Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 10-Q1-W2


Ang Katotohanan, Kabutihan at Kagandahang

2 Asal sa Parabula
Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Mga Inaasahan

Sa ikalawang aralin, babasahin mo ang isang akdang pampanitikan na


nagmula sa bansang Syria. Ang mabubuting mensahe na iyong matututuhan ay
magiging gabay mo para sa isang matalinong pagpapasya sa buhay. Bahagi rin
ng aralin ang pagtalakay sa mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at
pagwawakas).
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, matatamo ang
sumusunod na kasanayan.

1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad


ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. (F10PN-IB-C-63)
2. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda
gamit ang mga ibinigay na tanong at binasang mitolohiya.
(F10PB-IB-C-63)
3. Nabibigyang-puna ang estilo ng may akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda, at ang bisa ng paggamit ng mga salitang
nagpapahayag ng matinding damdamin. (F10PT-IB-C-62)
4. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at
pagwawakas). (F10WG-IB-C-58)

Sa araling ito, hayaan mong subukin muna ang iyong kakayahan sa


pamamagitan ng pagsagot sa unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang nilalaman ng parabula at sagutin ang kasunod na mga


tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Talinghaga Tungkol sa Tatlong Alipin


(Mateo 25:14-30)

May isang taong maglalakbay kaya tinawag niya ang tatlo niyang alipin upang
pamahalaan ang kaniyang ari-arian. Binigyan niya ng pera ang bawat isa ayon sa
kanilang kakayahan. Ang unang alagad ay binigyan niya ng limang libong salaping

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
2

ginto, dalawang libong ginto naman sa ikalawang alipin, at isang libong salaping ginto
sa ikatlo.
Agad namang tumalima at kumilos ang unang alipin, ipinangalakal niya ang
salapi at kumita ng limang libong salaping ginto. Gayundin ang ginawa ng ikalawang
alipin kaya tumubo din ang kanyang salapi ng dalawang libong ginto.
Subalit ang tumanggap ng isang libong piso ay humukay sa lupa at itinago ang
salaping ginto. Dumating na ang panahon ng pagbabalik ng kanilang panginoon at
pinag sulit ang bawat isa.
Lumapit ang unang alipin at buong pusong ipinagmalaki ang kaniyang kinita.
Natuwa ang panginoon at sinabi sa alipin, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod!
Naging tapat ka sa malaking halaga.” Sumunod ang ikalawang alipin at isinulit ang
kaniyang kinita, natuwa naman ang panginoon at sinabing, “Magaling! Tapat at
mabuting lingkod! Naging tapat ka sa maliit na halaga.” Lumapit naman ang ikatlong
alagad at sinabing, “Alam ko pong kayo‟y mahigpit, natakot po ako kaya‟t ibinaon ko
sa lupa ang inyong salaping ginto. Heto po ang inyong salapi.”
Nagalit ang panginoon at sinabing, “Masama at tamad na lingkod, kunin ninyo ang
isang libong piso at ibigay sa may sampung libong salaping ginto. Sapagkat ang
mayroon ay bibigyan pa at magkakaroon ng sagana, ngunit ang wala pati ang
kakaunting nasa kanya ay kukunin pa, at siya ay ipinatapon sa kadiliman.

