Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

A. Katuturan ng Pangulong Tudling

 Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong


pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa
mambabasa.

 Isang pinag-aralang kuru-kuro batay sa isang tunay na pangyayari.

 Isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa


kahalagahan ng isang pangyayari.

 Bagama’t ang pangulong tudling ay isinulat ng isang kasapi lamang, ito’y


paninindigan ng buong pamatnugutan at ng pahayagan.

B. Katangian ng Pangulong Tudling

 May kapangyarihang humikayat.

 Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad.

 Makatarungang pangangatwiranan at pagpapasya.

 May kaiklian at hindi masalita.

 Iisang paksa lamang ang tinatalakay.

 Hindi nagmumura, nangangaral o nagsesermon.

C. Layunin ng Pangulong Tudling

 Upang magpabatid, magpakahulugan at pumuna.

 Upang magbigay-puri, magpaunawa, manlibang, magturo o manuligsa.

D. Mga Uri ng Pangulong Tudling

1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information)

Ipinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyangdiin ang kahalagahan niyon


o mabigyang linaw ang ilang kalituhang bunga ng pangyayari.
2. PANGULONG TUDLING NA NAGPAPAKAHULUGAN (EDITORIAL OF
INTERPRETATION)

Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring napabalita o ng


isang kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan.

3.PANGULONG TUDLING NA NAKIKIPAGTALO (EDITORIAL OF ARGUMENTATION)

Nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon ang editoryal na ito.

4.PANGULONG TUDLING NA NAMUMUNA (EDITORIAL OF CRITICISM)

Ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit dito, kapwa inihaharap


ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng isang isyu.

5.PANGULONG TUDLING NA NAGHIHIKAYAT (EDITORIAL OF PERSUASION)

Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo o namumuna. Subalit ang


binibigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat.

6.PANGULONG TUDLING NA NAGPAPANGARAL O NAGBIBIGAY-PURI (EDITORIAL OF


APPRECIATION,COMMENDATION OR TRIBUTE)

Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa; nagpapahayag ng


pagpapahalaga sa isang taong namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan o sa
isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.

7.PANGULONG TUDLING NA NAGPAPAHAYAG NG NATATANGING ARAW (EDITORIAL


OF SPECIAL OCCASION)

Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo o namumuna. Subalit ang


binibigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat.

8.PANGULONG TUDLING NA PANLIBANG (EDITORIAL OF ENTERTAINMENT)

Ang uring ito ay hindi karaniwang sinusulat, at bihirang malathala sa mga pahinang
pang-editoryal.

9.PANGULONG TUDLING NA NAGSASAAD NG PANAGANO (MOOD EDITORIAL)

Pambihira ring isinusulat ito. Kalimitan ang pinapaksa ay kalikasan. Nagpapahayag


ito ng Pilosopiya. Hindi nakikipagtalo; hindi nagpapaliwanag.
10.PANGULONG TUDLING NA BAKASAN (POOLED EDITORIAL)

Ito’y sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t-ibang paaral at kanilang sabay-sabay


na nilathala sa kani-kanilang pahayagan.

11.PANGULONG TUDLING NA BATAY SA TAHASANG SABI (EDITORIAL LINER)

Ang layunin ay isang pangungusap o isang talatang tumatalakay sa isang


napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang masaya, mapanitikan o
dipormal. Ito’y inilalagay sa katapusan ng tudling pangeditoryal.

E.PAGHAHANDA SA PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksang tatalakayin, isang paksang kawili-wili sa


mambabasa.

2. Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa pagsulat ng tatalakaying paksa. Ang


layuning ito ay kailangang makilala sa simula pa lamang.

3. Likumin ang mga talang mahalaga sa tatalakaying paksa.

4. Suriin at unawain ang suliranin.

5. Isipin ang paraang gagamitin upang akitin ang mambabasa.

F.MGA BAHAGI NG PANGULONG TUDLING

Panimula

• Binabanggit ang isyu o yung balitang tatalakayin.

• Maikli ngunit makatawag pansin.

• Maaring patanong,salawikain o pasalaysay.

Katawan

• Nakasulat ang kuro-kuro o papanaw ng sumulat ukol sa paksa.

• Narito ang layunin ng sumulat ng editoryal.

Panapos o Pangwakas

• Pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa tinatalakay na isyu.


G. MGA TUNTUNING DAPAT SUNDIN SA PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING

1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula.

2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad.

3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran.

4. Tapusin nang naaangkop.

5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga panimula at ang pangwakas.

6. Gawing maikli lamang.

7. Huwag mangaral o magsermon

8. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat, kaisahan, linaw, pagkakaugnay-


ugnay at diin

9. Iwasan ang unang panauhan, isahang panghalip.

10. Sulatin nang payak lamang.

H.PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING

1. Mga Paraan ng Panimula

a. Pagtatanong

b. Payak na paglalahad ng paksa

c. Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may kaugnayan sa paksa.

d. Pagsipi

e. Kapansin-pansing panimula

2. Paglalahad ng mga kuru-kuro o sang-ayon sa paksa.

3. Paglalahad ng mungkahi o tagubilin tungkol sa paksang binigyan ng kuru-kuro.

I. MGA KATANUGANG PAGSUBOK SA KAHUSAYAN NG PANGULONG TUDLING

1.Angkop ba sa anyo at istilo sa nilalaman at sa layunin?


2. Naisakatuparan ba ang layunin?

3.Pinag-isip ba nag mambabasa?

4. Malinaw ba, tiyak at payak ang pagkakasulat?

5. Kapapansinan ban g sapat na kaalaman, at malinaw at makatwirang pag-iisip?

6. Ito ba’y matapat?

7. Maiikli ba ang mga talata?

8. Mahalaga ba ang paksa sa mambabasa?

9.Ang balitang panimula ba ay makatotohanan at di artipisyal?

10.Nailalahad ba ang paksa sa paraang hindi nangangaral?

You might also like