Pananaliksik Kabanata 1-5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

Kabanata I

Ang Suliranin at ang Sanligan ng Paga-aral

Panimula

Dala ng nagdaang panahon marami nang mga kabataan ang hindi

marunong o kulang sa kaalaman sa paggamit ng tamang pang-ugnay sa

bawat pangungusap, dahil nga sa patuloy na pag-usbong ng henerasyon

ay patuloy din ang pag-unlad ng modernong populasyon na nagiging

dahilan para malayo ang kabataan sa pag-aaral at patuloy na

makalimutan ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay. Ang mga

kabataan ay natuon sa paggamit ng mga teknolohiya upang mapadali ang

mga bagay, tulad na lamang sa komunikasyon, ang pagpapalitan ng

mensahe sa cellphone o chat sa Ingles. Marahil totoo, maganda nga

naman ang naiidulot nito sa makabagong panahon. Ngunit sa

pagmamadali, tila hindi nila nabibigyang pansin ang mga salita nilang

ginagamit. Lumilikha sila ng mga barok na salita upang mapadali at

mapaiksi ang kanilang pagtipa ng mga salita at letra sa cellphone.

Ang mga kabataan sa makabagong henerasyon ay nahuhumaling,

nalilibang at natatangay sa mabilis na pagbabago ng panahon. Ilang mga


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 1
|
kabataan na lang kaya ang binibigyang pansin kung akma ba ang mga

salitang pang-ugnay na ginagamit nila sa pangungusap o biinibibigyang

tuon pa kaya nila ang mga ito?

Marahil sa iba ay napakasimple lamang nito, pero ito ay

napakahalagang sangkap sa pagbuo ng isang pangungusap, talata,

sanaysay, kwento o maging sa pagsulat ng mga tula. Hindi lamang natin

ito napapansin, dahil para sa iba ay wala lamang ito. Paano kaya ang mga

sanaysay, talata pangungusap at iba pa kung wala ang mga pang-ugnay?

Magiging angkop ba o tama ang kanilang magagawang pangungusap?

Ang mga pang-ugnay ay may malaking partisipasyon sa pagbuo ng

maganda at tamang istraktura ng pangungusap kung alam lamang ang

tamang paggamit ng mga ito. Pero ano nga ba ang mga pang-ugnay?

Ayon sa internet, ang pang-ugnay ay ang mga salita na

nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang yunit sa

pangungusap. Isa pang depinisyon nito ay ang pang-ugnay ay ang

anumang salita na nag-uugnay, nagdudugtong o nagsasama sa mga

salita, parirala, sugnay at pangungusap. Gaya na lamang ng pang-

angkop, pang-ukol at pangatnig. Ang pangatnig ay may siyam na uri, ito

ay ang Paninsay, Pamukod, Panubali, Panapos, Pamanggit, Panlinaw,

Pantulong at Panimbang.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 2


|
Marahil hindi natin maipagkakaila na may nakakaaalam ng pang-

ugnay ngunit alam ba nila ang tamang pag gamit nito? At hindi sasapat sa

panahon ngayon ang kaalaman ng bawat isa para sa isang maayos na

kinabukasan. Maraming katanungan pa ang nais masagot ng bawat

mananaliksik kabilang na dito kung ilang porsyento na nga lang ba ang

marunong o may alam ng wastong pagsasaayos o paggamit ng mga

pang-ugnay, at gaano kalaki naman ang porsyento ng hindi na nakaaala o

nakakakilala dito.

Ito ang naging layunin at dahilan kung bakit ito ang napiling paksa

ng grupo, hindi lang para malaman ang porsyento kundi para din magising

ang bawat mag-aaral na nakatungtong sa mataas na baitang na hindi

sapat ang kaalaman sa ganitong bagay. Layunin ng mga mananaliksik na

maipabatid sa mga mag-aaral ang wasto at tamang paggamit ng pang-

ugnay, nais din naming malaman ang bawat opinyon ng bawat magaaral

at guro sa ganitong isyu. Hangad din ng grupong mananaliksik na

matulungan ang mga estudyante o kabataan na walang sapat na

kaalaman sa nabanggit na problema. Kahit lingid sa kaalaman ng bawat

kabataan ang ganitong isyu ay marami pa din ang maari nitong

maapektuhan, isa na rito ang mga gurong nagpapakapagod sa pagtuturo,

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 3


|
mga nakatapak sa mataas na baitang na tulog ang kamalayan sa

ganitong kinakaharap na krisis ng kaalaman.

Nawa’y maging matagumpay ang pagaaral na ito at magbunga ng

maganda ang sakripisyo at pagsisikap ng mga mananaliksik na makamit

ang kanilang hangarin para sa mga magaaral.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral na ito ay naglalayong matagpuan ang ilang mga

problema na mayroong kaugnayan sa epektibong pamamaraan ng

paggamit ng Pang-ugnay.

Mga nakitang suliranin ng mga mananaliksik na may kinalaman sa

paksa, ito ay ang mga sumusunod:

1. Anu-ano ang iba’t-ibang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng

Unibersidad ng Our Lady of Fatima ang may kaalaman sa tamang

paggamit ng mga Pang-ugnay?

1.1 Pangalan (opsyonal)

1.2 Edad

1.3 Kasarian

2. Ano ang antas ng kaalaman sa tamang paggamit ng mga pang-ugnay

ng mga piling estudyante ng Unibersidad ng Our Lady of Fatima?

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 4


|
3. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa kanilang antas ng

kaalaman?

4. Paano mapapalawak at magpapaunlad ang antas ng kaalaman ng

mga mag-a’aral sa paggamit ng pang-ugnay?

Layunin ng Pag-aaral

Ang Pangkalahatang Layunin ng Pananaliksik na ito na

isinasagawa ng mga Mananaliksik ay matukoy ang Antas ng Kaalaman sa

tamang paggamit ng mga Pang-ugnay ng mga piling magaaral ng

Unibersidad ng Our Lady of Fatima.

Ang ilan pang mga layunin ng pananaliksik ay ang mga

sumusunod:

1. Mabatid ang bilang at porsyento ng mga mag-aaral na may

kaalaman patungkol sa pang-ugnay.

2. Matukoy ang lawak ng kaalaman ng mga estudyante sa tamang

paggamit ng mga Pang-ugnay.

3. Mabatid ang mga salik na nakakaapekto kung bakit nababaliwala

na ang tamang paggamit ng pang-ugnay.