1. Ang sumusunod na salita ay magkakaugnay. Isaayos ang mga ito ayon sa tindi ng
kahulugan nito. ( sakim, makasarili, ganid, gahaman )
A. makasarili, sakim, gahaman, ganid
B. sakim, ganid, gahaman, makasarili
C. ganid, gahaman, sakim, makasarili
D. gahaman, makasarili, sakim, ganid
2. Isaayos ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan. (galit, inis, poot, yamot)
A. galit, yamot, inis, poot C. poot, galit, yamot, inis
B. yamot, poot, galit, inis D. inis, yamot, galit, poot
3. Natakot ang ikatlong alipin dahil sa hindi niya nasunod ang utos ng panginoon. Ang
salitang natakot ay nangangahulugang kinilabutan, nagimbal, kinabahan. Iayos ang
mga salita batay sa tindi ng kahulugan.
A. kinilabutan, natakot, nagimbal, kinabahan
B. natakot, nagimbal, kinabahan, kinilabutan
C. kinabahan, natakot, kinilabutan, nagimbal
D. nagimbal, kinabahan, natakot, kinilabutan
4. Ano ang nais na iparating ng parabula na katulad sa tunay na buhay?
A. Kung may tiyaga, may nilaga.
B. Tayo ay may iba‟t-ibang talento, pagyamanin ito sa paraang ninais ng Diyos.
C. Kailangang maging matibay upang mabuhay sa mundo.
D. Marami ang nanlalamang sa kapwa.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng parabula?
A. Tinatalakay ang pinagmulan ng isang bagay
B. Nagtuturo ng aral nang hindi tuwiran
C. Nagtuturo ng tamang gawi at asal
D. Ito ay salaysay na hango sa Bibliya
6. Batay sa nilalaman ng parabulang ito, pangunahing layunin nito ay __________.
A. malibang ang bumabasa
B. matuwa sa pangunahing tauhan
C. magturo kung paano mabuhay
D. magturo ng aral sa buhay

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
3

7. Ano ang damdaming namayani sa ikatlong alipin matapos na tanggapin ang salaping
ipinagkaloob sa kanya?
A. natuwa C. natakot
B. nalungkot D. nagmalaki
8. Ano ang kaparusahang ibinigay ng panginoon sa ikatlong alipin?
A. ipinatapon sa kadiliman C. ipinalapa sa mabangis na hayop
B. ipinakulong D. pinalayas
9. Pagkatapos marinig ng panginoon ang ulat ng unang alipin, ito ay
A. nainis C. nagalit
B. natuwa D. nalungkot
10. Ipinangalakal ng unang alipin ang salaping ipinagkaloob sa kaniya ng panginoon,
ano naman ang ginawa ng huling alipin sa kaniyang salapi?
A. inilagak sa bangko C. nilustay
B. ipinautang sa kasamahang alipin D. ibinaon sa lupa

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-


aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Balikan ang akdang Cupid at Psyche, kilalanin ang tauhang tinutukoy sa bawat
bilang. Letra lamang ang isusulat.
__________1. Bunsong anak ng hari at itinuturing
na pinakamaganda A. Venus
__________2. Ang Diyos ng propesiya na nilapitan B. Psyche
ng hari upang hingan ng tulong C. Cupid
__________3. Pinakamalakas at hari ng mga diyos at diyosa. D. Apolo
__________4. Tinuturing na Diyos ng pag-ibig. E. Jupiter
__________5. Diyosa ng kagandahan, pag-ibig, kalapati ang ibong
maiuugnay sa kaniya.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa parabula bilang isang anyo


ng sinaunang panitikan.

A. Ang Parabula Bilang Isang Anyo ng Sinaunang Panitikan


Parabula – isang maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral
na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa banal na kasulatan. Realistiko ang
banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong
mapagmungkahi at maaaring may sangkap na misteryo.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et.al. 2008, Texas US

Ngayon ay naunawaan mo na ang katuturan at katangian ng parabula, maaari mo ng


basahin ang isang halimbawa nito mula sa bansang Syria.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
4

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may
isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.
2) Kaya‟t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, „Ano ba itong naririnig ko tungkol
sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa
iyong tungkulin. 3) Sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili. Ano ang gagawin ko? Aalisin
na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa;
nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man
ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang
una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?‟ 6) Sumagot ito, “Isandaang tapayang
langis po.” „Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka‟t palitan mo,
gawin mong limampu,‟ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw,
gaano ang utang mo?‟ Sumagot ito, “Isandaang kabang trigo po.‟ Heto ang kasulatan
ng iyong pagkakautang,‟ sabi niya. “Isulat mo, walumpu.‟ 8) Pinuri ng amo ang
tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa
paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya‟t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo
ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang
maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10) Ang
mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay;
ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya
kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang
magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang
para sa inyo?
13) “Walang aliping maaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon
sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat
ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa
Diyos at kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus
sapagkat sakim sila sa salapi. 15) Kaya‟t sinabi niya sa kanila, „ Nagpapanggap
kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong
mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa
paningin ng Diyos.

