Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Filipino

Unang Markahan - Linggo 2 Modyul 4:


(Pagkukuwentong Muli sa Napakinggan/Nabasang
Kuwento)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Linggo 2 - Modyul 4: Pagkukuwentong muli sa Napakinggan/Nabasang
Kuwento
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Tagapamahala ng Paaralan: Rebonfamil R. Baguio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Junrey H. Tadlas

Editor: Cathyrine D. Melos

Tagapagsuri: Emelita F. Rey, PSDS

Tagalapat: Rommel C. Villa


Gelyn G. Zerna

Ilustrador: Madilyn Pagobo Saphlot

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Tagapamahala:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Mga Kasapi: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Noemie M. Pagayon, EPS – Filipino
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawara ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Filipino
Unang Markahan - Linggo 2 Modyul 4:
(Pagkukuwentong Muli sa
Napakinggan/Nabasang Kuwento)

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa pampublikong paaralan.
Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na ipadala ang inyong mga puna, komento at
rekomendasyon sa pamamagitan ng email sa Kagawaran ng
Edukasyon at Region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
3
Ang Modyul na ito

Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang modyul na ito. Ito

ang magiging kaibigan mo sa pag-aaral ng Filipino at magiging kasama

mo sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa

pamamagitan ng pagbasa at pagsagot. Basahin at unawain ang mga

panuto na mababasa dito upang maging matagumpay ka sa mga

gawaing sadyang inihanda para sa iyo.

Maligayang paglalakbay sa pagkamit ng dagdag na kaalaman sa

asignaturang Filipino.

i
4
Alamin

Ang nasa ibaba ay ang mga dapat matutunan sa modyul na ito;

Layunin:

 Naikukuwentong muli ang napakinggang kuwento na wasto ang


pagkasusunod-sunod at gumagamit ng signal words: una,
pangalawa

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na mga hakbang;

 Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.


 Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at
pagsasanay.
 Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

ii5
Mga Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa inyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin.

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan.
Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa
pamamamagitan ng gawaing
pagkatuto bago ilahad ang paksang
tatalakayin.
Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa
pamamamagitan ng gawain sa
pagkatuto upang malinang ang iyong
natuklasan sa pag-unawa sa
konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang iyong natutunan mula
sa aralin.
Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang
maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit upang
masusi ang iyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto.
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
6
Subukin

Basahin mo nang maayos ang maikling talata at sagutin ang


mga sumusunod na mga tanong:

Mga hakbang sa paghahanda sa pagdating ng bagyo Unang una ay


sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balita sa pagsama ng
panahon. Pangalawa ay mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong
lalo na iyong mga delata upang hindi magutom. Pagkatapos ay mag-
imbak din ng posporo, kandila, flashlight, at baterya na maaaring
magamit kung kinakailangan. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling
mahinahon sa lahat ng sandali upang makaiwas sa dagdag na sakuna.
At panghuli, kailangang makinig sa mga balita tungkol sa pagbabago
ng panahon.

Anu-ano ang mga dapat gawing paghahanda sa pagdating ng bagyo?

Una:

______________________________________________

Pangalawa:

______________________________________________

Pangatlo:

________________________________________________

Pang-apat:

_______________________________________________

Panglima:

______________________________________________

iv
7
Z

Aralin Pagkukuwentong muli sa


Napakinggan/Nabasang
4 Kuwento

Sa pagkakaalam ko
2006 sila unang nag
Alam mo ba kung anong kampeon. Pero
taon unang naging hindi ko na alam sa
kampeon ang Miami pangalawa.
Heat sa NBA?

Balikan

Ibigay ang mga Elemento ng kuwento

1._________________________

2. _________________________

3. _________________________

8
Tuklasin

Isulat sa patlang ang bilang ng pagkakasunod-sunod


ng pangyayari

_________1. Umalis ako ng bahay upang samahan ang aking


kaibigan na bumili ng regalo para sa kaarawan ng aking ina.

_________2. Iniuwi ko sya sa bahay at pinaliguan.

_________3. Dahil sa iyak, agad kong nilapitan ang sako kung saan
sya ay nakakulong.

_________4. Nang ako'y pauwi na, habang akong naglalakad


patungo sa sakayan ng dyip, narinig ko ang isang kaawa-awang pusa
na umiiyak.

_________5. Pagkatapos, tinanggal ko ang tali ng sako at agad kong


nakita ang pusang kay puti ng mga balahibo. Tinawag ko syang
Niyebe.

__________6. Simula noon, siya na ang kasa-kasama ko saan man


ako magpunta.

9
Suriin

Maraming dapat gawin kapag dumating ang malakas na bagyo.


Makapag-iingat ka kaya? Basahin ang sumusunod na kwento. Unawain
at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
May Babala ang Bagyo
(Pinaikling kwento galing sa Hiyas sa Pagbasa IV, pahina 158-160)

Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.