4. Mabatid ang mga maaring gawin upang mapaunlad at mapalawak

ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pang-ugnay.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 5


|
Kahalagahan ng Pananaliksik

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-aaral na

isinasagawa ay makakapaghatid sa mga estudyante ng kahalagahan ng

tamang pamamaraan sa gamit ng mga Pang-ugnay at ang kahalagahang

gamitin ito ng maayos at wasto sa pagbuo ng pangungusap. Hinahangad

ng mananaliksik na maipabatid ang mga maaring maging resulta at

epekto nito sa hinaharap hindi lamang sa mga mag-aaral ng OLFU kundi

sa lahat ng mag-aaaral ng iba’t ibang eskwelahan at unibersidad.

1. Makatulong ang pag-sasaliksik na ito upang magkaroon ang mga

mag-aaral ng kaalaman sa wastong paggamit ng mga pang-ugnay

sa wikang Filipino sa pag-aaral at pagsusulat ng mga

pangungusap, sanaysay, talata, kwento, tula at iba pa.

2. Maibahagi ang kahalagahan ng paggamit ng tama at wastong

pang-ugnay.

3. Matulungan ang mga kabataan at mag-aaral na makabuo at

makagawa ng pangungusap ng tama at may wastong ayos na may

gamit ng tamang pang-ugnay upang maging epektibo ang pagsulat.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 6


|
4. Masolusyunan ang mga suliranin ng kabataan at mag-aaral na

patuloy na gumagamit ng mga maling pangugnay, tulad na lamang

ng mga pang-angkop, pangatnig at pang-ukol.

Paradigma

Sa pag-aaral na ito, ipinapakita ng figura 1 ang dahilan, proseso at awput

ng pagkakaroon at resulta ng isang pananaliksik na patungkol sa antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng Pang-ugnay.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 7


|
Figura1: Paradigma ng Pag-aaral

Saklaw at Delimitasyon

Ang Nakapaloob sa pamanahong papel na ito ay sumasaklaw sa

Antas ng kaalaman sa tamang paggamit ng mga pag-ugnay ng mga

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 8


|
piling estudyante ng Our Lady of Fatima. Saklaw din ng pag-aaral na ito

ang kanilang mga paraan na ginamit sa pagaanalisa sa mga tanong sa

kwestyuner patungkol sa paksa.

Ang pananaliksik ay naglalayon na makakuha ng mga respondante

mula sa mga mag-aaral na mula sa Senior High School ng Unibersidad ng

Our Lady of Fatima. Nais makabuo ng mananaliksik ng 50 respondanteng

babae at 50 respondante din mula sa kalalakihan na mag-aaral ng Senior

High School upang makakuha ng kabuuang bilang na 100 na

respondanteng magiging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Depinasyon o Kahulugan ng mga terminong ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa

pag-aaral:

 Artikel – mga impormasyong galing sa iba’t ibang uri ng resources

o pinagmulan

 Bahagi ng Pananalita – kinabibilangan ng iba’t iba uri ng

pangugnay at iba pang sangkap sa pagbuo ng isang pangungusap

 Cellphone – Isang uri ng teknolohiya na ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon. Isang uri ng telepono kung saan portabol

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 9


|
at walang kawad na ginagamit hindi gaya ng tradisyunal na

teleponong ginagamit sa kabahyan

 Datos - Ang datos, impormasyon at kaalaman ay mga konseptong

magkaugnay, subalit bawat isa ay may sariling gamit kaugnay ng isa.

Ang datos ay kinokolekta at sinusuri upang makagawa ng

impormasyong naaayon para makagawa ng desisyon, habang ang

kaalaman naman’y mula sa maramihang karanasang may kinalaman

sa impormasyong may paksa. 

 Demograpikong propayl – pahapyaw na pagkakakilanlan ng

isang indibidwal

 Istatiskong ulat - bilang sa pamamagitan ng graph o numero

 Modernong populasyon – pagunlad o pagusbong ng bilang ng

tao sa isang lipunan

 Pagtititpa – Pagpindot ng daliri sa kamay sa isang gadget oparte

ng kompyuter na kung tawagin ay keyboard

 Pananhi – uri ng pangugnay na nagbibigay dahilan o katwiran para

sa pagkaganap ng isang kilos

 Pang-ugnay – mga salitang nagbibigay ng relasyon sa dalawang

yunit ng pangungusap

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 10


|
 Panubali – isang pang uri ng pang-ugnay na nagsasabi ng

pagkalinlang

 Porsyento – pagpapakita ng bilang gamit ang nalikop na datos

 Respondante – mga indibidwal na sasagot o sumasagot sa

isasagawang serbey

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 11


|
Dayuhang Literatura

Sa pagbabago at pagpapalawak ng sistema ng edukasyon mas

nagiging malawak din ang kaalaman ng mga tao sa mga makabagong

impormasyon na hindi natin masyadong naiintindihan. Mas nagkakaraoon

din ng malawak na impormasyon ang mga kabataan sa paggamit ng

simpleng pangungusap.

Sa hinaba-haba na pananakop ng mga ibang bansa sa

pananakop sa Pilipinas hindi nila binigyan ng pagkakataon ang mga

Pilipino magkaroon ng kamalayan at kaalaman sa mga bagay na nasa

paligid nila. Hindi naging pantay ang trato ng mga nakatataas sa mga

Pilipino. Mas binigyan nila ng atensyon ang mga mayayaman para

makapag-aral. Naging mga alila ang mga di nakapag-aral at hindi

nabigyan ng pagkakataon na makatungtong ng paaralan. Sa pagpasok ng

mga Amerikano mas malawak na naiambag nila ang kanilang nais sa mga

Pilipino lalo na ang tungkol sa edukasyon. Sa patuloy na pagpapaunlad

ng mga Pilipino sa Edukasyon naging malawak at maunlad ang kaalaman

ng mga Pilipino tungkol sa mga nangyari sa nagdaan at mga nangyayari

sa kasalukuyan.

