Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Yunit 1

Aralin 5: Ang Rhythmic Pattern sa Time Signatures

I. Layunin:
a. Nakabubuo ng rhythmic pattern sa time signature

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Pagbuo ng Rhythmic Pattern sa time signature
B. Lunsarang Awit: “Ang Huni ng Ibang Pipit”, C, 3, mi
4
C. Sanggunian: Music Time p. 40
D. Kagamitan: Mga flashcard ng note at rest, pitch pipe
E. Pagpapahalaga: Pakikiisa
F. Konsepto: Pagbubuo ng mga rhythmic pattern na may 3 time
signature 4

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Ipalakpak ang mga sumusunod:

1.

2.

3.

4.

5.

2. Balik-aral

Ano-ano ang iba’t-ibang uri ng mga note? Awitin ang awit tungkol sa notes
habang ipinapakita ang pagbuo ng iba’t-ibang note sa pisara.
(Tono: “This is the Way I Brush My Teeth”)
We have here a hollow head, a hollow head, a hollow head
We have here a hollow head a and we call it a whole note

Then we put a stem on it, a stem on it, a stem on it


Then we put a stem on it and we call it a half note

Then we put a shade on it, a shade on it, a shade on it


Then we put a shade on it and we call it a quarter note

Then we put a flag on it, a flag on it, a flag on it


Then we put a flag on it and we call it an eighth note

Ano-anong note ang natukoy sa awitin?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magparinig ng tugtugin sa palakumpasang 3. Pasayawain ang mga mag-
aaral sa rhythm na ito. 4

2. Paglalahad
Ipakita ang tsart ng awiting “Ang Huni ng Ibong Pipit”.
Iparinig ng guro ang awit sa mga mag-aaral.
Bibigkasin ng mga mag-aaral ang titik ng awitin ayon sa tamang rhythm.
Ituro ang awit sa pamamagitan ng rote method.
Awitin nang sabay-sabay ang “Ang Huni ng Ibong Pipit”.
3. Pagtalakay
Ano ang time signature ng awitin? Ilan ang bilang sa bawat measure?
Tukuyin ang bilang ng bawat note.
Isang grupo ng mag-aaral ang magtatapik ng beat habang ang isang
grupo ng mag-aaral ang papalakpak ng rhythmic pattern ng unang apat
na measure.
May tatlong bilang sa bawat sukat ng isang rhythmic pattern na nasa 3 na
time signature. 4

4. Paglalahat
Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga note at rest na
binuo ayon sa nakasaad na time signature.

5. Paglalapat
Mula sa awit na “Ang Huni ng Ibong Pipit”, pangkatin ang mga note
upang makalikha ng rhythmic pattern ayon sa nakasaad na time
signature.

6. Repleksiyon
Sa pag-awit ng “Ang Huni ng Ibong Pipit”, ano ang inyong naramdaman?
Bakit?
Anong uri ng sayaw ang maaaring gawin kasabay ng awitin na may 3
time signature? 4

C. Pangwakas na Gawain
Muling awitin ang “Ang Huni ng Ibong Pipit”. Sabayan ng pagtapik/pagpalakpak
ng rhythmic pattern sa awitin.

IV. Pagtataya
Lagyan ng akmang note ang bawat patlang upang mabuo ang mga rhythmic
pattern sa 3 time signature.
4

1.

2. •

3.
4.

5.

V. Takdang Aralin
Lumikha ng sariling rhythmic pattern sa 3 time signature.
4
Isulat ito sa inyong 4papel. Lagyan ng bilang ng kumpas ang bawat note na
bumubuo sa isang measure.

You might also like