Reflection 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

REFLECTION PAPER NO.

1
DATE: September 11, 2021

Written Reflection Notes


Summary of the Homily:
     Ang Homiliya na tinalakay ni "Father" ay ang tungkol sa Inang Maria na
pinagkalooban ng Diyos ng katungkulan na maging isang Ina na gumagabay sa ating
lahat. Binanggit din niya kung bakit at paano tanggapin si Inang Maria sa ating mga
tahanan. Sinabi ng anghel kay Maria na siya ay magiging ina ng lahat, at nawa'y
maganap ito, ang naging tugon ni Maria.

Lesson Learned from the Homily:


     Aking natutunan na tayo ay pantay-pantay na minamahal at ginagabayan ni Inang
Maria katulad ng pagmamahal sa atin ng Diyos. Dapat din ay tanggapin natin si Maria
katulad ng pagtanggap niya sa atin kahit sino pa tayo, mahalin natin siya sapagka't
nagbibigay inspirasyon siya sa atin. Tayong mga Pilipino ay mapagmahal sa Inang
Maria kaya't ipakita natin sa pamumuhay natin na ito ay may katotohanan.

Application to my Life:
     Mula ngayon ay aking ipapakita sa aking pang araw-araw na pamumuhay ang aking
pagmamahal kay Inang Maria at sa Diyos Ama. Ito ay maaaring gawin sa mga simpleng
bagay katulad ng pagmamalasakit sa ibang taong nangangailangan ng tulong at
pagpapakita ng pagpapahalaga sa iba pang mga bagay na nilikha ng Diyos. Sa loob ng
ating tahanan ay mahalin natin ang ating mga magulang, kapatid, at iba pang kadugo
nang sa gayon ay maipakita natin na tinanggap natin si Maria at ang Diyos sa ating
mga buhay.

My Prayer:
     Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, humihingi po ako ng tawad sa aking mga
nagawang kasalan, sa isip, salita, at sa gawa. Ako po ay nagpapasalamat sa pang
araw-araw na buhay na inyong ibinibigay at sa walang sawa niyong pagmamahal at
pagprotekta sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Nawa'y lagi ninyo po kaming
gabayan, kami po ng aking pamilya, gayun din po ang aming mga kaibigan at iba pang
mga taong nananalangin sa inyo. Maraming salamat po at patawad pong muli, Amen.
    

   

3-BSME ACE RUSSEL T. MANGUIAT MS. ALICIA M. JAVIER

You might also like