252 Calderon Street, Commonwealth Avenue, Quezon City
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 3
IKALAWANG MARKAHAN- ARALIN 4
Kasaysayan ng mga Lungsod at Munisipalidad sa NCR(Lungsod ng Caloocan)
Ang Caloocan bilang
isang pangalang pampook ay mula sa salitang ugat na "lo-ok;" "kalook-lookan" (o "kaloob- looban") na nagngangahulugang "pinakaloob na lugar." Kolokyal na binabaybay ang pangalan ng lungsod bilang Kalookan. Ito ay itinatag noong 1815 at naging lungsod noong Pebrero 16, 1962. Ang Caloocan ay nahahati sa 188 mga barangay Tuwing Nobyembre 30 1863 , kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng bayani na si Andres Bonifacio, ay ginugunita ng taga- Caloocan ang kagitingan ng lahat ng bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa ating kasarinlan. Isinasagawa ang pag-alala na ito sa Andres Bonifacio Monument o mas kilalang Monumento. Ito ay isa sa mga lungsod na bumubo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Kanugnog ito ng Maynila sa hilaga. Ang kasalukuyang alkade ng lungsod ay si Oscar G. Malapitan. Pang-apat itong Siyudad ng Kalookan mula sa may pinakamalalaking populasyon sa bansa Ito lamang ang tanging lungsod sa Pilipinas na nahati sa dalawang magkalayong lugar. Ang Timog Kalookan City ay malapit sa Malabon City, Valenzuela City, Navotas, Quezon City. Ang Hilagang Kalookan naman ay malapit sa San jose del Monte City, at Marilao, Bulacan. Tinaguriang “Cradle of Katipunan”. Dahil Ito lang naman ang sentro ng mga gawain ng Katipunan. Isang bahay sa Caloocan ang pinag-gaganapan ng mga lihim na pagtitipon ni Andres Bonifacio kasama pa ang ilang kaalyado. At sa mismong city proper ng Caloocan naganap ang unang engkwentro at sagupaan ng Katipunan at mga Kastila
MGA MAKAYSAYANG LUGAR SA LUNGSOD NG CALOOCAN
1. MONUMENTO NI BONIFACIO Ito ay pangunahing dambana ng lungsod. Ito ay isang estrukturang gawa sa tanso na nililok ni Guillermo Tolentino, kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Estruktura noong 1973. Matatagpuan ito sa gitna ng rotonda. (pabilog na tagpuan ng mga kalye) sa panulukan ng Edsa , Rizal Avenue at MacArthur Highway. 2. SAN ROQUE CATHEDRAL Ang Caloocan Cathedral , na kilala bilang bilang San Roque Cathedral-Parish , ay ang katedral na matatagpuan malapit sa intersection ng 10 Avenue at A. Mabini Street sa Poblacion, Caloocan. Ang parokya ay nagsimula bilang isang maliit na visita ( chapel-of- easy ) na pinasimulan ni Manuel Vaquero, katulong na pari ng Tondo, Maynila , na sa kooperasyon ng mga tao ay nagtayo din ng isang lugar ng pagsamba sa isa sa mga distrito ng Caloocan na tinawag na Libis Aromahan ( Sitio de Espinas) noong 1765. Ang pari ay binigyan ang pamayanang ito ng dalawang estatwa : San Roque at ang Nuestra Señora de la Soterraña de Nieva (Birhen ng Nieva sa Segovia, Espanya). Ang simbahan ay itinayo isang parokya noong Abril 8, 1815, ng Arsobispo ng Maynila na si Juan Antonio de Zulaibar, OP kasama si Fray Manuel de San bilang unang pari sa parokya. Ang pormal na pagtayo nito bilang isang malayang parokya ay minarkahan din ang paglipat ng simbahan sa kasalukuyang lugar. Ang lugar na ito ay tinawag na Paltok , isang mataas na distrito sa bayan ng Caloocan. Ang konstruksyon ay nagsimula sa noong 1819 at natapos noong 1847 .