Napakalamig kasi ng panahon. Ang lakas-lakas ng hangin at walang
katigil-tigil ang malakas na ulan.
Nagising si Andrea. Ginaw na ginaw siya. Natanggal kasi ang
makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan.
“Signal number two,” ang sabi ng tagapagbalita sa radyo. “Ang ibig
sabihin, sa loob ng 24 na oras, papalapit ang masamang panahon.
Ang dumating na hangin ay may lakas na 80 hanggang 100 kilometro
bawat oras. Walang pasok sa mga paaralan, elementarya at haiskul.
Ang lahat po ay pinag-iingat.”
Nag-isip siya. Naalala niya ang napag-aralan nila sa paaralan
tungkol sa bagyo. Kapag signal number one, sa loob ng 36 na oras
ay maaaring dumating ang hanging may lakas na hindi hihigit sa 60
kilometro bawat oras. Kapag signal number two, ang hangin ay may
lakas na 60 hanggang 100 kilometro bawat oras. Kapag signal
number three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras, maaaring dumating
ang hanging may lakas na higit sa 100 kilometro bawat oras.
Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata. Inalis nang tuluyan ang
makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan at siya’y
bumangon. Ibig niyang subaybayan ang balita tungkol sa bagyo
upang ganap silang makapag-ingat.

10
Pagyamanin

Batay sa nabasa mong maikling kwento, sikapin mong sagutan


ang mga sumusunod na mga katanungan:

1. Bakit napakahimbing ng pagkatulog ni Andrea nang araw na iyon?

______________________________________________________

2. Ano ang dahilan at nagising siya?

______________________________________________________

3. Kailan idideklarang walang pasok sa elementarya at haiskul kapag


may bagyo?

______________________________________________________

4. Ano ang naalala ni Andrea na napag-aralan nila tungkol sa bagyo?

______________________________________________________

5. Sa palagay mo, saan madaling makakuha ng mahahalagang balita


tungkol sa pagsama ng panahon?

_______________________________________________________

11
Isaisip

Pagsunod-sunurin ang sumusunod na mga pangyayari. Lagyan


ng wastong bilang ang patlang sa ilalim ng larawan.

_______________ ________________

________________
________________

12
Isagawa

Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang hugis pabilog


sa gitna ng bagyo.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Nakatira sa mababang lugar Nakatira sa mataas na lugar

1.
1. 1.

2. 2.

3. 3.

13
Tayahin

Lagyan ng bilang ang bawat patlang ayon sa pagkakasunod-sunod ng


pangyayari.

_____1. Walang pasok sa mga paaralan, elementarya at hayskul.

_____ 2. Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata.

_____ 3. Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea

_____ 4. Ibig niyang subaybayan ang balita tungkol sa bagyo upang


ganap silang makapag-ingat.

_____ 5. Ang lakas-lakas ng hangin at walang katigil-tigil ang malakas


na ulan.

14
Karagdagang Gawain

Basahin mo nang maigi ang maikling talata sa ibaba at gawin ang


sumusunod na gawain.

Napag-utusan si Margie na hugasan ang lahat na ginamit sa


pagkain at pinaglutuan nito.
Sinalansan ni Margie ang mga baso at pitsel. Pinagsama-sama
niya ang mga kutsara, tinidor at kutsarita.
Sinalansan niya ang mga plato at platito ayon sa laki. Pagkatapos
ay inihanay niya ang mga kaldero at kawali.
Sa wakas ay inilagay niya ang ,mga ito sa kani-kanilang lalagyan,
matapos sabunin, banlawan, at patuyuin, ayon sa ayos nito.

Tiyakin kung ano ang tamang pagkakasunud-sunod, ayon sa


paghuhugas ni Margie ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Titik a sa una, b sa pangalawa, c pangatlo at d sa pang-apat, at buong
salita sa bilang lima.

_______1. Mga kaldero at kawali

_______2. Mga baso at pitsel

_______3. Mga kutsara at tinidor

_______4. Mga plato at paltito

________________________________________5. Ano ang salitang


nagpapahiwatig ng huling pangyayari na ginamit sa talataan?

15
16
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Karagdagang gawain
1. d
2. a
3. b
4. c
5.
Tayahin
1. 3
2. 4
3. 1
4. 5
5. 2
Tuklasin
1. 1
2. 5
3. 3
4. 2
5. 4
6. 6
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Jabines, Angelika D. (2015) Yaman ng Lahi. Sunshine Interlinks


Publishing House, Inc. Unang Edisyon 2015

17
Para sa anumang katanungan o puna, maaaring ipadala sa

pamamagitan ng sulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Valencia

Lapu-Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

18

You might also like