Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

4

HEALTH 4
Quarter 1- Module 6:
Pagkaing Tiyaking Tama at
Ligtas Bago Kainin

i
Health 4 – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pagkain Tiyaking Ligtas at Tama Upang Makaiwas sa
Sakit
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Regine W. Bognot , Epe B. Valdon , Riz C. Bargamento
Editor : Dr. Jonathan D. Kilantang
Tagasuri : Imelda G. Naveo
Tagaguhit : Celestino A. Aparace , Regine W. Bognot
Tagalapat : Dr. Jonathan D. Kilantang,
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Wilfreda D. Bongalos ,CESO V
Assistant Schools Division Superintendent : Dr. Marcelita S. Dignos , CESO VI
Curriculum Implementation Division Chief : Dr. Oliver M.Tuburan
EPSVR-MAPEH : Imelda G. Naveo
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
ADM Coordinator : Marigold J. Cardente

Printed in the Philippines by Department of Education, Region VII, Division of Lapu-Lapu City
Departmen of Education -Region VII Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
Office Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 410-4525
Email Address: oliver.tuburan@deped.gov.ph

ii
4
HEALTH 4
Quarter 1- Module 6:

Pagkaing Tiyaking Tama at Ligtas


Bago Kainin

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga
pampubliko paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon
na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Health 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul 6 para sa araling Pagkain Tiyaking
Ligtas at Tama Upang Makaiwas sa Sakit.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iv
Mga Tala para sa Mag-aaral

Malugod na pagtanggap sa HEALTH 4 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkain Tiyaking Ligtas at Tama Bago
Kainin Upang Makaiwas sa Sakit.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin
mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

v
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa
Tayahin o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

vi
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot
sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro
o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ika-apat na Baitang!


Noong nasa Ikatlong na Baitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa
Food Labels. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa
kahalagahan sa pagbabasa ng food labels ng isang pagkain.
Sa modyul na ito ay malilinang ang iyong kakayahan sa
kahalagahang ng pagpapanatiling ligtas at tama ang pagkain upag
makaiwas sa sakit.
Upang maging makabuluhan ang pagkatuto ng mga kompentesiya
nakalatag sa modyul na ito ay ginawang kaaya-ayang mga gawain na
edenisenyo upang madali lamang maintindihan ng mga mag-aaral at
mapadali ang pagturo nito ng guro.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:


Pagkain Tiyaking Ligtas at Tama Bago Kainin upang makiwas sa
sakit.
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Nasusuri ang halagang pangnutrisyon ng dalawa o higit pang


produktong pagkain sa pamamagitan ng paghahambing ng mga
impormasyon sa Food Label.
2. Nakapaglarawan ng mga paraan upang mapanatiling malinis at
ligtas ang pagkain
3. Natatalakay ang kahalagahan ng pagpapanatiling malinis at ligtas
ang pagkain upang makaiwas sa sakit.
4. Nakakagawa ng mga hakbang sa pagpapanatiling malinis at ligtas
ang pagkain upang makaiwas sa sakit.
5. Napapahalagahan ang mga pamamaraan sa paghahanda ng
pagkaia sa loob ng tahanan upang makaiwas sa sakit.

1
Subukin
I. Maramihang Pagpili
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sa
patlang.
______1. Bakit mahalagang itago ang tirang pagkain pagkatapos
Kaninin?
A. Upang maging masarap
B. Upang maging malamig.
C. Upang kainin sa susunod na araw.
D. Upang hindi masira at magapangan ng insekto.
______2. Aling sakit ang makukuha sa maruming pagkain?
A. Diabetes C. High blood
B. Diarrhea D. Asthma
______3. Alin ang maaring mgadulot ng food borne diseases?
A. pagkaing panis
B. pagkaing may takip
C. pagkaing malinis
D. pagkaing hinuhugasan bago kainin
______4. Paano mapananatiling malinis ang pagkain?
A. Lagyan ng takip ang natirang pagkain.
B. Pabayaan lang sa mesa ang pagkain.
C. Mag-spray ng insecticide upang hindi dapuan ng
insekto.
D. Maglagay ng flower vase sa mesa upang hindi
dapuan ng langaw.

