Professional Documents
Culture Documents
Sosyedad at Literatura Aralin 2 at 3
Sosyedad at Literatura Aralin 2 at 3
2
3
ARALIN 2: PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN
PANITIKAN
– Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Kahirapan
– Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na
walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.
Komyun 1 Komyun 2
– Natitipon dito ang iba't ibang sulatin hinggil sa mga isyu ng maralita, tulad ng
karapatan sa pabahay, paglaban sa demolisyon, kahirapan, ang adhikaing pagbabago
ng sistema, pagsusulong ng sosyalismo, at iba pa; inilathala bilang aklat na "KOMYUN:
Katipunan ng Panitikang Maralita", Na nakapaglathala na ng dalawang aklat (unang aklat
- disyembre 2007, ikalawang aklat - disyembre 2008), at inilathala ng Aklatang Obrero
Publishing Collective.
4
pangkalahatan. Habang ang salapi ay ay sukatan ng kayamanan, ang kakulangan ng
salapi naman ay maaaring maging sukatan ng kakulangan ng kayamanan, ngunit hindi
iyan isang pangkalahatang suliranin ng kahirapan. Mga Prinsipyo." Ang kahirapan bilang
isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat na makikita sa bawat sukat
ng kultura at lipunan. Kasama rito ang mga kasapi ng pamayanan na may sadyang maliit
na kita. Kasama rin ang kakulangan ng mga serbisyo katulad ng edukasyon, pamilihan,
pangangalang pang-kalusugan, kawalan ng kakayanan na gumawa ng mga pagpapasya
sa sarili, at ang kawalan ng malinis na tubig, kalinisan at kaayusan, maayos na kalye,
transportasyon, at komunikasyon.
Sa mas malalim na kahulugan, ito ay isang "kahirapan sa ispiritu," na siyang
nagbibigay ng pahayag sa mga kasapi ng pamayanan na siya nilang pinaniniwalaan at
pinagsasaluhan sa isa't-isa, kawalan ng pag-asa, kawalang ng pagpapahalaga, at
katamaran. Ang kahirapan, lalo na ang mga sangkap na nagpapalala nito, ay isang
pangkalahatang suliranin, at ang kalutasan nito ay makikita rin sa paligid kung saan ito
namumutawi. Natutunan natin sa mga pahina ng web site na ito na hindi natin
malalabanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pag-angat ng mga sintomas o ipinapakita
nitong mga bunga. Ang kahirapan ay matatalo lamang sa pamamagitan ng paglusob
mismo sa mga dahilan ng pinagmumulan nito. Ang mga pulyetos nito ay ay naglilista at
nagbibigay-kahulugan sa "Limang Malalaki" na siyang dahilan na lalong nagpapalaki ng
suliranin sa kahirapan sa pangkalahatan.
Ang simpleng paglilipat ng mga pondo ay hindi nakakatulong sa pag-alis ng
kahirapan kahit na ito ay para sa mga biktima ng kahirapan. Sandali lamang nitong
naiaalis ang sintomas ng kahirapan kung kaya hindi ito isang mabisang paraan. Ang
kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay nangangailangan ng isang
pangkalahatang solusyon. Ang solusyon ay ang malinaw, may kamalayan at sadyang pag-
alis ng limang malalaking sangkap ng kahirapan.
6
Ating bigyang-sulyap ang lahat ng limang malalaki.
Kawalang-Kaalaman:
Ang kawalan ng kaalaman ay nangangahulugan ng kakapusan sa impormasyon o
kahibalo. Iba ito sa pagiging bobo na ang ibig sabihin ay kakapusan ng talino. Iba rin ito
sa pagiging tanga o hangal na kakapusan naman sa karanasan. Madalas kasi na ang
tatalong ito ay napapagpalit-palit at madalas inaakala ng mga tao na iisa lamang ang
kahulugan nila.
"Ang kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa kasabihan. Ang malungkot lamang,
alam ito ng ibang mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilin ang kanilang kaalaman
(bilang isang kasangkapan sa pagkuha ng lamang sa ibang tao), at kanila pa itong
itinatago mula sa ibang tao. Huwag mong asahan na kapag ikaw ay nagturo sa isangtao
ng kasanayan o nagbigay ka kaya ng impormasyon sa kanya ay kusang kakalat ang
impormasyon o kasanayan na iyon sa buong pamayanan.
Mahalaga na malaman at maintindihan kung anong impormasyon ang hindi
napaloob. Maraming nagpla-plano at matatalinong mga tao ang naniniwala na kung
nais mong tulungan ang isang pamayanan na lumakas, ito ay nakasalalay sa edukasyon.
Ngunit ang edukasyon ay maraming mga mukha at bagay. Ang ibang mg impormasyon
ay maaaring hindi mahalaga sa kung ano ang sitwasyon sa isang pamayanan. Hindi
makakatulong sa isang magsasaka na malaman na sina Florante at Laura ay may
masalimuot na pag-iibigan. Mainam pa ang pag-alam sa kung anong uri ng buto ng
halaman ang maaaring mabuhay sa kanilang lupang sinasaka at ano ang hindi na dapat
pang itanim pa.
Ang pagsasanay sa mga serye ng dokumento sa pagbibigay-kapangyarihan sa
pamayanan ay naglalaman rin ng pagtatawid ng kaalaman. Hindi ito katulad ng isang
pag-aaral na makikita sa silid-aralan na kung saan ay may sinusunod na mga
7
alituntunin ayon sa antas ng kaalaman ng mag-aaral. Dito ay itinutuon ang pag-aaral sa
mga kaalaman sa kung papaano magkakaroon ng kakayanan na lalo pang lumakas ang
isang pamayanan.
Sakit:
Kapag ang isang pamayanan ay may mataas na antas ng pagkakasakit, mas
madalas ang pagliban sa trabaho, mas mababa ang producksiyon, at mas maliit na kita
ang nagagawa. Maliban sa mga bagay na hatid ng mga sakit, tulad ng paghihirap,
kawalan ng saya, at kamatayan, ito rin ay isang malaking sangkap sa paghihirap na
nadarama ng isang pamayanan. Ang pagging malusog ay hindi lamang nakatutulong sa
isang tao upang mamuhay ng maayos. Ito rin ay nakakaragdag sa pag-alis ng kahirapan
sa isang pamayanan.
Kahit saang lugar man, ang pag-iingat ay mas mainam na pansangga sa mga sakit
kaysa sa mga gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng PHC (primary health
care o pangunahing pangangalaga sa kalusugan). Ang ekonomiya ay masmasagana kung
ang mga tao ay malulusog; mas higit kaysa kung ang tao ay nagkakasakit at kailangang
gamutin. Ang kalusugan ay tumutulong upang maalis ang kahirapan, na mas lalong
naipapakita sa pagkakaroon ng ligtas at malinis na maiinom na tubig, pagkakaroon ng
maayos na sanitasyon o pagkakahiwalay ng mga dumi sa pinagkukunan ng tubig,
kaalaman sa kalinisan at pag-iwas sa mga sakit. Ang mga ito ay nakahihigit kaysa sa
pagkakaroon ng mga klinika, mga doktor at mga gamot na alam naman nating may
kamahalan. Mas makakatipid ang pamayanan sa pagkakaroon ng kaalaman sa pag-iwas
sa mga sakit.
Tandaan na mas nakatuon angpansin natin sa mga sangkap, hindi sa mga
pinagmumulan. Hindi na mahalaga kung ang TB o tuberkolosis man ay dala ng mga
dayuhang-puti na unang nakipagkalalakal sa ating mga ninuno o ang sakit na ito ay
likas na sa ating lugar. Hindi na mahalaga kung ang HIV na siyang nagdadala ng sakit na
AIDS ay sanhi ng CIA (Central Intelligence Agency ng Amerika) dahil sa kagustuhan nilang
gumawa ng sandatang bayolohikal, o kung ito man ay galing sa mga berdeng mga
unggoy sa mga sopas. Ang lahat ng nabanggit ay maaaring mga pinanggalinganng
mga sakit. Ang pag-alam sa pinaggalingan ng sakit ay hindi mag-aalis ng mga sakit. Ang
pag-alam sa mga sangkap na nagdudulot ng sakit ay makapagbibigay ng tamang
direksiyon tungo sa mas mainam na kalinisan at tamang asal sa kalusugan. Ang mga ito
ay tuluyang makapag-aalis ng sakit.
Maraming mga tao ang naniniwala na ang pagkakaroon ng pag-aalagang
pangkalusugan mula sa mga mnamumuno ay isang karapatan ng tao. Nakapaloob rito
ang pagtanggal ng sakit at paghihirap at mas mataas na kalidad ng pamumuhay ng mga
tao. Ang lahat ng mga ito ay isang balidong katwiran na siyang nagpapalawig ng
kalusugan ng mga tao. Ang pinagtatalunan rito ay ang katwiran na ang malusog na
8
mamamayan ay nakakatulong sa pag-alis ng kahirapan, at hindi dapat sukatin lamang
ang kahirapan sa antas ng pagkakaroon ng sakit at kamatayan. Tandaan rin ang mga
sakit ay nakararagdag sa iabng mga porma at aspeto ng kahirapan.
Kawalang-Pagpapahalaga:
Ang kawalang-pagpapahalaga ay nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng
pakialam, o kung pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang mabago ang mga
bagay sa paligid nila, na itama ang isang kamalian o pagkakamali, o kaya ay gawing mas
mainam ang ayos ng kanilang pamumuhay.
Minsan, ang mga tao ay nakararamdam na hindi nila makakamit ang isang bagay.
Madalas rin na nakararamdam sila ng selos o inggit sa mga kamag-anak o tao sa
pamayanan na nagsisikap na makamit ang mga bagay na hindi nila masubukang kamtin.
Pagkatapos ay pinipilit nilang ibagsak ang taong nagsisikap upang maging katulad nilang
naghihirap rin. Ang pagiging walang pakialam ay nagbubunga ng kawalan ng
pagpapahalaga.
Minsan, ang kawalan ng pagpapahalaga ay tama ayon sa relihiyong
pinaniniwalaan, "Tanggapin kung ano ang nandiyan, dahil itinakda na ng Diyos ang iyong
kapalaran." Ngunit ang ganyang paniniwala ay maaaring maabuso o gamitin sa mali.
Tama lamang na maniwala na ang Diyos ang nagtakda ng iyong kapalaran, kung ating
tatanggapin na ang Diyos ay maaaring magpasya na kailangang iahon natin ang ating
sarili sa kahirapan sa pamamagitan ng pagsisikap."Manalangin sa Diyos, ngunit patuloy
pa ring sumagwan patungo sa katihan," isang kasabihan ng mga Ruso, na nagpapakita
na tayo ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit mayroon rin tayong pananagutan sa ating
mga sarili.
Tayo ay nilikha na mayroong mga kakayanan at abilidad: upang mamili, upang
makipagtulungan, upang maging maayos para sa ikauunlad ng antas ng ating mga
buhay; hindi natin dapat gamitin ang Diyos o si Allah upang huwag ng kumilos pa. Iyan
ay masama tulad ng isang sumpa mula sa Diyos. Marapat na ating purihin ang Diyos at
gamitin ang angking kakayanan na nagmula sa Kanya.
Sa laban kontra sa kahirapan, ang isang tagapagpakilos ay gumagamit ng
panghihikayat at pagpupuri, upang ang mga tao ay (1) magkaroon ng kagustuhan at
(2) at matuto kung papaano ang gagawin ─ sa tamang pagpapatakbo ng kanilang
sariling mga buhay.
Hindi Mapagkakatiwalaan:
Higit pa sa usaping moral ang naganap kapag ang mga dapat magamit na mga
bagay para sa serbisyo o pasilidad ng isang pamayanan ay napunta lamang sa bulsa ng
mga taong nasa kapangyarihan. Sa mga serye ng pagsasanay na ito, hindi natin
binibigyan ng husga kung ito ba ay tama o mali. Atin lamang ipinupunto na ito ay isa sa
9
mga malaking dahilan ng kahirapan. Kawalan ng tiwala sa mga taong dapat ay binibigyan
ng tiwala, mga taong nasa poder at kapangyarihan. Ang halaga na ninakaw sa masa, na
siyang najuha at tinatamasa ng taong kumuha, ay malayo kaysa sa pagliit ng kayamanan
na siyang dapat na nakalaan para sa masa.
Ang halaga ng salapi na sapilitang kinuha o kaya ay winaldas ay hindi ang halaga
ng pagpapababa ng kayamanan para sa isang pamayanan. Sinasabi ng mga Ekonomista
ang tungkol sa "multiplier effect" o epektong-pangmaramihan. ito ay ang katotohanang
higit pa sa bagay na kapalit ng salapi o bagay na ipinunla sa isang pamayanan ang
makukuha, sapagkat ang ekonomiya mismo ang siyang magkakaroon ng positibong
epekto sa ginawang pagpupunla. Kapag ang ipinunla na salapi o bagay ay inalis ng tuluyan
sa sirkulasyon ng pagpupuhunan, ang halaga ng kayamanan na naialis sa pamayanan ay
higit pa sa halaga ng nakuha ng isang nagwaldas. Kapag ang isang tauhan o opisyales
ng pamahalaan ay kumuha ng 100 pisong suhol, ang puhunan para sa pangkalahatan ng
pamayanan ay nababawasan ng hanggang 400 piso para sa kayamanan ng lipunan.
Nakalulungkot isipin na tayo ay nagagalit kapag ang isang simpleng magnanakaw
ay nanguha ng 10 pisong halaga ng bagay mula sa isang palengke, samantalang ang
isang opisyal ng pamahalaan ay nakapagnanakaw ng libo-libo hanggang milyung-milyong
pisong halaga ng salapi mula sa kaban ng bayan. Ang halagang nananakaw na ito mula
sa kaban ng bayan ay may katumbas na apat na beses na pagkasira sa lipunan sa
kabuuan, ngunit hindi natin sila napapansin o nahuhuli kaya. Iyan ay sapagkat ating
iginagalang, pinangingilagan ang mga ganitong uri ng tao dahil sa kanilang kayamanan
at madalas nga ay pinupuri pa nating sila kapag sila ay nakakatulong sa kanilang mga
kamag-anakan o kababayan. Sa isang simpleng magnanakaw, pulis ang ating inaasahan
upang sila ay mahuli, samantalang sa isang magnanakaw na opisyales ay halos 'bulag'
ang ating hustisya.
Ang mga ganitong opisyales na hindi mapagkakatiwalaan ang siyang malaking
dahilan ng kahirapan samantalang ang simpleng magnanakaw ay isang biktima ng
kahirapan na gawa ng opisyales na hindi magnanakaw. Ang nabanggit na sitwasyon ay
higit pa sa isang nakalulungkot na kaisipan; iyon ay isang sangkap na nagpapatagal ng
kahirapan. Kapag ating binibigyang gantimpala (sa pamamagitan ng pagtingala sa
kanilang estado sa buhay bilang mayaman) ang mga magnanakaw sa gobyerno na siyang
malaking sangkap ng kahirapan, at pinarurusahan lamang ang mga maliliit na
magnanakaw (na siyang tunay na biktima ng mga pangyayari), tayo ay may pag-uugali
na siyang lalong nagpapalala ng kahirapan. Kapag ang ninakaw na pera ng bayan ay
inilabas ng bansa at inilagak sa isang dayuhang (halimbawa ay sa mga Swiso) bangko,
hindi na ito nakakatulong sa pambansang ekonomiya; tinutulungan lamang nito ang
bansang nagpapatakbo ng mga naturang mga bangko.
10
Pagiging Palaasa:
Ang pagiging palaasa ay nagiging bunga ng pagtanggap ng limos o awa. Kung
minsan, ang pagtanggap ng limos ay hindi masama, kung ito ay nagaganap para sa
panandaliang pagsagip ng buhay. Ang halimbawa ay kung makalipas ang isang sakuna
o kalamidad. Ngunit kung ang pagtanggap ng limos ay gaganapin sa mahabangpanahon,
ito ay maaaring makasama ng tuluyan sa tumatanggap, at lalo lamang nagpapalaganap
ng kahirapan.
Isang ugali, o paniniwala na ang kung ang isang tao ay napakahirap at walang
kakayanan at hindi niya kayang tulungan ang kanyang sarili ay kailangang umasa na
lamang siya sa tulong mula sa ibang tao. Ganoon rin ang nangyayari sa isang lugar na
may kahalintulad na ugali o paniniwala. Ang malungkot, ang ganyang ugali at ang
magkakaparehong maling paniniwala ang siyang pinakamalaking katwiran sa sariliupang
mapanatili ang antas ng tao o grupo ng tao na umasa na lamang mula sa tulong ng iba.
Marami pang ibang mga dokumento at sulatin sa web site na ito na tumatalakay
sa pagiging palaasa Tignan: Pagiging Palaasa, at Paglantad ng mga Nakatagong mga
Pagkukunan. Kapag ipapakita kung papaano gagamitin ang paglalahad ng mga istorya
o kuwento upang mas mainam na maiparating ang mga mahahalaganag mga prinsipyo
o paniniwala ng pag-unlad, tignan ang istorya ni Mohammed at ang Tali. Ito ay ginagamit
bilang isang magandang pagpapakita ng prinsipyo na ang tulong ay hindi dapat isang uri
ng limos na maaaring magpahina ng kakayanan, at mas lalong maghikayat ng pagiging
palaasa. Ang dapat na tulong na binibigay ay iyung nagbibigay-kapangyarihan.
Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan sa isang pamayanan ay isang
alternatibo o kapalit sa pagbibigay-limos (na nagpapahina). Ito ay nagbibigay tulong o
asistiya, kapital at pagsasanay na nakatuon sa mga may maliliit na kitang mga
pamayanan, pagkilala ng kanilang mga pagkukunan-yaman at sariling-pagpapatakbo ng
kanilang sariling kaunlaran--pagiging may-kapangyarihan sa madaling salita. Madalas,
kapag ang isang proyekto ay nakatuon sa pagpapakilala at pagpapa-unlad ng pagtayo sa
sariling mga paa ng isang pamayanan sa pamamagitan ng pagpapataas ng kaalaman at
kamalayan ng mga tao, inaakala na ang proyekto ay dumating para lamang sa
pagpapatayo o paglalagay ng isang pasilidad o serbisyo sa isang pamayanan.