B. Mga Piling Pang-ugnay sa Pagsasalaysay (Pagsisimula, pagpapatuloy,


pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas)
Ang pagsasalaysay ay isang uri ng pagpapahayag na may layuning
magkuwento ng mga pangyayaring maaaring nabasa, napanood o naranasan.
Ang mga pang-ugnay ay tumutulong upang mapag-ugnay ang mga
pangungusap at mga talata para mapakinis ang takbo ng pahayag at maiwasan ang
pagputol ng mga ideya.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
5

Pagdaragdag at Pag- Pagpapahayag


iisa ng mga ng Ugnayang
impormasyon Lohikal

Pagkatapos Dahil sa
Saka Sapagkat
Unang Kasi
Sumunod na araw Kaya
Sa dakong huli Kung Kaya
Pati Kaya naman
Isa Pa Sa wakas
Gayon din
At

Ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso ang ginagamit sa pagsusunod-


sunod ng pangyayari. May mga angkop na pang-ugnay na magagamit sa pagsasalaysay
mula sa pagsisimula, pagpapatuloy, pagpapadaloy ng mga pangyayari at pagwawakas.
Bigyan ng pansin ang ginamit na pang-ugnay sa talata.
Noong una may isang nagsasaka na sagana sa buhay. Nabago ang kaniyang pananaw
nang minsang kumatok ang monghe sa kanyang tahanan upang humingi ng limos.
Nagpasya siyang iwan ang karangyaan at gayahin ang monghe. Nang una ay nanibago
siya. Minsan ay naaalala niya ang asarol na ginagamit niya sa pagtatanim at itinago
subalit binabalik-balikan pa rin niya ito. Paglipas ng ilang taon ay nakapagdesisyon na
ito, itapon ang asarol. Dahil sa kaniyang ginawa, nakaramdam siya ng tunay na
kaligayahan. Sa wakas ay napalaya na niya ang sarili at nawala ang pagnanasa sa
materyal na bagay.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi mo lubos na nauunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Ngayon ay sagutin mo na ang mga gawain sa
kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Bigyang puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at ekspresyong ginamit sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga salita mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamataas na damdaming ipinahahayag, isulat sa loob ng talahanayan. Ilagay sa
ibaba ang unang salita, mga kasunod na salita hanggang sa huling salita sa itaas ng
baitang batay sa tindi ng kahulugan nito.

1. naiinis, nagagalit, nasusuklam, napopoot


2. nangangamba, naguguluhan, nalilito, tuliro
3. nalulumbay, nalulungkot, namamanglaw, namimighati
4. tumatangis, umiiyak, lumuluha, humahagulgol
5. natatakot, nasisindak, nangingilabot, nanginginig Sagot:

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
6

1. 2 3

4 5

Gawain 2 Pag-unawa sa Binasa

1. Saang bahagi ng parabula mababatid ang mensahe?


_____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Ano ang katangian ng parabulang binasa sa ibang akdang pampanitikan?
Isulat sa dayagram ang sagot.

Parabula

Katangian

Patunay

4. Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Bibliya na may hatid na aral sa


mambabasa. Tinatawag din itong isang talinghaga. Gamit ang grapikong
presentasyon, suriin ang mga pangyayari sa parabula batay sa nilalaman,
kakanyahan at elemento.

