Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat Sa Piling Larang Week 2
Pagsulat Sa Piling Larang Week 2
Pagsulat Sa Piling Larang Week 2
BI
la
ha
a ma B I
gP G Senior High School
ri n
N A
aa I
g-
Pa I IP
ND
HI
Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik
Akademik)
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Paglalagom
Paglalagom:
Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief , Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1 , Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL , Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane,PhD LRMS Manager ,Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telephone Nos.: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School
Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
(Akademik
Akademik)
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Paglalagom:
Alamin ………………………………………………………………………………14
SubukIn : Pagkilala sa Uri ng Paglalagom ……………………………………..
Balikan:Ipabatid sa Bawat Titik …………………………………………………15
Tuklasin: Pagsulat ng Bionote .................................................................. …
Suriin:Pagsagot sa mga Tanong…………………………………………………17
Pagyamanin: Bionote ni Galileo S. Zafra ................................................... ..18
Isaisip: Paghahambing sa Bionote at Talambuhay…………………………….
Isagawa:Pakikipanayam sa Guro ............................................................. . 19
Tayahin : Katangian ng Bionote…………………………………………………
Karagdandang Gawain : Bionote Ukol sa Sarili ………………………………
Lagom ……………………………………………………………………………………………….20
Susi sa Pagwawasto……………………………………………………………………………….22
Mga Sanggunian……………………………………………………………………………………25
Para Saan ang Modyul Na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa Akademikong Uulatin : uri ng Paglalagom na
inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito
ay naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng sulating Abstrak ,Sinopsis, at
Bionote na lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at
masinop na pagsusulat sa piniling larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom tulad ng abstrak
,sinopsis, at bionote at ang kahulugan ,katangian , layunin at gamit ng bawat isa. Hahasain
ka sa pagsulat nito sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang
matamo ang mga kasanayang hinahangad.
Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
i
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral
aaral kung ano ang maaasahan
nila sa aralin.
iii
Aralin Uri ng Paglalagom:
1 Abstrak
Alamin
Subukin
____2.Isang
Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral
mag l ang natutuhan ang pagtitimbang
pagtitimbang-timbang ng
mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang
kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan.
____4.Kailangan
Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat
ito ay nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
____5.Kailangang
5.Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.
1
Balikan
pantulong na kaisipan
pantulong na kaisipan
pantulong na kaisipan
pangunahing kaisipan
2
Tuklasin
Pagsulat ng Abstrak
Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom
o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang
makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang
nilalaman ng sulatin o akda .Bukod sa nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang
pinakanilalaman ng isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral
habang nagsasagawa ng paglalagom, Una,natutuhan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito
gayundin ang mga pantulong na kaisipan.Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy
ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa,natutuhan niyang magsuri ng nilalaman
ng kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng
malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante.
Pangatlo, nahuhubog, ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular ang tamang paghabi ng
mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom,mahalagang ito ay mailahad nang
malinaw,hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat,ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o
pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang
angkop sa nilalaman ngtekstong binubuod.
Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral,,ito rin ay nakatutulong
nang malaki sa larangan ng edukasyon,negosyo, at propesyon. Dahil samabilis na takbo ng buhay sa
kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan,
nakatutulong nang makali ang pagbabasa ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng
pinakabuod ng isang mahabang babasahin,teksto,o pag-aaral.Bilang paghahanda sa totoong buhay
ng propesyon at pagtatrabaho,mahalagang matutuhan mo ang paggawa ng iba;t ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral,Negosyo, at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa arling
ito , ay lubos mong matutuhan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o buod – ang abstrak , synopsis o
buod at bionote.
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng
isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng
pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract( 1997), bagamat ang
abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko
tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon, resulta at konklusyon.
Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko ,lahat ng mga detalye o
kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin, hindi maaaring
maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat
nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag
ang mga ito.
5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.
Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang mga katanungan
ukol dito.
1.Ano ang kahulugan ng lagom? _______________________________________________________
2.Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng
paglalagom?______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?___________________
__________________________________________________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang Abstrak
?______________________________________________________________________________
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan sa
pagsulat nito? _______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4
Pagyamanin
Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK :Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang elemento nito.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng
mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang
sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient
sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang
ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-
walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang
mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong
pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
Suriin natin ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay .narito ang tamang sagot.
Luntian: Rasyunali
Asul : Metodolohiya
Itim : Saklaw at Delimitasyon
Pula : Resulta ng Pananaliksik
Isaisip
Isagawa
Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang elemento nito
gamit ang matrix.
