Professional Documents
Culture Documents
Ap 9 - Week 9 and 10
Ap 9 - Week 9 and 10
Aralin 7 at 8
LINGGO 9 at 10
Kasanayang Pagkatuto:
Naiuugnay ang tugon ng mga mamimili sa pabago - bagong presyo ng mga produkto at
serbisyo batay sa konsepto ng price elasticity of demand at Suplay.
Panimulang Konsepto:
Aralin 7: Demand
Ang Demand ay ang dami ng produkto na kayang bilhin ng konsyumer sa isang tiyak na
panahon at tiyak na presyo.
Ang karaniwang sukatan ng demand ay batay sa Quantity Demanded at Presyo.
Batas ng Demand
Ayon sa batas ng demand (law of demand), kapag ang presyo ng produkto ay bumababa,
tumataas naman ang quantity demanded. Samantala, kapag tumataas ang presyo ng produkto at
serbisyo, ang quantity demanded naman ay bumababa.
Elastisidad ng Demand
Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano
ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing
may pagbabago sa presyo nito. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may
pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa ibaba.
ɛd = %∆Qd
%∆P
Kung saan:
ɛd = price elasticity of demand
%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
Gamit ang mid-point formula ang %∆Qd at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang:
ɛd = %∆Qd
%∆P
%∆Qd %∆P
= Q2 – Q1 x 100 = P2 - P1 x 100
Q1 + Q2 P1 + P2
2 2
Halimbawa:
Q1 = 100 P1 = 60
Q2 = 200 P2 = 50
%∆Qd %∆P
= 200 – 100 x 100 = 50 - 60 x 100
100 + 200 60 + 50
2 2
= 100 = -10
x 100 x 100
150 55
Uri ng Elastisidad
Elastic %∆Qd > %ΔP |∊| > 1
Inelastik |∊| < 1
Unit Elastik |∊|= 1
Aralin 8: Supplay
Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
Batas ng Supply
Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang
presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas
din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa
ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang
ipagbili (ceteris paribus).
Supply Function
Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity
supplied.
Supply Schedule
Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at
gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang supply
schedule.
Elastisidad ng Suplay
ɛ s = %∆Qs
%∆P
Ang bahagdan ng pagbabago sa quantity supplied(QS) o %∆Qs ang tumatayong
dependent variable, at ang bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang
independent variable. Ang price elasticity of supply (εs) ay palaging positibo dahil ang
Qd ay may direktang (direct) relasyon sa presyo. Hindi na gagamit pa ng absolute
value sa price elasticity of supply sapagkat ang sagot dito ay palagi nang positibo.
%∆Qs %∆P
= Q2 – Q1 x 100 = P2 - P1 x 100
Q1 + Q2 P1 + P2
2 2
Halimbawa: Q1 = 100 P1 = 30
%∆Qs %∆P
Q2 = 150 P2 = 40
= 150 – 100 x 100 = 40 - 30 x 100
100 + 150 30 + 40
2 2
= 50 x 100 = 10 x 100
250 70
2 2
= 50 = 10
x 100 x 100
125 35
Sundan lamang ang mid-point formula upang makuha ang sagot. Ang unang
ikompyut ay ang %∆Qs, Alamin mula sa given kung alin ang Q1 at Q2 at gamitin na
ang formula rito. Pagkatapos ay kunin din ang %ΔP, alamin kung alin ang P1 at P2 at
gamitin na ang formula nito. Ang sagot sa %∆Qs ay i-divide sa nakuhang %ΔP para
makuha na ang coefficient ng elasticity.
Basahin MO!!
10 Puntos 10 Puntos
Kalkulahin ang Elastisidad ng Demand. Kalkulahin ang Elastisidad ng Suplay
1. Q1 = 28 Q2 = 24 1. Q1 = 70 Q2 = 50
P1 = 48 P2 = 58 P1 = 14 P2 = 10
coefficient ng elastic
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
DIVISION OF MASBATE
LICEO DE BALENO
J. Ramirez St. Poblacion, Baleno, Masbate
Email Address: liceodebaleno2016@gmail.com
SELF – INSTRUCTION IN
ARALING
ALAB - Ekonomiks
WEEK 9 & 10 9
PANLIPUNAN
Quarter 2
Name of Student: __________________________________________________
Grade & Section: __________________________________________________
Home Address: ____________________________________________________
Subject Teacher: Kenneth D. Danao/Cora R. Bohol/ Cathy I. Maglente
Contact No.: Kenneth Danao – 09107710294 /Cora Bohol-09382617067/
Cathy Maglente-09129881124