HELE 5 LESSON 1 Edited by Jolly

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KAPATAGAN VALLEY SDA

ELEMENTARY SCHOOL
SUBJECT:
E.P.P GRADE 5
QUARTER:
FIRST
MODULE:
NO. 1

TEACHER:
JOLLY C. PINGOL

PUPIL’S NAME: ______________________________________


FAMILY NAME FIRST NAME M.I.

ARALIN 1-OPORTUNIDAD SA PAGNENEGOSYO


1
REFERENCE: Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan (Pahina 2-8)

G- Gabay
      Ngayong linggong ito, tututukan natin ang oportunidad sa pagnenegosyo.
Marami sa atin ang gustong magnegosyo. Ito ay dahil marami sa mga taong nasa
pamayanan ang nangangailangan ng produkto o serbisyo. 

        Mabilis ang pagdaan ng panahon kaya kailangan ng tulong ng ilan upang


magampanan ang mga gawaing para sa sarili, sa pamilya, at sa trabaho o
negosyong pinasok. Sa mga nagbebenta ng produkto o nag-aalok ng serbisyo, ang
kapalit ay pera.

        Mahalaga ang pagpaplano at pagsisikap na malaman ang mga kakailanganing


impormasyon na makatutulong na magkatotoo ang pangarap na negosyo. Sa
anumang gawain, mahalaga na may nalalaman ka tungkol sa negosyong papasukin
at ang mga pangunahing kasanayan na kaakibat nito.

      Sa pagnenegosyo natutugunan ang mga pangangailangang produkto at serbisyo


ng pamayanan at maging ng sariling pamilya. Kapag naging matagumpay ang
pagnenegosyo makatutulong ito sa pangtustos sa pangangailangan at
makapagbibigay din para sa gawain ng Panginoon. 

DEVOTIONAL: Sabi ng Panginoon sa Banal na aklat na makikita sa Malachi


3:10 "Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig, upang magkaroon
ng pagkain sa aing bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng
Panginoon ng mga hukbo, kung hindi o buksan sa inyo ang mga dungawan sa
langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na
kalalagyan."

      Ang bawat isa ay dapat ugaliing maging isang mapag bigay na mamamayan
lalong-lalo na sa mga nangangailangan. May isang video clip dito na nakakatulong
at nakapagbibigay sa atin ng impormasyon tungkol sa pagtulong sa kapwa. Kung
ano ang nangyari sa kanyang mga natulungan araw-araw at maging sa kanyang
sarili.

Ngayon, mayroon ba dito sa inyo na nakapagbigay sa kapwa na hindi labag


sa kanyang kalooban? Ano ang pakiramdam at ano ang nakita mong reaksiyon sa
taong nabigyan mo ng iyong biyaya? Bakit kailangan tayong tumulong sa kapwa?

2
PINAKA-MAHAHALAGANG KAKAYAHAN SA PAG-AARAL (MOST
ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY):Pagkatapos ng aralin ang  bawat
mag-aaral ay Naipamamalas ang mga kaalaman at kasanayang angkop upang
maging isang naka na entreprenuer.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP(PERFORMANCE TASK): Bago matapos


ang linggong ito, ang bawat mag-aaral  ay maipamamalas ang  mga paraan ng
pagngangalap ng impormasyon tungkol sa pagbebenta.

ENABLING COMPETENCY:

1. Naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo.

2. Napag-iiba iba ang mga iba't-ibang estratehiya sa pagbebenta.

IFL: Ang Banal ng Kasulatan ay nagtuturo na ang Panginoon ay  nagbibigay ng


mga biyaya sa mga taong sumusunod sa Kanyang kautosan ng walang hanggan.
(EGW Counsel of Stewardship, Kabanata 12, pahina 65.)

  Nasubukan mo na bang magbahagi ng iyong biyaya sa mga


nangangailangan? Ano ang iyong pakiramdam?

Isulat ang iyong saglit na sagot sa loob ng kahon.

A-Aralin
LEARNING:     Ngayon susubukan natin ang ating mga kaalaman sa
pamamagitan ng pagsagot sa panutong nasa ibaba. At para makuha natin kung ano
ang ating tatalakayin ngayon sa ating pag-aaral.

