Talumpati-Fronda, Jericho B.

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ISABELA
Alibagu, City of Ilagan, Isabela
DON MARIANO MARCOS NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 300529
Ipil, Echague, Isabela, 3309

JERICHO B. FRONDA
GRADE 12 STEM GLADIOLI
TALUMPATI

COVID-19 PANDEMIC

Noong ika-31 ng Disyembre taong 2019 naitala ang unang kaso ng coronavirus sa
Wuhan, China. Mabilis kumalat sa bansang Tsina ang virus na naging dahilan upang
magdesisyon ang kinauukulan na patigilin pansamantala ang galaw ng tao at magkulong
sa sari-sariling kabahayan. Matapos ng unang kaso ay maraming tao sa bansang Tsina
ang nahawa sa virus na naging sanhi ng pagkawala ng buhay ng maraming tao. Sa
sumunod na taon maraming bansa malapit sa Tsina ang nagkaroon na unang kaso ng
corona virus at isa na diyan ang bansang Pilipinas.

Matapos magtala ang Pilipinas ng unang kaso ng Corona Virus mabilis na dumami
ang nahawaan ng Virus. Ayon sa mga taong nahawaan nagkaroon sila ng mga sintomas
na gaya ng lagnat, pamamaga ng lalamuna, pag-uubo, at hirap sa paghinga. Bawat araw
ay libo-libong tao ang nahahawa at nagiging sanhi ng kamatayan. Maraming pag-aaral
na isinagawa ng mga iba’t ibang kumpanya upang makalikha ng gamot para sa Corona
Virus. Maraming pag aaral at paghahanap ng datos ang isinagawa para makagawa ng
epektibong vaccine para masugpo ang nakamamatay na Virus.

Sa ilang buwan ng pag aaral at pag gawa ng iba’t ibang gamot mula sa malalaking
kumpanya sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakagawa ng Vaccine para masugpo ang
Virus na lumalaganap sa buong mundo. Gayunpaman maraming pag-aaral ang
nagsasabi na hindi isang daang pursyento ang magiging resulta ng mga Vaccine na
nalikha ngunit malaking bagay para maproteksyonan ang sarili sa Virus.

Bilang mamamayan ang maaring gawin natin ay proteksyonan ang sarili sa


nakamamatay na virus. Sundin ang mga alituntunin ng kinauukulan at magpabakuna.
Mahirap malaman kung kaylan ito matatapos. Maging maingat at bigyang halaga ang
buhay na mayroon tayo. Sa kabila ng kinakaharap nating pandemya ay huwag nating
kalilimutan maging masaya. Naniniwala ako na may pag-asa pa. Manalangin at
magpasalamat sa maykapal, naniniwala ako na ipinagkaloob niya ito sa atin, hindi para
pahirapan tayo kundi para malaman na sabila ng problema na kinakaharap natin ay
mananatili tayo na kilalanin siya bilang tagapagligtas ng sanlibutan.

You might also like