Bilang isa sa mga limang-malalaking sangkap ng kahirapan, ang pagiging palaasa
ay isa sa mga pinakamalapit na inaalala ng isang tagapagpakilos sa isang pamayanan.
11
Kabuuan:
Itong limang sanhi ay hindi nagsasarili sa bawa‘t isa. Ang karamdaman ay
tumutulong sa kamangmangan at kawalang-damdamin. Ang panlilinlang ay tumutulong
sa karamdaman at pagpapakalinga. Kapwa sila tumutulong sa bawa‘t isa.
In any social change process, we are encouraged to "think globally, act locally."
The Big Five factors of poverty appear to be widespread and deeply embedded in
cultural values and practices. We may mistakenly believe that any of us, at our small
level of life, can do nothing about them.
Huwag malungkot o mawalan ng pag-asa. Kung ang bawat isa sa atin ay
magkakaroon ng sariling paglalaan upang malaban ang kahirapan sa kahit anongmukha
nito sa ating buhay, tayo ay makapag-aambag upang mapuksa ang mgasangkap ng
kahirapan na nabanggit para sa tunay na tagumpay laban sa kahirapan. Ito ay sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng paggawa ng bawat tao na may parehong
layunin, isama pa ang epekto nito na makikita sa ibang mga tao na maaaring tumulad sa
ating mga ginagawa para sa iisang layunin: pagpuksa ng kahirapan.
Ang mga materyales ng pagsasanay sa web site na ito ay nakatuon sa pagpapaliit
ng antas ng kahirapan sa dalawang antas, (1) pagpapababa ng kahirapansa pamayanan
sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga tao o grupo ng tao sa isang pamayanan upang
sila ay magkaisa, bumuo kilusan at kumilos para sa sama-samang pagkilos ng
pamayanan, at (2) pagpapababa ng kahirapan sa sarili sa pamamagitan ng paggawa
upang magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga maliliit
na negosyo.
Ikaw, bilang isang tagapagpakilos ay nasa isang mahalagang posisyon
upang magkaroon ng epekto sa limang-malalaki na mga sangkap ng
kahirapan. Sa paggamit ninyo ng inyong mga kasanayan at pagpapakilos para
sa pagpapababa ng kahirapan, makakasiguro kayo ng inyong mabuting
layunin, makapipigil sa mga taong may masamang layunin upang sirain ang
mabuting kaayusan, at makapanghihikayat kayo sa tamang paraan sa mga
kalahok na tao upang subukang magamit nila ang mga kasanayan sa paglaban
sa mga sangkap ng kahirapan.
Ang limang malalaking mga sangkap ng kahirapan (bilang isang problemang-
pangkalahatan) ay naglalaman ni : kawalang-kaalaman, sakit, kawalang- pagpapahalaga,
hindi mapagkakatiwalaan at pagiging palaasa.
Ang mga ito, sa isang banda, ay nagpapalala sa pangalawang mga sangkap ng
kahirapan tulad ng kawalan ng palengke o lugar na mapagnenegosyuhan, kawalan ng
mabuting mga inprastraktura (mga daan, tulay, gusali), mahinang pamumuno,
masamang pamamahala, kawalan ng trabahong may tamang pasahod, kawalan ng mga
kasanayan, kawalan ng perang gagamiting kapital at marami pang iba.
12
Ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa kahirapan ay ang pangkalahatang
solusyon sa pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan.
PARALEGAL AT MARALITA
Sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
Libu-libong mga maralita ang pinalalayas na lamang na parang hayop sa mga
pampubliko at mga pribadong lupa, sa mga lupang tatayuan ng proyekto ng gobyerno,
tulad ng imprastruktura, tulad ng kalsada, tulay, at iba pa. Winawasak ang kanilang
mga tahanan dahil nakatirik sa mga delikadong lugar, tulad ng estero, tabing-ilog, riles,
at bangketa. Sila umano‘y masakit sa mata ng gobyerno‘t mga kapitalista, lalo na‘t may
bumibisitang ―importanteng‖ dayuhan sa bansa. Kailangan silang idemolis at itapon sa
malalayong lugar. Parang pusang gala ang tingin sa kanila ng mga matapobreng nasa
poder ng kapangyarihan. Winawasak ng mga nasa kapangyarihan ang mismong dignidad
ng maralita. Dinedemolis ang tahanan ng maralita ng walang ―due process of law‖,
walang ―equal protection of the laws‖, at walang makatarungang kumpensasyon. Ang
matindi pa rito, mabilisan ang pagpapatupad ng desisyon kapag ito ay hindi pabor sa mga
tao.
Sa ganitong kadahilanan, tama lamang na malaman ng maralita ang ilang mga
batas na may kaugnayan sa kanila at sa lipunang ginagalawan upang kanilang
maipagtanggol ang kanilang karapatang mabuhay ng maayos at marangal, karapatang
magsalita at magpahayag, karapatang magkaroon ng disenteng paninirahan, karapatang
magkaroon ng sapat na trabaho, karapatang ituring na tao at hindi basura, at iba pang
karapatang nasusulat sa Universal Declaration of Human Rights (1948), International
Covenant on Civil and Political Rights (1966), International Covenant on Economic, Social
and Cultural Rights (1966), Konstitusyon ng Pilipinas (1987), at iba pa. Ang batas ay dapat
kumiling sa maralita, pagkat sa katayuan pa lang ay agrabyado na sila. Sila ay mahirap,
habang ang nagpapademolis sa kanila ay mayaman, o kaya‘y makapangyarihan, o nasa
poder. Kaya nararapat lamang idepensa ng maralita ang kanilang sarili, laluna ang
kanilang komunidad, kung sila‘y idedemolis at sapilitang palalayasin sa lugar ng hindi
dumaan sa makataong proseso.
Kadalasan, nabibigla na lamang ang maralita na may demolition order mula sa
korte. At ang asal ng mga nagdedemolis sa mga maralita ay katulad ng mataderong
kumakatay ng baboy. Wala silang pakialam sa maralita, kahit na lalong mapariwara ang
dati nang aping buhay nito.
Pero dapat may gawin ang maralita. Dapat niyang ipagtanggol ang kanyang
dignidad na matagal nang ninakaw ng sistemang panlipunang umiiral. Sistemang ang
tingin sa mga maralita ay hayop na walang karapatang mabuhay.
13
Narito ang ilang ibinahaging kaalaman sa mga maralita hinggil sa usaping
paralegal. Ang paralegal ay ang pag-alam at paggamit ng sinumang hindi abogado ng
mga batas na umiiral sa layuning ipagtanggol o idepensa ang sinuman sa ngalan ng
hustisyang panlipunan.
Ilan sa mga batas na may kaugnayan sa maralita ay ang mga sumusunod:
a. Artikulo XIII, Seksyon 9 at 10 ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
b. Artikulo III, Bill of Rights ng Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987
c. Republic Act 7279, mas kilala sa tawag na UDHA (Urban Development and
Housing Act), o Lina Law
d. Executive Order 152
Mga maaaring isampang kaso pagkatapos ng sapilitang pagdemolis.
a. Kasong kriminal – maaaring sampahan ng kasong kriminal ang mga
nagdemolis kung lumabag ang mga ito sa batas-kriminal, tulad ng damage toproperty,
theft, robbery, grave threats, grave coercion, atbp, kung saan maaaring mabilanggo
ang mga nagdemolis at magbayad ng multa
b. Kasong sibil – maaari ding pagbayarin ng damages, tulad ng disturbance fee
at moral damages, ang mga nagdemolis dahil sa perwisyong kanilang naidulot.
c. Kasong administratibo – maaari ding kasuhan ang mga nagdemolis ng kasong
administratibo, tulad ng reprimand o warning, suspension, at dismissal.
Dapat na tandaan na lahat ng ito ay may legal forms, o mga kasulatang
tumatalakay o nagsasabi hinggil sa bawat transaksyon, kasunduan, ligal na liham,
apidabit, subpoena, resibo, at iba pa. At hindi dapat katakutan ang anumang legal forms,
kundi unawaing mabuti ang nilalaman.
Dapat din nating maunawaan ang iba‘t ibang doktrina ng pag-aari ng lupa, tulad
ng Regalian na noong panahon ng Kastila, lahat ng pampublikong lupa sa Pilipinas ay
pag-aari ng Espanya (ngayon ay wala na ang batas na ito, dahil wala na tayo sa panahon
ng mga Kastila). Nariyan din ang Torrens system, kung saan ang mga titulo ng lupa ang
siyang mapagpasya o matibay na patunay ng pag-aari ng lupa. Dapat ding alamin kung
ano ang OCT (original certificate of title) at TCT (transfer certificate oftitle) para
matiyak na hindi mapupunta sa kamay ng sindikato ang lupa.
Halimbawa namang idinemolis na ang bahay ng maralita, dapat niyang idemanda
ang nagpademolis kung hindi ito sumunod sa tamang proseso. Dapat ding humingi ng
disturbance fee ang mga maralita.
Kapag nasira ang mga kagamitan ng maralita, sampahan nila ng kasong damage
to property ang mga nagdemolis. Kapag nangawala ang mga kagamitan ng maralita dahil
sa mga demolition teams, dapat silang magsampa ng theft o robbery. O kung sapilitang
kinumpiska o inagaw ng sinuman sa demolition teams ang kanilang mga ari- arian,
kailangan nilang magsampa ng qualified theft.
14
At ang mahalaga ay ang paggamit natin ng mga metalegal na pamamaraan, tulad
ng rali, barikada, atbp., upang depensahan ang ating karapatang mabuhay sa lipunang
ito.
15
sahod lamang ng manggagawa ay P537 (2019), na malayo sa kahilingan ng mga
manggagawa na P750 minimum wage. Mayorya ng mga trabahador ay
kontraktwal at walang mga benepisyo.
16
patakaran at mga programa. Subalit hindi ito demokrasya kung hindi
pinakikinggan ang mamamayan. Kapag nagkumento ang maralita, siya ay kalaban.
Kapag tumutol ka sa gusto ng pamahalaan, ikaw ay kalaban, kulong ka. Kapag di
ka paawat, patay kang bata ka. Sa demokrasya sa bansa, ang kapitalista ang
nagdidikta dahil magkauri sila ng mga elitista. Sa ating mga maralita, magkaisa
tayo at sama-samang magsuri sa sistemang umiiral. Ang sanhi ng kahirapan ay
ang mga maling sistema at kalakaran.
Iyan ang kaibhan ng lipunan sa kasalukuyan. Kaya sana'y maitanong natin sa ating
mga sarili kung tama ang ating mga pagsusuri. Para hindi natin danasin pa sa mahabang
panahon ang kahirapan, lalo na sa ating susunod na salinglahi.
17
pribatisadong paghahabol sa panahon na walang sistemikong serbisyo publiko at
pagtulong na mahihita sa estado.
18
• Ang kosmopolitanismo ng politikal na protesta ay pagdadala ng agenda (fantasy
ideal) ng organisadong mamamayan para sa pagpapatupad ng hustisya sosyal,
ekonomiyang kalagayan, at politikal na empowerment.
19
• Ikalawa, hindi naman talaga gitnang uri ang ―gitnang uri,‖ napapaastang gitnang
uri ang gusto—lifestyle, kalakaran, operasyonalisasyon, tunguhin at kalidad ng
buhay—ng hindi aktuwal na gitnang uri.
• Melankolia dahil paratihang ibinabalik ng pagiging di gitnang uri—ang mayoryang
underclass—ang gitnang uri. Na kahit saglit at panandalian itong nadaranas, kahit
mas matagal ang kinakailangang paggawa para kumita, itinuturing na ito bilang
preferensiya ng kalidad ng buhay.
• Sa lente ng buhay ng gitnang uri, ang uring afiliasyon ay nagbabago. Nagkakaroon
ng pagtatraydor (betrayal) sa uring pinagmulan (class origin) para ang
identifikasyon ay pumanig sa abstraksiyon at materyalisasyon ng gitnang uri.
Abstraksiyon ito dahil nga sa mas maraming pagkakataon ay dinaranas lamang ito
sa malawakang antas ng fantasya, ng imahinaryong makakamit din ang gitnang
uri sa di malayong hinaharap. Materyalisasyon ito dahil nga sa pamamagitan ng
sachet
• economy, charity at casino public service, manaka-nakang napaparating ang
pribilehiyadong karanasan ng gitnang uri. Tulad ng imahinaryo, ang gitnang uri
ay nililikha bilang abot-kamay,
• abot-tanaw na panuntunan. Parang kay daling abutin kahit hindi.
• Ang akses man sa kulturang popular ay sa pamamagitan ng gitnang uring
panuntunan. Kailangang gumasta—ibig ding sabihin, kailangang tumbasan ng
lakas-paggawa—para makaranas ng kulturang popular.
• Nagpapaalam tayo sa pasakit at pighati para matagpuan ang kasiyahan. May ligaya
sa kamangmangan ang umaastang gitnang uri. Kahilingang i-off angswitch ng
aktuwalisasyon ng kahirapan para madanas ang ilang saglit na kaligayahan o
kayamanan. Sa bawat saglit ng abang buhay—ang kolektibisasyon ng 80
porsiyentong mababang uri at 20 porsiyentong gitnang uri— napapaindayog sa
kumpas ng tugtog ng isang porsiyento.
20
pag-angat. Nalulugi siya sa negosyong pinasok. Natatalo sa mga isinugal.
Nangungutang kapag may nagkakasakit sa pamilya. Silang gitnang uri ay
naniniwala sa imahinaryo ng gitnang uring fantasya.
• Kulturang popular na lamang ang malawakang tinatangkilik, at dito na lamang
naghahanap ng subersibong kahulugan at pagbasa na taliwas sa hegemoniya ng
naghaharing uri. Akademiko ang treatment, at alam natin na walang nabago ang
akademya sa praktika ng pag-iisip at pagkilos ng malawakang mamamayan.
21
ANG MAHIRAP, LALONG PINAHIHIRAPAN Ni Kokoy Gan
– Mula sa akda masasalamin ang kawalan ng pagkakapantay pantay sa pagitan ng
ibat ibang estado ng ating lipunan.Makikita na mas nagkakaroon ng mas
magandang opurtunidad at pagtrato ang mga taong may mas mataas na estado
sa ating lipunan.
Sabi nga... "Ang mayaman lalong yumayaman at ang mahirap lalong naghihirap.‖
Bakit nga ba may ganitong salita. Totoo ba ito? Pero may isang nakakarinding panunuya
ng mga mayaman. Kaya raw may mahirap dahil tamad at walang walang diskarte sa
buhay. Hindi raw nagsusumikap. Pero may mga iba diyan may mga ilang pinalad at
naging instant yaman.
Bulnerable talaga ang mahirap, dahil may mga pagkakataon na nagagamit ng
mayaman ang mahirap. Nagagawang alipin dahil sa kakarampot na salapi para sa
kanyang pangangailangan para mabuhay. Ang iba nasasadlak sa kumunoy,naipagpapalit
ang dangal at puri dahil pag hindi nya ginawa ito siya ay unti unting mamatay.
Isa lamang iyan sa mga dinadanas ng mga mahihirap na hindi man iyan
maitatanggi dahil kitang kita iyan sa mga nangyayari. Pero ang mayaman ay
nagsasamantala sa mahirap, ginagamit ang pera para sa kanilang kapakanan at kapritso.
Hindi kapani-paniwala, meron ding taong mayaman na ipinapantay niya ang
kanyang pamumuhay para lasapin o pantayan ang maging mahirap sapagkat ito lang ay
pagkukunwari. Hindi ko sinasabi na ang mahirap ay madaling mabili lalo na sa mga
panahon ng eleksyon pero may patunay naman lalo sa mga kanayunang mataas ang
antas ng kahirapan. Sa tuwing halalan, bumabaha ang salapi at nanalo ang kandidatong
nakakalamang ang yaman.
Pero hindi pa iyon ang mga politikong trapo lalo na sa mga mambabatas ang
ginagawa nila para mapanatili sa poder ng kapangyarihan at yaman. Nakikipag-alyado sa
mga malalaking bilang na pareho ng kanilang interes. Ang siste pa, gagawa sila ng mga
batas na pumapabor sa mayaman. Isang kahibangan at kitang-kita na inilusot nila ang
chacha na sa pormang federalismo. Nakakarindi at nakakatakot ang ganitong nakikita
natin sa ganitong resulta, ipinagpapalit na ang kapakanan ng bayan at ng kanilang
dignidad.
Ang nakakatakot pa tiyak gagamitin ng mga kaalyado ang kanilang pondo para
siguraduhing pag nagkaroon ng plebisito, lalansihin ng mga birador ang mayorya ng
mahihirap para sa kanilang kapakanan. Ano ba ang mga binago nila sa mga probisyon
na ginawa ng constitutional convention na paglimita sa 3 terms na ginawa nilang no term
limit at tuloy ang political daynasty. Pag nangyari iyon tuloy-tuloy ang kanilang
22
kasawapangan na kahit batas ang kanilang gagawin ay malaya na nila itong magagawa
dahil maglalagay na sila ng mga regulasyon para sa kanilang proteksyon.
Kitang-kita naman ang kanilang balak. Magkakadugtong ang pulitikong trapo at
kapitalistang namumuhunan sa panahon ng eleksyon, para pag naipanalo na, magiging
proteksyon na sa kanilang negosyo na ang iba pa sa kanayunan ang mga politikong
nakaupo ay kinukontrol ang negosyo sa kanilang lugar. Yong mga serbisyo gaya ng tubig,
cable at kung anu-ano pa ay kanilang pinapasok para magpayaman at pag may eleksyon
uli may pambili n naman ng boto??
