Filipino - Saranggola

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Caitlyn Xahm E.

Caponong ABM12B

Nagsimula ang maikling kwento sa pamamagitan ng pag hahandog ng

tagapagsalita sa tatlong munting batang kausap. Nag umpisa ang kwento sa

panahong limang taong gulang pa lamang ang batang tauhan sa nasabing kwento.

Ninais niyang magkaroon ng guryon noong siya’y bata pa lamang. Ngunit, hindi

ito sinang-ayunan ng kanyang ama. Subalit, binili siya nito ng papel at kawayan

upang gumawa at bumuo ng saranggola. Mayroong kaya ang pamilya ng bata

kaya’t madalas siyang nakukutya ng kanyang mga kamag-aral patungkol sa

kanyang saranggola. Ito’y hindi naging hadlang para sa kanyang Ama na turuan

siya kung paano magpalipad ng saranggola na ‘di hamak mas malayo ang abot

kung ito’y ikukumpara sa guryon. Sabi ng ama, “Wala sa laki ng saranggola ang

pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas.” .

Noong tumungtong na as katorse ang bata, nais niya rin sanang magkaroon

ng magagarang damit at mga bagay katulad ng nasa aknyang ma kaibigan. Ngunit,

pinamukha sa kanya ng Ama niya na hinde kinakailangang magagara ang gamit at

mga damit ng batang nasa edad niya pa lamang. Nabatid niya sa kanyang Inay ang

hinagpis niya at kinukubling galit sa ama. Nasabi niya rito ang lahat ng kanyang
hinanakit. Kanya ring tinanong ang Nanay kung bakit tila ba’y pinapahirapan siya

ng Ama. Pinaliwanagan siya ng kanyang Inay na hinde ganito ang intension ng

Ama. Pinaki-usapan ng kanyang Inay na habaan pa ng kaunti ang pasensya niya sa

kanyang Ama sapagkat para sa kabutihan rin lang niya ang iniisip nito.

Sa ‘di kalaunan, papasok na ng kolehiyo ang bata. Napagka-isahan nila ng

kanyang trop ana kumuha ng commerce, sapagkat, hindi ito pinakisamahan ng

kanyang Ama. Naglahad ng opinyon ang kanyang Ama na sa tingin niya’y mas

nararapat itong kumuha ng mechanical engineering. Sapagkat, mas nakikita rito

ang kanyang potensyal at upang mayroong magmana ng kanilang negosyong pang

pamilya. Sa ‘di nagtagal, napag desisiyunan niyang tumigil na lamang sa pag-aaral.

Kina-usap siya ng kanyang mga magulang ngunit umibabaw ang pagka barumbado

nito.

Dahil sa sagutan na naganap, hinyaan na lamang ng kanyang mga magulang

na siya’y gumawa ng sariling desisiyun. Upang makapag simula ng Negosyo,

binigyan ng Ama ang kanyang anak nang limang libong piso upang panimula sa

kung ano mang negosyong nais nitong itayo. Makalaan ang ilang mga panahon,

napag-alaman ng Ama na nagtayo rin ito ng mechanical shop sa kanilang lugar.

Sinabihan niya ang anak na hindi siya roon dapat nagtayo sapagkat maaari itong

malugi dulot ng pagiging magka kompetensya nila. Ngunit, nagmatigas ang anak at
nagging arogante sa kanyang ama. Pagdaan ng ilang sandal, nalugi nga ang

negosyong kanyang itinatag at itinayo.

Dala ng pagka lugi, nagka-utang siya ng malaking halaga at muli itong

lumapit sa ama upang manghingi ng kaunting salapi para makapag bayad. Hindi

tinugon ng ama ang paghingi nito dahil hindi ito nakinig sa kanyang mga payo.

Iniwan ng ama ang mga katagang, “Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala

sa mga magulang kundi nasa mga itinuturo nila sa mga ito.”. Dumaan ang

panahon, naghanap ang anak ng paraan upang kumite. Kahit anon a ang kanyang

pinasok kung kaya’t nabayaran na niya ang utang, at uli pa itong nagtayo ng

sariling machine shop. Kinalimutan na ng bat ana mayroon siyang ama kung kaya’t

noong binisita ito ng Ina, hindi rin ito nakipag-kaisa sa ideyang makipag kita at

makipag tatag ng ugnayan sa Ama.

Noong umuwi siya galing trabaho, nadatnan niyang tahimik ang kanilang

pamamahay kaya’t tinanong niya ang katulong kung nasaan ang kanyang asawa’t

mga anak. Nasabi ng katulong na ito’y bumisitang muli sa kanyang Ama. Agad

niya itong pinuntahan ngunit laking gulat niya nang madatnang wala na ang

kanyang Ama. Umiyak ito nang umitak, ngunit Pinaki-uyunan ito ng kanyang Ina

na namatay ang Tatay niya nang walang hinagpis o galit sa kanya sapagkat Nakita

niya itong matagumpay. Nagtapos ang kuwento nang sinabi ng tagapagsalita sa

tatlong batang nakikinig na ito ang istorya nila ng yumaong na Ama.

You might also like