______5. Tingnan ang mga larawan sa kahon. Alin ang nagpapakita


ng tamang paghahanda ng pagkain?

https://www.slideshare.net/lhoralight/health-50199667

A. B. C. D.

2
Tama o Mali :

Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Lagyan ng (T) ang mga


pangungusap na totoo at lagyan naman ng (M) ang pangungusap na
hindi totoo.Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Mainam na basahin ang Food Label ng isang pagkain bago ito
bilhin.

_____2. Nagdudulot ng maraming sakit ang malinis na tubig at pagkain.

_____3. Tiyaking malinis ang pagkain upang makaiwas sa sakit.

_____4. Ang mikrobyo mula sa maruming pagkain ang nagiging sanhi


ng pagsakit ng tiyan.

_____5. Ang Expiration Date ay isa sa impormasyong makikita sa Food


label.

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang seksyong ito. Maari


mo na ngayong simulan and susunod na bahagi.

3
Pagkain Tiyaking Ligtas
Aralin
at Tama Bago Kainin
6
Upang Makaiwas sa Sakit

Balikan

Ano-ano ang maaring mangyari sa inyo kapag kinakain mo ang


expired na pagkain? Ligtas kaya itong kainin?

http://opening.download/spring-2020.html

Ang wastong kaalaman sa pagbabasa ng Food Label ay


mahalaga sa atin lalo na kung paano ito gamitin upang
mapanatiling ligtas ang ating kinakain. Dapat din natin itong
tatandaan lalo na sa paghahanda ng pagkain upang maiwasan
ang mga mikrobyong pumapasok sa ating mga pagkain na
nagging sanhi ng ating pagkakasakit.

4
Tuklasin

Basahing mabuti ang sitwasyon na ibinahagi sa iababat sagutin ang


mga katanungan sa ibaba.
Mula sa orihinal na sanaysay ni Regine W. Bognot

Pumunta sa palengke ng sina aling Rosario at Lito upang bibili ng


mga sangkap at karne para maging ulam ng pamilya sa pananghalian at
hapunan. Pagdating nila sa bahay.

“Anak, bago mo hawakan ang ating mga pagkain na ating binili ay dapat
mo munang hugasan ang iyong kamay” sambit ng iyong ina. “Opo
mama. Ano po ang gagawin ko po sa mga pagkain ina?” sabi ni Lito.
“Anak may mga hakabang kang dapat matutunan sa pagahahanda ng
pagkain upang maiwasan natin ang sakit. Dapat mong ihiwalay ang
sariwa sa lutong pagkain. Pagkatapos hugasan mo ng mabuti ang karne
sa malinis na tubig mula sa gripo. Huwag kang gumamit ng sabon.”sabi
ng iyong ina.

“kailangan rin siguraduhing malinis ang kagamitang pangkusina.” Dadag


pa nito. “Inay hihiwain ko na po ba ang karne at gulay?” tanong mo sa
iyong ina. “Oo anak, pero kailangan mo munang mgahanda ng malinis
na lalagyan na nakahiwalay ang karne at gulay upang maiwaasan ang
cross-contamination sa paghahanda ng pagkain” sabi ng iyong ina.

5
Pagkatapos ni Lito ihanda ang pagkain ay sinimulan ng lutuin ni aling
Rosario ang karne. Niluto niya ito ng 45 minuto upang lumabot. Nang
maluto na ang pagkain ay sinimulan na ni Lito na ilagay ang pagkain sa
malinis na lalagyan.

Natapos mo na bang basahin ang kwento? Ngayon ay maari mo nang


punan ang hinihingi sa loob ng kahon.

Itala sa loob ng kahon ang mga paraan sa pagpapanatiling ligtas at


malinis ang paghahanda ng pagkain. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

MGA PARAAN SA PAGPAPANATILING LIGTAS AT MALINIS


ANG PAGKAIN
1. Maghugas muna ng kamay bago hawakan ang ihahandang
paagkain.

2.

3.

4.

5.