Bakit may may manluluko at naluluko? Sabi nga kung walang magpapaluko walang
manluluko. Bakit ang mahirap nagpapauto sa mayaman at pulitikong trapo? Samantalang
may mga batayan na. Saan ba dapat matuto? Di ba sa karanasan at pagtuklas? Matuto
na ‗yong mga uring api. Huwag magpa-bodol-bodol sa mapanlinlang na ang hangad
lamang ay kanilang sariling interes. Bagamat nandiyan ang kamay ng neoliberal na
huhugpong.
Dapat nating ipakita ang pagkakaisa bilang mayorya at labanan ang pang-aapi sa
mahirap.
BACLARAN
tula ni Edelio De los Santos
23
Sa kulob at erkon na mga sasakyan,
ang tingin sa kapwa, hawig ng basura,
katabi'y sugalan nilang mayayaman.
Kahirapan sa Pilipinas
Akda ni Ghie
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas
nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang
may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?
Sabi nga nila, ―Katamaran ay katumbas ng Kahirapan‖. Tama sila, at tama rin
naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng
karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo,
maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rinnatin
sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos
kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang
araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan
ng kahirapan.
Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa,
ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay
ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang
sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng
isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila.
Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero
wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang
makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng
bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang.
Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang
naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan
kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga
pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang
kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulangng mga
batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan,
24
walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng
mga gutom na bata ang makikita natin.
Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon
sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang
trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa
libreng pag-aaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi
sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.
Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga
mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin,
malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o
simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.
25
sabi ng hari ay gagantimpalaan niya ang gobernador dahil sa malaking nagawa niya sa
lalawigan. Sa pag-uwi ng hari mula sa maghapong pagdalaw sa probinsya, napansin niya
ang mahabang pader na agarang ipinatayo ng gobernador. Hiniling niyang makita ang
nasa kabila nito. Walang nagawa ang gobernador. Dito‘y agad nakita ng hari ang kalunus-
lunos na kalagayan ng mga nakatirang mahihirap sa kabila ng pader. Itinatago pala ng
gobernador ang tunay na kalagayan ng lalawigan. Bumaba ang hari‘t nakitang maraming
namamayat at ang iba‘y halos mamatay sa gutom, marami ang nagkakasakit at walang
nag-aasikaso. Dahil dito, binawi ng hari ang gantimpalang sana‘y ibibigayniya sa
gobrnador.‖
Sa pinakasimple, para itaboy ang kahirapan, dapat resolbahin ito ng pamahalaan
pagkat sila ang namumuno at nasa poder ng kapangyarihan. Hindi nararapat na basta na
lamang itaboy ang mahihirap pagkat sila‘y biktima lamang ng kahirapan, biktima ng bulok
na sistemang nag-anak sa kahirapang kanilang nararanasan. Walang silbi ang isang
gobyernong hindi kayang lutasin ang problema ng kanyang mga nasasakupan. Dahil
doon, nararapat lamang silang mawala sa poder.
26
mula sa inaani, mas pinapaboran pa ang pag-iimport ng produkto – halimbawa ang bigas
at sibuyas.
Hindi matatakasan ang kahirapan at kagutuman, dahil walang sistema ang
gobyeno kung paano lulutasin ang problema. Nababaluktot ang daang matuwid.
27
walang pinag-aralan, mga bobo at ignorante, patay-gutom, at ito‘y natanim sa kanilang
diwa sa mahabang panahon hanggang sa ngayon, kung kaya‘t ganoon na nga ang
paniniwala ng mga mahihirap. Ang pakiramdam nila‘y kulang ang kanilang pagkatao,
kakaiba sila sa mga marangya at nakakataas sa lipunan. Kaya‘t sa tuwing makakaharap
sa mga mayayaman ay sunud-sunuran lamang ang mga ito at wari‘y nanginginig pa, hindi
makapangatwiran kahit na hindi makatarungan para sa kanilang ang ipinagagawa o ang
nais mangyari ng mga naghaharing uri.
Sa panahon ngayon ito‘y nagaganap pa rin, katulad ng pagtrato ng mga
namamahala ng mga kumpanya sa kanilang mga empleyado o ng mga pinuno ng
pamahalaan o burukrasya sa mga karaniwang kawani nito, maging sa Simbahan man
sa pagitan ng mga pari at madre at ng karaniwang layko, o sa tahahan mismo kung
paano ituring ng mga amo ang kanilang mga katulong o kasambahay. Dahil sa pag-
tratong may pang-aalipusta ang mga mahirap ay tuluyan nang nawalan ng tiwala sa sarili
nilang kakayahan sa paniniwalang wala silang magagawa dahil sa sila‘y ―pobre‖ lamang.
At dahil dito‘y hindi na nagkaroon ng hangad na magsikap kaya‘t naging
―apathetic‖ na rin sila. Nakaukilkil na sa kanilang mga puso, isip at kaluluwa na ganito
na talaga ang buhay. At ito‘y namana natin sa ating mga ninuno hanggang sa ngayon.
Ngunit sa kabila ng kanilang mababang pagtingin sa sarili ang mga mahirap ay
nangangarap din na magkaroon ng magandang buhay, na maging katulad ng mga
mayayaman at naghaharing uri sa lipunan. Sa kanilang palagay ang pagiging ganap na
tao ay ang katulad ng mga mayayaman, at sa tingin nila magiging ganap lamang ang
kanilang pagkatao kung sila‘y makaahon sa kahirapan. Kaya nga marami sa mga
mahihirap, na tinatawag na ―masa‖, ang nalululong sa mga telenobela o mga palabas
sa telebisyon lalo‘t kung may kuwento ng mahihirap na umasenso, pagka‘t sa sandaling
panahon ng panonood ay nakakalimutan nila ang kanilang mga suliranin sa buhay at
nakikita nila ang kanilang mga sarili doon sa mga bida sa mga telenobela at nangangarap
na mangyari din ang pagtatagumpay sa kanilang buhay.
Ganito rin maipapaliwanag ang pagkakalulong ng mga mahihirap sa alak. Sa
karaniwang araw ang turing nila sa kanilang mga sarili‘y mga hampaslupa, walang kwenta
at api, ngunit sa kaibuturan ng kanilang mga puso‘y naghahangad ding umasenso at
makaahon sa kahirapan. Datapwa‘t dahil wala silang nakikinitang pag-asa sa abang
kalagayan, ay idinadaan na lamang ang kanilang mga problema sa pag-inom kung saan
panandaliang nakakalimutan nila ang kanilang abang kalagayan. Sa kalasingan
nagkakaroon sila ng sariling mundo, ang mundo na nais nilang manyari sa kanilang buhay
na hindi nangyayari sa tunay na buhay. Kapag sila‘y nalalasing lumalabas sa kanilang
mga bibig ang mga hindi nila masabi sa karaniwang araw, katulad ng mga hinaing, mga
hinanakit, o mga hangarin nila sa buhay, kasama na rin ang pagyayabang na kaya nilang
gawin ang lahat.
28
angat ng ating ekonomiya? Babalik tayo sa tanong noon ng mga awtor o manunulat
patungkol sa human development na ―Development for Whom?‖ ―Para kanino ba ang
pag-unlad‖?
Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang mga
mayayaman ang tiyak na sasabihin nila‘y ―marami kasi sa atin ang tamad‖. At hindinaman
natin sila masisisi sa ganitong pananaw dahil umagang-umaga pa lamang nakikipag-
inuman na ang ibang mga kalalakihan sa barangay, walang kusang magbanat ng buto, at
naghahangad na lamang ng biglaang kita na parang ―instant coffee‖. Ang iba sa halip
na maghanap ng kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at habang
natatalo ay lalong nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-
baon sa utang na lalong nagpapalugmok sa kahirapan. Ang lalong nagpapabigat sa
ganitong problema, wala na ngang trabaho, ayaw magbanat ng buto, saksakan pa ng
bisyo – sugal, alak o droga. Siga pa, palaaway, nambubugbog ng asawa o mga anak.
Kaya paano nga naman aasenso?
Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan, ayaw magbanat ng buto, pero
nangangarap ng masarap na buhay? Ay di hanggang pangarap na lang tayo?
Kung tatanungin naman ang mga aktibista kung bakit mahirap tayo ang kanilang
sasabihin ay ―dahil sa pagkakasakal ng mga mayayaman at naghaharing-uri sa lipunan‖
katulad ng mga panginoong may-lupa at mga negosyante na madalas sila rin ang mga
pinuno sa pulitika. At dahil sila ang mga namumuno sa pulitika ang kanilang mga
balakin at gawain ay patungo sa higit na pagpapaibayo ng kanilang mga interes, ng
kanilang mga negosyo at ng kapakanan ng kanilang mga pamilya lamang. Kaya nga sila
tumatakbo sa pulitika ay upang ma-proteksiyunan ang kanilang mga negosyo at iba pang
mga interes, hindi talaga kapakanan ng mga tao ang layunin nila. Kaya patuloy na lumalaki
ang agwat ng mayaman at mahirap.
Kaya ano nga ba ang dahilan ng ating kahirapan? Katamaran nga ba? O ang
paghahari ng mga mayayamang panginoong may-lupa o may-negosyo?
Maaaring may katuwiran ang parehong argumento, at higit pa, sapagkat maaaring
may kaugnayan ang dalawang dahilang ito.
29
Mga Tula Hinggil sa Kahirapan oo, isang totoong unan lamang
kahit punda‘y katsa o kamiseta
Unan isang totoong unan lamang
August 6, 2015 by plumaatpapel ni hindi kapirasong bato
Rogelio L. Ordonez o nilamukot na mga diyaryo
upang mapayapang mahimbing
(Tula) naglalagalag na isipan
at sandaling matakasan rumaragasang
(masidhing pinapangarap ng isang
hilahil
batang babaing matagal nang nakatira‘t
sa bawat gabi ng pananagimpan
natutulog sa bangketa)
para sa pagsilay ng umagang
totoong unan lamang makulimlim
laging naglulunoy sa iyong pangarap at lagi‘t laging naninimdim
sa halos limang taon nang paglalakbay di matamlay na apuhapin
sa lumuluhang gabi ng dilim at sagimsim sa bituka ng nagtatanod na kariton
sa bangketa man ng recto o abenida alinman sa dadalawang unipormeng
sa gubat ng lungsod ng dalita‘t dusa. halinhinang humahalik sa katawan
sa pagpasok sa pampublikong paaralan
totoong unan lamang at sa paglalakbay ng isipan
kahit gawa lamang sa lumang basahan daluhungin man lamang kahit saglit
at di sa malambot na bulak ng ng anag-ag ng pag-asa
mayaman puso‘t diwang nangungulila
kapiling mong matutulog sa bangketa sa mailap na mga petalya ng rosas
bulag na ina at amang lupaypay sa ng lantay na pagsinta.
pagpadyak
sa traysikel ng buhay at pag-asa. oo, isang totoong unan lamang
tangi mong pangarap
oo, isang totoong unan lamang sa bawat paghimlay
huwag nang isang parisukat na kuwarto sa malupit at marahas
sa barungbarong man sa gilid ng estero madilim na gabi ng buhay!
huwag nang isang tablang bangkinito…
sapat na kapirasong karton at malamig Natitigan Ko Mukha
na semento Ng Pagdurusa
habang pinaglalaro sa utak January 25, 2015 by plumaatpapel ni
mga lapis at libro Rogelio L. Ordonez
mga papel at kuwaderno (Tula)
mga letra at numero
hubad na pisara‘t daliri ng yeso natitigan ko
mga pandesal at biskotso mga mukha ng pagdurusa
at mga ngiti ng kawalang-malay nakaukit sa mga bangketa
sa ilang oras na paglalakbay ng sanga-sangang mga kalsada
sa munti‘t nakabilanggong mundo. nakapaskel sa dibdib ng mga eskinita
naghilera sa balikat ng canal de la reina
sa kalunsuran ng mga pangamba.
30
nakapinta rin ang mga iyon ng mga labing natatakam
sa naninilaw na damuhan at nangungulila sa kapirasong pag-asa?
nakatulala sa mga pilapil at pinitak matutulog ka na lamang ba‘t
ng kabukirang di sibulan ng pag-asa. magpapantasya
o hihimuking lahat nang kamukhang
natitigan ko ihasa‘t iwasiwas tabak ng laya‘t ligaya?
mga mukha ng pagdurusa
Di na Ako Makahabi ng Tula
sa mahaba ko nang paglalakbay February 7, 2016 by plumaatpapel ni
sa pagitan ng dilim at liwanag Rogelio L. Ordonez
sa mga burol at sabana
hanggang sa aspaltadong mga kalsada ilang araw na akong nakatulala
mga mukha iyong malamlam ang mga sa papawiring makulimlim
mata di ako makahabi ng tula
kumikibot mamad na mga labing tumakas at nagliwaliw ang mga salita
umaamot ng kapirasong ligaya nagkagutay-gutay papel ng kamalayan
sa kulimlim na papawirin mga metapora‘y pumailanlang
ng dalita‘t dusa. sa kalawakang nilunok ng dilim
mga imaheng mapagmulat at matulain
oo, natitigan ko
at mga talinghagang dapat arukin
lahat na yata ng mukha ng pagdurusa ibinartolina sa kagubatan ng pangamba
umuukilkil, nanunumbat at sa kabukirang di sibulan ng pag-asa
sa puso ko‘t kaluluwa
ibig pang gahasain ng mga buntala.
gumugutay sa himaymay ng aking
laman di na ako makahabi ng tula
humahagupit sa pinto ng isipa‘t katinuan pilantod na ang mga taludtod
anong iyong ginawa nang parang ulilang mga saknong ay uugud-ugod
sigang di tuloy makaakyat sa gulod
unti-unting naghihingalo apoy ng pag- mga eskinita ng parnaso‘y di mayakap
asa dibdib ng bangketa‘y di malamutak
sa mga mukhang kamukha ng iyong kinulaba mga mata at di makita
mukha? luha‘t pawis ng manggagawa‘t
mahimbing ka na lamang bang magsasaka
matutulog di marinig hinagpis ng mga sawimpalad
sa daluyong ng pagsasamantala‘t paano tutulain pa epiko ng pakikibaka
inhustisya? ng sambayanang masa kung mga
daliri‘y
oo, natitigan ko‘t laging umaali-aligid ikinadena‘t dinurog ng dusa?
mga mukha ng pagdurusa
muli akong maglulunoy sa iyong mga
anong iyong ginawa nang makita mong
alaala
sila‘y humihikbi‘t lumuluha
muli kong sasamyuin mga pulang rosas
sa hangin at sinag ng araw ay
sa ulilang hardin ng mga pangarap
nagmamakaawa?
muli kong idadampi ang palad
anong iyong ginawa
sa nagnaknak na sugat ng mga dantaon
nang maulinigan mo hinaing
muli‘t muli kong palalanguyin ang diwa
31
sa ilog ng dugo at luha di para sa ating sarili
at magbabanyuhay ang lahat di para sa ating sikmura‘t katawang
muling aalingawngaw singasing ng dinudusta
punglo sa maalindog na mga templo‘t palasyo
atungal ng kulog at bombang pumutok ng mga mapagsamantalang pinagpala.
saka lamang, oo, saka lamang bawat araw, namumukadkad ang
makahahabi ako ng tulang pagmamahal
magsasabog ng mga talulot ng apoy sa himaymay ng ating laman
sa puso‘t diwa ng uring busabos at dahil mga ugat nati‘y karugtong ng mga
dayukdok! ugat
ng mga sawimpalad, ng uring dayukdok
Lumuluha Tayo’t Nananaghoy at binubusabos
September 8, 2014 by plumaatpapel ni silang walang habas na ikinakadena
Rogelio L. Ordonez ng mga diyus-diyosan sa bilangguan ng
dalita‘t dusa
(Tula)
lumuluha tayo‘t nananaghoy lumuluha tayo‘t nananaghoy
di dahil ipinagdaramdam natin dahil dugo nila‘t dugo nati‘y nagmumula
sarili nating mga kasawian sa iisang batis
o dinudurog sarili nating mga puso ng sagradong mga pangarap at adhikain
ng mga dagok ng karalitaan at kapwa natin nakikita mabining
lumuluha tayo‘t nananaghoy pagdausdos ng hamog
dahil napagmasdan natin sa dila ng naninilaw na mga damo
mga aninong walang masulingan sa burol man o sabana ng pakikibaka
at mga katawang ginagahasa ng oo, tigib ng pagmamahal ating mga
karimlan puso
sa mga gabi ng paglalakbay at para sa laya‘t ligaya ng bayang
paglalamay pinakasisinta.
sa paghahanap ng liwanag oo, lumuluha tayo‘t nananaghoy
sa gubat ng dilim at sagimsim dahil hitik puso natin ng matimyas na
lalo‘t walang kumikindat ni isang bituin pagmamahal
sa papawirin ng ating sagradong mithiin. dinadaluyan ng malasakit at pakikiramay
sa lahat ng naglalagos mga titig
lumuluha tayo‘t nananaghoy sa mga bubong na pawid sa kabukiran
dahil patuloy na binubukalan ating mga sa inaagiw na mga eskinita sa
mata kalunsuran
ng mga luha ng dalamhati ng lahi at nagdarasal na mga barungbarong
habang naglilingkisan sa telon ng sa balikat ng nagbalatay na estero
balintataw mulang tripa de gallina hanggang canal
mga eksena ng malagim na pelikula de la reina.
sa pinakasisintang la tierra pobreza.
lumuluha tayo‘t nananaghoy lumuluha tayo‘t nananaghoy
dahil hitik sa matimyas na pagmamahal dahil bumubulwak sa ating mga puso
ating mga puso matimyas na pagmamahal
32
ngunit nag-aalab ating mga utak ng delubyo ng pagbabago
habang nagdiriwang sa mesa mapanlinlang na mga templo
ng karangyaan at mapagsamantalang mapagsamantalang mga palasyo
kapangyarihan ng iilang mga tuso‘t abusado?
silang mga diyus-diyosan ng balintunang
lipunan sa pasigan ng kamalayan
at titiguk-tigok naman lalamunan nagnanaknak makadurog-puso‘t
ng masang sambayanang ibinubulid nananangis
sa kumunoy ng kahimahimagsik na na mga larawan ng hubad na
karalitaan. kaapihan…
oo, lumuluha tayo‘t nananaghoy silang hinihilamusan
ngunit ito‘y hindi magpakailanman ng dusa‘t luha‘t panambitan
kapag tuluyang naglagablab mga apoy silang namamaluktot
ng sigang sinindihan sa ating dibdib sa miserableng mga ―condo‖
ng mga aninong kalansay na ngayon sa ilalim ng tulay ng kabiguan
magbabanyuhay rin ang lahat kaulayaw ng mga insekto‘t dagang
bawat patak ng ating luha‘y huhulmahin ayaw kalingain ng di patas na lipunan
sa pandayan ng layang dakila silang araw-araw na sinisinghot
at magiging mga punglong itutudla alingasaw ng nagbalatay na estero
sa puso‘t lalamunan sa gilid-gilid ng kalunsuran
ng uring baligho‘t gahaman silang araw-araw na palaman sa tiyan
para sa ganap na katubusan ―pagpag‖ mula sa inuuod na basurahan
ng kadugong dayukdok at alipin silang hukot na mga aninong
at ganap ding kasarinlan naglalamay
ng lugaming la tierra pobreza! sa mga asyenda‘t pabrikang walang
humpay
Sa Pasigan Ng Kamalayan sa kanila‘y umaalipi‘t nanlalamang.