Parabula Nilalaman Elemento Kakanyahan

5. Gamit ang tsart na nasa ibaba, isulat ang mga pangyayari na maaaring iugnay
sa sariling karanasan o tunay na buhay.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
7

Pangyayari sa Parabula Pangyayari sa Sariling Karanasan

Mahusay! Natapos mo ang parabula at mga piling pang-ugnay sa


pagsasalaysay, narito ang dapat mong tandaan:

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang parabula at mga piling pang-ugnay sa


pagsasalaysay, narito ang dapat mong tandaan.

Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Bibliya na may hatid na aral


sa mambabasa.
Ito rin ay nasa anyong patula o prosa. Tinatawag din ang parabula bilang
talinghaga, ang mensaheng nais ihatid nito ay hindi lantad o tuwiran.
Ang parabula ay galling sa salitang Griyego na “parabula” na
nangangahulugang pagtatabi ng dalawang bagay upang paghambingin.
Pasalita man o pagsulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang
diskurso ang paggamit ng mga salitang nagsasama-sama, nag-uugnay ng isang
ideya sa mga kasunod na ideya.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag- -alam sa mga Natutuhan


-
May mga pagkakataong hindi tayo nakapag-iisip o nakapag-
dedesisyon ng tama sa ating buhay dahil may mga bumabagabag sa ating
konsensya. Dumating na ba sa iyo ang pagkakataong ito? Isalaysay ang isang
pangyayari sa buhay mo kung saan ikaw ang nakagawa ng maling pagpapasya
at kung paano mo ito iwinasto. Sundin ang sumusunod na pamantayan. Ilagay
ang sagot sa hiwalay na papel.
Pamantayan :
- Ito ay isang talata lamang.
- Nailahad ang isang pangyayari sa buhay.
- Gumamit ng mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
8

Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa sumusunod.

4 – Napakahusay 2 – Katamtaman

3 – Mahusay 1 – Dapat paunlarin

Pangwakas na Pagsusulit

A. Basahin ang nilalaman ng parabula at sagutin ang kasunod na mga


tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Ang Parabula ng Asarol

Isang magsasaka ang nag-araro ng kaniyang bukid araw-araw nang mga


nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero sagana naman siya. Isang araw ay tinanong
niya ang sarili kung bakit nagpapakahirap siya?
May isang mongheng kumatok sa bahay niya at humihingi ng limos. Naisip
niya na maganda ang buhay ng monghe, walang masyadong responsibilidad.
Kaya, nagpasya siyang iwanan ang kaniyang mga ari-arian at nag monghe rin.
Pagkatapos niyang umalis ng bahay, naramdaman niyang walang kalamanlaman
ang kaniyang mga kamay. Nasanay kasi siyang laging hawak ang asarol arawaraw at
ngayon ay para siyang naninibago.
Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha niya ang asarol at nag-isip siya kung
ano ang gagawin niya doon.

Nanghihinayang siyang itapon ang asarol dahil ito ay matalim at makintab sa


dalas nang gamit dito.
Binalot niya ito at itinago sa loob ng bahay. Pagkatapos ay umalis siyang muli.
Ang magsasaka ay nagpumilit maituwid ang mga kinakailangan para maging
mabuting monghe. Pero, hindi niya mapigilan ang pagbabalik-alala sa kaniyang asarol
tuwing mapapadaan siya sa isang taniman. Umuuwi siya at hinihimas ang asarol
pagkatapos ay babalik ulit siya sa templo.
Dumaan ang pito hanggang walong taon, naramdaman niyang tila hindi siya
masaya bilang malayang monghe pagkatapos niyang magpakabanal. Mayroong
sagabal at iyon ang nagpapabigat ng kaniyang kalooban. Umuwi siya sa bahay,
kinuha niya ang asarol at itinapon sa lawa.
Pagkatapos lumubog ang asarol, tuwang-tuwang nagsisigaw ang magsasaka
nang, “Nanalo ako! Nagwagi ako!

