Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Lapis ay sumisimbolo sa pag-aaral

habang ang lagare naman ay kumakatawan


sa pagtratrabaho o paghahanap buhay ng
mag-aaral. Isa sa mga usapin ng paglabag
sa karapatang pantao ay ang dumadaming
bilang.
Para sa akin maituturing na paglabas sa
karapatang pantao ang simbolong ito
sapagkat napakamapanganib para sa bata
ang mga mabigat na pagtratrabaho. Malaki
ang tsansa na ang mga bata ay masugatan o
magkaroon ng sakit sa kanilang maagang
paghahanapbuhay.
Isang seryosong usapin ang Child labor sapagkat
maagang naipamulat sa mga kabataan ang hirap
ng buhay na dapat sana ay hindi nila nararanasan
kung hindi lamang sa kahirapang kanilang
kinasasadlakan. Malaki ang relasyon ng kanilang
maagang pagtratrabaho sa kanilang pagpasok sa
paaralan. Hindi na nakapapasok sa kanilang mga
klase ang mga kabataan hanggang sa tuluyang
hindi na sila makapag-aral ng mabuti, dahilan
upang sila ay bumagsak at tuluyang hindi na
makapag-aral ng dahil sa maagang nilang
paghahanapbuhay.

You might also like