Maraming Europeong lengguahe ang kabilang sa Kortmann

noong 1997, na nagbigay ng “Typology of Subordinating Conjunctions” na

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 12


|
Ang ibig sabihin ay ang “conjunction” ay mga sangkap ng lingguwistiko na

nag-uugnay sa dalawa o higit pang mga salita, parirala, sugnay, o mga

pangungusap sa loob ng isang mas malaking yunit, sa paraan na ang

isang tukoy na kaugnayan sa semantiko ay itinatag sa pagitan nila. Sa

panitikan, ang mga conjunctions ay tinutukoy din sa ingles bilang

"connectives" at "linkers" o mga pang-ugnay. Ang mga pag-uusap ay

mahalaga sa mga organisasyon at samahan ng diskurso sapagkat hindi

lamang sila nagtatayo ng mga komplikadong yunit kundi pati na rin ang

mga nagsasalita ng mga tagapagsalita patungo sa interpretasyon at

pagproseso ng mga pananalita, na may paggalang sa bawat isa at may

kinalaman sa konteksto. Dahil dito, ang mga conjunctions ay madalas na

lumilikha ng mga marker ng diskurso, at ang hangganan sa pagitan ng

dalawa ay sa ilang mga kaso ay banayad. Ang iba't ibang uri ng mga

relasyon sa semantiko ay maaaring naka-inkoda ng mga kondisyon, mula

sa pangkalahatang at pangunahing mga relasyon tulad ng mga lohikal

(hal., kumbinasyon ["at"], alternatibong ["o"], kondisyonal ["kung"]) , tiyak

na mga relasyon, tulad ng concessive contrast ("bagaman"). Ito ay hindi

bihira upang makahanap ng multifunctional conjunctions: iyon ay, ang

pag-iinkoda ng higit sa isang kaugnayan (tingnan habang "sa parehong

oras" / "samantalang"). Ang ilang mga conjunctions ay nagbibigay-daan

sa mga relasyon na maaaring magamit sa lahat ng mga antas ng syntactic

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 13


|
(kadalasang lohikal na relasyon, hal., At), ngunit ang karamihan ay maaari

lamang mag-link ng mga clause o VPs sapagkat naka-encode sila ng mga

relasyon sa pagitan ng mga kaganapan. Ang “Typology of Subordinating

Conjunctions” din ang gumagawa ng “Synchronic and a diachronic

perspective.” Ang malawakang bilengwal na pananaw ay ginawang

inspirasyon ng “Payne” noong 1985 at ng “Lehmann” noong 1988 na naka

pokus sa “complex sentences.” Ang mga complex sentences ay

kamangha-manghang bahagi ng wikang Ingles. Kapag ginamit nang

maayos, maaari silang magdagdag ng lalim sa pagsusulat. Ang mga

komplikadong mga pangungusap ay naglalaman ng isang malayang

sugnay at hindi bababa sa isang nakasalalay na sugnay na giinagamitan

ng mga pang-ugnay.

Ayon sa internet mula sa isang samutsamot.com, Ang isang

malayang sugnay ay may kakayahang manindigan bilang isang

pangungusap o nakakapagiisa. Ito ay palaging gumagawa ng isang

kumpletong pag-iisip. Ang isang nakasalalay na sugnay ay hindi

maaaring mag-isa, bagaman mayroon itong paksa at isang pandiwa at

ang mga komplikadong mga pangungusap ay mga kalapit at kaugnay sa

mga tambalang pangungusap mayroon lamang pagkakaiba ang mga ito.

Lokal na Literatura

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 14


|
Sa pagdaan at lumipas na panahon nagbabago at pagpapalawak

ng sistema ng edukasyon mas nagiging malawak din ang kaalaman ng

mga tao sa mga makabagong impormasyon na hindi natin masyadong

naiintindihan. Mas nagkakaroon din ng malawak na impormasyon at

kaalaman ang mga kabataan sa paggamit ng simpleng pangungusap na

ginagamitan ng mga bahagi ng pangungusap.

Ang pagbuo sa bahagi ng pangungusap sa balarila, ang bahagi ng

pananalita/panalita, o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong

kaurian ng mga salita o mas tamang sabihing bahaging panleksiko na

pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at

morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy. Sa aklat

na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin

sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung

bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan,

panghalip, pandiwa, pang-uri, pangabay, pantukoy, pangatnig, pangukol, 

pang-angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan

sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel L.

Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.

Ayon sa Batas Republika Blg. 9155 Sek.2 ay isang batas na

napapahayag ng pangangalaga at pagtataguyod ng karapatan ng lahat ng

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 15


|
mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may

kalidad at upang gawing bukas para sa lahat ng naturang edukasyon. Ito’y

isang batas na binibigyan ng kalayaan ang mga tao para makapagaral ng

libre at mabigyan ng malawak na kaalaman ang mga tao.

Mula nang iayos ang mga programa sa Kagawaran ng Edukasyon

naging bukas na sa mga tao ang pag aaral ng libre sa mga Pampublkong

paaralan. Dito nagsimula ang mga pagtuturo sa mga Asignatura ng

Filipino, Matematika, Ingles, Agham at Marami pang iba. Mas binigyan nila

ng pansin ang mga asignatura na ito dahil mas nagagamit ito sa pang

araw araw na gawain ng mga tao.

Isa sa mga nakapaloob dito ay ang pag-aaral ng mga Pilipino sa

Asignatura ng Filipino. Ayon sa mananaliksik isa sa nakalap sa

asignaturang Filipino ang pag-aaral sa mga Bahagi ng Panalita o Part of

Speech sa Ingles. Isa sa mga bahagi ng Part of Speech ang pang-ugnay

na kung saan ay may 3 ding bahagi. Ayon din sa isang pagsasaliksik ang

pang-ugnay ay ginagamit bilang tekstuwal na koneksyon na natatagpuan

sa Halliday at Hasan noong 1976, na kinokonsendera nila na tunay ang

pagkilanlan sa pag-aaral ng “Synatax at Semantics” ng isang pang-ugnay.

Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang

pambansa (na kilala na ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang

nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang Balarila. Isa


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 16
|
na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O.

Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may

sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan.

Sa sampong bahagi ng pananalita ang tatlo dito ang bumubuo din

sa Pang-ugnay ito ay ang pang-angkop, pangatnig at pang-ukol. Ayon sa

internet, ang pang-ugnay ay ang mga salita na nagpapakita ng relasyon o

kaugnayan ng dalawang yunit sa pangungusap. Isa pang depinisyon nito

ay ang pangugnay ay ang anumang salita na naguugnay, nagdudugtong o

napapagsama sa mga salita parirala, sugnay at pangungusap. Gaya na

lamang ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig. Ang mga pang-ukol,

pangatnig at pang-akop ay tawag sa uri ng pang-ugnay.

Ang Pang-ukol o preposition sa ingles ay mga salitang nag-uugnay

sa mga salita at maaring ilagay sa unahan bago ang pangalan o payak na

salita. Halimbawa na lang ng "ang/kay" "si/ng/ayon sa/ayon kay".

Samantalang Pang-angkop o ligatures naman ang tawag sa salitang nag-

uugnay sa panuring o may tinuturingan. Ang Pang-angkop din ay may

tatlong itinuturing sa filipino, ito ay ang -na, -g, -ng kung saan ginagamit sa

pag-uuganay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan. Ang pangatlo

ay ang Pangatnig o conjunction sa ingles ito naman ang tawag sa mga

kataga o salita na nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 17


|
pinagsunod-sunod sa pangungusap. May siyam na uri ang pangatnig ito

ay ang Paninsay, Pamukod, Panubali, Pananhi, Panapos, Pamanggit,

Panlinaw, Pantulong at Panimbang.

Sa pagsunod ng mga guro sa sistema ng Kagawaran ng

Edukasyon, Sa simula pa lamang ay tinuruan na nila ang mga Pilipino

kung paano ang magbasa at magsulat. Doon naguumpisa magkaroon ng

kaalaman ang mga magaaral para gawin nila at maisabuhay na madadala

nila hanggang sa kanilang pagtanda.

