Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa
Pagbasa
Pagbasa
SALIKSIK-ISKEMA
Ano ang kinakaharap mong problema sa iyong buhay?
Ano ang nagging solusyon mo sa problemang ito?
Paano mo nilutas ang problemang ito?
KAHULUGAN NG PANANALIKSIK
MGA LAYUNIN
Naipaliliwanag ang kahulugan at Kalikasan ng pananaliksiK.
Nauunawaan ang katangian ng pananaliksik.
Naiuugnay ang kakayahan at kasanayan sa kahulugan at Kalikasan ng pananaliksik.
PANANALIKSIK
Ayon sa propesorna si David Nunan (1988), ito ay isang sistematikong proseso ng pagtatanong
na binubuo ng mga katanungan, problema o hypothesis, pangongolekta ng datos , analisis, at
interpretasyon ng datos.
Ang pananaliksik ay isang mataas na paraan ng pagsulat dahil nangangailangan ito ng
pangangalap ng datos, pagbibigay-intetpretasyon, pagbuo ng sariling pananaw mula sa mga
teorya o konsepto, pag-iimbestiga, panunuri,pagbibigay ng at pagbibigay ng kongklusyon at
rekomendasyon.
Ito ay isinasagawa upang magbigay ng obhekfibong resulta sa pamamagitan ng isang
siyentipikong paraan at magbigay ng kalinawan sa napiling paksa.
ANG MGA SUMUSUNOD AY ILANG REKOMENDASYON NA MAAARI MONG GAWIN KUNG IKAW AY
NAGSASAGAWA NG PANANALIKSIK.
1. Maging bahagi ng iyong saliksik. Magsimula sa pagpili ng paksang interesadong pag-aralan na
magdadala ng napapanahong pananaliksik.
2. Magsulat ng dyornal. Ikonsidera ang pagsulat sa isang dyornal bilang bahagi ng iyong proyekto.
Ang pag-iisip at pagsusulat tungkol sa ginagawang pananaliksik ay makatutulong upang
malaman ang napapanahong impormasyon, nang muling makapagpokus sa pag-iisip at pag-
eebalweyt ng pinag-aralang pananaliksik.
3. Mas maraming impormasyon na makukuha sa iyong pag-iisip at paggagalugad, mas magiging
mabisa at kalugod-lugod ang proseso ng iyong pananaliksik.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
Kontrolado. Kung eksperimental o kwantiteytib ang pananaliksik, inaasahang hindi magkaroon
ng pagbabago sa mga baryabol o datos na pinag-aaralan Ang pagmamanipula sa baryabol ay
magdudulot ng hinde balido (invalid) na resulta.
Balido. Masasabi na ang pananaliksik ay balido kapag ito ay nakabatay sa katotohanan ng
ebidensiya sa kakayahang idepensa o ipaliwanag. Binubuo ito ng dalawang konsepto: intemal na
baliditi, kapag ito ay kayang bigyan ng resulta sa tumpak na intelpretasyon; at ekstemal na
baliditi, kapag ang resulta ay nailalahat o nage-generalize gamit ang populasyon, sitwasyon at
kongklusyon.
Sistematiko. Magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng imponnasyon o
datos sa isang layunin ang katangiang ito. Sa sistematikong pamamaraang ito, inaasahan na
sinusunod ang sumusunod na proseso: (1) pagtukoy ng problema; (2) pagrerebyu ng mga
imponnasyon; (3) pangongolekta ngdatos;(4) pag-aanalisa ng datos; at (5) pagbuo ng
kongklusyon at rekomendasyon.
Obhektibo, Lohikal at Walang Kinikilingan, Hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na
saloobin at interpretasyon ang pananaliksik.
Kwantiteytib o Kwaliteytib. Nakalahad sa kwantiteytib na pamamaraan ang mga datos kapag ito
ay gumagamit ng estadistika (statistics) tulad ng porsiyento, tsart, ta iba pang uri ng
distribusyong numerikal. Nasa kwaliteytib na pamamaraan naman kapag ito ay naglalahad o
nagsasalaysay ng kalikasan ng isang sitwasyon o pangyayari gamit ang pandama o senses.
Empirikal. Matatag ang pananaliksik kapag matibay ang empirikal na pagdulog nito. Sa teknikal
na paliwanag, ang empirikal ay nakabatay sa iyong obhektibong pagsusuri ng karanasan gamit
ang pandama o senses. Ito ay resulta mula sa karanasan na ginamlt sa pagbuo ng kaalaman o
imponnasyon.
Mapanuri. Dumaraan ito sa masusing interpretasyon na walang bahagi ang may pagkakamali
ayon sa paggamit ng tamang estadistika at analitikal na pagbibigay ng interpretasyon mula rito.
Gayundin, ang tamang pagbibigay interpretasyon sa nasaksihan ay bahagi ng isang mapanuring
pananaliksik.
Pinagtitiyagaan o hindi minamadali. inaglalaanan ito ng sapat na panahon at paulit-ulit na
pagrerebyu sa mga datos at resulta ng pananaliksik na may pag-iingat. Ginagawa ang
pananaliksik sa tamang panahon at oras gamit ang timetable.
TAKDANG ARALIN
Saliksikin ang mga sumusunod
1. Hangarin ng pananaliksik.
Ang hangarin ng pananaliksik ay ang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa
mga batid nang phenomena at makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa
ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon.
Mapalawak o ma verify ang mga umiiral na kaalaman.
Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,edukasyon
pamahalaan at iba pang larangan.
Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
Ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.
Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
2. Mga katangian ng magandang tanong sa pananaliksik.
May kaugnayan sa problema
Dapat ang mga kasagutan sa katanungan ay madaling ma kolekta. Ibig sabihin maari itong
gawin kaagad at mapag-aralan sa madaling panahon
Malinaw
Maikli lamang
Nakakatulong sa pagsasagawa ng malalim na pagunawa
Akademikong gawain
Pinag-aaralan ang paggawang pananaliksik kaya inaakala ng mawami na sa
akademya lamang nauukol ito. Para sa mga nag-aaral pa, tinatawag na sulating
pananaliksik o pamanahunang papel (tern paper) and bunga ng gawaing ito.
Kalakal o Bisnes
Bago pumasok sa pagnenegosyo karaniwang gumagawa munba ng feasibility study
upang malaman ang potential sa market at tubo sa ikakatagumpay ng ipinagbili, atbp.