Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

MALAY 22.

1 (2009): 101-112

Ekonomiks sa Diwang Pilipino:


Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari*
Tereso S. Tullao, Jr.
tereso.tullao@dlsu.edu.ph

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang Filipino upang


lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin, hamak man, ang mga
katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson,
Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang
Filipino bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong
naglalarawan ng ating katauhan, buhay at lipunan.
Sa sanaysay na ito ay tinalakay at sinuri ang limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa
diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng panimulang introduksyon
sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung hindi gamitin ang kaalamang ito sa
paglutas ng pangunahing problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran.

Mga susing termino: pagpapaunlad ng wika, intelektwalisasyon, konsepto sa ekonomiks, diwang Pilipino,
problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran

 The intention of this study is to contribute to the development of the Filipino language so
that the intellectualization will be intensified. It’s just right to follow, then, the distinct
writings which were established by Filipino professors like Nicanor Tiongson, Virgilio
Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta and Isagani Cruz who uses the Filipino
language as instrument of analyzing, clarifying, and arranging the concepts that describe
our identity, life and society.
Discussed and analyzed in this essay are the five primary concepts of economics in the
Filipino consciousness. The objective is not only to give a prior introduction to an important
branch of social science but to use this knowledge in solving the primary problem in livelihood
and development.

Keywords: language development, intellectualization, economics, economics concepts, economic


problems

* *Isang panayam propesoryal na idinaos sa Ariston Estrada Seminar Room, Pamantasan ng De La Salle noong ika-4
ng Pebrero, 1988.
* MALAY Tomo IX, Blg. 1, 1990-1991

Copyright © 2009 De La Salle University, Philippines


102 MALAY TOMO XXII BLG. 1

INTRODUKSYON ANO ANG EKOMOMIKS?

Dapat sanang sinulat at binasa ang sanaysay na Bawa’t isa sa atin ay may kanya-kanyang
ito noong ako’y parangalan ng pamantasang ito pananaw tungkol sa ekonomiks. Kadalasan kapag
bilang Don Santiago Syjuco Gawad Propesor sa naririnig natin ang salitang ito, ang diwa ng
Ekonomiks. Ngunit, noon, hindi pa gaanong kalakalan, pera, pagtaas ng presyo, pambansang
mulat ang aking isipan sa kahalagahan at produkto, bilihan ng stock, pamumuhunan at
pangangailangang ipagpaunlad ang ating wika. May kawalan ng trabaho ang siyang pumapasok sa ating
kaunting takot at pangamba rin ako sa paggamit isipan. Marami rin sa atin ang nakasaulo ng isang
ng Filipino bilang wikang pangdiskurso lalo’t higit depinisyon na ipinukpok sa ating mga ulo noong
sa larangan ng ekonomiks. tayo’y nasa mataas na paaralan. Ayon dito, ang
Ngayon ay naglakas-loob akong gamitin ang ekonomiks ay isang pag-aaral tungkol sa paggawa
ating wika sa isang pormal na panayam at sa pagsuri at paggamit ng kayamanan. Memoryado natin ito
ng isang aralin na may kahirapang unawain kahit ngunit iilan ang nakakaunawa sa mahahalagang
sa wikang Ingles. Ang intensyon ko ay makapag­ implikasyon ng depinisyong ito. May iilang
ambag sa pagpapaunlad ng ating wika upang lalong ekonomista namang naglalarawan sa ekonomiks
mapabilis ang intelektwalisasyon ng wikang bilang anumang gawain pinagkakaabalahan ng mga
Filipino. Marapat lamang sundin, hamak man, ang ekonomista. May kayabangan ang depinisyong ito
mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga sapagkat sinasakop na nito ang halos lahat ng
Pilipinong propesor tulad nina Nicanor Tiongson, bahagi ng araling panlipunan. Marami sa ating mga
Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido Villacorta ekonomista ay nasa kalakalan, pamahalaan,
at Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino unibersidad, surian at iba pang sektor na kung anu­
bilang instrumento sa pagsusuri, paglilinaw at ano ang pinagkakaabalahan. Sila ay tinatawag
pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan ng upang tumulong sa paglutas ng sari-saring
ating katauhan, buhay at lipunan. problemang panlipunan, ngunit marami rin ang
Hindi ko hangad ang lituhin ang sinuman sa aking nagsasabi na sila ang nagpapagulo ng mga
paggamit ng Filipino sa pagtalakay ng diwa ng problemang ito. Hindi lamang may kayabangan ang
ekonomiks. Bagkus, isa rin sa aking layunin ang depinisyong ito kundi mahirap ding gamitin bilang
liwanagin ang mga konseptong ginagamit sa aming isang pamantayang depinisyon.
propesyon upang maunawaan ito ng publiko at Ang pagiging tanyag ni Samuelson bilang isang
bigyan ng karapat-dapat na pagpapahalaga. mahusay na ekonomista at awtor ng mga aklat sa
Aaminin ko na maraming bagay na esoteriko na ekonomiks ang siyang nagpatanyag ng isang
nakapaligid at bumabalot sa pagtuturo ng pamantayang depinisyon ng ekonomiks na
ekonomiks, kung kaya’t ito ay madalas na hindi ginagamit ay isang sangay ng agham panlipunan na
maunawaan at binabali-wala ng karaniwang natutungkol sa pamamahagi ng iba’t iba, ngunit
estudyante. limitadong yaman upang tugunan ang paparami at
Ngunit sa aking palagay, madaling maunawaan halos walang hangganang hilig ng tao.
ang ekonomiks dahil ito ay isang pag-aaral na May limang pangunahing konsepto na bumubuo
naglalarawan at nakatuon sa ating kabuhayan. Ito sa depinisyong ito ng ekonomiks. Ito ay ang 1)
ay isang pagsusuri ng ating lipunan na tugma sa agham panlipunan; 2) kayamanan; 3) hilig ng tao;
ating mga karanasan. Kaya’t ako ay naniniwala na 4) kagahupan at 5) pamamahagi. Tatalakayin ko
lalong makakatulong ang paggamit ng ating wika ang bawa’t isa sa susunod na bahagi ng sanaysay
sa pag-unawa ng mga konsepto at teoriya na na ito at susuriin ayon sa pananaw ng mga Pilipino.
naglalarawan ng ating mga pang-araw-araw na Ang layunin ay upang ipakita ang katuturan at
karanasang pangkabuhayan. kahalagahan ng ekonomiks sa buhay ng bawat
mamamayang Pilipino.
EKONOMIS SA DIWANG PILIPINO TERESO S. TULLAO, JR. 103

