Banghay Aralin Sa Filipino 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Banghay aralin sa Filipino 7

HINILAWOD
(Epiko ng Bisaya)

I.LAYUNIN: Sa loob ng isang oras ang mga mag-aaral ay


a.Natutukoy ang mga mahahalaga detalye sa napakinggan teksto tungkol sa
epiko sa kabisayaan. (F7PN-IIG-H-10)

II. PAKSA : HINILAWOD (EPIKO NG BISAYA)


KAGAMITAN: Powerpoint presentation ng Epiko
Pluma 7 pahina
Pisara at yeso.

III. PAMARAAN
A. Pagtuklas
1. Panimulang Gawain
a. Pagbati sa mga mag-aaral
b. Pagkuha ng kanilang attendance

2. Pagganyak
a. Sino ang paborito mong Superhero?
b. Ano- ano ang mga katangian taglay ng paborito mong superhero?
c. Bilang isang superhero, paano siya nakakatulong sa iba?
d. Kalian ka huling tumulong o dumamay sa isang kapamilya?
Susulat ng salitang Superhero ang guro at tatanungin niya kung sino-sinong Pilipinong
superhero ang kilala nila.

B. Paglinang
3. Paglinang ng Talasalitaan.
Pagpapasagot sa mga mag-aaral ng ilang mamahihirap na salita mula sa
epiko.
4. Pagpapakilala sa Paksa.
Magpapakita ng bidyu tungkol sa epiko ang guro at tatalakayin ang nilalaman
nito sa pamamagitan ng gabay na katanungan.
C. Pangkatang Gawain. Ikwento muli.
Magkakaroon ng pangkatang gawain. Bubuo ang mga mag-aaral ng apat na
grupo na may tiglimang miyembro. Isasalaysay nilang muli ang mga
mahahalagang nangyari sa buhay ng pamilya ni Labaw donggon. Magbabahagi
ang guro ng mga materyales at bibigyan lamang sila ng 10 minuto upang tapusin
ang gawain at mag-uulat.

IV. EBALWASYON:
Magkakaroon ng isang maikling pagsusulit ang mag-aaral tungkol sa mga
mahahalagang detalye sa paksa.

V. Takdang Aralin:
Isulat sa kalahating papel ang saloobin ukol sa “Pamilya’y iyong mahalin at
pahalagahan, dahil sa panahon ng matinding pangangailangan, sila parin ang iyong
malalapitan”.

Inihanda ni:

Bb. Carlyn C. Paclibar

You might also like