September 15, 2013 by plumaatpapel ni
Rogelio L. Ordonez oo, sa pasigan ng kamalayan
di ako magsasawang hintayin
(Tula) tsunami ng ngitngit ng sambayanan
sa pasigan ng kamalayan parang mga bomba rin itong sasabog
hinihintay ko tsunami sa mesa ng walang pakundangang
ng ngitngit ng sambayanan… kapangyarihan
sa laot ng dagat ng kamulatan at walang budhing karangyaan
dumadagundong na‘t dumaramba habang dinarambong ng iilang tulisan
nag-aalimpuyong alon ng dugo‘t luha pati barya sa lukbutan ng mamamayan
ng dinustang mamamayan. at magiliw na sinasamyo ng diyos ni
daluyong kaya silang dadaluhong mammon
sa pader ng kasakiman halimuyak ng kanilang hugo boss
lulunod sa mga eskribano‘t pariseo miyaki‘t bulgari‘t pierre cardin
sa mga hari-haria‘t diyus-diyosan oo, may hangganan din ang
ng lipunang walang galang walanghanggan
sa sagrado nating karapatan? kapag nag-alimpuyo‘t nanalasa
wawasakin na bang ganap
33
tsunami ng ngitngit ng sambayanan sa pagtahak sa madawag na landas
di mapipigil ng pader ng kaimbihan sa pagsalunga sa mga burol at
daluyong ng paghingi ng katarungan talampas.
delubyo itong lulunod-papatag
sa nabubulok-inuuod na lipunan! oo, patuloy tayong maglalakbay
——————————————————— sa pagitan ng dilim at liwanag
condo — mumunti, tagpi-tagpi‘t kahit nagbabanta
miserableng bahay ng mga naninirahan itim na balumbon ng mga ulap
na lamang sa ilalim ng mga tulay sa kahit pumupusyaw
kalunsuran. mapulang mukha ng araw
mga paa nati‘y mananalunton
pagpag — mga tira-tirang pagkain na di sa tuwid na daan ng mga sukab
itinapon na sa basurahan at ng iilang diyus-diyosang mandurugas
pinagtitiyagaang pulutin ng mga kundi lagi tayong kakaliwa
maralita, huhugasan at muling iluluto sa sangandaan ng paniniwala
upang sila‘y may makain. tungo sa hardin
ng mahalimuyak na mga adhika
hugo boss, miyaki, bulgari at pierre
mabulas na mamumulaklak din
cardin — mamahaling mga pabango ng
laya‘t ligaya
mayayaman, saanman nanggaling ang
ng pinakasisinta
kanilang kayamanan.
nating la tierra pobreza
———————————————————
magbabanyuhay rin ang lahat
Sa Pagitan Ng Dilim At Liwanag tungo sa katubusan
June 9, 2013 by plumaatpapel ni Rogelio ng dayukdok, binubusabos na masa.
L. Ordonez
oo, mga kapatid ko‘t kasamang
(Tula) nakakilala
kahit malimit sa mga talulot ng luha
tayong nagugutom ng dalamhati ng lahi
at kinakayod nakarinig
tumigas na tutong sa tagulaylay ng mga sawimpalad
sa puwit ng kalderong nakadama
ginahasa ng panahon sa hapdi ng bitukang napilipit
tuloy pa rin nakakita
madamdamin nating paglalakbay sa pawisang mukha‘t katawan
sa pagitan ng dilim at liwanag ng namayat na magsasaka‘t
habang nagsasayaw manggagawa
sa telon ng balintataw sa mga asyenda‘t pabrikang
nagliliyab na mga gunitang sila‘y ibinartolina
hitik sa mithiing dakila oo, sa maalab nating paglalakbay
sinusuhayan ng mga ugat niyon sa pagitan ng dilim at liwanag
pinatatatag ng puno niyong hahantong din ang ating mga paa
sintigas ng kamagong sa katuparan ng mga pag-asa
mga tuhod nating nais nang sumuko magdiriwang din tayo sa mesa ng laya‘t
34
ligaya at dugo‘y nilagok ng lupang di kanya
susunugin mga bangkay upang maging ginto mga kabukiran
ng uring mapagsamantala! at maging asukal ang laksang tubuhan.
35
ARALIN 3: PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO
DIGNIDAD
- Kabilang ang lahat ng katangian ng isang tao
- Kabuuan ng ating pagkatao
- Mahalaga upang maging ganap ang pagkatao
- Tinataglay ng bawat tao – kaya tayong lahat ay pantay-pantay
KARAPATANG PANTAO
- Payak na pamantayang kinakailangan ng mga tao upang makapamuhay ng may
dignidad
- Ginagarantiya ang ganap at kabuoang pag-unlad ng mga tao
- Lahat ng kinakailangan ng tao upang protektahan ang kaniyang dignidad bilang
indibidwal
- Saligan ng kalayaan, hustisya at kapayapaan sa mundo
- Pangunahing obligasyon ng Estado o Gobyerno at mga kasapi nito na
pangalagaan at tugunan ang karapatang pantao
- Kaakibat ang responsibilidad na paunlarin at pangalagaan ang sariling dignidad
at ang sa ibang tao
- Nagbibigay gabay sa mga tao upang panghawakan ang kanilang mga buhay at
umaksyon para sa pagbabago sa lipunan
– tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na
matanggap ng lahat ng mga tao." Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at
mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang
sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sapagsasalita,
at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan,pangkalinangan at
pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan,
karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at karapatan sa edukasyon.
36
pangangailangan o kumitil sa ating buhay ngang walang dahilan ay lumabag as ating
karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling nahahadlangan
ang ating karapatan. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan
ng iba.
Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa
lipunang Pilipino.
- Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
- Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism,
Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng
mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito
sa kaniyang kapwa.
37
- Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
38
• Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng UDHR upang panatilihin ang
kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao.
• Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting na
pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba‘t ibang panig ng daigdig
• Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa
ay listahan ng mga pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula sa dating
konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon
8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
• Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat
mamamayan sa isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na klasipikasyon ang
constitutional rights.
Natural Rights - Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado
Hal: Karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ariarian
39
Ayon sa kung sino ang Tumatanggap (Recipient)
o Individual Rights
o Collective/ Group Rights
Ayon sa Pinagmumulan (Source)
o Natural Rights
o Legal Rights
Ayon sa Pagpapatupad (Implementation)
o IMMEDIATE – Dagliang maipapatupad; immediate obligations of states to
implement
o INCREMENTAL O PROGRESSIVE – graduwal o paunti-unting
pagpapatupad; necessary steps and measures to give effect to the rights
stated
Ayon sa Derogability
o Non-derogable or absolute rights – mga karapatang hindi pwedeng
suspindihin o alisin kahit na anong panahon
Art. 6 Karapatan sa Buhay
Art. 7 Karapatan laban sa tortyur at di-makataong parusa
Art. 8 Karapatan laban sa Pang-aalipin
Art. 11 Karapatan laban sa pagkakakulong bunga ng hindi
pagtupad sa obligasyon sa isang kontrata
Art. 15 Karapatan laban sa paghahabla ng kaso sa isang
pagkakasala na hindi krimen sa panahong ito ay naganap
Art. 16 Karapatang kilalanin ng batas bilang tao saan man sa
mundo
Art. 18 Karapatan sa Malayang Pag-iisip, Budhi at Relihiyon
o Derogable or relative rights – mga karapatang maaring suspindihin o alisin
depende sa sitwasyon
40
d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga karapatan ukol sa pagsususulong
ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay
kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
41
Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill of Rights (Art. II) tulad
ng:
• Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng mga ari-arian
• Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksyon ng batas
• Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan
42
Ang Mga Pulitikal na Karapatan ay:
• Karapatan sa Asylum. Ang Asylum ay ang paghingi ng karapatang maging
mamamayan ng isang bansa kung sakaling ang isang tao ay napaalis sa kanyang
bansa dahil sa pagtutol sa pamahalaan
• Karapatang magkaroon ng nasyonalidad
• Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon
• Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita
• Kalayaan sa tahimik na asembliya at asosasyon
• Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa
• Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa sariling bansa
Karapatang Mabuhay
• Walang sinuman ang dapat kitlan ng buhay nang hindi makatwiran;
• Walang sinuman ang maging biktima ng pananakit, di makataong pagtrato o
pagparusa; maging alipin o biktima ng di makatwirang aresto at pagkakulong;
• Sinumang inaresto ay dapat mabigyan ng impormasyon hinggil sa dahilan ng pag-
aresto;
43
• Sinumang inaresto o ikinulong dahil sa isinampang krimen laban sa kanya ay dapat
iharap sa hukom o sinumang taong may kapangyarihang maglitis ng kaso; at
• Sinumang naging biktima ng ilegal na aresto o pagkakakulong ay dapat magkaroon
ng karampatang sahod sa mga araw ng kanyang pagkakakulong;
44
Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at
Pangkultural
Ang kasunduang ito ay nabuo upang bigyang proteksyon ang mga indibidwal o
pangkat sa iba‘t ibang panig ng mundo. Ang mga karapatang ito ay ang mga sumusunod:
• Karapatan ng lahat ng tao na bigyang direksyon ang kanyang katayuang pulitikal,
kabuhayan, panlipunan at pangkultural na pag-unlad;
• Karapatan ng tao na ibahagi at paunlarin ang kanilang likas na kayamanan;
• Karapatan ng bawat isa na maghanapbuhay, magkaroon ng makatao at
makatarungang kondisyon sa trabaho, magkapantay na suweldo at trabaho, ligtas at
maayos na lugar ng trabaho at magkaroon ng pahinga at libangan;
• Karapatang bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal, karapatang mag- aklas
at karapatan sa panlipunang seguro
• Proteksyon para sa mga nanay at kabataan
• Karapatan sa sapat na antas na pamumuhay: sapat na pagkain, damit at bahay.
• Lahat ay may karapatan sa mataas na pamantayan sa pisikal at pangkaisipang
kalusugan at Edukasyon.
Ang mga bansa na pumirma sa kasunduan ay dapat maglaan ng libreng edukasyon
sa primarya at pagsikapang libre ang edukasyon sa sekondarya. Pantay din ang
pagkakataon sa lahat na makapg-aral sa tersyarya. Ang mga magulang at legal na
tagapag-aalaga ay malayang nakakapili ng mga paaralan upang mabigyang proteksyon
ang kanilang edukasyong pangrelihiyon at moral.
Lahat ay may karapatang makibahagi sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa
ng mga nadiskubreng siyensya. Dapat may mga hakbang na nagawa upang mapanatili,
mapaunlad at mapalawak ang kultura at agham. Ang kalayaan sa pananaliksik at paglikha
ay dapat irespeto at lahat ay may karapatang magtamasa ng mga benepisyo sa sariling
pananaliksik at paglikha.
Ang mga karapatang ito ang pinakamahirap matugunan sapagkat maraming mga
bansa ang mahirap at kapos ang kanilang badyet upang mabigyan ng serbisyo ang mga
mamamayan.
45
• Karapatan sa maayos na pamumuhay
Ang mga bata ay wala pang kakayahan na maghanapbuhay upang mapangalagaan
ang kanilang sarili. Mahalaga ang kalinga ng mga magulang at pamilya upang sila ay
mabuhay nang may dignidad. Pangunahing prinsipyo na dapat igalang sa mga bata ay
ang pangangailangan nila ng kalinga upang mabuhay.
46
ng bahay, ang naging resulta ay ang kakulangan ng pagkakataon ng babae sa pagganap
ng mahahalagang gawain sa lipunan.
Karamihan ng pinuno ng mga bayan ay mga lalaki. Ang mga namamahala ng
malalaking negosyo ay ibinibigay ng pamilya o ng mga miyembro sa lalaki. Nawalan ang
babae ng mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa. Dahil dito, marami sa mga
kababaihan ang nakaranas ng di-pantay na pagtingin na nagreresulta sa iba‘t ibang
problema tulad ng pambubog ng asawa, karahasan sa kababaihan, pagbebenta sa mga
babae, at iba pa.
Ang ganitong sitwasyon ang nag-udyok upang bigyang proteksyon ang karapatan ng
mga kababaihan.
47
• Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao. Ang pisikal
na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan kaya
nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin niya sa
kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang masama sa tao ay isang uri ng sikolohikal
na paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay nagreresulta sa balisang estado ng
isang tao.
• Istruktural. Ang kaayusan ng lipunan batay sa kung sino ang may
kapangyarihan, kayamanan at kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi pagtatamasa ng
karapatan istruktural. Ang istruktural na paglabag ay makikita kung ang tao ay walang
kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa lipunan at wala siyang kapangyarihan
magdesisyon para sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig. Ang mga
paglabag sa karapatang pantao ay nangyayari sa tahanan, pamayanan, paaralan,
trabaho, bansa, at daigdig.
Sa tahanan, madalas na paglabag ay ang pang-aabuso sa mga bata at kababaihan.
Ang hindi pagbibigay ng pagkain ng magulang sa bata, hindi pagpapaaral sa mababang
paaralan, hindi pagbibigay ng pangalan at damit ay ilan lamang sa mga paglabag sa
karapatang pantao ng mga tao.
Sa pamayanan, ang paglabag sa karapatang pantao ay makikita kapag ang mga lokal
na opisyal ng pamahalaan ay hindi tumupad sa tungkuling panatilihing malinis, maayos
at mapayapa ang kapaligiran. Tungkulin din ng lokal na pamahalaan naparatingin ang
mga pangunahing serbisyo publiko tulad ng serbisyo sa kalusugan, kuryente, tubig,
komunikasyon, edukasyon, at iba pa.
Sa paaralan, edukasyon ang pangunahing serbisyong dapat ihatid sa mga
mamamayan. Ang pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa mga mag-aaral ay ay
paglabag din sa karapatan ng mga mag-aaral.
Sa bansa, pisikal, sikolohikal at istruktural ang karaniwang paglabag sa karapatang
pantao. Pisikal at sikolohikal ang paglabag kapag ang mga kinatawan ng pamahalaan
tulad ng pulis, militar, pinuno at kagawad ng barangay, o iba pang sangay ng
pamahalaan, ay nanakit sa mga tao. Istruktural ang paglabag kapag ang pamahalaan
ay walang programa upang umangat ang kabuhayan, panlipunan, at kultural na
kalagayan ng mga mamamayan.
Sa mundo, lahat din ng uri o ng paglabag o bayolasyon ay madarama kapag ang mga
kinatawan ng mga bansa ay nakasakit sa mga tao o kaya ay gumawa ng mga kasunduang
nakasasama sa tao. Ilan dito ay ang pakikipagdigmaan, paggawa ng mga armas
pandigmaan, at pakikipagkalakal na mayayamang bansa lamang ang may pakinabang.
48
Pakikibaka ng Comfort Women
Comfort Women
- Nagmula sa Pilipinas, China, Korea at iba pa.
- Dumanas ng Pisikal, Sikolohikal, at Sekswal na pang-aabuso
- Mga babaing binihag ng mga Hapon para magbigay ng serbisyong sekswal.
- Hanggang ngayon ay nahingi pa rin sila ng katarungan.
Holocaust
- Ang mga Jew ay ibinilanggo sa mga Concentration Camps at sila‘y ipinapatay sa
loob ng Gas Chamber. Parang isang Shower room ang Gas Chamber na para ka
lang naliligo ngunit pinapatay ka na sa pamamagitan ng Gas.
Anne Frank
• Isa sa mga kilalang nabuhay noong panahon ng Holocaust
• Naisulat niya ang mga dinanas nila noong panahong iyon sa kanyang Diary.
• Nang siya ay mamatay, nakuha ng kanyang ama ang kanyang Diary at ito‘y
ipinalimbag dahil sa pangarap ni Anne na maging isang manunulat.
49
Double Standard
o Uri ng pagtatangi kung saan magkaibang pamantayan ang ginagamit sa
magkaibang grupo upang paboran ang isa.
50
Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan. Nililitis nila ang mga kaso na nagiging
sagabal sa pagsusulong ng karapatang pantao.
3. Edukasyon para sa karapatang pantao. Ito ang isa sa pinakamahusay na
paraan upang hindi malabag ang karapatang pantao. Ang pag-alam sa iba‘t ibang
karapatan ng tao, maging ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging
mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating karapatan ay siyang magmumulat
ng ating kaisipan upang ito ay isabuhay.
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao. Mahalagang hindi huminto ang pag-
aaral ng karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga probisyon ng mga batas.
Ang pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang
hamon sa pagsusulong natin ng karapatang pantao. Ito ang tunay na pagkilos upang
mapigilan ang paglabag sa ating karapatan at sa karapatan ng iba.
