Lol

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Sa araw na ito ay nakatalaga kami na i-ulat


sa inyo ang nakaatang na paksang aming tatalakayin ngayon, kaya naman ay ito'y
simulan na natin.

Ang paksang aming ihahayag ay nauukol sa kahulugan ng buod at mga katangian


nito. Simulan natin sa kahulugan ng buod na ihahayag ni Bb. Andarayan.

Ngayon naman ay dumako na tayo sa 4 na katangian ng isang mahusay na buod na


tatalakayin ng aking 4 na miyembro. Unahin natin sa unang katangian.

1. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto. Ang buod ay dapat sumasagot sa mga
pangunahing katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at Paano. Halimbawa, ano ang
pagunahing ideya ng teksto? Ano-ano ang mga pantulong na ideya? Ano-ano ang mga pangunahing
ebidensya? lyan ay ilan sa mga katanungang dapat masagot sa isang buod. Dapat sangguniin lagi ang
orihinal na teksto. Maging sa titulo ay dapat na banggiting buod ito ng akda. Maaari rin namang ilagay sa
tala baba o footnote na ang sulatin ay buod lamang ng isang partikular na akda.

2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Sa pagsulat ng buod, tanging ang mga impormasyong
nasa orihinal na teksto ang dapat na isama. Hindi dapat dagdagan ito ng pansariling ideya o ng kritisismo
ng nagsusulat. Bagama't maaaring tama ang mga ideya ng kritisismong idaragdag, hindi hinihingi ng
buod ang ganitong mga detalye. Madalas na ang mga ganitong pagdaragdag ay naisasama sa mga
pagsusuri at sintesis.

3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto. Ang
pagsasama ng mga halimbawa o ilustrasyon upang lalong mapalinaw ang mensaheng ibinabahagi ng
isang sulatin ay isang mahusay na hakbang, subalit sa kaso ng isang buod ay hindi ito kailangan. Tanging
hinihingi sa ganitong uri ng sulatin ay ang paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong nabanggit sa
isang akda sa mas maiksi at tulad na linaw ng orihinal. Kung gayon, kailangang mapag-isipan ito nang
mabuti dahil may limitasyon ang haba ng mga pahayag na gagamitin. Ipinakikita nito na ang pagsulat ng
isang buod ay hindi kasindali ng ating iniisip, sapagkat inaasahang maihahayag ang kabuuang mensahe
ng isang akdang komprehensibong natalakay sa isang maikling sulatin lamang.

4. Gumagamit ng mga susing salita. Sa pagsulat ng isang buod, dapat gamitin ang mga susing salita na
ginamit sa orihinal na teksto. Ang mga susing salita ay ang mga pangunahing konsepto na pinagtutuunan
ng teksto. Kung muling mababanggit ang mga ito sa buod, mas mayroong kasiguruhang maipapaalam sa
nagbabasa o nakikinig nito ang mga pangunahing tuon ng pinagmulang teksto.

Sa pangkalahatan, ang buod ay isang esensyal na elemento dahil mas napapadali


ang pag-unawa ng isang mambabasa sa isang teksto o iba pa at nang sa gayon ay
malaman kung naunawaan o naging mapanuring mambabasa ba ang mga nagbasa
nito.

At doon lamang nagtatapos ang ating talakayan. Salamat sa atensyon at pakikinig.

You might also like