Kabanata III

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 18


|
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginamit sa

pag-aaral. Inilalahad dito ang mga paraang ginamit sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang upang maisakatuparan ang pananaliksik.

Naglululan ito ng disenyo ng pag-aaral, lugar kung saan isinagawa ang

pag-aaral, mga halimbawang teknik na ginagamit ng mga pananaliksik,

instrumentasyon, at pangangalap ng datos pati ang istatistikong ulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong

pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang “Descriptive

Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey

questionnaire) para makalikom ng datos. Naniniwala ang mananaliksik na

angkop ang disenyo para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang

pagkalap ng datos mula sa maraming respondante.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Cluster Sampling Survey sa

pangangalap ng mga respondente na kung saan ang mga kalahok ay

pinipili base sa mga natatanging grupo na kanilang kinabibilangan.

Kinakailangan na ang mga respondent ay nasa ika-labing isang baitang

na may kinalaman ukol sa pananaliksik ukol sa antas ng kaalaman sa

paggamit ng mga mang-ugnay ng mga mag aaral.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 19


|
Instrumento ng Pananaliksik

Ang pangunahing instrumento ng pananaliksik ay ang mga

respondente kung saan ang mananaliksik ay maghahanap ng angkop na

estudyante na sasagot sa mga katanungan.

Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o questionnaire

sa pagkuha ng datos. Ang kwestyuner o talatanungan ay naglalaman ng

mga katanungan na maaaring pagkuhanan ng sagot at pananaw ng mga

respondente patungkol sa antas ng kaalaman ng mga piling mag-aaral.

Ang talatanungan na ito ay may tatlong parte, ang una ay naglalaman ng

kanilang mga pananaw tungkol sa pang-ugnay kung sumasang-ayon ba

sila sa mga sumusunod pahayag. Ang pangalawa na parte ay isang

pagsasanay na kung saan kailangan nilang maipasa at punan upang

malaman ang antas ng kanilang kaalaman tungkol sa pang-ugnay. Ang

ika-tatlong parte naman kailangan nilang punan ang mga sumusunod na

mga paraan ang sa tingin nila na mas angkop na gawin upang

masoulusyunan ang suliranin.

Mga Respondente

Upang mapunan ang pangangailangan sa pag-aaral, ang mga

respondente sa pananaliksik ay binubuo lamang 50 na babae at 50 na

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 20


|
lalaki upang makabuo ng 100 na respondente. Ang mga respondente ay

kinakailangan na nasa ikalabing-isang baitang mula sa Senior High

School ng Our Lady of Fatima University (Lagro Campus).

Pangangalap ng Datos

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga kwestyuner na

sasagutan ng mga respondente. Pagkatapos ito pasagutan sa mga

respondente, pag-aaralan ito at ililikom sa isang grap kung saan

pagsasamasamahin ang mga magkakatulad na sagot. Kukuhanin ng mga

mananaliksik ang bahagdan o porsyento ng mga magkakaparehong sagot

ng mga respondente sa bawat tanong sa kwestyuner. Masusing pag-

aaralan at gagawan ng pagbubuod at konklusyon ng mga mananaliksik

ang mga magiging kasagutan ng mga respondente. Sa paraang ito ay

makukuha ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondente ukol

sa kanilang kaalaman ayon sa tamang paggamit ng pang-ugnay

Istatistikong Pamamaraan

Ginagamit bilang istatistikong pamamaraan sa pagtitimbang at

pagkasukat ng mga datos ang Percentage technique sa pananaliksik na

ito. Ginagamit ang Percentage technique upang makita ang kinalabasan

ng gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondante.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 21


|
Ginagamit din ito upang makuha ang pang kalahatang bahagdan

ng bilang ng magkakamukhang sagot sa isang particular na tanong. Ang

ginagamit na pormula ay ang: %=F/N x 100 Kung saan:

F= bilang ng sagot

%= bahagdan

N=bilang ng respondent

TALAAN NG TALAHANAYAN AT GRAP

 Talahanayan

Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga Respondente….............................................25-27

Talahanayan Blg. 2

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 22


|
Kasarian ng mga Respondente...…………………………....27

 Grap

Grap Blg. 1

Resulta ng Pagsusulit…….……………………………....….28-29

Grap Blg. 2

“Hindi gaanong nakakatulong ang pang-ugnay

sa pagbuo ng mga sulatin”…………………………….… 29-30

Grap Blg. 3

“Mahirap intindihin kung ano ang pang-ugnay”………….. 30-31

Grap Blg. 4

“Nakakapag bigay lamang minsan ng interpretasyon

Sa mambabasa”…………………………..…………....... 31-32

Grap Blg. 5

“Hindi gaanong mahalaga ang pang-ugnay kaya

Nababaliwala”………………………………..…………… 33-34

Grap Blg. 6

“Nakakabawas ng kaalaman tungkol sa pang-ugnay


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 23
|
dahil sa pag-usbong ng teknolohiya”………………... 34-35

Grap Blg. 7

“Hindi napagtutuunan ng pansin ang pang-ugnay dahil sa

kakamadali sumulat at gumawa ng pangungusap”….35-36

Grap Blg. 8

“Maliit na parte lamang ito kapag ginagamit sa

pangungusap kaya di kapansin pansin”………….…36-37

Grap Blg. 9

“Nakakalito isipin kung tama ba ang paggamit

ng pang-ugnay”………..……………………….......... 37-38

Grap Blg. 10

“Mahirap isipin kung ano pa ang ibang uri ng

pang-ugnay”……………………………….…………... 39-40

Grap Blg. 11

“Nakakagulo ang pagkakaroon ng ibat-ibang uri ng


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 24
|
pag-ugnay at paggamit nito”………………….......... 40-41

Grap Blg. 12

“Mga paraan upang mapalawak at mapaunlad ang antas

ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng

pang-ugnay”…………………………………………… 41-42

Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng presentasyon, analisis at

interpretasyon ng mga nakalap na datos mula sa sarbey na isinagawa ng

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 25


|
mga mananaliksik tungkol sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa

pang-uganay sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima.

Ang datos ay buong husay na sinuri at inilagay sa grap at

talahanayan para sa mas malinaw na interpretasyon.

Ang datos ay nahahati sa apat na bahagi. Ang una ay may kinalaman

sa propayl ng mga respondente. Ang ikalawa ay ang antas ng kaalaman

sa tamang paggamit ng pang-ugnay. Ang ikatlo ay mga salik na

nakaaapekto sa antas ng kaalaman sa pang-ugnay. Ang huli, ay ang mga

paraan paano mapapalawak at mapapaunlad ang kaalaman ng mga mag-

aaral tungkol sa pang-ugnay.

