Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
_____________________________________________
(School)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 5

Learning Area: FILIPINO Module: 7 Week: 7 Date: ________________


MELC:
 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap. (F5PS-IIh-c-6.2)

Layunin:
 Nasasagot ang mga tanong sa binasang teksto.
 Naibibigay ang mga mahahalagang pangyayari sa binasang teksto.
 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga pangungusap
ukol dito.

Araw at Oras LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)


 Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang
makabuluhang araw.
 Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo kasama ang
miyembro ng iyong pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
 Sa panimula ng aralin, hayaan munang magkuwento ang mag-aaral tungkol sa kanilang
mga naging karanasan nitong nagdaang mga araw.
 Matapos ang maikling kuwentuhan, ibigay sa iyong anak ang modyul at ang inihandang
sagutang papel na kanilang gagamitin sa pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.

SUBUKIN
 Susubukin ang kaalaman ng iyong anak sa gawain sa pahina 5 tungkol sa pagkakaiba ng
parirala at pangungusap.
Tandaan: Magkaroon ng kaunting usapan ukol dito bago pa man simulan ang gawain.

BALIKAN
 Sagutin ang pagsasanay sa pahina 6. Sa bahaging ito ng modyul ay malilinang ang kaalaman
ng bata sa pagbuo ng pangungusap na may buong diwa.
Tandaan: Maaring magbigay muna ng ibang halimbawa para sa gawain.

TUKLASIN
 Isang akda na pinamagatang “Alamat ng Suha” na nasa pahina 7 ang babasahin ng iyong anak.
Matapos nito ay may mga katanungan sa pahina 10 na kaniyang sasagutin.
Tandaan: Ang mga tanong ay masasagot nang tama kung uunawaing mabuti ang nilalaman
ng alamat. Habang binabasa ito ay maaari kang magtanong sa bata upang masiguradong
nauunawaan niya ito.

SURIIN
 Basahin ang pahina 11. Sa bahaging ito ay magkakaroon ng malalim na pagtalakay tungkol sa
pagkakaiba ng parirala at pangungusap.
Tandaan: Tiyakin na maunawaan ng mag-aaral ang nilalaman ng aralin at ang mga paalala sa
paglinang nito.
PAGYAMANIN
 Sa parteng ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng bata ang konsepto ng aralin.
Mayroong anim na pagsasanay dito. Malayang Gawain 1 hanggang 3 at Malayang Pagtataya 1
hanggang 3 na kaniyang dapat sagutan mula sa pahina 12 hanggang 14.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng iyong anak ang mga inihandang pagsasanay.
Sundin nang tama ang bawat panuto na makikita sa bawat gawain.

ISAISIP
 Buksan ang pahina 15. Sa bahaging ito ay magsusulat ang iyong anak ng talata gamit ang
konseptong kaniyang natutuhan.
Tandaan: Bigyan ng patnubay ang mag-aaral sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata.

ISAGAWA
 Isagawa ang gawain sa pahina 16.
Tandaan: Sa bahaging ito ay makikita ang natutuhan ng mag-aaral tungkol sa pagsulat ng
pangungusap.

TAYAHIN
 Dito mo lubos na masusukat kung naunawaan ba ng bata ang tamang konsepto ng aralin.
Kailangan niyang sagutin ang gawain na nasa pahina 17.
Tandaan: Muli ay gabayan ang anak habang sinasagutan ang bahagi ng Pagtataya subalit
napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng bata.

KARAGDAGANG GAWAIN
 Sa bahaging ito ay sasagutan ng mag-aaral ang karagdagang gawain na tiyak na susukat pa rin
sa kaalamang natutunan niya. Makikita ito sa pahina 19 ng modyul.
Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang iyong anak nang buong ngiti at may
pagmamalaki. Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga susunod
pang mga aralin.

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Personal na isasauli ng mga magulang ang natapos na modyul at sagutang papel o awtput sa gurong
tagapayo sa itinakdang araw na pagbabalik nito.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

______________________________ ________________________
Guro __ Punong Guro
Petsa: ______________ Petsa: ___________________

You might also like