Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tungkulin ng Wika sa Panahon ng Pandemya

Patuloy na nag-iiba ang takbo ng panahon at patuloy rin nating ginagamit


ang wika sa pang-araw-araw nating pakikipagkomunikasyon. Ngayong panahon ng
pandemya, paano natin maipapahayag ang iba’t ibang karanasan natin sa buhay?
Paano natin maipapakita ang ganap sa kanya-kanya nating bahay?
Mabuti na lamang at mayroon tayong wika na siyang ginagamit natin sa
pagpapahayag ng ating ideya, opinyon o saloobin sa isang partikular na bagay. Sa
panahon ng pandemya, naipaparating ang mga mahahalagang impormasyon sa
pamamagitan ng wika at nakikita ito sa mga balitang naipapalabas sa telebisyon o
sa mga social media. Ang mga impormasyong nailahad ay maaaring bigyan ng
solusyon ang ating suliraning kinakaharap. Ang mga tao ay pinagbabawalang
lumabas upang maiwasan ang pagkalat ng virus kaya’t ibinaling na lamang ang
oras sa paggamit ng social media upang ilabas ang kanilang mga hinanaing ukol sa
Covid 19.
Maraming mga tao ang nagpositibo sa Covid 19 kaya’t kinailangang
maquarantine at lumipat sa quarantine center gayunpaman patuloy pa rin ang
ugnayan nila sa kanilang pamilya at kamag-anak sa pamamagitan ng
pamamagitan ng pakikipag-usap sa videocall o voicecall. Kahit na magkalayo sila
ay napapanatili pa rin nila ang maganda nilang relasyon sa kanilang pamilya.
Nagagamit ang wika sa upang ipagbigay-alam sa mga kababayan natin saan
man sa mundo kung ano ang nangyayari sa ating paligid at nagiging updated ang
mga tao sa mga kung saan ang maraming kaso ng virus upang maiwasan ang
pagpunta rito. Ang mga frontliners naman ay nagpapahayag ng mga health
protocols sa mga pampublikong lugar upang hindi kumalat nang mabilis ang Covid
19. Nagpapaskil rin sila ng mga karatulang dapat gawin at hindi gawin ng mga tao.
Malaki ang gampanin ng wika, dahil rito ay nagkakaroon ng tayo ng
pagkakaunawaan at pagkakaisa na labanan ang Covid 19. Sa pamamagitan ng
wika ay masusugpo natin ang kinakaharap nating pandemya.

You might also like