Professional Documents
Culture Documents
Mga Yugto Sa Pagkatutu Sa Pagsulat
Mga Yugto Sa Pagkatutu Sa Pagsulat
Ang sulat- kamay ay isang paraan ng pagbuo ng mga simbolo na kapag ipinagtatabi ay
maaaring kumakatawan sa isang salita. Sa kabila ng paglaganap ng mga makinang word processor,
mahalaga parin ang kasanayan sa sulat- kamay; kailangan ito sa pagsulat ng mga draft na
komposisyon o mga liham, sa pagtatala ng mga mensahe o maikling kalatas.
1. Kahandaan sa pagsulat
2. Panimulang pagsulat
3. Debelopmental na pagsulat
4. Ganap na pagsulat
Ang kahandaan sa pagsulat
Sa yugtong ito, ang isang batang nagnanais makasulat ay kailangang nagtataglay ng mga
sumusunod:
May sapat na kaalaman tungkol sa Filipino upang maunawaan niya kung ano ang
kanyang kinokopya at makapamili ng mga angkop na salitang mauunawaan ng isang
nagsasalita ng Filipino. May interes at hilig sa pagsulat ng Filipino.
Nagagawang mapagtangi- tangi ang iba’t ibang hugis upang makilala ang pagkakaiba ng mga titik
katulad ng b, p, d, a at q.
May taglay na talas sa pagkilala ng mga hugis. Ito ay mahalaga sa ispeling ng mga salita.
Debelop na ang kalamnan sa kanyang mga braso at mga kamay at ang mga pinong kalamnan ng
kanyang hintuturo at hinlalaki. Ito’y kailangan para sa pagkontrol at tamang paghawak ng mga gamit
sa pagsulat.
Panimulang pagsulat