Panuto: Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ang mga salitang


nakatala sa ibaba. Bigyan ito ng kahulugan ayon sa iyong
nalalaman. Sagutan ang iyong EPP Textbook sa pahina 3.

OPORTUNIDAD SA PAGNENEGOSYO

     Marami ang nangangarap na magkaroon ng negosyo. Paano magiging totoo ang


isang pangarap? Maraming paraan upang makamit ang isang pangarap. Isang
paraan upang maging posible ito ay ang tamang pangangalap ng impormasyon
tungkol sa nais gawin. Mahalaga ang pagpaplano at pagsisikap na malaman ang
mga kakailanganing impormasyon na makatutulong na magkatotoo ang pangarap.

3
    Paano ka makakapangalap ng mga kaalaman tungkol sa pagnenegosyo? Maaari
kang magmasid sa iyong kapaligiran. Ang mga bungang labis ng iyong pamilya ay
maaari mong ipagbili. Ito ay maaaring ialok sa iba upang magkaroon ng kita. Ang
uri ng negosyong ito ay hindi regular. Dahil sa pagmamasid, nakakita ka
ng oportunidad at ikaw ay umaksiyon.

  EC-1 Kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo. Ngayon malalaman


natin ang kaibahan ng produkto at serbisyo. Basahin niyo ang pagkakaiba ng
produkto at serbisyo sa mga talata sumusunod nga talata.      
      Ang Produkto ay isang bagay na ginagawa upang maibenta, karaniwang ang
bagay na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pang-industriyang proseso. Ang
ibang produkto naman ay tinatanim ng mga magsasaka matapos ay pinalago at
inani upang ibenta. Ilan sa mga halibawa ng produktong dumaan sa pang-
industriyang proseso ay papel, plastic, metal, mga gadgets at iba pa. Samantalang
ang mga produkto naman na nagmula sa pagsasaka ay mga prutas, gulay at iba pa.
      Sa kabilang dako ang serbisyo naman  ay ang paglilingkod marahil ay libre o
mayroong bayad depende sa usapan ng dalawang partido- ang kliente at
ang manggagawa. Ang manggagawa ang naghahatid ng serbisyo. Kadalasan ito ay
may bayad, at depende  sa uri ng serbisyo, lawak ng kaalaman ng manggagawa,
pati na ang mga karanasan nito. Kadalasan ay manu-mano ang paghahatid ng mga
serbisyo, pero mayroon ding mga serbisyong automatiko at ginagamitan pa nga ng
mga makinarya.
Karamihan sa mga manggagawa ay naghahatid ng serbisyo at ito ay
binabayaran ng kompanya. Ang resulta ng ganitong serbisyo ay nagiging isang
produkto, at ikinakalakal ang mga ito sa kanilang mga kustomer.

Pagsubok sa Kaalaman:

Venn diagram: Gamit ang Venn Diagram na ito magbigay ng tatlong


kaibahan ng produkto at serbisyo at pagkakatulad nito.

Pagkaiba
Pagkaiba

Pagkatulad
1.
1. 1.
2.
2. 2.
3. 3.
3.

4
EC-2 Mga iba't-ibang estratehiya sa pagbebenta. May mga iba't-ibang
paraan o istratehiya ng pagbebenta. Ito ay nakadepende sa lugar at sa sitwasyon ng
mamamayan kaya bago magsimula ng isang negosyo ay dapat alamin ang bawat
impormasyon ng lugar kung saan mo balak magbenta o magbigay ng
serbisyo. Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang link (https://Brainy.ph).

1. Pre-love Item ito ay mga gamit ng isang taga benta na


hindi na niya ginagamit o maaari pang pakinabangan tulad ng
damit.

2. Online Selling ito ay ang pagbebenta ng mga produkto


tulad ng damit, pagkain, gulay, prutas, mga kagamitang
pambahay at iba pa sa pamamagitan ng internet. Sa panahon
natin ngayon marami sa ating mga mamamayan ang hindi
nakakalabas ng bahay dahil sa Covid-19. Sa pamamagitan nito
ay maaari na silang makabili ng kanilang mga pangangailangan.