Nang oras na iyon ay dumaraan ang hari at ang batalyon nito mula sa
matagumpay na pakikidigma. Narinig niya ang monghe at tinanong, “Ano ang iyong
napanalunan? Bakit napakasaya mo?”
“Natalo ko ang masamang damdamin na nasa aking puso. Pinalaya ko na ang
aking sarili sa mga materyal na bagay na siyang nagpapabigat sa akin, bilang isang
nilalang.”

Namasdan ng hari na masaya talaga ang monghe dahil sa siya ay malaya na sa


mga pagnanasa sa mga bagay na materyal.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
9

Nag-isip din siya. “Nanalo nga ako pero ako ba ay masaya? Kinamkam ko ang
mga lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay na tagumpay.”

Naisip din ng hari na ang tunay na matagumpay ay ang karaniwang tao na


napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga bagay na makakapagpaligayang
pangmateryal.

____1. Ang sumusunod na salita ay magkasingkahulugan. Isaayos ang mga ito ayon sa
tindi ng kahulugan: nanalo, nagwagi, nagtagumpay, nagkamit
A. nagtagumpay, nanalo, nagwagi, nagkamit
B. nagwagi, nanalo, nagtagumpay, nagkamit
C. nagtagumpay, nagwagi, nagkamit, nanalo
D. nanalo, nagwagi, nagkamit, nagtagumpay
____2. Isaayos ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan: kinamkam, kinalas, kinuha,
kinulimbat
A. kinamkam, kinuha, kinalas, kinulimbat
B. kinuha, kinalas, kinulimbat, kinamkam
C. kinalas, kinulimbat, kinuha, kinamkam
D. kinalas, kinuha, kinulimbat, kinamkam

____3. Pagsunud-sunurin ang mga salita batay sa tindi ng kahulugan : pagnanasa,


pagnanais, pagkagusto, pagkahumaling
A. pagkagusto, pagnanais, pagnanasa, pagkahumaling
B. pagkahumaling, pagkagusto, pagnanais, pagnanasa
C. pagnanasa, pagkahumaling, pagkagusto, pagnanais
D. pagnanais, pagkagusto, pagnanasa, pagkahumaling
____4. Ang kaisipang nais ipahatid ng parabula ay
A. makuntento sa bagay na mayroon tayo
B. maging masaya sa kabila ng paghihirap
C. matutong tumanaw ng utang na loob
D. magsikap sa buhay
____5. Ano ang damdaming namayani sa hari pagkatapos niyang makausap ang
monghe?
A. nalungkot C. natuwa
B. nainggit D. walang buhay

B. Tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap.

____6. Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita


sa iyong tungkulin
____7. Tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis pagkatapos
ito ay kaniyang tinanong.
____8. Kaya‟t ipinatawag niya ang katiwala at ito ay pinag-ulat.
____9. Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito.
____10. At tinanong naman niya ang isa pang katiwala, “Gaano ang utang mo?

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
10

Pagninilay

Bilang kinatawan ng inyong klase, ikaw ay naatasang bumuo ng


mga tuntunin (moral values) bilang isang huwarang kabataang
pandaigdaig. Gawing pamantayan ang tanong.

Para sa iyo, ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang huwarang
kabataan para sa kasalukuyan?

Pamantayan sa Pagbuo ng Moral Values:

1. Kaugnay ng paksa ang binuong tuntunin.


2. Nagtataglay ng holistic na dulog na saklaw ang kabataan.
3. Gumamit ng payak na salita na madaling maunawaan at mga angkop na
pangugnay.
4. Nasunod ang pamantayan sa paggawa ng tuntunin.

Interpretasyon ng bawat puntos:

4 – Napakahusay ng pagkakasulat ng tuntunin


3 - Mahusay ang pagkakasulat ng tuntunin
2 – Katamtamang husay ng pagkakasulat ng tuntunin
1 – Kailangan pa ng pagsasanay sa pagsulat ng tuntunin

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroon


pang hindi naunawaan sa modyul na ito, maaaring makipag-ugnayan ka sa
iyong guro.

Modyul sa Filipino 10
Unang Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like