6
Suriin

ARALIN 3: Kahalagahan sa Pagbabasa ng Food Labels Basahin

Mga mahahalagang impormasyon na makikita sa food label ng pagkain.

Tinutukoy nito ang pangalan ng


produktong pagkain

Tinutukoy nito kung anong uri ng


pagkain ang nasa loob ng pakete

Nakasulat dito ang timbang ng


nilalaman ng pakete

Ang Nutrition Facts ay


isang talaan kung saan
nakasaad ang uri at sukat ng
mga sustansiyang
makukuha sa pagkaing nasa
loob ng pakete.

Serving Size – tumutukoy sa


mungkahing dami ng isang
serving na dapat kainin.
Serving Per Container –
tumutukoy sa kabuuang
bilang ng servings na
makukuha sa isang pakete

Sa ibabaw na bahagi ng isang produkto makikita ang Expiry date at


paraan kung paano mapanatiling presko ang isang produkto.
Expiry Date – petsa ng pagkawala ng bisa, ibig
sabihin hindi na siya pwedeng kainin, maaaring
masira ang tiyan.

Best Before Date – kahit lumagpas na sa best


before date ay pwede pang kainin.

Direction for Use and Storage - paraan


7 ng kung paano itabi ang pagkain o
produkto.
Ang Calories – sukat ng
enerhiyang maaaring
makuha sa isang
serving ng pagkaing

Sodium – isang uri ng mineral


na nakatutulong sa
pagbabalanse ng timbang ng
likido sa loob ng katawan. Ngunit
ang pagdami nito sa katawan ay
maaaring magdulot ng mataas
na presyon.

Ang Ang Trans Fat ay Cholesterol ay matabang sustansiya na


Saturated Unsaturated pinakamapan kailangan ng ating katawan upang
Fats ay Fats ay ganib sa gumana ito.
nagpapataas isang uri ng katawan
High Density Lipoproteins(HDL) ay
ng kolesterol fats na kung
dinadala ng “mabuting” cholesterol na ito
sa dugo na makukuha sa kakainin,
ang mga sobrang cholesterol sa dugo
maaaring mga gulay at magdudulot
pabalik sa atay upang mailabas ito ng
magdulot ng nagdudulot ito ng mga
katawan.
masamang ng Mabuti sa problema sa
epekto sa ating puso. Low Density Lipoproteins(LDL) ay ang
katawan katawan. “masamang” cholesterol na ito sa dugo
kung marami ay dumarami sa mga ugat o daluyan ng
ang iyong dugo – maaaring magdulot ng paninikip
makakain. ng mga ugat, na nagpapahirap sa
pagdaloy ng dugo.

8
Protein – tumutulong sa pagbuo
at pagsasaayos ng mga
kalamnan (muscles) at mga
selyula (cells).
Carbohydrates – pangunahing
pinagkukunan ng enerhiya ng
katawan.
Dietary Fiber – isang parte ng
pagkain na hindi natutunaw at
inilalabas lang sa katawan ngunit
nakalilinis ng digestive system.
Sugar – ito ay nagbibigay ng
mabilis at panandaliang enerhiya
sa katawan.

Vitamins at Minerals – tumutulong sa


pagpapanatili ng maayos na mga proseso sa loob
ng ating katawan.

9
ARALIN 4: Pagkain Tiyaking Tama at Ligtas Bago Kainin

Ang Food Safety Principles ay naglalaman ng mga alituntunin

upang mapanatiling malinis at ligtas ang pagkain.