  3. Barter ito ay ang pagpapalitan ng  mga produkto o


kagamitan ng dalawang nagkasundong mamamayan. 

  4. Karinderya ito ay ang pagbebenta ng mga pagkain at


ulam. Maaari kang magbenta malapit sa mga may
maraming tao tulad ng paaralan, mga opisina at construction
site nakatutulong sa mga impleyado na nais kumain.

    

Hindi lamang mga produkto ang maaaring pagkitaan ito ay maaari rin sa
pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo. Ito ang mga ilang halimbawa.

  1. Barberohan o Barber Shop-  isang magandang


negosyo lalo na kung alam at sanay ka na sa ganitong
trabaho. Ito ay masasabing isa sa hindi nawawalan ng
kostumer dahil lahat ng tao'y kailangan ng haircut. 

  2. Paglalabada o Laundry Shop- isang uri ng serbisyo


na siguradong papatok sa mga taong wala ng oras
maglaba dahil abala na sa kani-kanilang mga hanap-buhay.
Magiging malaking tulong ito sa kanila at magpapagaan ang
gawaing- bahay. 

3. Pag-aalaga ng bata o Baby-sitting - ang ganitong


serbisyo ay makatutulong sa mga magulang na parehong
nagtatrabaho at nanganagilangan ng katuwang sa pag-aalaga sa
kanilang anak. Mahalagang magkaroon ng kasunduan sa
pagitan ng mga magulang at magiging tagapag-alaga. 

5
        Anuman ang nais mong simulang negosyo: pagbibigay serbisyo o pag-
aangkat ng produkto isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at
maayos na pakikitungo sa mga tao. Maging positibo lagi sa pagharap sa anumang
pagsubok.

       Kung may kaalaman at sa kasanayan sa pagluluto, maaaring magluto ng


meryenda o ulam para sa pangangailangan ng mga kapitbahay. Maaari ding mag-
alok ng mga serbisyo gaya ng paglalaba, paglilinis, o pag-aalaga ng bata. Upang
maging matagumpay ang negosyo, kailangan  ang pagsasaliksik. Sa isang katulad
mong bata, magmasid sa paligid. Magsagawa ng mga panayam o impormal na
pagtatanong sa mga kapitbahay o sa kamag-aral. Alamin ang kanilang mga
pangangailangan. Makibalita sa mga kakilala. Maaari ding magsagawa
ng survey tungkol sa mga pangangailangan ng pamamayan. Sa mga gawaing ito,
tukuyin ang mga pangangailangan ng iba na kaya mong tugunan.

    Matapos ang pagmamasid, paikipanayam, at pagsu-survey,  ano ang kaya mong


ialok na produkto o serbisyo sa pamayanan? Interesado ka ba sa ganitong gawain? 

    Isangguni ang lahat ng iyong gagawin sa iyong mga magulang. Dapat ay mabilis
ang aksiyon upang makarami ng benta. Kung mapatutunayan mo na may
oportunidad sa gawaing tulad ng nabanggit para kumita, magplano, at ihanda ang
mga kakailanganin. Isangguni sa nakatatandang mas nakaaalam ang mga plano.

Gamit ang Spider Web ibigay ang iba’t-ibang estratehiya sa pagbebenta at


magbigay ng halimbawa rito.

Estratehiya sa Pagbebenta

     Kung nais na pumasok sa isang negosyo, mahalagang malaman kung


ano-ano ang mga oportunidad na maaaring makita sa inyong paligid. Gawin ang
mga hakbang gaya ng pangangalap ng mga impormasyon sa mga pangangailangan
ng tao sa pamamagitan ng panayam o survey. Alamin kung alin sa mga ito ang
kayang simulan at gawin. Tandan na ang pagsisimula ng negosyo ay nagsisimula
sa maliit na kita. Maging matiyaga at masikap upang umani ng mas malaki sa mga
susunod na hakbang na gagawin.  

6
Gabay-Lakbay : Bawat tao ay may angking kakayahang
makapagbibigay ng tulong sa anumang paraan. Ang pag-aalok ng serbisyo o tulong
ay nakahahabag sa puso ng ating Panginoon, "Yamang inyong ginawa sa isa dito
sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa" Mateo
25:40. 

