Ang Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Maikling Kwento. Ano nga ba ang maikling kwento?

Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan


na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kaniyan g
kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan, mapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa. Ito rin
ay likha ng bungang-isip na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring
mangyayari. Ang mga sangkap ng maikling kwento ay ang tagpuan, tauhan at banghay.

Dumako naman tayo sa katuturan ng maikling kuwento, ito ay isang anyo ng panitikan na nais
magsalaysay ng isa sa mga mahahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at maaaring magiwan ng mensahe o aral sa isipan ng mambabasa na kadalasan ay ito ang
pannaaw ng manunulat ng maikling kwento.

Si Edgar Allan Poe ay isang Amerikano na tinaguriang Ama ng maikling


kwento. Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling
kuwento at mga tula. Maaaring narinig ninyo na ang kanyang mga katha
katulad na lamang ng "The Tell-Tale Heart" , "The Cask of Amontillado." at
“The Raven” na isang poesiyang nagsasalaysay tungkol sa ng pagdadalamhati
at kawalan ng isang lalaki.

Si Deogracias A. Rosario naman ang nakilalang Ama ng Maikling Kwento sa ating bansa.
Ang kaniyang mga alias ay Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus,
Dario at Rosalino. Isa sa mga pinakakilala niyang naisulat ay “Ang Democracia” na isinulat
noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng
buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Ang pinakakilala nyang naisulat
ay ang “Walang Panginoon” Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng
mga manunulat. Kabilang dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan,
Katipunan ng mga Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalog.

Ang panghuli ay si Macario Pineda. Unang nakilala si Pineda sa mga


maiikling kwento sa wikang ingles na nailathala sa magasing Graphic.
Nang sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, sumali si
Pineda sa isang grupo ng mga manunulat laban sa mga Hapon at sa
taong 1946 ay kinilala siyang isang ganap na gerilya. Sa loob ng
labinlimang taon ay nakilala si Pineda sa larangan ng literatura. Taong
1944 napabilang ang kanyang likhang ‘Ang Suyuan sa Tubigan’ sa
dalawampu’t-limang pinakamahuhusay na akda ng magasing
Liwayway.

Ang maikling kwento ay hindi isang karakter sketch, talambuhay,reporto record ng mga pangyayari,
sanaysay, o karaniwang salaysay. Ito’y may katangiang pampanitikan na sarili niya at ikinaiiba sa
karaniwang pagsasalaysay. Sa bahagya kayang pagbabagong saloobin at layunin ng manunulat,
anumang salaysay ay maaaring maglipat- kuwento?

You might also like