Ang pagkain ay dapat na pinanatiling malinis sa pamamagitan ng

paghuhugas ditto bago iluto.Pinag-iingatan din itong ihanda at

sinisigurong malinis ang mga kagamitan sa paglalagyan at

paglulutuan.Iniluluto itong mabuti upang hindi agad masira o mamatay

ang mga mikrobyong kumakapit dito

10
Aralin 5: Pagkain Tiyaking Ligtas at Tama Bago Kainin Upang
Makaiwas sa Sakit

Ang mabuting paghahanda ng pagkain ay dapat palaging


sumusunod sa waston at malinis na pamamaraan. Dapat ring mapanatili
ang pagiging maayos at malinis nito ay ayon sa pag-aaral ng mga
dalubhasang doctor mula sa Lyceum of the Philippines University na
sina Dr. Buted at Dr. Ylagan (2005).
Ang Direction for Use and Storage na makikita sa pakete ng
isang nabiling pagkain ay mahalaga ring malaman upang mapanatili
nating sariwa ang isang pagkain at ligtas itong kainin.
Nakapahalaga na malinis at maayos na paraan ang paghahanda
at pagluluto sa pagkain. Kung hindi maayos at malinis ay maari itong
dahilan ng food poisoning.
Ang food poisoning ay karaniwang nakukuha ng mga taong may
mahinang immune system, mga bata, buntis at matatanda. Ito ay sanhi
ng bacteria, virus or mga parasitiko na nasa pagkain. Isa sa mga dahilan
ay ang foodborne diseases. Ang food borne diseases ay tumutukoy
sa klasipikasyon ng mga sakit na nakukuha mula sa pagkain. Ito ay
binubuo ng mga sakit na dulot ng kontaminasyon ng mga mikrobyo,
parasitiko, o kaya’y pagkakahalo ng kemikal o nakalalasong substansya
na maaaring makasama sa kalusugan ng tao.
Ayon sa isang pagsusuri ng Department of Health (DOH), 1 sa
bawat 4 na Pilipino ang naghuhugas ng kamay bago maghanda ng
pagkain. Kapag may mikrobyo ang ating kamay, puwede itong mailipat
sa pagkain at magdulot ng sakit tulad ng food poisoning, pagtatae o
diarrhea at ang pinakamalala ang pagkaospital.
Kung kaya ang palagiang paghuhugas ng kamay bago at
pagkatapos manghanda ng pagkain ay isa rin sa susi upang maiwasan
ang sakit na dulot ng bacteria.

11
Pagyamanin

Gabay na Gawain 1
Tama ba o Mali?
A. Isulat ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
wastong impormasyon at isulat ang MALI kung hindi ito wasto.
_________ 1. Makikita sa pakete ng pagkain kung kalian ito masisira o
mapapanis
_________ 2. Magkakapareho ang mga paraan ng pag – iimbak ng
pagkain at inumin.
_________ 3. Malalaman ang timbang ng pagkain o inumin sa pakete.
_________ 4. Maaari pang kainin or inumin ang isang produkto matapos
ang Expiry Date nito.
_________5. Isinasaad sa Nutrition Facts ang kompletong listahan ng
mga sustansiyang makukuha sa produkto.
________ 6. Maaaring makakuha ng sakit mula sa pagkaing sira o panis
na produkto.
________ 7. Masisira ang pagkain kung hindi ilalagay sa refrigerator.
________ 8. Hindi na maaaring inumin ang isang produkto kung
lumapas
na sa Best Before Date.
________ 9. Ang pagbabasa ng food labels ay paraan upang makatipid
ng pera.
________ 10. Maaaring maihambing ang sustansiyang ibibigay ng mga
produkto sa pamamagitan ng pagbabasa ng food labels.

12
Gabay na Gawain 2
Panuto: Iayos ang mga hakbang sa pagkakaroon ng malinis at ligtas na
pagkain para ihanda sa pamilya. Isulat ang titik A-E sa patlang sa iyong
sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na sulatang papel.

_______ Hugasan ng maayos ang mga kagamitan sa pagluluto.

_______ Maghugas ng kamay bago magsimula sa pagluluto.

_______ Lutuin at haluin ng maayos ang niluluto.

_______ Hiwain ang karne at iba pang mga sangkap sa pagluluto.

_______ Ilagay sa malinis na plato ang ulam kapag naluto na.

B. Piliin sa loob ng kahon ang salitang aangkop sa bawat pangungusap.

takpan kagamitan hilaw


Gulay at prutas sabon refrigerator

1. Hugasan ang mga ____________ sa pagluluto bago gamitin.


2. Sa paghuhugas ng mga kamay, gumamit ng _____________ at
malinis na tubig.
3. Lutuin ng maayos ang pagkain, iwasang kumain ng mga
_________na karne.
4. _________ang pagkain para hindi dapuan ng langaw, langgam at
ipis.
5. Kapag ang pagkain ay hindi nakain sa loob ng 2-3 oras, ilagay
muna ito sa _________para hindi mapanis.

