FPL (Akademik) - Linggo 3 - Modyul

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

MONDRIAAN AURA COLLEGE

SENIOR HIGH SCHOOL


SCHOOL YEAR 2021-2022

TITULO NG KURSO:

Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

ANTAS NG BAITANG:

Baitang 12

SEMESTRE/MARKAHAN/LINGGO:

Unang Semestre – Unang Markahan – Linggo 3

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo sulating
ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Pagkatapos sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


(a) Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.

NILALAMAN:

Aralin 3: Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda at Panananaliksik ng Akademikong


Pagsulat
a. Katangian ng Mananaliksik/manunulat
b. Etika at responsibilidad ng Mananaliksik/manunulat
c. Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa Akademikong Pagsulat
d. Gamit ng Akademikong Pagsulat

1
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda at


Aralin 3: Pananaliksik ngAkademikong Pagsulat

PAGTATALAKAY NG ARALIN

Mga Dapat na Isaalang-alang sa Paghahanda ng Akademikong Pagsulat

1. Katangian ng Mananaliksik/Manunulat

Marapat lamang na angkinin ng kahit sinumang manunulat o mananaliksik ang


sumusunod na mga katangian, lalo sa paghahanda ng kritikal na mga
dokumento at artikulo:

a. Matiyaga – walang katapusan ang paghahanap ng mahahalagang mga datos na


makatutulong sa kaniyang sulatin, ito man ay sa lehitimong mga personalidad,
institusyon at mga nakalimbag na materyal.

b. Sistematiko – may tamang pag-iiskedyul at pagsasaayos ng mga appointment sa


kakapanayamin at/o pupuntahang mga lugar. Mahalaga ang tamang
pagbabalangkas ng oras sa pananaliksik.

c. Maingat – mahigpit na isinasaalang-alang ang balidasyon ng facts o datos ng


pananaliksik, kredibilidad ng mga pinaghanguan ng detalye (kung ito ba ay
mapagkakatiwalaan at eksperto na sa partikular na larang/disiplina), may
pagtitimbang sa mga panig ng pagsisiyasat o walang biased pagdating sa
paglalahad ng detalye, higit sa lahat ay ang malinaw na paglalahad ng motibo,
kongklusyon, puna, rekomendasyon sa isinagawang pananaliksik.

d. Kritikal – hindi lahat ng nakalap na datos ay isinasama sa pananaliksik. Mainam


na maging mapanuri ang mananaliksik kung ang nakuhang datos ba ay
napapanahon, may relevance o kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, may
kabuluhan sa susunod pang mga mananaliksik, at higit sa lahat
mapakikinabangan ng sinumang nag-aaral ng partikular na larang. Hindi lamang
basta-basta tumatanggap ng mga datos, manapa’y sinusuri, sinisiyasat, at
pinaglilimiang mabuti ang kabuluhan ng mga nakalap na datos. Mahusay siya sa
pag-aayaw-ayaw ng mga detalye.

2
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

e. Matapat – walang itinatagong pagkilala sa mga orihinal na ideya mula sa


pinaghanguang mga datos. Hindi inaangkin ng manunulat na ang kaniyang mga
nakuhang datos ay pagmamay-ari niya at may iba nang personalidad/institusyon
ang nagmamay-ari na nito.

2. Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik/Manunulat

Sa kahit na anong sitwasyon, marapat lamang na isaalang-alang ng kahit na


sinuman ang “kagandahang-asal” at “wastong pag-iral” sa pakikitungo sa kapwa.
Ganito rin sa pagsulat at pananaliksik. Narito ang mga etika at responsibilidad ng
mananaliksik/manunulat:

a. Kilalanin na ang mga ideyang inilagay sa pananaliksik/pagsulat ay hindi


nanggaling sa iyo o may orihinal ng nagmamay-ari ng mga ito.
b. Huwag basta-basta kumuha ng mga datos ng walang permiso sa mga
mapagkakatiwalaang tao/institusyon. Lumiham, tumawag sa telepono o mobile,
mag-email at ayusin ang iskedyul bago ang itinakdang panayam.
c. Magpokus lamang sa paksa ng interbyu. Iwasang langkapan ng personal at
negatibong pagsipat ang mga obserbasyon.
d. Pagtiyagaang daanan ang proseso ng pagsulat. Huwag manipulahin ang mga
datos at pagsikapang kunin ang mga detalye sa tamang panahon at
pagkakataon.
e. Huwag na huwag dayain ang mga impormasyon. Masusukat dito ang integridad
at kredibilidad ng mismong gumagawa ng pananaliksik. Maging obhetibo sa
lahat ng pagkakataon.

3. Pag-iwas sa Plagiarism: Krimen sa Akademikong Pagsulat

Isang kalapastanganan sa akademikong pagsulat ang pagkopya ng mga


konsepto at ideya, pagsipi ng mga orihinal na gawa nang walang pagkilala at/o
paghingi ng pahintulot sa tunay na mga may-akda. Plagiarism ang tawag dito.
Paano maiiwasan ang plagiarism?

a. Lagi’t lagi, isama ang pangalan ng awtor/institusyon at petsa ng


pagkakasulat ng mga dokumento.
b. Iwasan ang maya’t mayang pagsipi sa mismong pahayag (verbatim). May
iba’t ibang uri ng pagtatala (buod o presi, halaw, mula active patungong
passive voice, at marami pang iba). Muli, kilalanin at isama ang pangalan
ng awtor at petsa ng pagkakasulat/pagkakalathala ng datos o ideya.