EKONOMIKS AT PAMAMARAANG pangunahing problema ng lipunan. Ayon sa


SIYENTIPIKO pananaw na ito dapat bigyan diin yaong praktikal
at makabuluhang pagsusuri na lulutas sa
Ang ekonomiks higit sa lahat ay isang pag-aaral problemang pangkabuhayan.
kung papaano ang isang lipunan ay tumutugon sa Ang huling punto de bista ay tinutuligsa rin ng
problema ng kabuhayan at kaunlaran. Dahil dito, kabilang panig sa kawalan ng batayang teoretikal
ito ay itinuturing na isang pangunahing sangay ng sa mga panukalang pamamalakad na kanilang
agham panlipunan na sumusuri ng mga papel na itinataguyod. Kadalasan, ang sanhi ng pagkabigo
ginagampanan ng mga miyembro ng lipunan at ang ng mga proyekto at patakarang panlipunan ay ang
kanilang interaksyon at relasyon sa isa’t isa upang kawalan ng malalim na pagsusuri sa ugat ng
sagutin ang pangunahing layunin ng lipunan. problema. Dito ay kailangan ang malawakang
Dahil idinagdag ang katagang agham, ang kaalaman na may maayo s, mahig pit at
ek o no miks ay g umag amit ng maayo s at makatuwirang teoriya.
sistematikong pamamaraan ng pag-aaral, pagsusuri, Hindi pa tapos ang pagtatalong ito ngunit sa
pagtitibay at pagsagot. Ayon kay Milton Friedman aking palagay, dapat bigyan diin ang bawat
(1953) ang ekonomiks ay nahahati sa positibong pananaw. Ang ekonomiks ay para sa tao at para
pagsusuri at normatibong pagsusuri. Ang una ay sagutin ang problema ng kabuhayan. Magiging
may kaugnayan sa paglalahad at paglalarawan kung makabuluhan lang ang ating mga panukalang
papaano ang isang lipunan ay nagpapatakbo ng solusyon sa problemang panlipunan kung ang
isang sistemang pangkabuhayan. Ang normatibong mga ito ay batay sa isang masusing pag-aaral at
ekonomiks naman ay isang pagsusuri kung ano ang ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng
karapat-dapat at kung papaano patatakbuhin ang pagpapaunlad ng kaalaman sa po sit ibong
isang lipunan ayon sa isang pamantayan at layuning ekonomiks.
panglip unan. Ang dibisyo n ng dalawang Isa pa ring pr o blemang bu mabalo t sa
pamamaraang ito ang siyang nagiging sanhi ng di ekonomiks ay ang isyu ng kalayaan ng mga
pagkakaunawaan ng mga ekonomista at ibang imbestigador sa kanilang personal na paniniwala
manunuri ng lipunan. Kahit na marami sa mga at pagpapahalaga. Bilang isang agham, nararapat
eko no mist ang Pilipino ang sinasanay sa lamang na gumamit ang ekonomiks ng obhektibo
pamamaraang positibo, (dahil ito ay itinuturing na at siyentipikong pamamaraan ng pagsusuri. Ngunit
siyentipiko), hindi maiiwasan ng mga ekonomistang dahil tao ang nag-aral at tao at lipunan ang pinag­
ito na gumamit ng normatibong pagsusuri sa aaralan, mahirap iwalay ang mga personal na
pagbibigay-payo at mga panukalang pamamalakad. konsepto tungkol sa huwarang tao at ideyal na
Bilang isang agham panlipunan, ang pangunahing lipunan sa pamamaraan ng pananaliksik at panunuri
problema sa eko no miks ay kung ano ang ng isang ekonomista o mag-aaral ng lipunan.
patitingkarin sa pamamaraan ng pagsusuri at pag­ Mayroon nga ba talagang nakatagong pamantayang
aaral. Bibigyang diin ba ang pagpapalawak ng pagpap ahalaga sa bawat isipan ng mga
kaalaman sa pamamagitan ng paghihigpit, siyentipikong lipunan? Kung tayo’y sasang-ayon
pagpapapatibay at pagpapalalim ng mga haka­ sa katanungang ito mahirap tanggapin ang
haka at teoriya? Kung sasagutin ang layuning ito, pagkasiyentipiko at obhektibo ng ekonomiks.
ang maayos, makatuwiran, tiyak at mahigpit ang Ang problemang ito ay siyang nag-uudyok sa
mga haypotesis at panukalang kasagutan sa mga mga ekonomista upang maging masigasig sa
problemang pinag-aaralan. pagbubungkal ng positibong pagsusuri nang maging
Ngunit mayroon namang nagtatanong kung ano malaya ang ekonomiks sa mga personal na
ang kabuluhan ng maayos, makatuwiran at mahigpit pamantayang pagpapahalaga at patingkarin ang
na teoriya kung ito’y hindi makatotohanan, di­ pagkasiyentipiko ng ekonomiks bilang agham
praktikal at walang direktang kaugnayan sa mga panlipunan.
104 MALAY TOMO XXII BLG. 1

