Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay - Aralin sa Filipino 3

I. Layunin

1. Tukoyin sa mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala.


2. Pag-uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayanin.
3. Gamitin ng mga ibat-ibang bantas ang pangungusap.

II. Paksa at Aralin

a. Paksa: Pagkilala sa ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at


kayarian nito.
b. Sanggunian: Hiyas sa Filipino III p. 10-13
c. Kagamitan: laptop, ohp projector, plaskard.

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagtetsek ng liban at hindi liban.
c. Pagbati.

B. Balik- aral

Magpapakita ang guro ng ibat-


ibang uri ng pangungusap sa pisara.
Ating basahin ang mga
sumusunod.

1. Namangha si Rene nang mabasa


ang nakapaskil sa harap ng kanilang
tahanan.
2. Bukas ay magsadya po kayo sa
taong napagsanlaan ng lupa at
sabihing makikipag-ayos po tayo.
3. Huwag po kayong mag-alala.
4. Bakit kaya? Ano ang nangyari.
Mga bata pansinin ang mga 5. Inay! Itay! Narito na po akoa.
nakapasik sa pisara.

Ano-anu ang mganakapaskil na ito,


sio ang may ideya? Ito po ay mga pangungusap.

Tama, ito ay mga pangungusap.


Ngayon sa nakaraang araw ng ating Ito po ay lipon ng mga salita na buo
talakayan. Ano nga ulit ang ang diwa. Ito po ay nagsisimula sa
pangungusap malaking titik.
Akoy nagagalak sapagkat sa sagot
ninyo ang aking katanungan.

Mabuti ba kayong tagapakinig?


Unawain mabuti ang kwentong”
Huwag kayong mag- alala. Uuriin ang
mga pangunngusap ayon sa gamit.

C. Paglalahad

Ang pangungusap ay lipon ng mga


salita na buo ang diwa. Binubuo ito
ng panlahat na sangkap; ang simuno
at pang-uri.

Ano-anu ang mga ito?

1. Nagsasalaysay- pangungusap na
nagkukwento o nagsasalaysay ng
pangyayari. Ito ay nagtatapos sa
tuldok.(.)

Halimbawa:
Si Ana ay tumatakbo
Ang ibon ay lumilipad.

2. Pa-utos - pangungusap na nag-


uutos at nagtatapos sa tuldok (.).

Halimbawa:
Magdilig ka ng halaman
Magsibak ka ng kahoy.

3. Pakiusap- pangungusap na
maaring nagsasaad ng paghingi ng
pabor. Ginagamit ng magagalang na
salita upang maki-usap. Maaring
nagtatapos sa bantas na tuldok
tandang patanong (./?)

Halimbawa:
Maari ba akong humingi ng lapis.
Pakisara po ng pinto.

4. Patanong- pangungusap na
naghahanap ng kasagutan at
nagtatapos sa bantas na tandang
pananong. (?)
Halimbawa:
Nasaan na ba ang aking apo?
Kaya mo bang buhatin yan?

5. Padamdam- pangungusap na
nagpapahayag ng matinding
damdamin. Maaring pagkatuwa,
pagkabigla, pagkatakot, o
pagkkalungkot. Ito ay nagtatapos sa
tandang padamdam. (!)

Halimbawa:
Naku! Ang daming insekto!
Bilisan mo! Umuulan na!

D. Pangkalahatan

Ano ang pangungusap?


Ang pangungusap ay lipong ng mga
salita na buo ang diwa. Binubuo ng
simuno at panag-uri.
Ilan ang mga Uri ng Pangungusap
ayon sa gamit at Anu-ano ang mga Lima po ang Uri ng pangungusap
ito? ayon sa gamit ito po ay ang mga
pangungusap na pasalaysay,
patanong, pakiusap, pautos at
padamdam.
Aling bantas nagtatapos ang
pangungusap na pasalaysay,pautos Ang pangungusap na pasalaysay,
at pakiusap? pautos, at pakiusap ay nagtatapos sa
tuldok.
Anong pangungusap ang nagtatapos
sa tandang pananong? Ang pangungusap na patanong ay
nagtatapos sa bantas na tandang
pananong.
Anong pangungusap ang nagtatapos
sa tandang padamdam? Ang pangungusap na padamdam ay
nagtatapos sa bantas na tandang
padamdam.
IV. Pagtataya

A. Subukan Natin

Panuto: tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit Pasalaysay, Pautos,


Pakiusap, Patanong o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.

_______1. Si Matilda ay matalinong bata_


_______2. Hay naku_ Kayo na ang mag-usap_
_______3. Saan ka pupunta_
_______4. Dalhin mo sa akin ang lapis na yan_
_______5. Paki abot po ng bag ko_
_______6. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako_
_______7. Maari po ba akong humiram ng pera_
_______8. O, bakit ka naudlot_
_______9. Sige, Jonalou, patuluyin kita_
_______10. Dito na ba sila patitirahin_
_______11. Naku_ may sunog_
_______12. Huwag mong intindihan yon_
_______13. Kumain na tayo_
_______14. Napatingin ako sa tatay_
_______15. Kinapos ng pagkain si Aling Belinda.

V. Takdang Aralin

Sumulat s ainyong kwaderno ng tig-dalawang pangungusap na


Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Patanong, at Padamdam.

Prepared by: Romart Lee Siton BEED 3 Section 3

You might also like