 Sa anong paraan ka nakakapagbigay ng tulong sa iyong kapwa? 

______________________________________________________________________________

W-asto
AKTIBIDAD SA PAG-AARAL SURVEY Obserbahan ang inyong paligid. Anu-
ano ang mga estratehiya na pweding gamitin sa pagbebenta sa inyong pamayanan?

LOCATION (lugar kung SERBISYO O ESTRATEHIYA SA


saan matatagpuan ang PRODUKTO PAGAMIT
negosyo)

Panuto 1: Bilugan ang tamang salita sa loob ng panaklong na magbibigay ng


tamang diwa sa mga pangungusap.

1. Ang pangangalap ng tamang (impormasyon, lagayan) ay mahalaga sa


pagnenegosyo.

2. Ang mga impormasyong nakuha mula sa (pagmamasid, pagsagap ng maling


impormasyon) ay mahalaga sa gagawing plano ng pagnenegosyo.

3. Ang mga oportunidad sa pagnenegosyo ay (nalilimita, di-nalilimita) sa mga


produktong pantahanan. 

4. Ang (pagluluto ng mga ulam, pagtatanim sa bukid) ay isang negosyong maaring


pagkakitaan ng hindi na kailangan ang lumayo sa tahanan.

5.Ang (pagsu-survey, pamamlaengke) ay isang paraan upang makapangalap ng


impormasyon.
7
Panuto 2: Bilugan ang tamang titik na magbibigay ng tamang sagot.

1. Ano ang tawag sa isang indibidwal na nagsasaayos, nangangasiwa, at


nakikipagsapalaran sa isang negosyo?

A. Empleyado B. Entrepreneur C. Katulong D. Tindera

2. Alin sa mga sumusunod ang ginagawa ng isang Entrepreneur sa kanyang


negosyo?

A. nagsasaayos B. nakikipagsapalaran C. nangangasiwa D. lahat ng mga ito

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang bagay o katangian bago


makapagsimula ng negosyo?

A. interes B. kaalaman C. kakayahan D. puhunan

4. Ang lahat ng mga sumusunod ay klase ng mga produkto. Alin sa mga


sumusunod ang hindi produkto?

A. barber shop B. damit C. manok D. sapatos

5. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng serbisyo sa mga tao?

A. labandera B. pulis C. Parehong A at B D. wala sa mga ito

IFL-  Hangad ng Panginoon na maging matagumpay sa buhay ang


Kanyang mga anak. Ito ba ay tagumpay sa negosyo, propesyon, o anumang uri ng
tagumpay ngunit ating isapuso't isaisip ang mga halimbawa ng Panginoon habang
Siya'y nandito pa sa lupang ibabaw.

8
A-Aplikasyon
Gawaing Paganap (Performance Task): Survey

Panuto: Ikaw ay may benebentang produktong gulay na ipinopost mo ito sa


online, dapat alam mo ang iyong produkto at kukumbinsihin mo ang mamimili sa
pamamagitan ng inyong estratihiya.

Pangalan ng negosyo:
Produkto o serbisyo:
May ari ng Negosyo:
Ano ang panimula sa capital:
Mga estratihiya sa pagbebenta:

1.

2.

3.
Anong expenses ang
Mga hamon ang iyong hinarap sa pagbebenta:

1.

2.
Saan kinukuha ang capital:

 Basahin Rubrik upang gabayan sa paggawa nito.

Estratihiya Puntos
Kaalaman sa produkto at serbisyo 20%
Pagkukumbinsi ng mga benta sa pamamagitan ng 30%
online.
Ang stracture ng pagprepresyo at pamamaraan na 30&
pagpapasiya na ibinigay.
Pangkalahatang Propesyonnalismo 20%
Kabuuan 100%

IFL- Mga Kawikaan 16: 3 - "Ituro ang iyong mga gawa sa Panginoon, at


ang iyong mga iniisip ay maitatag". Kapag lumikha ka ng isang ideya sa negosyo
at plano at ibahagi ito sa Diyos, maaari niyang matiyak na nagawa mo ito. Walang
katulad na pag-anyaya sa Diyos na maging bahagi ng iyong negosyo.

9
10

You might also like