ANG KAYAMANAN AT hanapbuhay; karamihan sa ating manggagawa ay


PINAGKUKUNANG-YAMAN nasa pagsasaka at may 1 milyon o 6 na porsyento
lamang ang mga propesyonal.
Ang ikalawang mahalagang konsepto sa diwa Ang malaking bahagi ng ating lakas-paggawa
ng ekonomiks ay ang kayamanan. Marahil ay nasa ibang bansa. Karamihan sa mga migranteng
isasama na rin natin sa kaisipang ito ang ideya manggagawang Pilipino ay propesyonal at
ng pinagkukunang-yaman sapagka’t halos trabahador pangdagat.
magkatumbas ang kanilang katuturan. Ang Marami rin sa ating mga mamamayan ang
kayamanan ng isang lipunan ay binubuo ng mga nagsipagtapos ng iba’t ibang kurso. Mahigit sa 25
katangian ng mga tao; mga bunga ng kalikasan at porsyento ng mga taong nasa pagitan ng 16-20
mga bagay na gawang-tao na ginagamit sa taong gulang ay nasa kolehiyo at unibersidad. Ang
produksyon ng mga bagay-bagay na siya namang porsyento ng partisipasyong ito ay isa sa
tumutugon sa pangangailangan at hilig ng tao para pinakamataas sa buong mundo, ngunit wala sa
sa kanilang kabuhayan, kasiyahan at kaligayahan. kalahati ng pumasok sa unang baytang ang
Ang pinagkukunang-yaman naman ng isang lipunan nakatatapos sa mga paaralang elementarya.
ay ang katipunan ng kaniyang tao, likas na yaman Kilala ang mga Pilipino sa kanilang kasipagan,
at mga yamang pisikal. pagkamatiyaga at maaasahang manggagawa sa
Maraming nagsasabi na mayaman ang ating iba’t ibang sulok ng daigdig. Ang mga Pilipinong
bansa. Subalit marami rin ang nagtatanong na, kung nars at duktor sa Amerika ay nagpapatunay sa mga
talagang mayaman ito, bakit marami pa rin sa ating katangiang ito. Ang kagalingan sa sining ng pag­
mga mamamayan ang naghihikahos. Tinatantiya na awit, pagsayaw at pati na sa pag-aaliw ay tatak ng
mahigit sa kalahati ng mga pamilyang Pilipino ay kaluluwang Pinoy sa ibang bansa.
itinuturing na mahirap. Mailalarawan din ang uri, produktibidad at
Suriin natin ang lawak, uri, komposisyon at kakayahan ng ating yamang-tao sa kaniyang
produktibidad ng ating mga yaman upang mabigyan kalusugan. Marami sa ating mga kabataan ay
natin ng panukalang kasagutan ang problema ng kulang sa timbang, sira ang ngipin, di malusog at
kahirapan. sakitin. Pangunahing sakit ay bronchitis, diarrhea,
Ang ating populasyon ay tinatantiya na may 58 trangkaso, pulmunya at TB. Ang pulmunya ay siya
milyon noong 1987. Ang mabilis na paglaki ay ring pangunahing sanhi ng pagkamatay noong
umaabot sa 2.71 porsyento bawat taon. Ito ay isa 1984. Ang pagkain ng carbohydrates, taba at
sa mga populasyong pinakamabilis na lumaki sa protina bawat tao ay umaabot na sa higit sa 100
buong mundo. Ang Pilipinas ay itinuturing na ika­ porsyento kung ihahambing sa pamantayang
15 sa pinakamataong bansa sa buong daigdig. pangangailangan.
Mahigit sa 42 porsyento sa ating populasyon Masasabi nating matao nga ang ating bansa
no ong 1980 ay may edad ng 15 pababa. subalit maraming kapansanan ang kailidad ng mga
Nangangahulugan na marami tayong pinapakain, ito upang maging mga instrumento ng mabilis na
binibihisan, binabahay at pinaaaral na hindi pa pag-unlad. Marami sa ating populasyon ay bata,
tumutulong sa mga gawaing pamproduksyon. Ang walang trabaho, sakitin, di malusog, at mababa ang
mga ito ay suportado ng higit na mababang antas ng pag-aaral.
porsyento ng ating populasyon sa kanilang Tungkol naman sa ating likas na kayamanan, ang
pagkonsumo. ating bansa ay may 300,000 kilometro kuadrado
Dumako tayo sa datos ng mga nagtatrabaho: ang sukat. Ang karagatan at ilog nito ay mayaman
may 21 milyong miyembro ng hukbong paggawa sa isda at pagkaing-dagat. Ang gubat ay mayaman
ang ating bansa noong 1985; may 1.4 milyon ang sa sari-saring punong-kahoy, halaman, at
walang trabaho at halos 35 hanggang 40 porsyento pinamumugaran ng iba’t ibang ibon at hayop. Ang
ng hukbong manggagawa ay may di-sapat na mga mineral sa ating minahan ay nagbibigay ng
EKONOMIS SA DIWANG PILIPINO TERESO S. TULLAO, JR. 105

ginto, tanso, pilak, chromite at nickel. Marami din bansa na wala pang elektrisidad. May mga nayon
tayong minahan ng buhangin at graba, asin at at bayan na mahirap puntahan at mahirap
buhanging silika. Mayroon na ring natagpuang mga makipagkalakalan dahil sa kawalan at kahirapan
minahan ng petrolyo sa karagatan malapit sa ng transportasyon. Madalang, kung minsa’y wala
Palawan. Ito ay nagpaparagdag sa karbon at pa, ang mga pamilihang bayan, paaralan at ospital
geothermal energy sa produksyon ng elektrisidad. sa mga liblib na lugar. Marahil, marami sa atin ang
Ang ating lupain ay tinatamnan ng palay, mais, nagrereklamo sa mga baku-bakong kalye sa
asukal, niyog, saging, pinya, abaka, tabako, mani Kamaynilaan, ngunit hindi natin nararamdaman ang
at iba pa. kahirapan ng at ing mg a kababayan na
Ang problema sa ating mga likas na kayamanan kinakailangang maglakad ng ilang oras upang
ay ang mabilis na paggamit at pagkaubos nito. Ang makauwi sa kanilang tahanan.
mga gubat at bundok ay nakakalbo sa mabilis at Kung ganit o ang lag ay ng at ing mga
walang pakundangang pagputol ng mga troso. Ang kayamanang-tao, likas na yaman at yamang-pisikal,
mga sakahan at lupain ay nawawalan ng likas na makikita natin na marami pa ang dapat gawin upang
taba at mineral dahil sa mabilis na paggamit; ang mapaunlad ang ating bansa.
mga ilog ay natutuyo at ang mga isda sa dagat ay Likas na katangian ng mga kayamanan ng isang
umuunti dahil sa mabilis na pangingisda at paggamit lipunan ay ang pagkalimitado nito. Maraming
ng dinamita. dahilan kung bakit limitado ang ating mga yaman.
Ang isa pang suliranin na kinakaharap ng ating Una rito ay ang kahirapan ng pagbuo ng isang
likas na yaman ay ang kakulangan ng ating bansa pinagkukunang-yaman. Marami sa mga likas na
na magproseso mula sa hilaw na materyal tungo sa kayamanan ay halos hindi mapapalitan tulad ng
mga bagay na may mataas na antas at halaga. Ang mineral at pet ro lyo. Maraming t ao n ang
niyog ay iniluluwas natin sa ibang bansa at hindi kinakailangan upang makabuo ng isang matalino,
ang mga kemikal na gawa sa niyog. Mas malaki malusog at produktibong manggagawa. Ang
ang iniluluwas nating troso at hilaw na tanso kaysa pag gawa ng mga pisikal na yaman ay
sa mga mamahaling sala set at alambreng gawa sa nangangailangan ng sari-saring yamang-tao, likas
tanso. Ang ganitong pamamaraan ng produksyon na yaman at yamang-pisikal na pawang mga
at kalakalan ay nagbubunga ng di-malawakang limitado rin.
pag-empleyo sa mga manggagawa, maliliit na kita Dahil maraming mapaggagamitan ang mga
at mabagal na paglaki ng ekonomiya dahil ang kayamanan ng isang bansa, lalo itong nagiging
dagdag na halaga na nakukuha natin sa produksyon limitado. Maaring gamitin ng isang manggagawa ang
sa mga hilaw na materyal ay maliit lamang. kaniyang oras sa iba’t ibang gawain bilang weyter,
Dumako naman tayo sa mga yamang pisikal ng tagapagluto, karpintero, estudyante o iba pang
ating bansa. Ito ay binubuo ng istrukturang gawain. Ang isang lupain ay maaaring gawing lugar
nakatayo sa ating kapaligiran tulad ng mga ng isang pabrika, pabahay, sakahan, palaisdaan,
paaralan, ospital, planta, pabrika, gusaling manukan, babuyan at iba pang mapagkakakitaan.
pangkomersyo, gusaling pambahay, istasyon ng Malinaw na maraming naglalabanang gamit sa
tren, daungan ng bapor, paliparan, mga tulay, riles mga limit adong kayamanan kaya’t lalong
ng tren, daan at iba pa. Ito ay ginawa sa tumitingkad ang pagkalimitado nito. Ngunit may
pamamagitan ng paggamit ng yamang pang-tao, katangian din ang mga yaman na nagbibigay­
likas na yaman at iba pang yamang-pisikal. Dahil puwang sa pagkalimitado ng mga ito. May
nga may kakulangan ang uri at kalidad ng mga kakayahan ang mga yaman na magamit sa iba’t
kayamanang ito, ang uri at kalidad ng mga yamang­ ibang ko mbinasyo n sa pamamagit an ng
pisikal sa ating bansa ay may kakulangan din. Ito teknolohiyang ginagamit. Ang teknolohiya ang
ay isang palatandaan ng isang mahirap at papaunlad siyang nagtuturo kung anong komposisyon ng
na bansa. Makikita na may ibang lugar sa ating kayamanan ang gagamitin sa produksyon. Ang mga
106 MALAY TOMO XXII BLG. 1