1. Propayl ng mga Respondente

Sa pag-aaral na ito, kasama dito ang mga ilang propayl variables ng

mga respondente para magamit ang nakalap na impormasyon sa pag-

aaral. Dito kumakatawan ang mga resulta sa mga sumusunod na

talahanayan.

1.1 Edad. Pinapakita dito ang katangian ng mga respondente base sa

edad nila.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 26


|
Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga Respondente

Edad Bilang Bahagdan

15 7 7%

16 31 31%

17 41 41%

18 19 19%

19 2 2%

Kabuuan 100 100%

Ang Talahanayang Blg. 1 ay naglalaman ng edad ng 100 na

respondente. Sila ay may gulang mula 15 hanggang 19 na taong gulang.

Nakasaad din sa talahanayan ang bilang at bahagdan ng mga

respondente ayon sa kanilang edad. Ipinapakita dito na mas marami ang

mga respondente ang may edad na 17 taong gulang na may bilang na 41

at may bahagdan na 41%. Pumapangalawa ang respondenteng may edad

na 16 na taong gulang na may 31 na katao na may bahagdan na 31%.

Sumusunod ang bilang ng mga respondenteng may edad 18 na may 19

katao na may bahagdan na 19%. May 7 naman na bilang o 7%

bahagdan ng mga respondente ang may gulang na 15 taon; At ang may

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 27


|
pinaka-kakaunting bilang ay ang may edad na 19 na may 2 katao lamang

at 2% na bahagdan.

Talahanayan Blg. 2

Kasarian ng mga Respondente


Kasarian Bilang Bahagdan
Lalaki 50 50%
Babae 50 50%
Kabuuan 100 100%
1.2 Kasarian. Pinapakita dito ang katangian ng mga respondente ayon sa

kanilang kasarian.

Ang Talahanayan Blg. 2 ay naglalaman ng kasarian ng 100 na

respondante. Pinapakita sa talahanayan na pareho ang bilang ng mga

kasarian na hinihiling din ng mga mananaliksik na mangyari sa pag-aaral.

Ang mga babae ay may 50 na bilang at ang lalaki ay may 50 na bilang na

katumbas ng 50% sa lalaki at 50% na babae na bubuo sa 100% na

bahagdan.

2. Antas ng kaalaman sa tamang paggamit ng mga pang-

ugnay ng mga respondente

Grap Blg. 1

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 28


|
RESULTA NG PASGSUSULIT
0.7
0.6
0.16 10
0.5
9
0.4 8
0.26 7 and below
0.3
0.2 38%
0.1 0.2
0
62% PUMASA 38% BUMAGSAK

Interpretasyon

Ayon sa grap, animnapu’t dalawang porsyento (62%) ang pumasa sa

pagsusulit at tatlumpu’t walong porsyento (38%) naman ang bumagsak.

Sa isinagawang pagsusulit para masukat ang antas ng kaalaman ng mga

piling estudyante ng Unibersidad ng Our Lady of Fatima na nasa edad 15-

19 ukol sa antas ng kaalaman sa tamang gamit ng pang-ugnay.

Makikitang sa Isang daang (100) respondente, animnapu’t dalawa (62)

ang pumasa at at tatlumpu’t walong (38) mag-aaral naman ang

bumagsak. Nagbigay ang mga mananaliksik ng pagsusulit na inaprubado

ng isa sa mga guro ng departamento ng Filipino, ang nasabing pagsusulit

ay may sampung aytem (10) at ang passing grade ay pitong puntos (7).

Analisis

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 29


|
Ang questionnaire na ibinigay sa mga mag-aaral na naglalaman ng

pagsusulit ay madali lamang kaya natutuwa ang mga mananaliksik

sapagkat lumagpas sa kalahating bilang ng mga respondente ay pumasa

sa nasabing pagsusulit. Napag-alaman na ang antas ng kaalaman ng mga

piling estudyante ng Unibersidad ng Our Lady of Fatima tungkol sa

tamang paggamit ng pang-ugnay ay nasa average level.

3. Salik na nakaaapekto sa antas ng kaalaman sa pang-

ugnay ayon sa 100 na respondente

Grap Blg. 2

1. Hindi gaanong nakakatulong ang pang-ugnay sa pagbuo ng mga sulatin


40%
30%
20% 34%
10% 23% 26%
17%
0%
n

on

n
on

yo
o

ay
ay

ay

-a
g-
g-

g-

g
an

an
an

an
as
as

as

as
um
um

m
Su

su
as

is

na
nd
sn

Hi

os
bo

ub
Lu

iL
nd
Hi

Interpretasyon

Ayon sa grap na ito, tatlumpu’t apat ang porsyento (34%) ang hindi
lubos na sumasang-ayon na hindi gaanong nakakatulong ang pang-

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 30


|
ugnay. Dalawampu’t anim porsyento (26%) naman ang hindi sumasang-
ayon. Dalawampu’t tatlong porsyento (23%) naman ang sumasang-ayon,
Labing pitong porsyento (17%) naman ang lubos na sumasang-ayon.

Analisis

Ayon kay Alyssa Fernandez, isa sa mga respondente na tinanong ng


personal tungkol sa pagsagot nya ng hindi lubos sumasang-ayon sa
katanungan. Ayon sa kanya isa ang pang-ugnay sa nakakatulong upang
mapaganda ang isang pangungusap at sulatin kaya hindi sya lubos na
sumasang-ayon sa pahayag na hindi gaanong nakakatulong ang pang-
ugnay sa pagbuo ng mga sulatin.

Grap Blg. 3

2. Mahirap intindihin kung ano ang pang-ugnay


40%
30%
20% 37%
30%
10% 19% 14%
0%
on on on on
- ay -ay -ay -ay
g g g g
an an an an
as as as as
m m m m
a su su i su a su
sn nd sn
bo Hi b o
Lu i lu
nd
Hi

Interpretasyon

Ayon sa grap na ito, tatlumpu’t pitong porsyento (37%) ang hindi

lubos na sumasang-ayon na mahirap intindihin kung ano ang pang-ugnay.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 31


|
Sinundan ng tatlumpung porsyento (30%) na lubos na sumasang-ayon.

Samantalang labing siyam na porsyento (19%) naman ang sumasang-

ayon at labing-apat na porsyento (14%) naman ang hindi lubos na

sumasang-ayon.

Analisis

Ang pang-ugnay ay hindi naman daw masyadong mahirap

intindihin may mga times lang daw na nakakalito kaya ang sinagot nya ay

hindi sumasang-ayon. Ito ay ayon kay Tricia hindi nya tunay na pangalan

na nagpaunlak ng panayam sa kanyang pagsagot.