13
Isaisip

Ulat Pangkalusugan
Ano ang aking mga natutunan?

Anong dapat kong gawin?

1. Sa pagpapanatiling ligtas ang pagkaing tiyaking


ito. Sa pagbili sa
palengke piliin ang mga
prutas, gulay at karne.
ang mga sangkap at
kagamitan na gagamitin sa paghahanda ng
pagkain. Lutuin nang mabuti upang matiyak
na mamamatay ang mikrobyo.

2. Maaaring ang pagkain upang


hindi dapuan ng mga insekto na maaaring
magdala ng mga___________nagdudulot
ng sakit. Kung ito ay hindi na mainit,
maaaring ilagay sa loob ng para
hindi mapanis. Kung ilalagay sa
refrigerator/cooler habang mainit pa,
maaari itong magtubig (moist) na maaaring
maging dahilan ng ________

14
Isagawa

Picture Perfect

Pag-aralan ang mga larawan. Sumulat ng pangungusap na nagpapakita


kung paano pananatilihing malinis at ligtas ang pagkain.Ipaliwanag ito.
Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

7. 8.

15
Tayahin

I. Maramihang Pagpili
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong papel.

1. Piliin ang HINDI tamang gawain sa pagpili ng tiyak na ligtas na


pagkain.
A. Piliin ang mga sariwang pagkain.
B. Bumili sa mga lisensiyadong tindahan.
C. Bilhin ang mga mamahaling produkto.
D. Basahin ang mga impormasyong nakasulat sa pakete.
2. Alin ang tama sa mga sumusunod na pangungusap?
A. Ilagay agad sa refrigerator ang biniling karne at isda.
B. Hugasan ang mga gulay bago ilagay sa refrigerator.
C. Balutin ng tela ang mga biniling gulay.
D. Itago ang mga biniling prutas sa karton.
3. Paano mapananatiling malinis ang pagkain?
A. Lagyan ng takip ang natirang pagkain.
B. Pabayaan lang sa mesa ang pagkain.
C. Mag-ispray ng insecticide upang hindi dapuan ng insekto.
D. Maglagay ng flower vase sa mesa upang hindi dapuan
ng langaw
4. Aling sakit ang makukuha sa maruming pagkain?
A. Asthma C. Diarrhea
B. Diabetes D. High blood

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang gawain sa mga


pinamiling prutas, gulay at karne galing sa palengke?
A. Hugasan bago hiwain ang mga gulay.
B. Hiwain bago hugasan ang mga gulay.
C. Hugasan ang karne bago ilagay sa freezer.
D. Hugasan ang mga prutas bago kumain.

16
6. Alin sa sumusunod na impormasyon ang makikita sa food
label ng isang pagkain?
A. Directions for Weighing
B. Directions for Use and Storage
C. Directions for Manufacturing
D. Directions for Packaging

7. Ano ang tawag sa bahagi ng FOOD LABEL na nagbibigay


impormasyon tungkol sa mga sustansiyang makukuha sa
pagkaing nakapaloob sa pakete?
A. Date Markings
B. Directions of Manufacturing
C. Nutrition Facts
D. Mga Advisory and Warning Statements

8. Aling and dapat mong gawin kung ito ang nakalagay sa food label?
“Expiration Date July 30, 2020”
A. kailangang itago sa kahon bago ang July 30, 2020
B. kailangang itago sa kahon bago ang July 30, 2019
C. kailangang ubusin ang pagkain bago ang July 30, 2020
D. kailangang ubusin ang pagkain bago ang July 30, 2021

9. Bakit mahalagang basahin ang food label sa pagbili ng pagkain?


A. upang malaman ang kulay ng pagkain
B. upang malaman kung masarap ang pagkain
C. upang malaman kung paano ito itago sa kahon
D. upang maintindihan ang nutrisyong nilalaman ng pagkain.