yamang may malawak na suplay ay hahalinhinan upang t angkilikin ang sabo ng nabanggit .
yaong mga yamang may kakulangan. Halimbawa, Nanggagaya nga kaya ang mga dalagita ng bayang
ang kakulangan ng Pilipinas sa mga pisikal na ito kay Kris Aquino kapag sila ay gumagamit ng
kapital at kawalan ng lakas-tao ang nag-udyok sa Lux?
ating ekonomiya na pumili ng teknolohiyang Tanungin natin ang ating sarili kung bakit sa
gumagamit ng maraming lakas-tao kaysa pisikal na pangangalaga ng ating katawan laban sa matinding
kapital. Samakatuwid, ang teknolohiya ay isang init at mababagsik na insekto sa kapaligiran ay
pamamaraang sumasagot sa pagkalimitado ng kinakailangang damitan ang ating katawan ng mga
mga kayamanan ng isang bansa sa pamamagitan damit na kung anu-ano ang nakatatak. May
ng paghahalinhinan ng iba’t ibang yaman sa proseso maidaragdag ba ang paskel na Esprit, Levis, USED,
ng produksyon. Pepe, Oleg Cassini, Pierre Cardin at iba pa sa
pangangalaga ng ating katawan? Marahil ay wala,
ngunit mabigat ang ating pagpapahalaga sa mga
HILIG NG MGA PILIPINO tatak na ito kahit magmistulang sampayan at
“classified ads” ang ating pangangatawan dahil
Hindi lamang ang paglilok ng angkop na ito ang hinihingi ng kulturang nangingibabaw sa
t ek no lo hiya a ng k in ak aila ng an sa ating kapaligiran. Tila may matinding puwersang
pagpapadagdag-gamit sa mga limitadong yaman nag-uudyok sa atin upang makibagay at makigaya.
ng bayan. Marahil, dapat din nating suriin ang Dahil dito, ang hilig ng mga tao ay lalong
ist ru k t u r a ng p ang ang ailang an, hilig at napapalayo sa tunay na layon ng pangunahing
k ag ust uhan ng mga t ao na siyang lalong pangangailangan ng tao.
nagpapatingkad sa pagkalimitado ng mga yamang Ang pagtugon natin sa mga pangunahing
bayan. pangangailangan ay binigyan ng bagong anyo ng
Ano itong mga hilig-pangtao? Ito ay kalipunan at ing k at u t u bo ng p a nanaw—ang isip at
ng kagustuhan, mithiin, pagnanasa at hilig ng mga kaluluwang Pinoy. Halimbawa, sa pagkain, pag­
miyembro ng isang lipunan bat ay sa mga aayos ng bahay at pagdaramit. May hilig tayo sa
pangunahing pangangailangan, hilig at kagustuhan mga pinaghalo-halong bagay. Masarap sa ating
ng mga tao upang mabuhay. Naiiba ito sa mga panlasa ang halo-halo, sapin-sapin, pakbet,
pangunahing pangangailangan sapagkat ang mga sinigang, pansit at iba pa. Sa loob ng mga
ito ay pinag-ibayong pangangailangan na pinagbago tahanang Pilipino, pangkaraniwang makikita ang
ng kultura, panlasa, kita, kapaligiran, edad, antas imahen ni Sto. Niño, kasama ang Ina ng Laging
ng edukasyon, estado sa lipunan, advertising at Saklolo na pinaliligiran ng istatwa ng masayang
iba pa. Kaya’t kahit simple lamang ang mga Budha, larawan ni Gabby Concepcion, Sharon
pangunahing pangangailangan upang mabuhay, Cuneta, Snooky, Richard Gomez at Kris Aquino.
sari-saring hilig ng tao ang nagbubunga mula sa Kung minsan, nariyan din ang mga diploma, mga
impluho ng mga nabanggit na sangkap. Dahil ang larawan ni Ate na nagsasayaw sa Japan at ni
mga sangkap na ito ay napakarami at maaaring Kuya at ang kaniyang bagong kotse sa Saudi
likhain ng sinuman, ang p angu nahing Ar ab ia . Ka k a ib a t a la g a ng g u maw a ng
pangangailangan ay nagdudulot ng marami at “wallpaper” ang mga Pilipino. Sa pananamit
artipisyal na hilig. naman, sari-saring borloloy ang nakasabit,
Ano ang batayan kung bakit gumagamit ng nakadikit at nakapatong sa ating pangangatawan.
sabong Lux ang ating mga kagandahan? Hindi Walang ipinagbago ang ating mga ninuno na
lamang upang luminis ang katawan sa mga mahilig magpinta ng mukha, ngipin at katawan;
mikrobiyo; kahit sabong Perla ay maaalis nito. magsuot ng makukulay na damit at mamahaling
Subalit ang di-lantad na pwersa ng advertising ay hiyas sa mga makabagong Pilipino na mahilig
ginagamit ang kagawiang gaya-gaya ng mga Pilipino magpulbos, magpabango, magkuwintas sa leeg at
EKONOMIS SA DIWANG PILIPINO TERESO S. TULLAO, JR. 107

