Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa panahon bago dumating ang mga Kastila sa lupain ng Pilipinas, naninirahan ang mga sinaunang

Pilipino sa mga baybayin at lupain kung saan mayroon mga likas na yaman na magagamit sa araw
araw. Ngunit nung dumating ang panahon ng pananakop ng mga Espanyol, kinailangan nila
magtaguyod ng sistema kung saan mapapasailalim nila ang mga Pilipino, isang kaparaanang
natuklasan nila ay ang pagsasagawa ng reduccion.

Ang Reduccion ay ang paglilipat ng mga Filipinong na nasa maliliit at kalat kalat na “barangay” sa
isang lugar upang sila ay madaling maabot ng mga prayle, ito rin ay ang pagtataguyod ng mga
kommunidad kung saan ang nasa sentro ay ang plaza complex, na naroroon ay ang mahahalaga at
makapangyarihang istruktura katulad ng simbahan, palengke. pahitan ng at munisipyo o “casa
tribunal” na simbolo ng kapangyirahan ng mga kastila. Ang kaparaanang ito ay naisagawa ng mga
mananakop na kastila sa Pilipinas upang masaayos ang kumbersyong Kristiyanismo ng mga
misyonero sa mga sinaunang katutubong Pilipino at upang masunod ang kanilang hangaring at
binubuong konsepto na urbanidad sa bansa. Upang masakatuparan ito, kailangan mailipat ang mga
katutubong Pilipino sa pangunguna ng mga datu, sa impluwensya ng mga kastila sa loob ng pueblo,
kasabay na rin nito ang pagbabago ng antas ng buhay ng mga ito. Dahil na rin sa sistemang ito,
naipasok nila ang kanilang mga ideya at kaalaman patungkol sa aspetong istruktural, politikal,
ispiritwal at pang ekonomiya sa ating bansa maliban sa pananaw ng mga katutubo. Ngunit ang
prosesong paglilipat sa mga katutubo ay hindi naging mapayapa dahil na rin sa isang paraan ito ng
panghihimasok sa kanilang buhay. Napilitang gumamit ng dahas sa pamamagitan ng militar ang mga
mananakop upang ang mga katutubo ay mapasunod, may iilan misyonero naman ang naidaan sa
diplomasya ang usaping reduccion ngunit nakakadami pa rin ay tumataliwas laban sa idelohiyang ito
at pagkalipas ng panahon ay bumabalik sa mga dating pook na kanilang pinamumuhayan.

Bagama’t

Conclusion notes:

Kumpara sa dating kaayusan:

Walang partikular na lugar sa datu at timawa

Europeo - Circular - Kaayusan na may sentro - palengke pihitan

Nahahati sa parisukat katulad ng nangyari sa intramuros

Binyagan at magbayad ng buwis

Baryo = Kapilya = Layunin na mabisita ng mga prayle ang malalayong baryo

Pagbabago ng kalooban at pagkatao

konsepto ng araw: noon tanghali takip silim gabi, redducion: batingaw ng kampana o panalangin

Buwan: noon pagtatanim at pag aani, reduccion: nobena, kapistahan ng mga santo, kuwaresma
Bibliograpia:

Ferrer, A. S. (2005). Reduccion sa Bohol sa Dantaon 16 hangang 19: Katangian at Anyo.

Hernandez, J. R. B. (2010). Reduccion: Ang Pag-uwi sa Diskurso ng Pananakop at

Pakikipagtunggali. ejournals.ph. https://ejournals.ph/article.php?id=7979

Chua, X. (2020, Agosto 5). Xiao Time: Reduccion part 1, ang pagpaplano ng mga pueblo.
youtube.com. https://www.youtube.com/watch?v=9YPYmoKdHws

Chua, X. (2020, Agosto 6). Xiao Time: Reduccion part 2, pagbabago sa pueblo at nayon, noong
pananakop ng mga Espanyol, youtube.com. https://www.youtube.com/watch?v=9YPYmoKdHws

You might also like