STATE OBLIGATIONS
RESPECT – ang di pagawa ng mga aksyon o polisiyang maaring maka-abuso sa
karapatang pantao
PROTECT – pagdepensa sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal at pagpigil sa
pangaabuso na maaring gawin ng ibang partido
FULFILL – pagawa ng mga aksyon upang masigurong tuloy-tuloy na matatamasa ang
mga karapatang pantao
51
- (Justiciability Issue) Mas madaling ihabla ang estado sa mga internasyunal na
korte at mekanismo kung ang isyu ay CP Rights. Paano mo naman gagwin yan
kung ang isyu ay ESC Rights? Eh sa wala ngang kapasidad!
Maikling Kwento
"Ang Magkakambal na Jaakmal"
52
mukha. Hindi siya makapaniwala dahil mistulang naglaho ang kanyang kay haba-habang
balbas. May narinig siyang lipon ng taong naghihiyawan at nagsisigawan kaya‘t dali-dali
niyang sinundan ang tinig na kanyang naririnig. Nang makita niya ang mga tao na
natutuwa ay agad niyang ipinagtaka. Dito niya nakita ang kanyang mga tauhan na mistula
sinasamba ang kanyang kapatid. TInanong niya ang kanyang katabi kung ano ang
nangyayari at nalaman niyang tila nagbago ng pamamaraan ng pamumuno an glider nila,
na si Commander Al-Abar Jaakmal. Agad niya itong ikinagulat at sinabing siya ang tunay
na Al-Abar at dapat na siya ang bigyan ng respeto. Nagresulta lamang ito ng
katatawanan at paglait sa kanya ng madla. Lahat ng malapit sa kanya ay binabalewala
lamang siya. Wala siyang magawa kundi manghinayang at magduda kung ano ang
nangyari. Naalala niya ang nangyari kinagabihan at natandaang nakipagpulong siya sa
kanyang kapatid na si Al-Sabanur at bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Wari niya
ay pinagplanuhan siya ng sarili niyang kapatid upang maagaw ang kanyang pamumuno
bilang Commander. Nagtungo na lamang siya papunta ng lugar na kanyang tinulungan.
Habang patungo siya roon ay naisip niya ang ang dati niyang sinisinta, na si Al-Alym.
Agad niya itong pinuntahan sa kanyang tahanan.Pinapasok ni Al-Alym ang dati
niyang kasintahan at dito na humingi ng tulong si Al-Abar. Kinwento ni Al-Abar kay Al-
Al-Alym ang nangyari sa kanya. Kahit na may kinikimkim pa ring galit si Al-Alym ay
tinulungan pa rin niya ang dating sinisintasa isa pang kondisyon. Dapat balikan ni Al- Abar
ang dating sinisinta at ibalik ang dati nilang samahan, dapat ding ikimkim ni Al- Abar ang
sikreto kung bakit sila naghiwalay ni Al-Alym. Pumayag si Al-Abar at nagpalipas muna
ng gabi kayla Al-Alym. Kinabukasan ay nagplano na sila upang ibalik ang trono kay Al-
Abar. Naalala ni Al-Alym na may kakamatay lang na tao na may katungkulan sa Al-Taro
kaya nakaisip siya ng hindi kanais-nais na plano. Una ay magbibihis muna sila ng
kasuotang hindi sila mamumukhaan at pagkatapos ay susubukan nilang hingin ang balbas
ng maylabi upang magsilbing balbas ni Al-Abar, bagay na hindi niya sinang-ayunan dahil
ang plano daw na ito ay para sa mga taong "utak monggo" lamang. Ikinagalit ito ni Al-
Alym dahil sa tingin niya ito na lang ang natatanging solusyon lalo't narinig niya na
ipapatigil na daw ng Commander ang giyera sa Sulu upang magkaroon na ng kapayapaan.
Dito na napilitang pumayag si Al-Abar dahil kahit kailan at di niya pinlanong itigil ang
giyera.
Agad silang nagbihis at pumunta sa labi ni Al-Nad Zutra, ang pumanaw na
namumuno sa Platoon E-1 ng Al-Taro. Kinausap nila ang asawa ni Al-Nad ngunit hindi ito
pumayag na ibigay ang balbas. Labis itong ikinadismaya ni Al-Abar ngunit hindi nawalan
ng pag-asa si Al-Alym. Bumalik sila sa tahanan ni Al-Alym at nag-isip ng bagong plano.
Naisip ni Al-Alym na bumalik ng hatinggabi at subukang nakawin ang labi ni Al-Nad, bagay
na mas lalong nagpalungkot kay Al-Abar ngunit wala na siyang nagawa dahil paliit nalang
ng paliit ang oras. Kinagabihan noong araw na iyon ay pinuntahan na nila ulit ang labi,
at nagtagumpay sila. Pinunta nila ito sa maliwanag na lugar atsaka ginunting ang balbas
ng labi. Binalik din nila ito ng walang nakakahalata. Pag-uwi sa tahanan ni Al-Alym ay
kinorte na nila ang balbas sa mukha ni Al-Abar at sinubukan itong ilagay gamit ang kanin.
Gumana ito at nagmukha na nga siyang isa na ulit na Commander. Nagpahinga na sila
para sa panibago naming plano na kanilang
53
gagawin kinabukasan. Hindi pa man sumisikat ang araw ay mulat na ang mata ni Al-
Abar, sabik na siyang angkinin ulit ang trono. Maya maya ay nagising na rin si Al-Alym
at nagsikilos na ang dalawa papunta sa bahay ni Al- Abar na ngayon ay tinitirhan na ni
Al-Sabanur. Buti na lang ay alam ni Al-Abar ang mga iba‘t ibang paraan papasok sa
kanyang silid kaya‘t agad nila itong napuntahan. Dito niya nakita ang kapatid na nag-
aayos sa dati niyang silid. Hinarap ni Al-Abar ang kanyang kapatid habang may hawak na
baril at tinanong kung bakit niya ito nagawa. Dito na kinwento ni Al-Sabanur na gusto
niya lamang na mas mapaganda at tumahimik na ang Al-Taro para mawala na ang gulo,
bagay na sa tingin niya‘y di gagawin ng kanyang kapatid. Naalala niya tuloy ang nakaraan,
ang pangyayaring nagbago ng kanyang buhay. Isang gabi dati, panahong binate pa
lamang si Al-Sabanur ay may hindi siya sinasadyang nabaril sa kagubatan. Tumakbo na
lamang ito at nalaman kinabukasan na namatay ang mag- asawang Al-Adnaloy at Al-Mar
sa baril sa katawan. Di nagtagal ay kinwento niya ito sa kanyang Ama na Commander
noong panahong iyon at ipinalabas nitong mga kalaban ang bumaril sa mag-asawa.
Nagbunga din ito ng sapilitang paghihiwalay sa magkasintahang Al-Abar at Al-Alym noong
tumagal. Kung hindi lamang daw nangyari iyon si Al-Sabanur sana ang Commander ng
Al-Taro. Napaluha si Al-Alym at naalala angmga araw na nangungulila siya sa pagkamatay
ng kanyang magulang. Lubos ding nanlambot ang puso ni Al-Abar noong nalaman ang
saloobin ng kanyang kapatid. Nagyakapan ang magkapatid at humingi ng tawad sa isa‘t
isa. Sa huli ay parehas silang humarap sa madla upang ianunsyo na ititigil na ang
digmaan. Ikinatuwa ito ng lahat. Pinarating rin ng dalawa na simula sa araw na iyon ay
parehas na silang magsisilbing pinuno ng Al-Taro. Dito natapos ang higit sa isang
dekadang digmaan at nabuhay nang mapayapa ang Al-Taro sa pamumuno ng
magkakambal na si Al-Abar, na nakipagbalikankay Al-Alym at si Al-Sabanur.
Kapayapaan Sa Madaling-Araw
ni Rogelio L. Ordonez
(Maikling Kuwento — sinulat noong 1961 at ayaw ilathala ng komersiyal na mga
magasin dahil brutal daw at hindi makatao ngunit malimit nang nangyayari ngayon.)
54
manatiling gabi magpakailanman at, kung maaari, ang kinabukasan ay huwag nang
isilang.
Iniahon ni Andong sa kanang bulsa ng kanyang halos gula-gulanit nang pantalong
maong ang mga baryang matagal din bago naipon doon; at wala siyang nadamang
kasiyahan nang bilangin niya iyon, di tulad noon, di gaya kahapon, na kapag sumapit na
ang gayong oras, ang kalansing ng mga baryang iyon ay nagdudulot sa kanya ng lakas
at ng pananabik na makita agad ang magpipitong taong gulang na si Totong sa
barungbarong na nakikipagsiksikan sa kapwa mga barungbarong na nangakalibing sa
makalabas ng lungsod sa gilid ng kalawangin at malamig at mahabang-mahabang
daangbakal na iyon.
Hindi niya malaman ngayon kung ano ang gagawin sa kanyang napagpalimusan.
Dati-rati, inilalaan niya ang apat na piso sa kanilang hapunan at almusalan ni Totong
kung hindi siya makahingi ng tira-tirahang pagkain ng mga nagpapakabundat sa mga
restawran. Ibinibili niya ng pansit ang dalawang piso sa maliit na restawran ng Intsik na
malapit sa palengke ng Quiapo at pandesal naman ang piso sa panaderyang nasa gilid
ng tulay. Naitatago pa niya ang natitirang piso kung nahahabag ang konduktor ng bus
na sinasasakyan niya na siya‘y singilin pa. At ang labis sa kanyang napagpalimusan ay
isasama niya sa mataas-taas na ring salansan ng mga barya sa loob ng munting baul na
nasa pinakasulok ng kanyang barungbarong. Kung malaki-laki na ang halaga ng laman
ng baul na iyon, nagtutungo siya sa Central Market at bumibili ng pinakamurang damit
na itinitinda roon — para kay Totong, para kay Aling Petra na kalapit-barungbarong
niya na tagapag-alaga ni Totong kung siya‘y wala.
Tinungo niya ang kaliwang sulok ng simbahan; at umupo roon, at isinandal ang
butuhan na niyang katawan sa makapal, marusing at malamig na pader nito. Naisip niya,
laging madilim ang gabi sa daangbakal; halos anag-ag na lamang ang sinag ng pag-asa.
Tinatanglawan lamang iyon ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng
mga barungbarong. Parang nais niyang sa bakuran na ng simbahan magpahatinggabi,
panoorin ang unti-unting paglugmok ng gabi — ang pagkikindatan ngmga neon lights sa
mukha ng mga gusali, ang pagnipis ng magulong prusisyon ng mga sasakyan sa
kahabaan ng Quezon Boulevard, at ang pagdalang ng mga nilikhang lamunin-iluwa ng
mga bunganga ng underpass. Mabuti pang doon na siya hamigin ng gabi, doon na siya
bayaang matulog at makalimot at, kung maaari nga lamang, ang iluluwal na umaga ay
huwag na niyang makita magpakailanman.
Lumalamig ang gabi, at sa kalangitan ang maiitim na ulap ay naghahabulan. Alam
niyang maaaring biglang umulan, at alam din niyang masama siyang maulanan at
malamigan. Mula noong sumuka siya ng dugo nang pasan-pasan niya sa palengke ng
Paco ang isang malaking tablang kahon na puno ng patatas, malimit na siyang dalahitin
ng ubo na naging dahilan ng pagkumpis ng dati‘y bilugan at malaman niyang dibdib, ng
paghumpak ng kanyang pisngi, at pagiging buto‘t balat ng kanyang mga braso, at siya‘y
hindi na nakapagkargador. At marahil, dahil napaggugutom na si Tasya at hirap na
hirap na sa paglalabada, at malimit pa silang mag-away, nilayasan siya nito isang gabi,
iniwan ang noon ay mag-aanim na taong gulang lamang na si Totong. At magdadalawang
buwan na, nabalitaan niya, mula sa isang kakilala, na ang kinakasama ngayon ni Tasya
ay isang tsuper ng bus na nagyayao‘t dito sa Maynila at Laguna.
55
Matagal na namalagi si Andong sa sulok na iyon ng simbahan, hanggang sa
mapansin niyang ang sementadong bakuran nito ay inulila na ng mga paang kangina ay
langkay-langkay na nagsalasalabat at nangagmamadali. Sinalat-salat niya ang mga
baryang nasa bulsa ng kanyang pantalon. Malamig na malamig ang mga baryang iyon.
Kasinglamig ng malapit nang pumanaw na gabi, kasinglamig ng pangungulila niya kay
Tasya, at kasinglamig din ng pagdaralitang matagal nang nakayakap sa kanya. At
naramdaman niyang nagiginaw ang kanyang kaluluwa, naghahanap ng timbulan, ng
saglit na kaligayahan, at saglit na kapayapaan.
Humihiwa sa kanyang kamalayan ang katotohanan na mga ilang oras pa at
madaling-araw na at, hindi niya maunawaan, tumitindi ang kanyang pagnanasang huwag
nang makita ang umaga, at ang mga baryang nasa kanyang bulsa ay huwag nang sikatan
ng araw na nasa bulsa pa rin niya. Ibig niya ngayong galugarin ang lungsod, lumakad
nang lumakad, at mapadpad siya kahit saan. Ibig niyang matagpuan ang kapayapaan,
kahit sa dilim ng naghihingalong gabi, kahit sa tabi ng umaalingasaw na mga basurahan,
kahit sa madidilim at makikipot at mababahong mga eskinita, o kahit sa nagbabanta
nang mga patak ng ulan.
Madilim na madilim na sa kalangitan, at walang maaninaw si Andong ni isa mang
bituin. Lumabas siya sa bakuran ng simbahan. Parang wala sa sariling tinumbok niya ang
kalye Evangelista. Saglit siyang huminto sa panulukan, at inaninaw niya ang mga mukha
ng dalawang batang lalaking magkasiping sa loob ng munting kariton. Atnaalaala niya si
Totong. Kangina pa naghihintay si Totong… natutulog na marahil si Totong.
Ginaygay niya ang bangketa, at sa suluk-sulok, hindi iilang pagal na katawan ng
mga bata at matanda ang inilugmok ng gabi sa pira-pirasong karton at pinagtagni-
tagning diyaryo. Lalong humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang
kalagayan. At, naisip niya, hindi na marahil magtatagal, igugupo siya ng kanyang
karamdaman.
Bakit kinakailangan pa niyang mangarap nang mangarap? Masarap mangarap,
ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad. Paano si Totong kung wala na
siya?
At nang lumiko siya sa isang panulukan, isang binatilyo ang sumulpot sa dilim,
lumapit sa kanya, at may inianas. At bigla ang pagbabangon ng damdaming sumuno sa
kumpis nang dibdib ni Andong.
Bakit wala si Tasya?
At hindi niya maunawaan kung bakit sa kalagayan niyang iyon, nakuha pang
sumuno ang damdaming iyon. Marahil, sapagkat siya‘y may puso, may utak, may laman
at buto at dugo. Huminto siya at inaninaw niya sa manipis na karimlan ang mukha ng
binatilyo. Sinalat-salat niya ang mga baryang nasa kanyang bulsa at nang maisip niyang
pinagpalimusan niya iyon, iglap na lumusob sa kanya ang di mawaring paghihimagsik.
―Magkano?‖
Ngumisi ang binatilyo at itinaas ang kanang palad na nakatikom ang hinlalaki at
nakaunat ang apat na daliri.
Iniahong lahat ni Andong sa bulsa ng kanyang pantalon ang mga baryang
naroroon, dalawang ulit niyang dinaklot at iniabot sa binatilyo. Nagkislap-kislap ang
56
mga baryang iyon nang bilangin ng binatilyo sa tama ng liwanag ng bombilya ng posteng
malapit sa panulukan.
―Sobra ho ito,‖ sabi ng binatilyo.
―Iyo na.‖ Paos ang tinig ni Andong.
Magkasunod na nilamon ng madilim at makipot na eskinita na nasa pagitan ng
dalawang lumang aksesorya ang yayat na kabuuan ni Andong at ng binatilyo. Tinalunton
nila ang nagpuputik na eskinitang iyon hanggang sa sumapit sila sa kalagitnaan. Huminto
ang binatilyo, at huminto rin si Andong.
Sa manipis na karimlan, nabanaagan niya ang ilang babaing magkakatabing
nakaupo sa bungad ng isang pinto ng aksesorya. Pumako ang tingin ng mga iyon sa
kanya at naghagikhikan.
Bakit wala si Tasya? Ibig niyang makita, himasin ang mukha ni Tasya. Ibig niyang
madama ang init ng katawan ni Tasya.
Itinuro niya ang babaing nasa gilid ng pinto. Tumayo ang babaing iyon. Payat iyon,
mataas, manipis ang labi, singkit, pango. Sumunod siya nang pumasok ang babae sa
aksesorya at, sa ulunan ng radyo-ponograpong hindi tumutugtog, nakapako sa dinding
ang karatulang tisa na may pulang mga titik na GOD BLESS OUR HOME.
At dinalahit ng ubo si Andong nang lumabas siya sa silid na iyong marusing at
marumi at may kakaibang alingasaw at nakakalatan ng lukut-lukot na tissue paper ang
mahina nang suwelong tabla. At sumanib sa sunud-sunod na pag-ubo ni Andong ang
matinis na halakhak ng mga babaing nasa bungad ng pinto ng aksesorya.
Malamig at madilim at malungkot ang daangbakal at, sa langit, ang bunton ng
makakapal at maiitim na ulap ay bibitin-bitin na lamang sa kalawakan. Ang madaling-
araw ay nailuwal na ng gabing nagdaan, ngunit madilim na madilim pa at waring hindi
na daratal pa ang umaga.
Kumislot si Totong nang pumasok si Andong sa barungbarong. Ibig pa niyang
lumakad nang lumakad hanggang sumisigid sa kanyang kaluluwa ang lamig ng
pagdaralitang hindi niya matakasan, at isasama niya si Totong upang hanapin nila ang
kapayapaan, kahit sa malalaki at masinsing patak ng ulan na ngayon ay naglagi-lagitik sa
kalawanging bubong ng mga barungbarong.
―Totong,‖ paos ang tinig ni Andong.