paa, magsingsing, magpulseras, magpatong ng kung tuwing Bagong Taon. Marami pa tayong gawi, hilig
anu-anong dekorasyon sa buhok at magpaskel ng at kaugalian na hindi maunawaan ng mga
kung anu-anong balita at anunsyo sa kanilang rasonableng Kanluranin subalit ginagawa natin at
damit. pinag-uukulan ng pagpapahalaga sapagkat ito’y
Hindi lamang tayo mahilig sa halo-halo. May bahagi ng ating pagkatao—bahagi ng kaluluwang
pagkiling din tayo sa patingi-tingi. Sa libu-libong Pinoy.
tindahang sari-sari sa buong kapuluan, ang suka,
toyo, patis, mantika, kape, mantikilya, kendi, pan
de sal, keso, matamis na bao at “peanut butter” PROBLEMA NG ISKARSIDAD
ay ipinagbibili ng tingi. Idagdag pa rito ang
sorbetes, sigarilyo, syampu, Sampaguita at iba Lumalabas na ang mga hilig ng tao ay
pa. S a p akiwari ko , ang patingi-tingi ay napakarami at dumarami ayon sa impluho ng iba’t
nakapaloob sa kaisipan at kaugaliang Pinoy. ibang dahilan. At dahil naman limitado lamang
Bigyan ng pansin ang popularidad ng mga ang mga kayamanang magagamit upang tugunan
dugtungang kuwento sa komiks at mga serye sa ang mga paparaming hilig ng tao, nagkakaroon
telebisyon tulad ng Flordeluna, Verdadero, Mga ng isang unibersal na problema ang lahat ng
Yagit, at Dayuhan. Pati ang pamamaraan ng lipunan—ang problema ng iskarsidad o kagahulan
pagsakay ay higit na tinatangkilik natin ang mga at kadahupan.
jeep kaysa malakaking bus. Ang pagbabayad May mga t ao ng hindi sasang- ayo n sa
ng “bawndar i” at pagkabit sa linya ay pagtatalaga ko ng kadahupan o iskarsidad bilang
maipaliliwanag din sa patingi-tingi. Ang pag-aaral, unibersal na problema. Sa kanilang palagay, ang
lalung-lalo na sa pamantasan ay may tingi rin. Ang suliraning ito ay makatotohanan lamang sa mga
presyo ay batay sa yunit na kinukuha at ang lipunang likas na matatakaw na kung saan ang mga
pagbabayad ay maaaring buwanan o bawat tao nito ay hinahayaang hangarin ang lahat ng hilig
ikatlong buwan. Sa utangan, higit na mabisa ang at kagustuhan. Sa mga lipunang mapagtimpi, ayon
patingi-tinging pagbabayad tulad ng paiyakang sa pananaw na ito, walang saysay ang problema
5/6 at patubuan, arawan at sabaduhan ng mga ng iskarsidad. Ang mga hilig ng tao ay payak o
bumbay, at “four gives” sa mga alahas at damit simple lamang kaya’t hindi nagkakagulo ang mga
na hinuhulugan. Pati na yata ang ating mga bisyo tao at nagagahol sa paggamit ng mga yamang­
ay pinasukan na rin ng patingi-tingi. Ang sayaw bayan.
sa kabaret ay de metro. May bumabakas hindi Malakas ang argumentong ito ngunit hindi pa
lamang sa karera ng kabayo, kundi pati na rin sa rin mapatao b nit o ang u niber salid ad ng
mga kasino. Ang paggamit ng mga motel ay tingi problemang iskarsidad. Aaminin ko na may mga
rin kaya’t lalong nagiging masigla ang kita. Ang lipunang mapagtimpi at payag ang mga hilig na
sistema ng kabit at kerida ay isa rin kayang halos katumbas na lamang ng mga pangunahing
palatandaan ng patingi-tinging pagmamahal at pangangailangan. Subalit ano ang batayan ng
pagpapamilya? kanilang pagtitimpi? Sila ay nagtitimpi dahil
Ang kultura at kaugaliang Pilipino ay may pinagbabawalan ng isang malakas na pwersa
malakas na impluho kung bakit mabili ang kandila tulad ng kultura at estado. Lantad man o palihim,
at bulaklak tuwing “Todos Los Santos” at mabili may isang institusyon o pwersa sa isang lipunan
ang kahit na ano mang bilog na prutas tuwing na ginagamit upang maging isang mekanismo ng
Bagong Taon. Tayo lang marahil ang mga taong pagtitimpi. Bakit kinakailangang magtimpi?
nagkakaabala sa pulang rosas at kending tsokolate Sapagkat may problema ng iskarsidad—limitado
tuwing araw ni Valentino. Walang rason kung iisipin ang mga kayamanang bayan kung kaya’t hindi
natin ang pagtatapon ng pera at pagkukulob ng dapat hayaang hindi kontrolin ng mga tao ang
usok sa buong Kamaynilaan sa paputok at lusis kanilang hilig.
108 MALAY TOMO XXII BLG. 1

