Archimedes Tula

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Theme: Bigkis ng Magkakaibang Pulo

Pagkakaisa
By: Krizia Kaye De Leon

PAGKAKAISA!
Sampung letra, isang salita
Sa gitna nitong pandemya
Meron nga ba sa ating bansa?

Halika’t tingnan natin ang atin kapaligiran


Tila ba tayo ay nanaginip
“Tulong” ingay ng bawat isa sa atin
Naghihintay sino ba ang sasagip?

Sino nga ba ako o sino nga ba sila?


Tayo nga ba ay may pagkakaiba?
Maaari bang alisin ang tingin sa limitadong mata
At simulang dinggin ang hinaing ng bawat isa

Ano mang rehiyon o kultura, tayo ay magkaisa


Maaaring sa kulay tayo ay nagkaiba
Marahil ako ay asul at ikaw ay pula
Ngunit hindi bat sa isang obra lahat ay mahalaga

Nawa’y unahin na muli ang problemang nakakasawi


Iinsatanbi muna ang usapang sari-sari
Makikiisa sa pagtutulungan, huwag puro karangalan
May panahon para dyan, hindi nga lang klaro kung kalian

You might also like