolo. Makikita ito sa


mga pamilihan, daan, palikuran sasakyan at iba pa.

KULAY. Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito.

KATAHIMIKAN/HINDI PAG-IMIK. Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay


nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo
at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag- imik, inihahanda
ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita.
May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang
kalooban ng iba. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang
damdamin ng isang tao sa ibang tao.

D. MGA EKSPRESYONG LOKAL

MGA EKSPRESYONG LOKAL


Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at
gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya.

Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa


pagpapahayag ng damdamin o pakikipag- usap na ang kahulugan ay hindi ang
literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong
hindi bihasa sa lenggwahe

.Tayo ay gumagamit ng mga ekspresyon na tangi sa lugar na ating


kinalakhan,. Iba-iba ang ekspresyog ito ayon sa lugar na kinabibilangang
pangkat ng tagapagsalita. Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawaing
pangkomunikasyon ng mga Filipino ay nag-iiba dahil sa heograpiya o
lokasyon ng tagapagsalita. Ito ang dahilan kung bakit may varyasyon ang
paggamit ng wika.

Halimbawa:

Tagalog: Bumangon ka na, mataas na ang sikat ng araw. (nangangahulugang


tanghali na kaya dapat bumangon na sa pagkakahiga at magtrabaho na.)

Ilokano: Bumtak ti sara’t nuangin (o sa iba ay nuangen). Sa literal na kahulugan


ay pumutok na ang sungay ng kalabaw. Kapag sinabi ang bumtak tisara’t
nuangin (nuangen) ay ipinagkakahulugang tanghali na at mataas na ang sikat ng
araw kaya bumangon na at magtrabaho na.

May mga ekspresyong lokal na karaniwan sa mga tagapagsalitang Filipino.


Ito ay nahahati sa tatlo: ang una ay ang mga katutubong ekspresyon,
pangalawa ay ekspresyong makabago at ang pangatlo ay ang ekspresyong
milenyal.
KATUTUBONG EKSPRESYON
Jeproks

Para kang sirang plaka

Kopong-kopong

Naniningalang pugad

Giyera patani

iIniputan sa ulo

Bugtong na anak

Topo-topo

Makunat pa sa belekoy

May pileges sa noo

MAKABAGONG EKSPRESYON
Anak ng....!

Diyaske

Susmaryosep

Bahala na o Sige lang

Ganun?

Diyos ko! O, Mahabaging Diyos!

Ikako

Mucho dinero

Totoy o Nene

Lutong Macau

EKSPRESYONG MILENYAL (HIGIT NA MAKABAGONG EKSPRESYON)


Humuhugot

Ansabe

Ligwak

Havey

Werpa

Lodi

E di wow!

Ginigigil mo ako

Petmalu

Pak

You might also like