PAMAMAHAGI AT ALOKASYON pakikipagtulungan at bayanihan. Ang pag-aalay sa


NG MGA YAMANG-BAYAN bayan tulad ng pagtuturo, pagtatrabaho sa bansa
at hindi sa ibang bayan, pagsisilbi sa mga liblib na
Dumako tayo sa pinakatampok na konsepto sa lugar ng ating kapuluan ay mga pamamaraang
diwa ng ekonomiks—ang pamamahagi. Ito ang makadadagdag sa yamang-tao ng Pilipinas.
pamamaraan ng isang lipunan kung papaano Sa paggamit ng mga likas na yaman, dapat
pinaghahati-hati ang mga yaman nito upang gamitin isagawa ang pagtitipid sa mga likas na yaman na
sa produksyon ng mga bagay at serbisyo na mahirap o hindi na mapapalitan, pag-uulit ng
makapagbibigay ng kagalingan sa mga miyembro paggamit o “recycling,” madalang na pagputol ng
ng lipunan. Ipinahihiwatig sa prosesong ito ang mga mga punong-kahoy at pagtatanim ng mga bagong
pamantayan ng isang lipunan sa pagsagot sa mga puno up ang pumalit sa mga p inut o l na,
pangunahing katanungan sa produksyon at pangangalaga sa kabukiran, kagubatan, karagatan
distribusyon. Kung ano ang mga bagay na gagawin, at mga ilog; paglilinis sa kapaligiran, at wastong
sa papaanong pamamaraan at kung kanino pagtatapon ng basura. Isaisip din ang kahalagahan
ipamamahagi ang mga nagawang bagay at serbisyo ng paglalaan sa kinabukasan at sa susunod na mga
ay ang mga partikular na katanungang sinasagot salin-lahi ng mga kayamanang likas sa ating bayan.
ng proseso ng pamamahagi. Sa wastong paggamit ng mga yamang-pisikal,
Ang anumang ekonomiya, payak man o dapat isaalang-alang ang pagtitipid, paglilinis at
malawak ay gumagamit ng dalawang daan patungo pangangalaga ng mga gusali at iba pang istrukturang
sa pagbuo ng isang panlipunang mekanismo ng pisikal; pag-iingat sa paggamit ng mga makinarya
pamamahagi. Ang una ay tungkol sa wastong at mabisang pamamaraan ng paggamit at paggawa.
paggamit at pagpapalawak sa mga limitadong Mayaman tayo sa mga salawikain na dapat
yamang-bayan. Ang ikalawa ay nakatuon sa maging batayan sa pagpapalaganap ng mga
pagkontrol ng dumaraming hilig ng tao. wastong pagpapahalaga sa yamang bayan. Narito
Sa naunang bahagi ng sanaysay na ito, tinalakay ang mga halimbawa:
na natin ang papel ng teknolohiya at pangangapital
sa pagpapalawak ng mga limitadong yamang­ Sa pagtitipid at sakripisyo:
bayan. Sa bahaging ito, susuriin natin kung papaano Walang ligaya sa lupa,
mapalalawak ang mga yamang ito sa pamamagitan na di dinilig ng luha.
ng wastong paggamit. Kinakailangan dito ang
pagbubungkal ng mga nararapat na pagpapahalaga Sa kahalagahan ng pag-aaral at kaalaman:
Ang karununga’y sa pag-aaral,
sa mga yamang-bayan. Sa yamang-pangtao, dapat
at sa kabaita’y sa katandaan.
pakahalagahan ang wastong pagkain, malinis na
pangangatawan, pag-aaral, wastong paggamit ng Sa kasipagan:
oras, pangangalaga ng kalusugang mental at pisikal, Hipong tulog ay nadadala ng anod.
at iba pang pamamaraan na makapagdudulot ng Kung may sinuksuk sa dingding ay may
malak as, maluso g, mat alino , kreat ibo at titingalain.
produktibong hukbong manggagawa na siyang Daig ng maagap ang masikap.
makapagbibigay ng ibayong sigla sa pagpapalawak
ng kaunlarang pangkabuhayan. Sa isang pagsusuri ng mga kaugalian sa mga
Hindi lamang ang mg a kat ang ian na pagpapahalaga ng mga Pilipino, mapapansin na may
pagtutungkol sa indibiduwal ang dapat bungkalin pagkiling ang mga ito sa pagpapaunlad ng
at pakahalagahan. Dapat din nating paunlarin kayamanang-tao. Ito ang katangiang indibidwal na
yaong mga katangiang panlipunan na natutungkol nagbibigay-daan sa magandang pakikitungo at
sa yamang tao. Ang tintutukoy ko rito ay ang aking pakikipagkapwa-tao, ayon kay Teodoro Kalaw
pakikisama, pakikipagkapwa-tao, pakikialam, (1935). Ang limang tuntunin ng ating matandang
EKONOMIS SA DIWANG PILIPINO TERESO S. TULLAO, JR. 109

