Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jasper M.

Villanueva Elective 1:
BSED3-Blk2 Gng. Mylene M. Merabite

“Ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig aay kung ano ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ng wika ay bayan-
taumbayan.”

Wika, ano nga ba ang wika? Sa simpleng pag papakahulugan ang wika ay ginagamit ng mga tao sa pang araw araw
na pamumuhay sa paraan ng pakiki-pagtalastasan, upang magkaroon ng pagkaka-unawan ang bawat isa. Sa
paraang ito merong pagkakak -isa ang bawat tao sa isang lipunan. Mapapansin natin na ang bawat lugar na
pinupuntahan natin ay may ibat-ibang lenggwahe na ginagamit. Subalit tayong mga Pilipino ay mayroong
pangunahing wika na ginagamit upang tayo'y magkaunawaan, at ito ang Filipino.
Kung gayon bakit nga ba sinasabi na ang wika ay parang isang tubig, na kung ano ang hugis ng sisidlan nito ay siya
ring hugis bg tubig at tayong mga tao ng bayan ang siyang sisidlan ng wika. Ang sinasabing sisidlan ay ito iyong
lalagyan ng anumang bagay. Maipapaliwanag na kung bakit ang wika ay maihahalintulad sa tubig sa kadahilanang,
ang wika ay dumedepende sa bawat kultura ng isang lugar, ito ay nahuhulma ng bawat tao ng lipunan sa bawat taon
na lumilipas. Na kung paano ito hubugin sa sariling sisidlan meron ang isang lugar ito ay nag reresulta ng hugis o
anyo ng wikang meron ang bawat lugar.
Bawat lugar ay nag huhulma ng iba't ibang anyo ng hugis ng wika, nakasalalay sa kanilang pag gamit, pag-aaral at
kinagisnan o kultura ang kanilang wikang ginagamit, upang sila ay magkaraon ng pag kaka-unawaan. Tayong mga
tao ng sambayanan ang nagbibigay hugis ng anyo ng ating wika. Tayo ang sisidlan na siyang nag bibigay ng
katatangi-tanging anyo ng ating wikang kinagisnan. Nararapat lamang nating pahalagan ang wikang meron tayo,
sapagkat bawat paglipas ng taon ang wikang meron tayo ay nagbabago sa kamalayang di natin napapansin.
Mahalin, protektahan, bigyang halaga at respetuhin ang bawat wikang meron tayo, ito'y pamana ng ating lipunan sa
bawat henerasyong nag daan.

You might also like