3
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

GAMIT NG AKADEMIKONG SULATIN

Gumagamit ng mga hulwaran upang maging organisado at malinaw ang daloy ng mga
ideya sa akademikong sulatin.

MGA HULWARAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Depinisyon
- pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
- Halimbawa: ang pormal na depinisyon ng salitang “kalayaan,” mga
salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang
ito

2. Enumerasyon
- itinatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sapaksang
tinatalakay. Ginagamit ang mga signal na bilang panimula, una,
ikalawa,susunod, pagkatapos, bilang pagwawakas, gayundin, sa
katunayan, halimbawa, atiba pa.

3. Pagsusunod-sunod ayon sa Panahon


- pagsasaayos ng mga pangyayari oproseso batay sa wastong sequence.
- Halimbawa: kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896
hanggang 1898, o ang proseso ng pagluluto ng adobo.

4. Paghahambing at Pagtatambis
- paglalahad ng pakakatulad at pagkakaiba ng mga tao (PNoy, PDigong),
lugar (Gabu at La Paz), pangyayari (Pasko, BagongTaon), konsepto
(pagmamahal, pagseselos), at iba pa.

5. Sanhi at Bunga
- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at angkaugnay na
epekto nito.
- Halimbawa: dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtataponng basura ay
lagging bumabaha sa kalakhang Maynila.
6. Problema at Solusyon
- Paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa
mga ito.
- Halimbawa: Edukasyon ang sagot sa kahirapan.

7. Kalakasan at Kahinaan

4
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

- Paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay,


sitwasyon, o pangyayari.
- Halimbawa: mga kalakasan at kahinaan ng programang K-12 sa sistema
ng edukasyon sa Pilipinas.

8. Pagbuo ng Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyom


- paglalagom o pagbubuod ng impormasyon sa mas makabuluhang
kaparaanan at pagbibigay tibay sa mga ideyang inilahad kaalinsabay ng
pagbibigay payo o pagrerekomenda sa mga bagay na makakatulong
upang mapagtagumpayan ang isang gawain.

TANDAAN:

Lagi nating isasaalang-alang na ang epektibong mga sulatin gaya ng pananaliksik


at iba pang akademikong pagsulat ay nakasalalay sa magagandang katangian ng
mismong manunulat at ang kaniyang malawak na kasanayan sa pagsulat. Huwag ding
kaliligtaan na mahalagang salik ang pagsangguni sa mapagkakatiwalaang
tao/eksperto/institusyon sa piling mga larang at disiplina, na siyang magsisilbing giya at
gabay sa mabisa at episyenteng pagsulat.

GAWAIN 1

Panuto: Ngayong nalaman mong may mga dapat na isaalang-alang sa


pananaliksik at paghahanda ng akademikong sulatin, muling balikan ang
inyong nakalipas na mga pamamaraan sa pagkalap ng datos na sa tingin
mo’y dapat nang baguhin at palitan. Talakayin ito sa pamamagitan ng
malayang diskusyon kasama ang kapartner na kamag-aral na pinili mo sa
tulong ng messenger o text. Gawing batayan sa pagsagot at pagtalakay
ang talahanayan sa ibaba.

SA PAGHAHANDA NG AMING PANANALIKSIK AT PAGKALAP NG


DATOS
NGAYON NAMAN, SISIKAPIN
KUNG DATI’Y…
NAMING…

5
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)_

RUBRIK SA PAGMAMARKA
20 15 10 5
Bahagyang Hindi nakasunod sa
Makatotohanan at Kumpleto sa
impormasyon lamang hinihinging
makabuluhan ang pagpapaliwanag ang
ang inilahok sa impormasyon ang
pagtatalakay naging pagtalakay
pagtalakay talakay

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

Panuto: Isulat sa kwaderno ang iyong natutuhan tungkol sa paghahanda at panimulang


pananaliksik sa akademikong pagsulat.

Mahalagang matutuhan ang mga paghahanda at pananaliksik sa iba’t


ibang anyo ng akademikong pagsulat sapagkat ________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Ano ang kapakinabangan sa iyo ng mga nabanggit na etika sa pagsulat bilang


mag-aaral ng pananaliksik at akademikong sulatin?

6
SANGGUNIAN

• Carvajal, J.Q. Filipino sa Piling Larangan (Akademik) Pananaliksik sa Akademikong Pagsulat . [PDF file].
Nakuha mula sa: https://drive.google.com/file/d/1Ruy7F6a_3Bk21aAsNtC5F2sZ1j09fGwu/view?usp=drivesd
• Rapacon, M. (2019 March 09) Anyo ng Akademikong Sulatin. Nakuha mula sa:
https://www.scribd.com/document/401439015/Anyo-ng-Akademikong-Sulatin-docx

You might also like