moralidad ay ang katapangan, kalinisan ng loob, pangungutang tulad ng patubuan kaysa sa mga
pagkamagalang, pagkamatimpiin at pagkakaisa ng pormal na institusyong tulad ng mga bangko.
pamilya. Ang mga katangiang ikinalulugod ng Marami ang nagsasabi na balasubas raw ang
mga Pilipino na natutungkol sa pagtatrabaho ay mga Pilipino at hindi marunong magbayad ng utang.
mariin din sa pagpapahalaga sa mabuting Mayroon akong kakaibang pananaw hinggil dito.
pakikipagkapwa-tao. Sa mga pananaliksik at pag­ Sa aking palagay, nagbabayad ng utang ang mga
aaral na nirebista ni Timothy Church (1986) Pilipino sa mga patubuan sapagkat mayroon silang
lumalabas na ang pagpapahalaga sa pagiging personal na relasyon sa mga nagpapautang.
magalang, mabait, di-palasigaw, marunong Mawawala ang kanilang pakikipagkapwa-tao kung
makisama, masaya, map agpakumbaba at hindi sila magbabayad ng utang. Samantala, wala
maunawain ay siyang mga hinahanap na katangian namang katauhan ang mga institusyong pautangan
sa mga tagapamahala ng mga manggagawa. Di tulad ng bangko kaya’t hindi sila nahihiyang di­
gaanong binibigyan ng mabigat na kahalagahan ang magbayad ng utang sapagkat wala naman silang
wastong pamamahala, kakayahan, kaayusan at babalikang pakikipagkapwa-tao.
kasanayan. Marahil, maaari nating gamitin ang pananaw na
Ang labis na p agpapahalag a nat in sa ito sa pagsuri ng mga nabigong pamamalakad
pakikipagkapwa-tao at pakikitungo ang nag-udyok pangkabuhayan ng ating pamahalaan batay sa papel
kay H. Oshima (1985) na magmungkahi na lalong na ginagamp anan ng pakikit u ngo at
pagyamanin ito sapagkat malaki ang maitutulong pakikipagkapwa-tao.
nit o sa mabisang p amamalakad ng mga Ang ikalawang daan patungo sa proseso ng
organisasyong pangkabuhayan at makatutulong din pamamahagi ay ang pagtitimpi o pagkontrol sa mga
sa pagpapalawak at pagpapayaman sa yamang­ dumaraming hilig ng tao. Ito ay kinakailangan upang
pantao ng ating bansa. makayanan ng mga limitadong yamang-bayan ang
Ngunit ano naman ang mapupulot natin sa ating pagtugon sa mga hilig ng tao at pangangailangan
kaugalian tungkol sa ating relasyon sa mga ng isang lipunan. Ngunit ang pamamaraan ng
kagamitan o yamang-pisikal at kayamanan? Ayon pagkontrol at pagtitimpi ay hindi isang simpleng
sa isang paniniwala, ang ating mga ninuno ay may gawain dahil kinakailangan nito ang pagsasaayos
likas na pagpapahalaga at paggalang sa kalikasan, ng mga hilig ng tao ayon sa kaniyang kahalagahan
lalung-lalo na sa kagubatan. Naniniwala sila na ang sa isang lipunan. Ang pag-aayos na ito ay batay sa
mga puno sa kagubatan ay pinananahanan ng mga isang panlipunang pananaw sa tao, kalayaan,
diwata kaya’t wala silang lakas ng loob na pangangailangan, pagnanasa, pagpapahalaga,
lapastanganin ang mga naninirahan dito. Ang lipunan at pamahalaan.
malabis na pagpuputol sa mga punong-kahoy sa May tatlong pangunahing modelo kung papaano
kasalukuyan at paglapastangan sa ating likas na ang lipunan ay namamahagi ng kaniyang yaman at
yaman ay isang palatandaan na nawala na ang produksyon. Ang mga ito ay ang pamamamaraang
paniniwala sa mga anito at diwata sa kagubatan. tradisyonal, pamamaraan na pagpaplanong sentral
Kaya’t ang mga paalaala o babala tungkol sa at ang pamamaraan ng bilihan. Naipatutupad ang
masamang bunga ng mabilis na pagputol ng kahoy, pamamahagi sa kaugalian na kung saan ibinabatay
pagmimina o pangingisda ay hindi pinapansin dahil ang pagtitimpi. Ang kultura at ang tradisyon ang
ang dating paggalang sa mga likas na yaman ay siyang nagiging mekanismo ng pagkontrol na siyang
nawala na sa pagbabago ng nangingibabaw na nag-aayos sa kahalagahan ng mga hilig ng mga tao
kultura. ang lumalabas at nangingibabaw kaya’t madaling
Kahit sa paggamit ng salaping kapital ay may tugunan ang mga pangangailangan ng isang lipunan.
mahalag ang papel na ginag ampanan ang Ang sino mang magnasa ng mga makabago at
pakikipagkapwa-tao. Ang halimbawa rito ay ang pinagbagong pangangailangan ay kinakastigo at
pagiging mabisa ng mga impormal na sektor sa sinesensura ng batas ng tradisyon. Samakatuwid,
110 MALAY TOMO XXII BLG. 1

ang pwersa ng tradisyon ang siyang nagtatalaga institusyong pamahalaan ang siyang nagdedesisyon
kung ano ang gagawin sa produksyon, kung kung ang bagay ay nararapat sa mga mamamayan.
papaano gagawin, kung sino ang gagawa at Ang mga tagapagtaguyod ng pamamaraang
magtatrabaho, at kung papaano paghahati-hatiin bilihin ay naniniwala na dahil ang kusa at
ang bunga ng produksyon. kalayaan ng mga mamamayan ay iginagalang,
Ayon naman sa pamamaraang pagpaplanong an g p a g p ap at ak bo ng isang sist emang
sentral, ang pag-aayos ng antas ng kahalagahan pangkabuhayan ay magiging matipid. Mabisa rin
ng mga hilig ng tao ay isinasagawa ng isang nitong matutugunan ang mga pangunahing
institusyong pambayan batay sa isang pamantayang pangangailangan ng tao at ng lipunan. May
kagalingang panlipunan. Ang institusyon ng angking pagkamabisa nga ang pamamaraang ito
pagpaplano ay siyang sumasagot sa mga ngunit marami ang nagtatanong kung ang
pangunahing katanungan sa produksyon at pamamaraang ito ay makatarungan at mabisang
distribusyon. Samakatuwid, ang pagtitimpi sa mga mak ap ag d u d u lo t ng k ag aling an sa mg a
hilig ng tao ay hindi kusang nanggagaling sa mga nakararami. Dahil ang presyo sa bilihan ay
mamamayan, tulad din sa institusyong pambayan siyang pangunahing batayan ng pamamahagi, ang
sa mga mamamayan. I t o marahil ang mga bagay na gagawin sa produksyon at
pinakamaselan at pinakamabigat na kritisismo sa ipinagbibili sa mga bilihan ay yaong mga bagay
mga bansang sosyalista na humahadlang sa na may kiling sa mga hilig ng mga may kaya at
kalayaan ng mga mamamayan na magdesisyon at nakaririwasa. At dahil ang kita at yaman ay siyang
pumili ng kanilang minimithi at hilig. ginagamit na boto sa bilihan, ang mga mahihirap
Sa pananaw naman ng mga tumataguyod sa ay may malaking kapansanan upang tugunan ang
sistemang ito, ang kritisismong ito’y walang halaga kanilang pangunahing pangangailangan samantalang
kung ihahambing sa kagalingang panlipunan na ang mga marangyang hilig ng mga mayayaman ay
natamo sa pamamagitan ng sentralisadong madaling nasasagot. Ito ang dahilan kung bakit
pagpaplano. Ang mga labis na hilig at pagnanasa matingkad ang luwang ng pagitan ng mga mahihirap
ng mga may kapangyarihan at mayayaman ay at mayayaman sa mga bansang gumagamit ng
nakokontrol at ang mga yaman ng bayan ay sistemang bilihan.
mabisang nagagamit upang sugpuin ang problema Gaano kalawak ang ibibigay na kalayaan sa tao
ng kahirapan, gutom, kawalan ng tirahan, sa pagdesisyon ng kanilang hilig at pagtugon sa
kakulangan ng pananamit, at iba pang pangunahing pansariling kapakanan? Gaano kabigat ang
serbisyong pambayan. ibibigay na pagpapahalaga sa kapakanan at
Sa pamamaraang bilihan naman, ang pagsagot kagalingang pangmadla? Ano ang pamantayang
sa mga katanungan ng produksyon, distribusyon simulain ng isang lipunan? Ang mga tanong na
at pagtitimpi ay tinatalaga ng mekanismo ng presyo. it o ang t iyaking sinasago t ng t radisyo n,
Ang presyo ng bilihan ay isang palatandaan ng sentralisadong pagpaplano at sistema ng bilihan
iskarsidad ng mga bilihan. Ang mataas na presyo sa lantad at di-lantad na mekanismo sa pagkontrol
ay nagbabadya sa mga mamimili na ang bilihang sa mga hilig ng tao.
it o ay daho p k ung ihahambing sa mga
mapaggagamitan nito kaya’t dapat magtipid sila sa
paggamit. Samakatuwid, ang pagtitimpi ay KONKLUSYON
manggagaling sa kusa ng mga mamamayan. Ang
hindi nila pagbili ng isang bagay ay nangangahulugan Sa sanaysay na ito ay tinalakay at sinuri ang
na hindi kaya ng kanilang kita na bilhin ito kaya’t limang pangunahing konsepto sa ekonomiks sa
kinokontrol nila ang kanilang pagnanasa at diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang
pagkahilig sa bagay na ito. Hindi tulad ng makapagbigay ng panimulang introduksyon sa
pamamaraang pagpaplano na kung saan ang isang mahalagang sangayng agham panlipunan kung
EKONOMIS SA DIWANG PILIPINO TERESO S. TULLAO, JR. 111

hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng SANGGUNIAN


pangunahing problemang pangkabuhayan at
pangkaunlaran. Ang problema ng kabuhayan at Aganon, Allen at David, Sr. Ma. Assumpta, RVM.
kaunlaran ng ating bansa ay pinatitindi ng mga Sikolohiyang Pilipino: Isyu, Pananaw at
milyung-milyong Pilipino na naghihikahos sa Kaalaman. Maynila: National Book Store.
kahirapan at sa mga kasamaang kapinsalaan. 1985.
Bilang mga ekonomistang Pilipino, marapat Andres, Tomas and Andres, Pilar Corazon.
lamang na pag-ibayuhin natin ang ating lakas, Making Filipino Values Work for You. Manila:
kaisipan at katalinuhan upang makapagbigay ng St. Paul Publications. 1986.
makabuluhan at makatotohanang interpretasyon at Blackburn, Robin. Editor. Ideology in Social
solusyon sa paghihirap ng mga nakararaming Science. Glasgow’William Collins Sons and Co.
Pilipino. Hindi lamang ang lagay at istruktura ng Ltd. 1977.
ekonomiya ang dapat nating suriin at pag-aaralan. Blaug, Mark. Economic Theory in Retrospect.
Dapat na pag-ukulan din natin ng pansin ang pag­ Third Edit io n. Cambridge: Cambridge
aaral ng ibang sangay ng agham panlipunan tulad University Press. 1978.
ng papel na ginagampanan ng pulitika, kultura, Brodbeck, May, ed. Readings in the Philosophy
siko lo hiya at so syo lo hiya sa kalagayang of the Social Sciences. New York: Macmillan
pangkabuhayan. Publishing Co., Inc. 1968.
Ang malawak na pagpapairal ng sistema ng Church, Timothy. Filipino Personality: A Review
bilihan sa pagpapalakad ng ekonomiya ay of Research and Writings. Manila: DLSU
nagdudulot ng ilang kabutihan at ilan ring Press. 1986.
kasamaan. Tulad din ng sistema ng pagpaplano, Gorospe, Vitaliano, S.J. “A Philosophy of Human
ang sistema ng bilihan ay mga katangian na Values in a Filipino Setting” Karunungan. Vol.
maaaring isakatuparan sa ating bansa. Ngunit may 1, No. 1 pp. 1-16. 1984.
mga sangkap at katangian ang mga modelong Kalaw, Maximo M. An Introduction to Philippine
Kanluranin na hindi angkop sa ating kultura at Social Science. Manila: Philippine Education
pananaw sa tao, buhay at lipunan. Marahil ang Company. 1939.
nararapat ay salain yaong mga katangian ng mga Kalaw, Teodoro M. [Inedit]. Limang Tuntunin
sistemang ito na angkop sa isip, gawa at kaluluwang ng Ating Matandang Moralidad. inedit ni
Pilipino at may kakayahang makalutas sa problema Teodoro A. Agoncillo. Manila: Surian ng
ng kahirapan. Wikang Pambansa.
Ang una nating dapat gawin ay alamin kung Mallat , Jean. Th e Ph ili ppin es, Hi story,
papaano nag-iisip ang isang Pilipino at kung ano Geography and Customs, Agriculture,
ang kaniyang konsepto ng mabuting buhay. May Industry and Commerce. Translated by Pura
pagkapilosopikal ang mga katanungang ito Santilan Castance. Manila: National Historical
ngunit ang pamimilosopiya ay unang hakbang sa Institute. 1983.
pagtatalaga ng minimithi ng mga Pilipino. Ang Oshima, Harry. “Manpower Quality in Differential
mga kasagutan sa mga katanungang ito ang Economic Growth Between East and Southeast
siyang magbibigay ng ibayong interpretasyon sa Asia.” Philippine Economic Journal 16: 380­
mga unibersal na prinsipyo ng ekonomiks ng mga 406. 1980.
Kanluranin sa pag-aaral natin ng ekonomiks sa Quito, Emerita. “Filipino Volkgeist in Vernacular
d iwang P ilip ino , inaasahan na ang mg a Literature.” Karunungan Vol. 1, No. 1 pp. 72­
katangian, kaugalian, kultura at pananaw ng mga 82. 1984.
Pilipino ay mabisang maihalo sa mga prinsipyo Rizal, Jose. “On the Indolence of the Filipinos.”
at teoriya ng ekonomiks upang lutasin ang ating Manila: National Historical Institute. pp. 47-86.
problemang pangkabuhayan at pangkaunlaran. 1979.
112 MALAY TOMO XXII BLG. 1

Scaff, Alvin. Current Socia l Th eory f or


Philippine Research. Quezon City: New Day
Publishers. 1982.
Tullao, Tereso Jr. “The Teaching of Values in
Eco no mics. ” DLSU E co no mics Dep t .
(Mimeographed). 1987.

You might also like