Grap Blg. 4

3. Nakakapagbigay lamang minsan ng maling interpretasyon sa


mambabasa
40%
30%
20% 31% 36%
10% 22%
11%
0%

Interpretasyon

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 32


|
Ayon sa graph na ito, ang nakakuha ng may pinakamalaking

porsyento ang sumasang-ayon na may tatlumpu't anim na porsyento

(36%) na nakakapagbigay lamang minsan ng maling interpretasyon sa

mambabasa ang pang-ugnay. Sinundan ng lubos na sumasang-ayon na

nasa tatlumpu't isang porsyento (31%). Hindi sumasang-ayon na may

dalawampu't dalawang porsyento (22%) at labing isang porsyento (11%)

na hindi lubos na sumasang-ayon.

Analisis

Ayon kay Hospicio Q. Circe Jr. isa sa mga respondenteng napili na

tanungin ng personal na sumagot ng sumasang-ayon, maaari daw talaga

mangyari ang pagkakamali ng interpretasyon lalo na sa mga mahihina sa

Reading comprehension kaya mas mabuti daw na alamin ang gamit ng

mga ito.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 33


|
4. Hindi gaanong mahalaga ang pang-ugnay kaya nababaliwala
40%
30%
20% 40%
10% 29%
12% 19%
0%
on on on on
- ay -ay -ay - ay
g g g g
an an an an
as as as as
m m m m
a su Su i su a su
sn nd sn
bo Hi bo
Lu i Lu
nd
Hi

Grap Blg. 5

Interpretasyon

Ayon sa graph na ito, ang nakakuha ng may pinakamalaking

porsyento ay ang hindi sumasang-ayon na may apatnapung porsyento

(40%) na hindi gaanong mahalaga ang pang-ugnay kaya nababaliwa.

Sinundan ng hindi lubos na sumasang-ayon na may Dalawangpu't siyam

na porsyento (29%). Sumasang-ayon na may labing siyam na porsyento

(19%) at labing dalawang porsyento (12%) naman ang lubos na

sumasang-ayon.

Analisis

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 34


|
Ayon kay Arabella Nacua isa sa mga respontente, hindi sya

sumasang-ayon dahil mahalaga ang pang-ugnay lalo na kapag

gumagawa ng mga sulatin gaya ng mga kwento, tula atbp. Ang pang-

ugnay ay tumutulong upang mas malinaw na maihatid ang impormasyon

sa mga mambabasa.

Grap Blg. 6

5. Nakakabawas ng kaalaman tungkol sa pang-ugnay dahil sa pag-usbong


ng teknolohiya
40%
30%
20% 41%
30%
10% 21%
8%
0%
on on on on
- ay -ay -ay - ay
g g g g
an an an an
as as as as
m m m um
a su Su i su as
n nd n
b os Hi o s
Lu Lub
i
nd
Hi

Interpretasyon

Ayon sa grap na ito, ang nakakuha ng pinakamalaking porsyento

ay ang sumasang-ayon na may apatnapu't isa na porsyento (41%).

Sinundan ng hindi sumasang-ayon na may tatlumpu na porsyento (30%),

pangatlo ang lubos na sumasang-ayon na may dalawangpu't isa na

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 35


|
porsyento (21%) at samantalang ang hindi lubos na sumasang-ayon ay

mayroong walong porsyento (8%).

Analisis

Isa ang teknololohiya sa mga dahilan kaya nababaliwala at

nababawasan ang kaalaman ng mga mag-aaral, sa pag-usbong nito

madami daw ang mga mag-aaral ang binabalewala ang kanilang mga

ginagawang pangungusap lalo na daw kapag nakikipag-chat at iba pa. Ito

ay ayon kay Kenneth Urcia isa sa mga respondente na sumang-ayon.

Grap Blg. 7

6. Hindi napagtutuunan ng pansin ang pang-ugnay dahil sa kakamadali


sumulat at gumawa ng pangungusap
40%
35%
30%
25%
20% 37%
15% 34%
10% 21%
5% 8%
0%
Lubos na sumasang- Sumasang-ayon hindi sumasang- Hindi lubos na
ayon ayon sumasang-ayon

Interpretasyon

Ayon sa Grap na ito na hindi napagtutuunan ng pansin ang pang-

ugnay dahil sa kakamadali sumulat at gumawa ng pangungusap,


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 36
|
tatlumpu’t pitong porsyento (37%) ang sumasang ayon at tatlumpu’t apat

na porsyento (34%) naman ang lubos na sumasang-ayon, dalawampu’t

isang porsyento (21%) naman ang hindi sumasang-ayon samantala

walong porsyento (8%) naman ang hindi lubos na sumasang-ayon.

Analisis

Ayon kay Gabriel Beniego isa ring respondente, sumasang-ayon

sya dahil sa panahon ngayon na uso daw ang social media madaming

mga mag-aaral ang wala nang pakialam sa pang-ugnay lalo na kapag

nagkokonstrak daw ng isang pangungusap sa pakikipag-usap sa

pamamagitan ng pagcha-chat.

Grap Blg. 8

7. Maliit na parte lamang ito kapag ginagamit sa pangungusap kaya di


kapansin-pansin
45%
40%
35%
30%
25%
20% 40%
15% 31%
10%
14% 15%
5%
0%

Interpretasyon

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 37


|
Ayon sa grap na ito tungkol sa maliit na parte lamang ito kapag

ginamit sa pangungusap kaya di kapansin-pansin, mayroong apatnapung

porsyento (40%) ang hindi sumasang-ayon, tatlumpu’t isang porsyento

(31%) naman ang sumasang-ayon, labing limang porsyento (15%) naman

ang lubos na hindi sumasang-ayon at may labing apat na porsyento (14%)

lamang ang mga lubos na sumasang-ayon.

Analisis

Ayon kay Aira isa sa mga respondente maliit na parte naman daw

talaga ito sa pangungusap ngunit napakahalaga daw nito dahil ang pang-

ugnay ay ang isa sa mga bumubuo sa isang pangungusap upang mas

madaling intindihin kaya’t siya ay hindi sumasang-ayon.

Grap Blg. 9

8. Nakakalito isipin kung tama ba ang gamit ng pang-ugnay

50%
45%
40%
35%
30%
25% 46%
20%
15% 29%
10% 21%
5%
0% 4%

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 38


|
Interpretasyon

Ayon sa graph na ito, ang nakakuha ng pinakamalaking porsyento

ay ang sumasang-ayon na may apatnapu't anim na porsyento (46%),

sinundan ng hindi sumasang ayon na may dalawampu't siyam na

porsyento (29%), pangatlo ang Lubos na sumasang ayon na may

dalawampu't isa na porsyento (21%), samantala ang Hindi lubos na

sumasangayon na may apat na porsyento (4%).