10. Alin ang maaring magdulot ng food borne diseases?


A. pagkaing panis
B. pagkaing may takip
C. pagkaing malinis
D. pagkaing hinuhugasan bago kainin

17
Karagdagang Gawain

Magbigay ng halimbawa na isang pagkain na inyong nabili sa palengke.


Iguhit sa isang hiwalay na bond paper ang pagkain at isulat ang mga
hakbang na inyong giagawin sa paghahanda ng pagkain sa loob ng
inyong tahanan. Sundin ang Rubriks o gabay na nasa ibaba.

Rubriks para sa Pagguhit


Mga Pamantayan Naksaunid sa Nakasunod sa Hindi nakasunod sa
pamantayan nang pamantayan subalit pamantayan
higit sa inaasahan may ilang (5)
(10) pagkukulang
(8)
1. Nakasunod sa
pamamaraang itinakda
2. Naipapakita ang
sariling hakbang sa
paghahanda ng
pagkain
3. Nakakasunod sa
pamantayan sa
wastong paghahanda
ng pagkain

18
Talahulugan

Alituntunin – gabay
Bakteria – ay isang pangunahing grupo ng mga nabubuhay na
organism.
Best Before Date – kahit lumagpas na sa best before date ay pwede pang
kainin.
Contaminants- nakakahawa
Cross-contamination – ay isang paraan kung saan napapasa ang
mga bakteria o iiba pang mikrobyo na may nakapipinsalang epekto.
Diarrhea – ay isang uri ng sakit kung saan madalas ang pagdumi na
maaaring sanhi ng pagkamatay.
Directions for Use and Storage- nagbibigay ito ng impormasyon
kung paano gamitin at itago ang pagkain upang mapanatili ang
magandang kalidad nito. Karaniwan itong nakikita sa likod ng pakete.
DOH -Department of Health, isang ahensiya ng pamahalaan na
nagpapanatiling Mabuti ang ating kalusugan.
Food bourne Diseases – sakit na nakukuha sa marumi at hindi ligtas
na pagkain at inumin
Food Poisoning – Ang sakit na ito ay maaaring makuha sa pagkaing
nahaluan ng mga mapanganib at nakalalasong bagay tulad ng sabon,
pangkulay, asido, panlinis ng bahay, o halaman
Food Safety Principles – naglalaman ng mga alituntunin upang
mapanatiling malinis at ligtas ang pagkain.
Nutrition Facts - talaan kung saan nakasaad ang uri at sukat ng mga
sustansiyang makukuha sa pagkaing nasa loob ng pakete.

Sakit - sanhi ng pagpasok ng mikrobyo sa katawan ng tao na sumisira sa


resistensya at naturalesa (immune system) nito.
Virus-mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay toxin o lason.Pinakamaliit
na uri ng microorganism na nakikita lamang sa pamamagitan ng mikroskopyo.

19
Susi sa Pagwawasto

20
Sanggunian

Aklat
Taño, M.,Aguilar, MT. et al, 2015, Heath 4 Lerner’s Material, Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Sulat Pananliksik (Research Articles)


Buted, D. at, Ylagan A. (2005), Street Food Preparation Practices,
Volume 1, No. 2, May 2014
https://www.academia.edu/download/62543867/APJEAS-2014-1-
03120200329-91541-1toakbg.pdf
Bredbenner, C.et al., (2007), Food Safety Self-Reported Behaviors and
Cognitions of Adults: Results of a National Study, Volume 70, No. 8
2007
https://meridian.allenpress.com/jfp/article/70/8/1917/170660/Food-
Safety-Self-Reported-Behaviors-and-Cognitions

Internet
https://www.doh.wa.gov/Portals/1/Documents/Pubs/332-036-TA.pdf
https://mediko.ph/sakit-na-nakukuha-sa-pagkain-food-borne-disease/
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-sakit-na-nakukuha-sa-pagkain
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2017/03/23/1681421/mag-ingat-sa-paghahanda-ng-
pagkain
http://www.fao.org/3/y5740e/y5740e07.htm

