Alamat NG Saging

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alamat ng Saging 

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging. Labis nilang
minamahal ang isa’t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man ay
‘di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagalit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ng ama ni
Juana ang braso ni Aging at ito’y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang
putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito’y
kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo’y isang kamay na
may mga daliri ng tao.

Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno.
Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

“Ang punong iyan ay si Aging!” wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na “Aging” at sa katagalan ito’y naging “Saging”.

Aral:

 Ipaalam sa magulang kung ikaw man ay may kasintahan na. Kung hindi sila pumayag sa inyong
relasyon ay huwag maging matigas ang ulo at sundin na lamang sila upang maiwasang magkalamat ang
relasyon sa iyong magulang

You might also like