Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
SCHOOLS DIVISIONOFFICE OF ISABELA
Alibagu, City of Ilagan, Isabela
DON MARIANO MARCOS NATIONAL HIGH SCHOOL
School ID: 300529
Ipil, Echague, Isabela, 3309

JERICHO B. FRONDA
GRADE 12 STEM GLADIOLI
TALUMPATI

COVID-19 PANDEMIC

Noong ika-31 ng Disyembre taong 2019 naitala ang unang kaso ng coronavirus sa
Wuhan, China. Mabilis kumalat sa bansang Tsina ang virus na naging dahilan upang
magdesisyon ang kinauukulan na patigilin pansamantala ang galaw ng tao at magkulong sa sari-
sariling kabahayan. Matapos ng unang kaso ay maraming tao sa bansang Tsina ang nahawa sa
virus na naging sanhi ng pagkawala ng buhay ng maraming tao. Sa sumunod na taon maraming
bansa malapit sa Tsina ang nagkaroon na unang kaso ng corona virus at isa na diyan ang bansang
Pilipinas.

Matapos magtala ang Pilipinas ng unang kaso ng Corona Virus mabilis na dumami ang
nahawaan ng Virus. Ayon sa mga taong nahawaan nagkaroon sila ng mga sintomas na gaya ng
lagnat, pamamaga ng lalamuna, pag-uubo, at hirap sa paghinga. Bawat araw ay libo-libong tao
ang nahahawa at nagiging sanhi ng kamatayan. Maraming pag-aaral na isinagawa ng mga iba’t
ibang kumpanya upang makalikha ng gamot para sa Corona Virus. Maraming pag aaral at
paghahanap ng datos ang isinagawa para makagawa ng epektibong vaccine para masugpo ang
nakamamatay na Virus.

Sa ilang buwan ng pag aaral at pag gawa ng iba’t ibang gamot mula sa malalaking
kumpanya sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakagawa ng Vaccine para masugpo ang Virus na
lumalaganap sa buong mundo. Gayunpaman maraming pag-aaral ang nagsasabi na hindi isang
daang pursyento ang magiging resulta ng mga Vaccine na nalikha ngunit malaking bagay para
maproteksyonan ang sarili sa Virus.

Bilang mamamayan ang maaring gawin natin ay proteksyonan ang sarili sa nakamamatay
na virus. Sundin ang mga alituntunin ng kinauukulan at magpabakuna. Mahirap malaman kung
kaylan ito matatapos. Maging maingat at bigyang halaga ang buhay na mayroon tayo. Sa kabila
ng kinakaharap nating pandemya ay huwag nating kalilimutan maging masaya. Naniniwala ako
na may pag-asa pa. Manalangin at magpasalamat sa maykapal, naniniwala ako na ipinagkaloob
niya ito sa atin, hindi para pahirapan tayo kundi para malaman na sabila ng problema na
kinakaharap natin ay mananatili tayo na kilalanin siya bilang tagapagligtas ng sanlibutan.

You might also like