Mga Larawan
Edukasyon sa Pangkalusugan Grade 4 Learner’s Material
Larawang kuha mula ni Regine W. Bognot

https://mediko.ph/sakit-na-nakukuha-sa-pagkain-food-borne-disease/
https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-sakit-na-nakukuha-sa-pagkain
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2017/03/23/1681421/mag-ingat-sa-paghahanda-ng-
pagkain
http://www.fao.org/3/y5740e/y5740e07.htm
https://www.depedcarifugao.com/esp8_q1_mod7_Ang%20Pananagutan
%20ng%20Magulang%20_FINAL08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Health%203_Q1_Mod1_Mabuti%20o%
20Masamang%20Nutrisyon_FINAL07182020.pdf
http://depedsouthcotabato.org/wp-content/uploads/2020/07/Enclosure-

21
No.-6-to-DM-CID-No.-081-s.-2020-Sample-Module-in-Filipino-5-Module-
1.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-
Pananaliksik11_Q1_Module10_08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/esp4_q1_mod2_katotohanan%20susur
iin%20ko_FINAL08032020.pdf
https://www.slideshare.net/dionisioponte1/3-health-4-tg-qtr-1-lessons-1-
4
https://www.coursehero.com/file/p3tui2iv/Bilang-tagapagdaloy-
inaasahang-bibigyan-mo-ng-paunang-kaalaman-ang-mag-aaral/
https://www.coursehero.com/file/p2f4dlb2/Ang-modyul-na-ito-ay-
pinagtulungang-dinisenyo-nilinang-at-sinuri-ng-mga/
https://www.slideshare.net/joansherbie/health-grade-4-1st-quarter-aralin-
1
https://fliphtml5.com/yxrfj/vtck/basic
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-unang-markahang-
pagsusulit
https://www.coursehero.com/file/63866051/EPP-5-MODULE-5-
CAAdocx/
https://www.coursehero.com/file/63866051/EPP-5-MODULE-5-CAAdocx
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-
in-araling-panlipunan
https://www.slideshare.net/Thanks0/es-p10-tgu2-53997881
https://www.slideshare.net/bobbietolentino/edukasyon-sa-
pagpapakatao-grade-10-tg-quarter-2
https://www.coursehero.com/file/pi402gc/itinakda-ng-Kurikulum-ng-K-
to12-habang-kanilang-pinanagumpayan-ang-pansarili/
https://www.powtoon.com/online-presentation/caFcCWssHZl/food-labels
https://www.slideshare.net/chachicolorado/fil2-lm-u3
https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-grade-10-learning-module-
unit-3
https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-grade-10-learners-module
https://www.slideshare.net/mariejajaroa/health-4-ating-alamin-at-
unawain
https://www.slideshare.net/lhoralight/pe-50203618
https://kalusugan.ph/tag/food/
https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/pagiimbak-ng-
pagkain.pdf
http://docshare.tips/complete-set-of-summative-test-all-subjects-for-
grade-4_5747bbf4b6d87fb5a38b4ee1.html
https://brainly.ph/question/385408
http://www.bsp.gov.ph/downloads/teaching/pantahanan.pdf
https://www.jw.org/tl/library/magasin/g201506/maging-mas-malusog/

22
https://www.jw.org/tl/library/magasin/g201506/maging-mas-malusog/
https://www.audiopedia.io/fil/question/Paano_ang_tamang_paghahanda
_ng_pagkain_para_sa_mga_bata_.html
https://www.coursehero.com/file/43119873/MAPEH-IV-June-18docx/
https://www.coursehero.com/file/43119873/MAPEH-IV-June-18docx
https://www.drdrlads.net/2016/03/mga-simpleng-paraan-na-
makakatulong.html
https://ph.michaelrmccartyspalmbeach.com/mga-tip-sa-kalusugan/10-
kamanghamanghang-mga-tip-para-sa-isang-malusog-na-pasko/
http://fil.yourwebdoc.com/cholesterol.php
https://tgp.com.ph/gamot-sa-diabetes/

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division ( CID )

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://oliver.tuburan@deped.gov.ph

24

You might also like