Dumilat si Totong, kinusut-kusot ang mga mata, tumingin sa malamlam at waring
namamaalam na ningas ng gasera.
―Totong,‖ lumuhod si Andong sa tabi ng anak at hinimas ang payat na kabuuan
ni Totong.
Bumangon si Totong.
―Me uwi kang pansit, ‗Tay?‖ Iginala ni Totong ang tingin sa kabuuan ng
nagiginaw na barungbarong, lumungkot ang mukha nito nang mapansing walang
nakapatong na supot sa mesitang yari sa pinagputul-putol na tabla.
Nangilid ang luha ni Andong.
―Ba‘t ‗ala kang uwing pansit ngayon, ‗Tay? Kahapon, saka noon pa, lagi kang me
uwi. Ba‘t ‗ala kang uwi ngayon, ha, ‗Tay?
―Bibili tayo.‖
―Senga, ha, ‗Tay?‖ Namilog ang mga mata ni Totong.
57
Tumango si Andong.
―Kelan?‖ Nangulimlim ang mukha ni Totong.
―Ngayon.‖
Napalundag si Totong.
―Saka pandesal, ha, ‗Tay! Saka ‗yong tulad nang uwi mo noong ‗sang gabi, ‗yon
bang masarap, ‗yong me lamang keso!‖
Hinawakan ni Andong ang kamay ni Totong. Inakay niya ito palabas ng
barungbarong. Sa labas, ang ulan ay patuloy sa malakas na pagbuhos. Ang mga
barungbarong ay nagiginaw, nagsisiksikan, at waring hindi kayang bigyang-init ng nag-
indak-indak na ningas ng mga gasera. Sa diwa ni Andong, nagtutumining ang isang
kapasiyahan.
Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad.
―Umuulan, ‗Tay. Maliligo tayo sa ulan, ‗Tay? Tuwang-tuwa si Totong.
Dinalahit ng ubo si Andong paglabas nila ng barungbarong, sunud-sunod,
mahahaba. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Nagsayaw-sayaw sa
kanyang katawan ang malamig na malamig na patak ng ulan. Waring nananangis ang
mga bubungang yero ng mga barungbarong, tumututol sa sunud-sunod, nagmamadaling
mga patak ng hindi masawatang ulan.
Uubu-ubo, pahapay-hapay na inakay ni Andong si Totong. Sumampa sila sa
daangbakal. Lumuksu-lukso pa si Totong, nilalaru-laro ang masinsing mga patak ng ulan,.
Tinalunton nila ang riles na iyong hindi alam ni Andong ang puno at dulo.
―Malayo pa, ‗Tay? Sa‘n me tindang pansit, ha?‖ mayamaya‘y tanong ni Totong.
―Ma…malapit na, Totong.‖ Pamuling dinalahit ng ubo si Andong, at lalong
humihiwa sa kanyang kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan.
Nagpatuloy sila sa paglakad. Lalong lumalakas ang ulan. Lalong tumitindi ang
pagnanasa ni Andong na huwag nang makita ang umaga, at ang maraming-marami pang
umagang darating.
Darating na ang kapaypaan… darating na iyon.
―Malayo pa ba, ha, ‗Tay?‖ pamuling tanong ni Totong. ―Gutom na ‗ko, ‗Tay.
Pansit, ha, saka ‗yong me palamang keso.‖
Hindi sumagot si Andong. Naramdaman niya na waring hinahalukay ang kanyang
dibdib, nagsisikip. Nangangati ang kanyang lalamunan. Muli siyang inubo, tuyot, sunud-
sunod, mahahaba, at waring hindi na niya kayang magpatuloy sa paglakad. Napaupo siya
sa riles, hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Totong at, kahit nanlalabo ang kanyang
paningin, nababanaagan niya ang malungkot nang mukha ni Totong; nagtatanong ang
mga mata nito, kukurap-kurap.
Yumayanig na ang riles, naramdaman ni Andong, at humigpit ang pagkakahawak
niya sa kamay ni Totong. Tumingin siya sa pinagmumulan ng dagundong ngunitmadilim
pa, kahit mag-uumaga na. Ang kalawakan ay lalong pinadidilim ng masinsin at malalaking
patak ng ulan na waring galak na galak sa pagbuhos.
Sa malayo, ang dagundong ng tren ay papalapit, papalakas. Yumupyop na si
Totong sa tabi ni Andong.
‗Tay, uwi na tayo! ‗Yoko na sa ulan. ‗Yoko na ng pansit,‖ parang maiiyak si
Totong.
58
Rikitik…rikitik…rikitik…wooo… wooo!
Papalapit iyon, papalakas, papabilis.
Dumapa si Andong sa riles ng tren. Patuloy siyang dinadalahit ng ubo.
Naramdaman niyang nagwawala si Totong sa kanyang pagkakahawak.
Rikitik…rikitik…rikitik…rikitik…woooo…woooo!
―‗Tay!‖
Nilamon lamang ng malakas na malakas nang dagundong ng tren ang sigaw ni
Totong. Nagdudumilat sa harapan ang dalawang ilaw ng rumaragasang tren.
Luha ng kahapon
Akda ni: Ian Feidalan
Marso noon. Nakakapaso ang init ng kapahunan. Maalinsangan din ang hanging
dumadampi sa aking balat. Ang panahon ay nakikisimpatya sa kalungkutan na bumabalot
sa kanayunan. Lungkot na nakakabagabag.
Hindi lang pala ako ang nagbalik sa lugar ng aking pagkabata. Isa-isa ring
nagbalikan sa aking gunita ang mga alaala ng lumipas na panahon— ang mga lunan,
pangyayari at mga personahe ng nakaraang kabanata ng istorya ng aking kahapon.
Sa batis na iyon madalas akong tumungo at magmuni-muni. Ang lagaslas ng tubig
ay himig ng kapayapaan. Ang himig na binigyan pa ng buhay mula sa tunog ng langitngit
ng kawayan at ingay ng mga kulisap. Dito ang aking takbuhan kapag ako'y may problema.
Sa lugar kung saan nagiging panatag ang aking kalooban. Malayo sa ingay at kaguluhang
likha ng tao. Paraiso kung maituturing.
Doon ay aking isinasagawa ang kakaibang ritwal upang mawala ang anumang
problemang aking pinapasan. Uupo sa batuhan dala ang kapirasong papel at panulat.
Matiyaga ko‘ng isusulat sa papel ang mga ito at nang matapos ay ginagawa ko namang
mumunting bangka. Dahan-dahan akong lalapit sa batis at ipaaanod ito. Kung saan
man tumungo ang bangkang papel kasama rin ang aking dala-dalang mga suliranin...
Marami na ngang pagbabago. Ang daan tungo sa dating masukal na lugar na
madalas kong sinusuyod tuwing dapit-hapon ay maaliwas na at natabasan. Wala na ang
dating malawak na parang kung saan ako at aking mga kaibigan ay madalas na
nagpapalipad ng guryon. Pumalit dito ang mangilanngilang bahay na nakapalibot sa
kampo ng sundalo.
Matatag pa ring nakatayo ang puno ng akasya sa gawing kanluran ng parang. Para
bagang ito lamang ang nag-iisang saksi sa anumang kaganapang hindi kayang itala sa
gunita.
Bigla ko ring naalala si Lina. Noong nasa ikalimang baiting ako, doon ko inukit ang
kanyang pangalan. Ang paghanga sa kanya ay hindi ko maitago. Mahaba ang kanyang
buhok, mapupungay ang mata at napakabait pa. Sayang, hindi ko na s‘ya nakita pa
matapos ang pagtatapos sa paaralan. Nasan na kaya s‘ya ngayon?
―O iho, kailan ka pa dumating mula sa lungsod?‖ Si tandang Ador pala. Bahagya
ko pang ikinagulat ang kanyang pagtatanong na pumutol sa daloy ng mga gunita.
Bata pa kami‘y iyon na ang nakagawian tawag sa kanya— tandang Ador. Ang
matanda‘y tila hindi tumatanda. Sa katunayan, sa sampung taon na nakalipas ay halos
walang nagbago sa itsura niya maliban sa ilang marka ng guhit sa noo.
―Aba‘t natatandaan n‘yo pa po pala ako?,‖ tugon ko.
59
―Ay lintik na batang a-re, paanong hindi ay madalas mong kunin ang mga
bungang kakaw sa likodbahay. Saan ka ba nagpunta at ang putik ng iyong mga paa?‖
Pilit kong hinagilap ang iba pang gunita ng aking kabataan na may kinalaman kay
tandang Ador ngunit liban sa kanyang paminsan-minsang kwento tuwing tanghaliat
manaka-naka ring pananaway ay wala na akong maalala.
Tanging ang boses na kakakakitaan ng tapang ang siyang tumanin sa aking isipan.
Tapang na hindi ko maramdaman ngunit aking nababatid sa kanyang mga kwentong
punong-puno ng pakikipagsapalaran. Mga kwento iyon na naglalarawan ng kagitingan
alang-alang sa pagtatanggol sa kapwa at sa bayan. Sa murang gulang ay naintindihan
ko ang ibig sabihin ng mga labanan na nagaganap sa pagitan ng mga sundalo at NPA.
Kung anumang pagsasalarawan sa mga nangyayaring putukan, takot pa rin ang
nangibabaw sa akin. Takot na sa bawat engkwentro, may mamamatay.
Ngunit ang pilit ko pa ring inuunawa ay kung bakit nagagalit si tatay sa akin tuwing
darating ako nang halos takip-silim na.
―Ikaw bata ka, bakit hinapon ka na naman? Di ba‘t sabi ko‘ng ‗wag kang pupunta
sa burol?‖ Bulyaw ni tatay sa akin isang hapon.
―Hindi naman po. Dumaan lang ako kina tandang Ador. May binigay s‘yang tirador
sa akin. Tingnan n‘yo po, ang ganda ng pasanga na napili n‘ya. Yari sa punong bayabas.‖
Nangatwiran pa ako sa pag-aakalang makaliligtas ako sa nagbabadyang galit ni tatay.
Akala ko ay ayaw lamang talaga niyang aabutin ako ng dilim sa labas lalo pa nga at nasa
burol ako. Sa aking pakiwari‘y lalo pa siyang nagalit nang malamang galing ako kay
tandang Ador.
―Hoy Arnel, hindi ka na kumibo?‖
―Ah, diyan pos a batis nagpahangin..‖
―Balita ko sa iyong ina ikaw daw ang magsasalita sa darating na pagtatapos ng
mga mag-aaral bukas?‖
―Opo munting mensahe para sa mga bata.‖ Muli kong tugon.
―Hintayin mo ako ha? Huwag kang magsisimula hangga‘t wala ako doon.‖
Pangiting biro niya.
Nagpaalam ako sa kanya ng hapon ding iyon. Madilim na ang kapaligiran nang
marating ko ang bahay mula sa maghapong pag-iikot. Pinuntahan ko rin kasi ang aking
mga kabarkada na karamiha‘y may kanya-kanya na ring pamilya.
Nakakatawang isipin ngunit parang kalian lamang nang naliligo kami sa ulan
habang nagtitiliw ng palaka. Halos mamatay sa takot si Hector nang akmang dadakmain
ang napagkamalang palaka na isa palang bayawak.
Kinabukasan, nakita ko‘ng bakante ang kanyang upuan.
―Absent si Hector. May liham ang kanyang ina at nabanggit na itong si Hector ay
nagbabad sa paliligo sa ulan kaya nagkasakit. Kayo, mga bata huwag kayong
magbababad sa ulan. Baka matulad kayo kay Hector,‖ wika ni Bb. Cruz, ang aming
maestra.
Hindi kaya sa takot kaya nilagnat itong si Hector at hindi sa paliligo sa ulan?
Tahimik ang gabing iyon. Nakakabingi ang tunog ng bawat tik-tak mula sa orasan.
Alumpihit sa higaan, muli akong bumangon upang tunguhin ang kusina. Sa sobrang
alinsangan ay halos matuyo ang aking lalamunan.
60
Binuksan ko ang bintana upang makapasok ang hangin sa silid. Mula roon
natatanaw ko ang kalangitang namumulaklak ng mga bituin. Maliwanag sa labasbagama‘t
hindi kabilugan ng buwan.
Sa kalayuan ay may natanaw akong parang gumagalaw. Anino ng tao? Multo?
Hindi.. matanda na ako para maniwala sa mga maligno at anu-ano pang kwentong
halimaw. Marahil ay guni-guni ko lang iyon. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at
pinasadahan ng pagbabasa ang talumpating aking bibigkasin kinabukasan.
―..Ngayon ay panibagong simula. Unti-unti n‘yong buuin ang inyong pangarap.
Sapagkat ang buhay ay isang napakahabang paglalakbay..‖
Bakit wala si tandang Ador? Akala ko ay manonood s‘ya ng pagtatapos ng mag-
aaral? Siguro‘y dahil sa katandaan, nakalimutan na nya na ngayon ang araw na ito.
Natapos ako sa talumpati at bumaba ng entablado
―Arnel.. Arnel! Nabalitaan mo nab a ang nangyari kagabi sa bahay ni tandang
Ador?‖ Si Hector.
―Bilis halika, puntahan natin!‖
Nakita si tandang Ador kaninang mag-uumaga na wala ng buhay. Kwento ni Mang
Simon, papunta s‘ya sa bahay ni Tandang Ador upang humiram ng lagari ngunit nang
ilang mga minutong walang sumasagot, nalamang bukas ang pinto at nang buksan
tumambad sa kanya ang walang buhay na si Tandang Ador.
Nakahandusay ang katawan na tadtad ng saksak. Nakatali ang kamay.
Mangitimngitim na pasa sa mukha. Sino ang maaaring gumawa nito? Walang kagalit
ang matanda…
Si tatay ang nagpaliwag sa naguguluhan kong isipan. Ayon sa kanya, si Tandang
Ador ang namumuno sa mga mamamayang tumututol sa pagtatayo ng minahan sa bayan
ng San Martin. Marahil dito, iniuugnay sya ng mga sundalo sa opensiba ng NPA laban sa
kanila. Marami pang kwento si tatay patungkol sa matanda. At wala naman akong
nakikitang masama sa ginawa ni tandang Ador. Para sa kanyang kapwa rin ang
isinusulong nyang pakikibaka.
Kung walang nagsalita laban sa pagmimina noon marahil tuluyan nang nasira ang
mga burol. Marahil nadaluyan na rin ng nakalalasong kimikal ang batis. O naligwakan ng
putik ang daloy ng mga patubig sa kabukiran. Marahil dumalaw din ang delubyo ng baha
na kikitil sa ilang buhay dulot nang patuloy na pagpuputol sa kakahuyan sa kabundukan.
Kung totoong sangkot nga sya sa mga NPA, ang pinakatamang gawin ng mga
awtoridad ay sampahan s‘ya ng kaso at litisin ng patas sa harap ng hukuman. Hindi ba‘t
batas naman dapat ang umiral? Ang batas na dapat ipinatutupad ng mga alagad ng
pamahalaan.
Bakit pinapatay ang nagtatanggol sa katwiran? Bakit siniselyohan ang bibig ng
mga taong nagsasalita laban sa pamahalaan at maling pamamalakad nito? Maraming
tanong na nanuot sa aking kamalayan. Isang kaganapan na di ko maiwaksi sa aking pag-
iisip.
Walang malapit na kamag-anak si tandang Ador. Upang mabigyan ng maayos na
libing, pinagtulungtulungan ng mga kababaryo ang mga bayarin. Si nanay na mismo
61
ang nag-asikaso sa lahat nang dapat gawin. Nais din ng aking magulang na mabigyan
sya ng marangal na burol.
Ngayon ko lang napasok ang kabuuan ng loob ng bahay. May ilang kasangkapan,
bilang ng mga libro at baul. Madilim at masalimoot ang paligid. Pinagkaitan ng liwanag.
Sa isang sulok ay may maliit na mesa. Maalikabok. Madumi.
Heto, ang aklat ay buhay pa rin. Lipunan at Rebolusyong Pilipino? Eto ang madalas
niyang basahin sa akin tuwing dumaraan ako sa bahay niya. Habang iniisa-isa ko ang
pahina, isang pirasong papel ang nalaglag sa sahig. Dali-dali kong pinulot ito. Isang liham.
Manilawnilaw na sa kalumaan. Umupo ako sa gilid ng tarangkahan at binasa:
Aking anak, patawad ngunit kailangan kitang ipaalaga sa ibang tao.Hindi ko
gustong mapahamak ka. Mahirap ang sitwasyon natin. Alam kong di mo maiintindihan
ang ginagawa ko sa ngayon. Darating din ang panahon at mauunawaan mo ang
prinsipyong ipinaglalaban ko. Basta‘t tatandaan mo na lagi akong narito Abner. Anak
ko, para sa iyo rin at sa mga batang tulad mo kung bakit ko ito ginagawa. Gusto ko sana
paglaki mo ay manaig ang na ang katwiran, wala nang pang-aapi..
―O Arnel bakit nariyan ka? Tulungan mo ako ditto. Pakidala ng mga baso dito sa
labado. Ang hiyaw ni nanay.
Lumapit ako kay nanay habang nangingilid ang aking luha.
―Nay nabasa ko po ang sulat ni tandang Ador. Naiintindihan ko.. Hindi po ako
nagagalit.‖
Tunay ngang ang pag-ibig ng isang ina ay kapara ng mga talang sa kalangita‘y
nakaukit at walang ibig na huminto sa pagkislap. Kasabay nito ay ang napakalalim at
purong pagmamahal na kahit sino ma‘y hindi makakapantay. Mula sa ating kauna-
unahang pagbigkas ng salitang ―ma-ma‖ hanggang sa patuloy nating matutunan ang
katuturan ng ating mga pansariling wika. Lingid din sa ating kamalayan na habang tayo
ay nasapupunan pa lamang niya ay kapwa iisa na ang tibok ng ating mga puso – ang
makapangyarihang tibok na kung saa‘y namumutawi ang lubusang kaluwalhatian at pag-
ibig na walang katapusan.