Analisis

Ayon kay Jerome ‘di tunay na pangalan, nakalilito daw talaga ang

pang-ugnay depende sa antas ng kaalaman ng isang tao, kung hindi nya

alam ang pang-ugnay talagang malilito sya at hindi nya rin alam ang gamit

nito.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 39


|
Grap Blg. 10

9. Mahirap isipin kung ano pa ang ibang uri ng pang-ugnay

50%
45%
40%
35%
30%
25% 46%
20% 40%
15%
10%
5% 11%
0% 3%
Lubos na sumasang- Sumasang-ayon hindi sumasang- Hindi lubos na
ayon ayon sumasang-ayon

Interpretasyon

Ayon sa grap na ito mayroong apatnapu’t anim na porsyento (46%)

ang sumasang-ayon, sinusundan ng apatnapung porsyento (40%) ang

hindi sumasang ayon. Samantala, labing isang porsyento (11%) ang lubos

na sumasang-ayon at tatlong porsyento (3%) lamang ang lubos na di

sumasang-ayon.

Analisis

Ayon sa mag-aaral na isa sa mga nagsagot sa sarbey at ininterbyu

sa personal lubhang mahirap talagang isipin ang ibang uri ng pang-ugnay


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 40
|
kung hindi tuluyang alam ng isang tao ang gamit nito, kaya ang sinagot

nya ay sumasang-ayon.

Grap Blg. 11

10. Nakakagulo ang pagkakaroon ng iba't ibang uri ng pang-ugnay at


paggamit nito
50%
40%
30%
20% 43%
30%
10% 19%
8%
0%

Interpretasyon

Ayon sa grap na ito, apatnapu't tatlong porsyento (43%) ang

sumasang-ayon na nakakagulo ang pagkakaroon ng iba't-ibang uri ng

pang-ugnay at paggamit nito. Tatlumpung porsyento (30%) naman ang

sumasang-ayon. Samantalang, labing siyam na porsyento (19%) o labing

siyam na katao(19) ang lubos na sumasang-ayon at walong

porsyento(8%) o walo katao (8) naman ang lubos na hindi sumasang-

ayon.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 41


|
Analisis

Ayon kay Kevin Codilla,, nakakagulo daw talaga minsan ang pagkakaroon

ng iba’t ibang pang-ugnay lalo na’t sa mga regulasyon ng paggamit nito

kung kaya”t sumasang-ayon ang kanyang isinagot

4. Mga paraan upang mapalawak at mapaunlad ang antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng pang-ugnay

Grap Blg. 12

18.00%
0.16
16.00%
14.00% 0.13
11.67% 0.12 0.11
12.00%
10.00% 0.08 0.09
8.00% 0.07 0.07
6.00% 0.05
4.00%
2.00%
0.00%
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Pamimilian:
1. Magbasa ng nobela, libro atp.
2. Maghanap ng impormasyon sa Internet
3. Humingi ng tulong sa mas nakakaalam (Guro,Magulang atbp.)
4. Magbasa ng mga diksyunaryo sa Filipino
5. Magbasa ng aklat sa Filipino
6. Makinig ng tamang pagbigkas
7. Pag- aralan ang tamang paggamit ng pang-ugnay
8. Subukin makabuo ng isang talata
9. Sanayin ang sarili na maging pamilyar sa mga pang-ugnay

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 42


|
10. Gumawa ng sulatin na nakasulat ang lahat ng pagkakaiba ng mga
pang-ugnay
Maraming respondente ang sumagot na pag-aralan ang tamang

paggamit ng pang-ugnay upang mapalawak at mapaunlad ang antas ng

kaalaman sa paggamit ng pang-ugnay. Ang bilang ng respondenteng

pumili sa kasagutang ito ay 47 katao o 15.67%. Sumunod ang bilang ng

mga respondente na sa tingin nila ay gumawa ng sulatin na nakasulat

ang lahat ng pagkakaiba ng mga pang-ugnay, ito ay may bilang na

apatnapung katao o 13.33%. Pareho naman na nakakuha ng tatlumpu’t

limang katao o 11.67% ang maghanap ng impormasyon sa Internet at

humingi ng tulong sa mas nakakaalam (Guro,Magulang atbp.).Kasunod

nito ang mga pumili ng sanayin ang sarili na maging pamilyar sa mga

pang-ugnay na may tatlumpu’t apat na katao o 11.33%. Mayroon namang

dalawampu’t anim na katao o 8.67% ang pumili sa magbasa ng aklat sa

Filipino. May dalawampu’t lima na respondente o 8.33% naman ang

pumili sa magbasa ng mga diksyunaryo sa Filipino. Dalawampu’t

dalawang respondente o 7.33% naman ang pumili sa makinig ng tamang

pagbigkas. Habang ang pumili naman ng subukin makabuo ng isang

talata ay mayroong dalawampung bilamh o 6.67% at ang may pinakaunti

na pumili ay ang magbasa ng nobela, libro atp. na mayroon lamang na

labing anim na bilang o 5.33%

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 43


|
KABANATA 5

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang kabanatang ito ay naglalagom ng kinalabasan ng pag-aaral,

konklusyon, rekomendasyon na nakabatay sa interpretasyon, analisis ng

mga datos at resulta ng pananaliksik. Ang pag-aaral na ito na may

paksang “Pananaliksik Ukol sa Antas ng Kaalam sa Tamang Paggamit ng

Pang-ugnay ng mga Piling Mag-aaral ng Unibersidad ng Our Lady of

Fatima” ay naglalayon na malaman ang antas ng kaalaman ng mga

estudyante sa nasabing paaralan tungkol sa pang-uganay.

May kabuuang bilang na 100 na mag-aaral sa ikalabing-isang

baitang sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima ang naging respondente na

sumagot sa sarbey-kwestyuner. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng

deskriptibong sarbey sa pagkalap ng datos na hahanguan ng

interpretasyon upang makamitang layunin ng pananaliksik at ginamitan ng

istatistikong pamamaraan ang mga datos na nakalap, upang masigurado

ang kalidad ng mga impormasyon.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 44


|
 Mula sa 100 na mag-aaral na sumagot sa sarbey napatunayan na

mas marami ang mga respondente ang may edad na 17 taong

gulang, ito ay may bahagdan na 4%1. Samantala, ang may pinaka-

kakaunting bilang ay ang may edad na 19 na may 2 katao lamang

at 2% na bahagdan.

 Pareho lamang ang bilang ng mga kasarian ng mga respondente.

Ang mga babae ay may 50 na bilang at ang lalaki ay may 50 na

bilang na katumbas ng 50% sa lalaki at 50% na babae na bubuo sa

100% na bahagdan.