3.Metodolohiya 4.Resulta
6
Tayahin
Abstrak
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
Karagdagang Gawain
Subukin
Panuto: PAGTUKOY SA PAKSA: Kilalanin ang tamang sagot sa mga katanungan. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
____1.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panonood , pagsasalita ,
pakikinig , at pagsulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.librari
____2. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang pinakamahalagang
ideya at sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
____3.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
____4. Sa pagbubuod ,basahin , panoorin, o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
_____5. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____6.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang
sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
_____7. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____8.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirangnakalahads
kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
_____9. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____10. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang makamtan ang layuning
makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma
8
Balikan
Elemento ng Abstrak
Introduksyon/Rasyunali
Metodolohiya
Saklaw at Delimitasyon
Resulta
Tuklasin
Pagsulat ng Sinopsis
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang
kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula, video,pangyayari ,at
talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang talata
talata o higit pa o maging ng ilang
pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito
ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita. Ang pagbubuod
uod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag pag-
unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o
minsan naman, ito ay di
tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito.
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong
inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iw
Iwasan din ang
magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang m
maging obhetibo sa
pagsulat nito .
9
Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Tukuyin at sagutin ang mga katanungan.
.
1.Ano-ano ang layunin ng sinopsis?:___________________________________________________
________________________________________________________________________________
2.Bakit kailangang banggitin ang pamagat at pinanggalingan ng akda sa iyong sinopsis?
________________________________________________________________________________
3. Batay sa paksa ,masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang pagsunod sa mga pamamaran sa
paggawa ng sinopsis ? Bakit?
__________________________________________________________________________________
4. Isulat ang paraan o hakbang na ginagamit sa ikalawang pangungusap ng sinopsis ng Ang Alamat
ng Ko So Thah “May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan sa
paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa at
kapatid.”____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksyon ,akda o pelikula bago ka sumulat ng
sinopsis? __________________________________________________________________________
6..Kunin ang mga panghalip na panao na nasa ikatlong panauhan na maaaring( isahan at maramihan)
mula sa halimbawang sinopsis. “Ang Alamat ng Ko So Thah” hal. sila
___________________________________________________________________________________
7. Kunin din ang lahat ng pandiwang(verb) nasa pangkasalukuyang aspekto sa “Ang Alamat ng Ko So Tah”
hal. naninirahan -
__________________________________________________________________________________
8. Ganoon din ang lahat ng pang-ugnay sa “Ang Alamat ng Ko So Thah”. hal.bagamat
___________________________________________________________________________________
Pagyamanin
Pamagat at May-akda
Simula /
Tagpuan
Gitna/
Mga Tauhan , Banghay
(Panimula,Pataas na aksyon o tunggalian,
Wakas
Kinalabasan/Resolusyon
11
Isaisip
Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN:.Sumulat ng isang talatang may lima o higit pang pangungusap
na magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang pangunahing kaisipan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Isagawa
“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang
sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.
Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga
alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng
singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at
magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit
muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang. 25 “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi
siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan
at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila.
‘Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy
at walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng
kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming
taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang
maliit na kambing para
12
magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ng anak ninyong ito, na
lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang
guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari ari-arian ay sa
iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit
nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’
Tayahin
Panuto : KATANGIAN NG SINOPSIS : Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin ,
gamit , anyo (porma) ng Sinopsis.. Isulat ito sa tsart.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin Sinopsis ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
Sinopsis
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
Karagdagang Gawain
Panuto: PAGSULAT NG KWENTO SA BUHAY: Ang isa sa katangian ang tekstong naratibo ay ang
pagkakaroon ng maayos na banghay na magpapakita sa pagkakasunod-sunod
sunod ng mga pangyayari.
Gamitin ang bondpaper/papel at sundin ang proseso ng mga pangyayaring bubuo sa banghay ng
akdang “KWENTO NG AKING BUHAY ”.Isulat ang pamagat at may-akda nito.
SIMULA
WAKAS SAGLIT NA
KASIGLAHAN
KAKALASAN KASUKDULAN
13
Alamin
Subukin
Panuto : PAGKILALA SA PAKSA:Basahin at suriin ang mga katanungan at piliin ang titik ng angkop
na sagot. Isulat ito sa patlang.
_____1.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katu-katulad ito sa
talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
_____2. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o pinapahayag
tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa isang kaganapan. Minsan ay
maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at kadalasan ay may katabi itong piktyur ng
may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
_____3. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng mga sulating
papel, web sites at iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.Akademiko D.Arkitektural
_____4.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon
tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
_____5. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
_____6.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____7.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
14
_____8.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____9.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.nata
B.natapos C.tirahan D.pangalan
____10. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga mababasa ukol
sa kasanayan ng may-akda
akda at mga parangal at nakamit nito.
A. naratibo B.impormatibo C.ekspresibo D.deskriptibo
Balikan
Panuto: IPABATID ANG BAWAT TITIK (Akrostik): Malaki ang tulong ng sinopsis sa pagpapaikli ng
isang akda o teksto. Ipinahahayag ito nang buo,
buo maayos at mabisa anupa’t taglay nito ang mga
pangunahin at pantulong na kaisipan. Ngayon ,gamit ang mga letra ilahad
had ang kabuoang kaisipan ukol
sa paksa.
S ---
I ---
N ---
O ---
P ---
S ---
I ---
S ---
Tuklasin
PAGSULAT NG BIONOTE
Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng
isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya
ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay
higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic
Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng
kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga
sulating papel, websites, at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang
ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging
“Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng
bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.