Tatlong dekada na ang nakalipas nang si mama ay lumisan sa mundong ibabaw.
Ang aming pamilya ay buhat sa dako ng katagalugan. Doo‘y nakilala siya sa katauhang
Mommy Solidad Buenavista. Ang kanyang kariktan ay walang kupas at hindi
napangiiwanan ng panahon. Ang boses niyang mabini na tila isang anghel na galing sa
kalangitan. At higit sa lahat ay ang kanyang pagmamahal at dedikasyon bilang isang ina
sa aming pamilya. Subalit sa kabila ng lahat ng mga parangal at papuring ito, siya ay
isang walang kwentang babae.
Ako ay lumaki sa poder ng aking ina. Sa murang kaisipan pa lamang ay nasaksihan
ko na ang kahirapan sa buhay. Sa lansangan ang noo‘y aming naging kanlungan.
Napakahirap tanggapin ang katotohanang mabuhay sa wala. Angmasalimuot na
impresyon sa ilalim ng liwanag ng buwa‘y banayad na sumasaklaw sa
62
aming mga balat habang binabagtas namin ang mga lansangang sa aking diwa ay tila
isang makipot na lugar sa kawalan. Wala akong ibang nararamdaman kung hindi ang
labis na pagkatakot na sa anumang pagkakataon ay isa sa amin ang mapahamak at
mapaslang sa kadahilanang ito. Dahil isang musmos pa lamang ay wala akong naging
kabatiran at lakas ng loob upang makagawa ng kahit na anong kaparaanan upang
makatulong sa aking ina na siyang iisang nagtataguyod sa aming sampung
magkakapatid. Salat man kami sa mga bagay na ito, kahit na kaila‘y hindi ko
naramdamang ibinaon ni mama ang kanyang pagmamahal at mabuting hangarin para sa
aming magkakapatid. Nasaksihan ko rin kung papano inalintana ni mama ang paghihirap
at labis na sakit ng katawan mula sa buong araw na pangangalakal at pagbebenta ng
mga bakal at bote buhat sa mga basura ng tao.
Sa paglipas ng apat taon na aming paghihirap, masasabi kong kahit papaano ay
nakapag-pundar na si mama ng aming munting tahanan. Ako na ata ang pinakamasayang
bata sa pagkakataong iyon! Hindi ko mawari ang aking kagalakan na sa wakas ay
makaka-apak na kami sa isang lunan na kung saa‘y may apat na pader at kisameng
masisilungan sa tuwing sasapit ang dagok ng hangin at ulan. Sa wakas ay nawala na rin
ang takot na nananahanan sa aking puso at isipan.
Akala ko sa paglipat naming iyon ay matitiyak kong ligtas na kaming
magkakapatid. Subalit ang lahat ng pangmalas na iyon ay kapara na lamang ng mga ulap
sa himpapawid na unti-unting naglalaho sa pagdaan ng maikling takda ng panahon.
Nagbago si mama. Ang dating pagmamahal niya‘y napalitan ng matindinggalit at
poot. Sa bawat umagang ginawa ng Diyos ay wala siyang ibang ginawa kundi ang
pagbuntunan ng galit at saktan kaming magkakapatid. Mayroong kung ano sa kanya‘y
nangyari kung bakit siya nagbago. Ang dating sandigan ko ay bakit tila ngayo‘y
kinatatakutan ko na. Ano ang nangyari kay mama?
Hanggang sa isang araw habang kami ay naglalakad pauwi buhat sa bayan upang
makapagbenta ng mga bakal at bote. Isang pangkat ng mga bata ang sa ami‘y tila
nakatingin ng kakaiba. Sinubukan kong ibali ang atensiyon ko sa aking mga kapatid at
nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad subalit tiyak kong kami nga ang sinusundan
ng mga ito. Hindi ko maialis sa aking isipan ang labis na pag-iisip at pagkatakot sapagkat
may kung ano sa amin ang binabalak gawin ng mga ito. Maaring pakay nila kaming saktan
o marahil ay nakawin mula sa aming kustal ang perang amingkinita. Sa isang tiyak na
sandali, wala sa dalawang ito ang nangyari. Ang noo‘y akala kong pisikal na pang-aabuso
ay higit na mas naging masalimuot.
―Pokpok ang nanay niyo! Mga anak ng pokpok!‖ sigaw ng mga batang ito. Paulit
ulit itong tumatatak sa aking nagugulumihanang isipan. Hindi ko maipaliwanag subalit
parang may isang patalim ang bumabaon sa aking puso at tila walang katapusan ang
pag-agos ng dugo at pagluha nito sa tuwing naiisip ko ito.
―Hindi ito magagawa ni mama,‖ ang pilit kong itinatatak sa aking mga
nakababatang kapatid na noo‘y naguguluhan pa lamang at hindi pa lubusang batid ang
mga ito.
Sa bawat umaga ng aming pakikipagsapalaran, ito ang nagsisilbi naming
umagahan – ang mga hindi makataong pangungutya at panlalait mula sa iba. Dahil dito
ay naglakas loob akong alamin ang katotohanang sumasaklaw sa lahat ng mga
63
paghahatol na ito. Palihim kong sinundan si mama sa kanyang trabaho na sabi niya sa
amin noon ay isang negosyo lamang. Hindi ko maitatagong mangamba sapagkat sa
tuwing aalis siya sa aming bahay ay punong-puno ng kolorete ang kanyang mukha at
pulang-pula ang kanyang labi.
Sa aking nasaksihan, totoo nga ang lahat ng mga ito. Iba‘t ibang mga lalakiang
sa kanya‘y nakapalibot at siya ay tila nagsisilbing isang masarap na ulam na
kinatatakaman ng mga ito. Nahiwa ang aking pagkatao sa aking natunghayan. Napuno
ng mga katanungan ang aking murang isipan. Napakahirap na maging anak ng isang
pokpok. Walang katapusang pangaalipusta ang sa ami‘y ibinabato. Napakaliit lamang
ng pagtingin sa amin ng lipunan. Dahil nga ba ito sa hanapbuhay ni mama? Hindi ko rin
masisi si mama sapagkat nararamdaman ko mula sa ikabuturan ng aking puso na
ginagawa lamang niya ito dahil ayaw niya kaming mamatay sa gutom. Dahil nahihirapan
na siyang magpakalat-kalat kami sa gitna ng madilim at mapanganib na lansangan. Sa
makatuwid nagawa niya ito dahil mahal niya kami.
Sa bawat paglunok ko ng kanin sa aming hapagkainan ay naiisip ko ang
hanapbuhay ni mama. Labis ang pagbuhos ng aking mga luha sa tuwing tumatakbo sa
aking isipan ang katotohanang hinyaan niyang madurog ang kanyang pagkatao para
mabuo lamang niya ang responsibilidad niya sa amin. Sabi nga nila, handang gawin ng
isang ina ang kahit na ano para lamang sa kapakanan ng kanyang mga anak.
Sa kabila nito ay hindi ko pa rin matanggal sa aking isipan ang magiging kaligtasan
ni mama. Papaano na lamang kung saktan o paslangin siya ng mga customer niya? Paano
na lamang kung dapuan siya ng mga mapanganib at nakamamatay na karamdaman?
Siya isang inang nakikipagsapalaran lamang para mabuhay kami. Wala siyang ibang
adhikain kung hindi ang makakabuti lamang para sa amin.
Nagpatuloy ang kanyang hanapbuhay sa loob ng maraming taon, dahil din dito
ay nakapagtapos ako sa kolehiyo at iba ko pang mga kapatid. Napakasakit man sa akin
bilang isang anak na makitang nagbebenta ng sariling laman ang aking ina subalit pinilit
kong tanggapin na lamang ito at gawing insiparsyon upang makapag-aral at makaahon
mula sa labis na pagka-lugmok sa kahirapan.
Sa wakas ay tumigil na rin si mama sa kanyang hanapbuhay. Sa loob ng isang
taon ay napuno ang aming tahanan ng masasayang mga ala-ala. Noo‘y doon ko lamang
nakita ang labis na kasiyahan mula kay mama. Kahit papaano ay unti-unti kongnapapawi
ang madilim naming nakaraan. Subalit lang ng ito ay nagbago ng matuklasan naming may
sakit si mama. Ang sakit na ito ay nakuha niya sa kanyang nagdaang hanapbuhay.
Labis ang aking panghihina nang malaman ko ang tungkol dito. Hindi ko pa
nadadala si mama sa iba‘t ibang bansa. Hindi ko pa lubusang nasusuklian ang kanyang
sakripisyo. Ang sakripisiyong para sa akin ay higit na dakila sa kahit sino pa mang
magulang na nagha-hanapbuhay din para sa pamilya. Ibang-iba si mama. Marahil hindi
ako ngayon isang propesiyonal kung hindi dahil sa kanya.
Hindi nagtagal ay pumanaw na rin si mama. Baon niya ang masasaya naming ala-
ala hanggang sa kanyang huling hininga. Ano pa man ang kanyang naging maling
desisyon noon, masaya siya sapagkat nagbunga ito ng maganda – at ang aming
64
tagumpay ang kumukha rin ng kanya. Hanggang sa huli mama, tunay na nakaukit sa
aking puso‘t isipan ang iyong ala-ala.
Ito ay para sa aking pokpok na ina. Ipinagmamalaki kita!
Barya
Nakalathala sa Daloy Dalumat
Alas-7 ng umaga. Nag-aabang ako ng bus mula Mandaluyong pa-Nova. Tanging laman
ng bulsa ko‘y sampung-pisong barya. Sinasalat-salat ko ng mga daliri ng isang kamay
ang bagol sa bulsa ko; sinasalat-salat ang nakaukit na mga mukha nina Mabini at ni
Bonifacio.
Nag-iisa, walang kalansing ang barya sa aking bulsa. Ang kumakalampag ay ang kalam
at hilab ng aking bituka na hindi man lang nasayaran ng mainit bago ako umalis.Walang
almusal sa opisina ng Kilusan. Simot ang mga botelyang plastik ng kape at asukal. Siguro
naman ay may kape sa bahay na pagdarausan ng talakayan sa isang komunidad sa Nova.
Pumara ang isang bus na pwede kong sakyan sa loading bay. Sinasalat pa rin ang bagol
sa aking bulsa, nag-aagam-agam na sumakay ako. Ang sampung-piso sa aking bulsa ay
kulang sa pamasahe hanggang Nova. Tatawaran ko ang konduktor kung papayag ito o
ibabayad ang sampung-pisong barya kung hanggang saan ang abutin nito. Kadilakad
na lang hanggang lugar na aking pupuntahan.
Maaga pa at kukonti pa ang pasahero. Pinili ko ang isa sa mga upuan sa tabi ng bintana
sa dakong likuran ng bus. Mas madaling makiusap kung walang makakarinig na iba. Hindi
ako kaagad pinuntahan ng konduktor para singilin. Magdaragdag pa muna siguro ng mga
pasahero bago magtiket at maningil.
Parang karo sa bagal ang takbo ng bus. At madalas na patigil-tigil upang mangahoy ng
maagang mga pasahero. Isinandig ko ang aking ulo sa sandalan ng upuan. Pumikit.
Naopuyat ako sa kababasa sa nilalaman ng pinakahuling isyu ng dyaryo ng Kilusan bilang
paghahanda sa talakayan:
65
Bayan! Pagulantang akong nagising. Mabilis na sinalat ang sampung-pisong bagol sa
aking bulsa. Naruon pa. Hindi ako tiniketan at siningil ng konduktor. Inilabas ko ang aking
kamay na nakaipit na sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ang sampung-pisong barya na
tanging kayamanan ko sa araw na iyon.
Tumayo na kasabay ng nagtayuan ding mga pasahero para magsibaba. Hawak ko ang
aking bagol kung sakaling sisitahin ako ng konduktor.
Ni hindi tumingin sa akin ang konduktor. Kahit pa palingap-lingap ako dito habang pababa
na ng estribo. Nagulat pa ako nang humugong ang makina ng bus at muling umandar .
Kasabay ng palatak ko ng Yes! biglang dumulas ang bagol sa pagitan ng dalawa kong
daliri; nalaglag sa paanan ko, gumulong, at bago ko nahabol ay tuluy- tuloy na nahulog
sa imburnal sa di-kinalayuan sa aking kinatatayuan.
Tula
Paggalang sa Karapatang Pantao
ni Charlene L. Lizardo
ni Rogelio L. Ordonez
66
nagbubungkal ng inyong lupa
upang buhay ninyo‘y sumagana
at lumagi kayong pinagpala.
67
at ipagkakait ang kinabukasan?
masisisi pa ba ninyo kami
kung balang araw
kayo naman ang patayin namin.
68
May dignidad na sa atin
ay lumulatang
Basehan na tayo ay may
karapatang mabuhay,
ipagpatuloy ito, maging masaya
at magtagumpay.
Dunong at diwa sa atin
ay ibinigay
Mula sa Maykapal na kabutihan
ang siyang taglay.
Gamitin ito sa wasto
at huwag iabuso.
Binigay sa atin ito
upang ipagyabong
at antas ng pamumuhay
ay tumaas
Hindi para manlinlang, manloko
at maging mandarambong
Kaya nga moralidad ay kumukupas.
Huwag mang-apak ninuman
Lalo na sa kanilang pagkatao
at karapatan
At pag bumaligtad
ang panahon
Baka ikaw naman ang nasa piitan.
Hindi ko lubos na maisip
na sa sinauna pa man
hanggang sa kasalukuyan
Sa tinagal-tagal ng pakikibaka
ng sinuman sa sanlibutan
Meron pa ring sa kalayaan o
karapatan ay pinagkaitan
Ganid at makapangyarihan,
Kung sila ay ilarawan.
Mapangahas at mapusok,
lalo nang kasuklam-suklam
Kung ganilang galit ay pumutok.
Hinagpis at poot, huwag ikubli,
Dinggin ang puso sa pag-abot
ng katarungang minimithi.
Magsumbong sa kinauukulan
Nang sa gayon, sungay ny salbahe
ay maputulan.
69
Anak ka man ni Pontio Pilato o
karaniwang tao lamang,
Basta hustisya at iyong karapatan
na ang pinag-uusapan,
Huwag hayaang yurakan.
Matuto tayong lumaban,
Puri at sarili ay ingatan
Karapatan nating ipagtanggol ang sarili
Sa anumang uri ng pang-aapi
At kailanman huwag
hayaan magapi
Datapwat kalayaan
ay ipagbunyi.
KALAYAAN,
Sa anumang uri,
Ito ang ating karapatan,
Kalayaan na hinahangad
ng karamihan,
Mahirap man o mayaman.
Lahat tayo, ito ating
inasam-asam,
Pagkat tao man lan naman
at nangangailangan ng
kaligayahan
Karapatan natin ito,
ng bawat nilalang.
At sa pagsubok huwag na
huwag kang susuko
yan ating isaalang-alang.
At kung ikay yamot
at pagod na sa buhay
Huwag kang magpapakamatay
Lalo lamang itong gugulo
Kung marunong ka lang
maghintay.
Darating ka rin diyan,pero
ngayon ang bata mo pa
May bukas na naghihintay at
marami ka pang magagawa.
Ang iba nga diyan, tulad ng
maysakit at may edad na
Gusto pang mabuhay,
ikaw pa kaya
70
Dahil lang sa mga rasong
ang bababa.
Pero sabi mo, "Buhay ko naman to",
Sige bahala ka,basta alam mong
sa purgatoryo o impyerno
ka patutungo
Maging matatag ka lang sana
Kasi walang sinuman ang may
karapatang kumitil nito
Kundi ang tagapaglikha lamang,
na pinahiram mang tayo.
71
makakamtam.
Pangalawa, ang karapatang
pangkalikasan o panghayop
Hindi lang tayong tao ang may
karapatang mabuhay
sa mundo
Dahil kung makapagsalita
lang ang hayop
Tiyak ito ang sasabihin nila
"Hoy buwisit ka, Hayop man kami,
mas lalo ka na,
Kami riy may puso
at pakiramdam
Buhay namin ito at hindi
sa inyo
Kaya huwag niyo kaming
pakialaman,
Patayin at ikulong, para lang
pagkaperahan".
Gaano man kaliit o isa mang
higante
Maliit gaya ng langgam o
singlaki pa ng elepante
Lahat tayo ay may karapatan
Ikaw may tao, hayop o
halaman
Basta may buhay
Pag-ibig ang dapat nating ialay.
Kolum
Republikang Mamon
ni Rogelio L. Ordonez
72
Habang nakaapela sa CA ang kanyang kaso, mga dalawang taon nga siyang ikinulong
noon sa Embahada ng Amerika dito na, maliwanag, hindi sakop ng mga batas at
hurisdiksiyon ng Pilipinas. Matapos magdesisyon ang Korte Suprema na dapat nang ilipat
ng kulungan si Smith sa sakop ng teritoryo ng bansa — halimbawa‘y sa Pambansang
Bilangguan sa Muntinlupa — hindi naman iyon naipatupad kahit isang minuto dahil
kailangan pa diumanong ―linawin‖ ang ilang teknikalidad sa mga probisyon ng
nakasusukang VFA (Visiting Forces Agreement) na sumalaula na naman sa soberanya o
kasarinlan ng bansa. Sadyang binimbin ang pagpapatupad ng naturang kautusan, ibinitin
at pinatawing-tawing sa hangin kaya, sa wakas, namaniobra o nasalamangka ng
makapangyarihang mga kamay ang lahat-lahat at nagmukhang tangaang Republikang
Mamon.
Maaalaala, kahit parang dumaraan sa butas ng karayom ang sinumang aplikante para
mapagkalooban ng visa sa Embahada ng Amerika dito, biglang-bigla na lamang pumutok
ang balitang nasa Amerika na si Nicole, kasama ang Nanay, upang doon na magsimula
ng panibagong buhay matapos ang madamdamin niyang pagsasalaysay noon kung
paano nilaspag ni Smith ang kanyang puri. Pagkatapos, bigla rin angipinalabas
niyang bagong pahayag na hindi na niya tiyak kung ginahasa nga siya o hindi ni Smith
dahil ―lasing na lasing‖ siya noong gabing iyon. Maliwanag, ang nabaligtad na pahayag
ni Nicole ang isa sa mga matibay na batayan ng tatlong babaing mahistradong CA —
bukod sa iba pa marahil na mahiwagang mga kadahilanan, kasama diumano ang
konsensiya — kaya, sa wakas, mabilis pa sa alas kuwatrong napawalang-sala si Smith at
parang ipu-ipong nakauwi agad sa Amerika.