 Ayon sa sarbey-kwestyuner animnapu’t dalawang porsyento (62%)

ang pumasa sa pagsusulit at tatlumpu’t walong porsyento (38%)

naman ang bumagsak. Lumagpas sa kalahating bilang ng

respondente ay pumasa sa nasabing pagsusulit. Napag-alaman na

ang antas ng kaalaman ng mga piling estudyante ng Unibersidad

ng Our Lady of Fatima tungkol sa tamang paggamit ng pang-ugnay

ay nasa average level.

 34% ang hindi lubos na sumasang-ayon na hindi gaanong

nakakatulong ang pang-ugnay, samantalang Labing pitong

porsyento 17% naman ang lubos na sumasang-ayon. Napatunayan

na ang pang-ugnay ay nakakatulong sa pagbuo ng mga sulatin.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 45


|
 37% ang hindi lubos na sumasang-ayon na mahirap intindihin kung

ano ang pang-ugnay, samantalang labing-apat na porsyento 14%

naman ang hindi lubos na sumasang-ayon. Napatunayan na ang

pang-ugnay ay hindi naman masyadong mahirap intindihin.

 36% ang sumasang-ayon na nakakapagbigay lamang minsan ng

maling interpretasyon sa mambabasa ang pang-ugnay,

samantalang 11% ang hindi lubos na sumasang-ayon.

Napatunayan na kapag mali ang gamit ng pang-ugnay ay

nakakapagbigay lamang ito ng maling interpretasyon sa

mambabasa.

 40% ang hindi sumasang-ayon na hindi gaanong mahalaga ang

pang-ugnay kaya nababaliwala. Labing dalawang porsyento 12%

naman ang Lubos na sumasang-ayon. Napatunayan na mahalaga

ang pang-ugnay kaya dapat di ito baliwalain.

 41% ang sumasang-ayon na nakakabawas ng kaalaman tungkol sa

pang-ugnay dahil sa pag-usbong ng teknolohiya. Samantala, ang

hindi lubos na sumasang-ayon ay mayroong walong porsyento 8%.

Napatunayan na ang pag-usbong ng teknolohiya ay nakakabawas

ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa pang-ugnay.

 37% ang sumasang-ayon na hindi napagtutuunan ng pansin ang

pang-ugnay dahil sa kakamadali sumulat at gumawa ng


Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 46
|
pangungusap. Samantala, 8% naman ang hindi lubos na

sumasang-ayon. Napatunayan na hindi napapansin at hindi

napagtutuunan ng mga mag-aaral ang pag-ugnay dahil sa

kakamadali sumulat at gumawa ng pangungusap.

 40% ang hindi sumasang-ayon na maliit na parte lamang ang

pang-ugnay kapag ginamit sa pangungusap kaya di kapansin-

pansin at may labing apat na porsyento 14% lamang ang mga

lubos na sumasang-ayon. Napatunayan na hindi lamang maliit na

parte ang pang-ugnay kaya kailangan na pagtuunan ito ng pansin.

 46% ang sumasang-ayon na nakakalito isipin kung tama ba ang

gamit ngpang-ugnay samantala ang hindi lubos na sumasang-ayon

na may apat na porsyento 4%. Napatunayan na nalilito ang mga

estyudante kung tama ba ang gamit nila sa pang-ugnay.

 46% ang sumasang-ayon na mahirap isipin kung ano pa ang ibang

uri ng pang-ugnay. Samantalang, tatlong porsyento 3% lamang ang

lubos na di sumasang-ayon. Napatunayan na nahihirapan ang

ibang mag-aaral na isipin pa ang ibang pang-ugnay.

 43% ang sumasang-ayon na nakakagulo ang pagkakaroon ng iba't-

ibang uri ng pang-ugnay at paggamit nito. Samantalang 8% naman

ang lubos na hindi sumasang-ayon. Napatunayan na nakakagulo

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 47


|
lamang ang pagkakaroon ng ibat-ibang pang-ugnay para sa ibang

mag-aaral.

 Napag-alaman na karamihan ang pumili na pag-aralan ang tamang

paggamit ng pang-ugnay, gumawa ng sulatin na nakasulat ang

lahat ng pagkakaiba ng mga pang-ugnay, ang maghanap ng

impormasyon sa Internet at humingi ng tulong sa mas nakakaalam

(Guro,Magulang atbp.) ang mga posibleng gawin upang mapataas

at mapaunlad ang antas ng kaalaman tungkol sa pang-ugnay sa

Unibersidad ng Our Lady of Fatima.

Konklusyon

Batay sa naging resulta ng pag-aaral, ang sumusunod na konklusyonang

naitala ng mananaliksik.

1. Ang mga kadalasang edad ng mga mag-aaral sa Unibersidad

ng Our Lady of Fatima ay nasa gulang na 17 taon.

2. Ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa pang-

ugnay ay nasa average level ayon sa nakalap na datos na

nakuha ng mananaliksik sa pagsusulit na ibinigay. Lumagpas sa

kalahati ang bilang ng mga nakapasa sa pagsusulit.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 48


|
3. Napag-alaman ng mga mananaliksik na karamihan sa mga

respondente ang pananaw at ang pinili ang salik na

nakakaapekto sa kaalaman ng mag-aaral ay ang “Hindi

napagtutuunan ng pansin ang pang-ugnay dahil sa kakamadali

sumulat at gumawa ng pangungusap”. Ito ay ayun sa grap na

may pinakamadaming pumili na lubos na sumasang-ayon.

4. Napag-alaman na karamihan ang pumili na pag-aralan ang

tamang paggamit ng pang-ugnay, gumawa ng sulatin na

nakasulat ang lahat ng pagkakaiba ng mga pang-ugnay, ang

maghanap ng impormasyon sa Internet at humingi ng tulong sa

mas nakakaalam (Guro,Magulang atbp.) ang mga posibleng

gawin upang mapataas at mapaunlad ang antas ng kaalaman

tungkol sa pang-ugnay sa Unibersidad ng Our Lady of Fatima.

Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mga mananaliksik

ay nagbigay ng rerkomendasyon

1. Para sa mga mag-aaral

 Pagbutihin ang pag-aaral at wag sayangin ang oras sa mga bagay-

bagay na walng kabuluhan.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 49


|
 Making sa mga guro kapag sila ay nagleleksyon sa klase upang

magkaroon ng panibagong kaalaman.

 Pag-aralang mabuti ang mga aralin maliban sa pang-ugnay upang

makakuha ng mataas na grado.

 Ugaliing tingnan ang pagkakaayos ng pangungusap kung angkop

ba ang mga pang-ugnay na ginamit upang maiwasan ang maling

interpretasyon sa mga mambabasa.

2. Para sa mga Mananaliksik, magsagawa ng mas malalim at ng iba

pang pananaliksik upang lubusan na mabatid at mailinaw ang

pang-ugnay.

Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto sa Pananaliksik 50


|

You might also like