15
https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yourself.html.
Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag ,koordineytor at
may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”
katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon,
16
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa
pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang
hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote
.
PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON
MAHALAGANG IMPORMASYON
DI-GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON
5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian – mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at chef “.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na kailangan banggitin sa
bionote ang pagiging negosyante at chef.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan – Kung may PhD halimbawa at nagsusulat
ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na
ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung paminsan-minsa ay
magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan o
upang ipakita sa iba ang kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.
https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815
Suriin
2.Sinasabing ang Bionote ay kinikilalang isang marketing tool, ano sa palagay mo ang dahilan?
__________________________________________________________________________________
4.Bakit kailangang kilalanin ang mga mambabasa o target na market sa pagsulat ng Bionote?
_________________________________________________________________________________
5. Bakit pinapahalagahan nang malaki ang katapatan ng isang tao sa pagsulat ng kanyang Bionote?
__________________________________________________________________________________
17
Pagyamanin
Panuto : BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA : Buoin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-sunod ang
bionote ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Isulat ang sagot sa
bondpaper/papel.
Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling Filipino.
Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamatasan at
institusyong pangkultura.
Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa Departamento
ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines -Diliman.
Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999) ,at
nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan : Mga Salita Mula sa Iba’t
ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of Translation sa UP Press.
Isaisip
Panuto: PAGHAHAMBING NG BIONOTE AT TALAMBUHAY: Batay sa natutunan mo sa
dalawang salita. Itala
tala kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Bionote at Talambuhay sa
pamamagitan ng Venn Diagram.Isulat
Diagram. ito sa sagutang papel
Bionote Talambuha
(Pagkakaib y
a) Pagkakatulad (Pagkakaib
18
Isagawa
Tayahin
Panuto : KATANGIAN NG BIONOTE : Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian .layunin
gamit , anyo (porma) ng Binote.
Binote Isulat ito sa tsart.
Bionote
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
Karagdagang Gawain
19
Lagom
Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang
talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang
ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito,
mahalagang maibuod ang nilalaman
nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag pag-unawa sa
diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring
lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang
basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha
pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda,
mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng buod.
20
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Batay sa natutunan mo sa buong modyul , basahin at sagutin ang mga katanungan
katanungan. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
B. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri
Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri
Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng
tesis,disertasyon,papel
asyon,papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito
Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang
binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang
Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga 32akita32 , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa
.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
____9.Ang 32akita32enting ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral
aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi
(bahagi ito ng hal. Ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal
na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling
madal maunawaan at makamit ang
totoong layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit
Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sul sulatin, talagang
inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang 33akita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang
nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14Mahalagang
Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay
malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
21
Susi sa Pagwawasto
Modyul 2
Panimulang Pagtataya (iii) Modyul 2
1.D Aralin 1
2.B Subukin (p.1)
3.C 1.TAMA
4.A 2.TAMA
5.A 3. MALI
6.C 4. MALI
7.B 5. MALI
8.D
9.B
10.B
11.C
12.A
13.B
14.A
15.C
Modyul 2
Balikan (2)
Pangunahing kaisipan - .
Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula
sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory
Syndrome (MERS-CoV)
CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV).
(SARS CoV).
Pantulong na Kaisipan _
***Bagaman ito ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing
pag ubo/pagbahing at malapit na personal na
pakikipag-ugnay,
ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa
paghawak ng bibig, ilong, o mata.
***Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao.
***Marami pa ring coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari
ring makahawa sa mga tao.
22
Modyul 2
Aralin 2
Subukin (p.8)
1.A
2.C
3.B
4.A
5.C
6.B
7.A
8.D
9.C
10.B
Isagawa (p.13)
Pagbubuod
May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana nito at
kanyang ginugol sa mga makamundong gawain. Dumating ang panahong naubos ang lahat ng
kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagdalita at namuhay nang masahol pa
sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa hirap at sakit na kanyang naranasan,
napagtanto niya ang kanyang masasamang ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa kanyang
ama, nagpakumbaba at humingi ng tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak,
buong-puso niya itong tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik na
ikinasama naman ng loob ng panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang
ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inalo ng kanyang ama at ipinaliwanag na
siya ay lagi niyang kapiling at ang lahat ng ari-arian niya ay para sa kanya subalit ang bunsong
anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit muling
nasumpungan.
23
Modyul 2
Aralin 3
Subukin (p.15)
1.A
2.D
3.C
4.B
5.D
6.A
7.C
8.C
9.B
10.B
Pagyamanin (p.19)
Pangwakas na Pagtataya
1.D 8.D
2.B 9.B
3.C 10.B
4.A 11.C
5.A 12.A
6.C 13.B
7.B 14.A
15.C
24
Mga Sanggunian
Aklat
Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan (Akademik )Phoenix
Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book Store 2016 Edition
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016
Internet Sites
https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I
https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-32&version=SND;FSV
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-
tl.aspxhttp://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html
Journal
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
25