Dumaan, diumano, sa tamang proseso ang lahat, ayon kay Embahador Kristie Anne
Kenny, at gayundin ang opinyon ng ilang opisyal ng pamahalaan natin, lalo na si
Sekretaryo Raul Gonzalez ng Katarungan kaya, sabi nila, walang dapat hinalaing
iregularidad o hokus pokus sa mga bagay na ito. ―Tell it to the marines,‖ sabi nga sa
wika ng mga Yankee. Sa paniniwala ng mga mulat at progresibo, diniktahan ng mga
diyus-diyosan sa Washington ang diyosa ng Malakanyang para aregluhin ang lahat pabor
kay Smith.
Kailan nga ba naipatupad ang mga batas ng Pilipinas laban sa mga nagkakasalang
sundalong Amerikano sa sakop ng teritoryo nito? Nang namamayagpag sa bansa ang
73
mga base militar ng Amerika dito — sa Sangley Point sa Kabite, sa Clark Field sa
Pampanga, sa Subic Bay sa Olongapo — itinambak lamang sa kangkungan ang maraming
kasong kinasangkutan ng mga marinong Amerikanong kagaya ni Daniel Smith. Walang
kaluskos na nakalayas agad ng Pilipinas ang mga kinauukulan at lumitaw na lamang, nang
malaon, na nagkakamot na ng bayag sa Estados Unidos ng Amerika.
Sariwa pa sa alaala, noong mga huling taon ng dekada ‘60, isang mala-pistolerong
marinong Amerikanong tumutugon naman sa pangalang Kenneth Smith ang hindinapitik
man lamang sa ilong ng batas ng Pilipinas at agad na pinawalang-sala ng mga awtoridad
na Amerikano kaugnay ng pagkakapatay sa isang pobreng Pilipinong limpiya bota na
nagnanakaw diumano ng bisikleta. Ang biktima, si Rogelio Gonzales, ay bastana lamang
binaril at napatay ni Smith sa tarangkahan ng Sangley Point. Bisikleta lamang ng Amerika
ang katumbas ng kanyang buhay nang basta na lamang ibinasura ang naturang kaso.
Noon ding mga panahong iyon, isang Pilipinong trabahador, si Glicerio Amor na
―nakatalikod at nakatalungko at umiinom‖ sa isang sapa na sakop ng base militar ng
mga Yankee sa Subic Bay, Olongapo, ang basta din lamang binaril at napatay ng
marinong si Michael Moomey. Ikinatuwiran ni Moomey na napagkamalan niyang
―baboy-ramo‖ si Amor kaya niya binaril agad. Hindi man lamang napitpit ng batas ng
Pilipinas ang kanyang mga daliri at nakauwi din agad siya ng Amerika.
Noong 1970 naman, iba‘t ibang makahayop na kalupitan ang dinanas ng ilang
manggagawang Pilipino sa Clark Field, Pampanga sa kamay ng binansagang Holman‘s
Gestapo Unit — si Col. Averill Holman ang siyang kumander ng naturang base militar na
nahaharap noon sa kasong desakato sa Hukumang Unang Dulugan ng Lungsod ng
Angeles kaugnay ng kaso namang tangkang pangingidnap at panggagahasa ng apat
niyang sundalong sina Ronald McDaniel, Cecil Moore, Bernard Williams at Hiawatha R.
Lane. Ibinaon na rin lamang sa limot ang nasabing mga kaso.
Isang alas kuwatro ng hapon, nilapitan ng anim na sundalo ng Holman‘s Gestapo Unit
ang anim ding sibilyang empleyado ng base militar na nakatayo sa tarangkahan ng
terminal ng Clark at hiningan ng mga ID. Walang kaabug-abog na pinaghihipuan ang
dalawang babae sa mga iyon, kinaladkad sa malapit na gusali ang apat na lalaki at
basta na lamang pinaggugulpi. Marami pang obrerong Pilipino ang walang kadahidahilang
binugbog ng mga sundalo ni Holman.
Ayon pa rin sa THE WHIG, muli, isang hapon, isang Pilipinong nangungumpay ng damo
sa labas ng bakod ng Clark ang nilapitan ng dalawang marinong Amerikano, at basta na
74
lamang sinipa. Sumigaw ang biktima, humingi ng saklolo, pero tinakpan ang kanyang
bibig, saka muling pinagsisipa. Pagkatapos, inihagis ito sa loob ng bakod, isinakay sa
dyip, tinadyakan ang bibig na ikinalagas ng tatlong ngipin. Sa tanggapan ng seguridad
ng Clark, 18 pang marino ang halihaliling bumugbog sa kanya at itinapon siya, nang
malaon, sa labas ng bakod ng Clark.
Isang Pilipinong nakatira sa tapat ng base, batay pa rin sa ibinunyag ng THE WHIG, ang
tinalian at ipinakaladkad sa kabayo ng isa pang miyembro ng Holman‘s Gestapo Unit.
Isang Pilipino namang patungo sa tore ng radyo ng Clark ang hinabol at nang malapit
nang abutan ng sundalong Amerikano, basta na lamang ito binaril at napatay. Nang
makabalik sa Amerika ang naturang marino, ipinagyabang pa nito diumano na 15 Pilipino
ang kanyang napatay sa loob ng panahong nakadestino siya sa Pilipinas.
Hindi kaya paulit-ulit na mangyari, o nangyayari na, ang nabanggit na mga halimbawa
ng pag-abuso‘t kalupitan ng mga sundalong Amerikano sa ilalim naman ngayon ng dapat
nang ibasurang VFA? O mananatili lamang mga gulugod-dikya ang pambansang liderato
at hahayaan na lamang manatiling ang bansa‘y isang Republikang Mamon sa mata ni
Uncle Sam na puwedeng basta na lamang salaulain ang mga batas at lamutakin ang
soberanya o kasarinlan nito?
Sabi nga, huwag mong asahan Virginia, na maisusulong ang pambansang kapakanan —
pangkultura man, pang-ekonomiya man o pampulitika — hanggang nakatali sa asintos
ng imperyalistang mga patakaran ng Estados Unidos ng Amerika ang nagpapanggap na
makabayang mga lider ng Republikang Mamon. Opo, Virginia, opo…maniwala ka na
lamang sa mga milagro at horoscope upang maparatangan namang may hangal kang
kaisipan. #
ni Rogelio L. Ordonez
Hitik nga ng karahasan ang maraming bansa sa mundo bago nakamit ang minimithing
mga pagbabago sa kanilang katayuang pangkabuhayan, pampulitika, pangkultura o
panlipunan. Natural, sa pagsulong ng sibilisasyon at kamulatan, hindi naiiwasang mauwi
75
sa karahasan ang mga tunggalian na nagdulot naman ng mga reporma‘t pag-unlad sa
gustong baguhing masama‘t balintunang sistema ng umiiral noong mga lipunan.
Hindi mapapasubalian, iniluwal naman ang Republika ng Pilipinas dahil din sa mga
karahasan ng Rebolusyong 1896 na pinamunuan ni Andres Bonifacio at, nang malaon,
ni Hen. Emilio Aguinaldo at ng iba pang magigiting na Pilipino, laban sa kolonyalismong
Kastila. Sa kasamaang- palad nga lamang o bunga ng gahamang interes, inagaw naman
ng mga Amerikano ang tagumpay ng naturang rebolusyon na nagbunga rin ng matinding
mga karahasan sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Matapos ibalik ng mga Amerikano ang palsipikado pa ring kalayaan at kasarinlan ng bansa
noong Hulyo 4, 1946, kapalit ang di makatarungan at mapagsamantalang mga tratado
at pagiging papet ng pambansang liderato, bakit nagrebelde at naging marahas ang mga
Huk sa kasagsagan ng dekada ‘50 na maituturing na nawakasan lamang sa rehimen ni
Magsaysay? Bakit pagkatapos ng mga Huk, tuluy-tuloy naman, hanggang ngayon, ang
may apat na dekada nang rebolusyonaryong pakikibaka ng CPP-NPA? Bakitmatapos noon
ang madugong rebelyon ng MNLF (Moro National Liberation Front) sa Mindanaw sa ilalim
ng liderato ni Nur Misuari, tuloy pa rin hanggang ngayon ang rebelyon ng humaliling MILF
(Moro Islamic Liberation Front) kaya nagaganap ang marahas na pakikipagsagupa nito
sa mga puwersa ng gobyerno?
76
pagpapakasangkapan ng pambansang liderato sa mapandambong na dayuhang mga
interes.
Bakit nga ba tuloy pa rin ang mga karahasan, halimbawa‘y sa pagitan ng mga puwersa
ng CPP-NPA o ng MILF at ng gobyerno sa kabilang banda? Nauuwi pa rin nga sa mga
karahasan, kalimitan, sa pagitan ng mga demonstrador at pulisya o militar ang sa simula‘y
mapayapang demonstrasyon o protesta ng mga kabataan at estudyante laban sa umiiral
na nakasusulukasok na pambansang kalagayan?
Ayon sa kanya, magpapatuloy ang mga karahasan hanggang lumalaganap ang karalitaan
at inhustisya, hanggang nagmamalabis sa kapangyarihan, naglulublob sa mga
pribilehiyo at walang pakundangang kinokontrol ng naghaharing-uri ang pambansang
ekonomiya at pulitika sa kapinsalaan ng masang sambayanan.
Magpapatuloy ang mga karahasan hanggang inutil ang Estado na maipagkaloob sa mga
mamamayan ang pangunahing mga pangangailangan, gaya ng pagkain, pabahay, mga
ospital at paaralan.
Hindi masasawata ang mga karahasan hanggang itinatanikala sa lupa ang mga
magsasaka mabundat lamang ang mga propiyetaryo‘t asendero at, sa kabilang banda,
natutulog ang gobyerno at ayaw ipatupad ang tunay na reporma sa lupa.
Hindi mapipigil ang mga karahasan hanggang ginagatasan ng Estado ang sambayanan
sa pamamagitan ng pagpapataw ng di makatuwiran at sobrang mga buwis para
mapalamon ang mga mayayaman at may madambong ang mga opisyal ng pamahalaan.
Katakataka pa ba, kung gayon, kung bakit patuloy at patuloy ang mga karahasan sa
bansa? Malinaw na ngang sinagot ni Camilo Torres ang lahat-lahat.
77
Kahabag-habag na Migranteng Manggagawa
ni Rogelio L. Ordonez
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mula ng huling taon ng dekada ‘40
hanggang dekada ‘60, libu-libong manggagawang Pilipino ang dumagsa sa mga
konstruksiyong militar ng Amerika sa Pasipiko, lalo na sa mga isla ng Guam, Okinawa at
Wake, ngunit inagrabiyado rin sa suweldo kung ihahambing sa sahod ng mga
manggagawang Amerikano sa parehong trabaho.
78
Dahil bagsak nga ang ekonomiya ng bansa bunga ng kainutilan, katiwalian at
makadayuhang patakarang pangkabuhayan ng walang gulugod na pambansang liderato,
at lubhang mailap ang oportunidad para sa karaniwang manggagawang Pilipino,
nandayuhan na rin sila sa Thailand at Malaysia sa mga huling taon ng 1960. Kahit
hindi tiyak ang kasasapitan, nakarating ang iba sa Alemanya, Italya at Pransiya, at iba
pang mga bansa sa Europa. Napadpad ang iba sa California at Chicago sa Amerika, sa
Ontario at Winnipeg sa Canada, dahil sa pagbabakasakaling matagpuan ang hinahanap
na ginto upang maiahon sa gutom at karalitaan ang iniwang nalulungkot at
nangungulilang mga pamilya.
Nang pairalin pa ang Batas Militar ng diktadurang Marcos noong 1972, lalong humilahod
ang pambansang ekonomiya, lalong naghirap ang ordinaryong mga mamamayan, at
lalong tumaas ang halaga ng dolyar kontra sa piso kaya lalong tumindi ang migrasyon ng
mga manggagawang Pilipino — babae man o lalaki — at napadpad sila sa iba‘t ibang
lupalop, sa Iraq man o sa Iran, sa Bahrain man o sa Kuwait o sa Dubai sa Gitnang
Silangan, sa Angola man o sa Ethiopia at Nigeria sa Aprika, at maging sa Singapore,
Hongkong, Taiwan, Japan at Korea sa Asya. Ang iba, kahit salat sa kaalaman at
karanasan, ay napilitang sumuot at maglingkod sa pandaigdig na industriya ng
pagbabarko, naglayag saanmang sulok ng mundo taglay ang mumunting mga pangarap
na malimit namang nilalamon lamang ng dambuhalang mga alon sa malawak na
karagatan.
79
Dahil sa kontra-manggagawa at makadayuhang mga patakarang pangkabuhayan ng
umiiral o naghaharing rehimen, inaasahan pa ngang lalong titindi ang pandaruhayan ng
manggagawang Pilipino kahit hitik na ang kasaysayan nito ng inhustisya‘t kalupitan at
kaalipinan. Hanggang inutil ang gobyernong mabigyan ng sapat na oportunidad ang
kanyang mga mamamayan — desenteng trabaho, makatarungang sahod, kaukulang mga
benepisyo sa paggawa tungo sa maluwag o komportableng buhay — patuloy at patuloy
na ipapadpad ng hangin ng karalitaan at kakalat na parang mga layak sa iba‘t ibang panig
ng mundo ang manggagawang Pilipino. At. di nga kasi, patuloy at patuloy ding
mararagdagan ang mahaba nang listahan ng mga inabuso‘t ginahasa, ng mga pinatay at
nagpakamatay, ng mga ikinulong, pinahirapan at binitay, ng mga umuwing baliw o
bangkay na lamang, hanggang hindi maabot ng kurtadong utak ng estado ang tungkulin
nitong lubos na pagmalasakitan, pangalagaan at ipagtanggol ang interes ng uring
manggagawang Pilipino — narito man o nasaan mang panig ng mundo.
Marami nga sa kanila — lalaki man o babae — ang umalis ng bansa nang luhaan o
humahagulhol hanggang sa loob ng eroplano at, kung hindi man bumalik na bangkay
na lamang, umuuwi namang bigo‘t halos masiraan ng bait, durog ang mga pangarap at
pira-piraso ang kinabukasan dahil sa mapait at malagim na karanasan sa banyagang
lupang pinuntahan sa paghahanap ng kahit kapirasong langit para sa mga mahal sa
buhay.
Kahabag-habag na uring manggagawa!
Kanta
Bawat Bata
Apo Hiking Society
[verse 1]
Ang bawa‘t bata sa ating mundo
Ay may pangalan, may karapatan
Tumatanda ngunit bata pa rin
Ang bawa‘t tao sa ating mundo
[verse 2]
Hayaan mong maglaro ang bata sa araw
Kapag umuulan nama‘y magtatampisaw
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa ‗yo ang mundo pag bata ka
[repeat verse 1]
[verse 3]
Ang bawat nilikha sa mundo‘y
Minamahal ng panginoon
Ang bawat bata‘y may pangalan
May karapatan sa ating mundo
80
[verse 4]
Hayaan mong bigyan na lang ng pagmamahal
Katulad ng sinadya ng maykapal
Mahirap man o may kaya
Maputi, kayumanggi
At kahit ano mang uri ka pa
Sa ‗yo ang mundo pag bata ka
Hoo-wa-hoo-wa, la la la… (kids)
[repeat verse 2]
Sa ‗yo ang mundo pag bata ka
Sa ‗yo ang mundo pag bata ka
Sa ‗yo ang mundo pag bata ka
[repeat verse 1]
[repeat verse 3]
[repeat verse 1 until fade]
Batingaw
ASIN
INTRO
Tawag ng batingaw
Hayo na't ipaalam
Sa mundo ay isigaw
Karapatang pantao ay igalang
Ano mang dahilan
Antas, kulay o isipan
Tao'y pahalagahan
Karapatang likas, panindigan
CHORUS
Ang karapatang pantao ay igalang
'Di lamang sa diwa kundi sa puso man
Siyang sandigan ng katarungan
Kapayapaan at kalayaan
AD LIB
Tayo ay lilikha
Bayan na pinagpala
Bayan na may kalinga
Kinabukasang alay sa mga bata
INTERLUDE
81
Tawag ng batingaw
Hayo na't ipaalam
Sa mundo ay isigaw
Karapatang pantao ay ipaglaban
[Repeat CHORUS twice]
Francis Magalona
[Verse 1]
Mabuhay nang maayos at lubos
Magbigay sa kapwa, magmahal ng taos
Gusto kong tikman ang sarap ng buhay
Hawakan ang bukas sa 'king mga kamay
Makita (alin ?), makita (alin ?)
Makita ang liwanag sa gitna ng dilim
[Chorus 1:]
Katarungan - ito ang gusto ko!
Kalayaan - ito ang gusto ko!
Kapayapaan - ito ang gusto ko!
Karapatang-pantao - ito ang gusto ko!
[Verse 2]
Gusto kong lasapin ang tamis ng panahon
Maniwalang mahigitan ko pa ang kahapon
82
Ayokong mawalan ng pag-asa
Gusto ko nga masasayang alaala
Sama-sama, sari-sari, sabay-sabay
Mapaitaas o mapailalim
[Chorus 2]
[Repeat Chorus 1]
[Chorus 3]
[Repeat Chorus 1]
83
Iba pang Akdang Kanta Hinggil sa Karapatang Pantao
Dam – Gary Granada
Mamang May Baril – Nuklus
Halina - Jess Santiago
Sana‘y Di Masanay – Noel Cabangon
Mapayapang Mundo – Pol Galang
Isa Pang Kanta – The Jerks
Tano – Mon Ayco/Patatag
84