Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION OF PAMPANGA
REGION III
PORAC NATIONAL HIGH SCHOOL
Poblacion, Porac, Pampanga
SCHOOL YEAR 2017-2018
UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan:_____________________________________________________________Marka:___________
Antas at Seksyon:_______________________________________________________Petsa:___________
I. Ibigay ang tamang sagot sa patlang. (Anumang porma ng pagbubura ay nangangahulugang mali).

_______________1. Ito ay isang salaysay o kuwento na ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita.
_______________2. Ito ay tinatawag na poklor at kwentong nagmula sa bayan o pook na naglalahad ng katangi-tanging
salaysay ng kanilang lugar.
_______________3. Ito naman ay kuwento ng mga kabayanihan, kagila-gilalas at di kapani-paniwalang mga pangyayari
at kapupulutan din ito ng mga aral.
_______________4. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwentong Ang Pilosopo?
_______________5. Ano ang unang inihabilin ni Abed na dalhin ng kanyang mga tauhan sa kanilang paglalakbay.
_______________6. Ano ang pantanghaling dasal nina Abed?
_______________7. Sino naman ang pangunahing tauhan sa epikong tinalakay natin?
_______________8. Ito ay uri ng pangatnig na ginagamit upang lalong bigyang linaw ang mga nasabi na.
_______________9. Ito ay mga salitang nagpapahayag ng mga walang katiyakan at walang kasiguraduhang mga
pangyayari.
_______________10. Sino ang mensaherong naghatid ng balita kay Haring Madali na patay na si Prinsipe Bantugan.

II. Punan ang patlang ng mga angkop na pangatnig na panlinaw. Titik lamang ang isulat sa patlang
A. Kung gayon D. Sa madaling sabi
B. Lamang E. Samakatwid
C. Sa halip
11. Si Subekat ay hindi marunong sumunod sa mga tuntunin ________ matigas ang kanyang ulo.
12. Inatasan sila ni Abed na magdala ng batong tamang tama lang ang laki _______ na malaking bato.
13. Ang batas ay para sa ikabubuti ng lahat _______dapat itong sundin.
14. Maparaan sana si Subekat______ may problema sa kanyang pag-uugali.
15. Walang mapapahamak kung marunong sumunod ________ matutong irespeto ang batas.

III. Punan ng angkop na pang-ugnay ang mga sumusunod. Titik lamang ang isulat sa patlang.
A. dahil sa C. epekto ng E. Kasi
B. dulot D. sapagkat
16. Pinarusahan si Bantugan ng kanyang kapatid na si Haring madali ____matinding inggit.
17. Si Bantugan ay namatay _____ng matinding gutom at kalungkutan.
18. Lumusob si haring Miskoyaw sa Bumabaran ____ nabalitaan niyang namatay si Bantugan.
19. _____ sa kanyang katapangan walang mangahas na makidigma sa Bumbaran.
20. Mananalo ako sa timpalak _____ nag-ensayo ako ng mabuti.

IV. Isulat sa patlang ang ginamit na ekspresyong Naghahayag ng Posibilidad


_______21. Baka umulan mamaya makapagdala nga ng payong.
_______22. "Maaaring mag-Uber na lang ako mamaya para 'di talaga ako mabasa ng ulan pauwi."
_______23. "Malamang talaga na gamitin ko ang promo dahil kapos na ako!"
_______24. "Bakit tila galit ka na sa pagkain ko nauubos ang pera. Mas okay 'yun kesa sa mga materyal na bagay ko
ginagasta."
_______25. "Posible pa naman na makaipon ako kung magiging masarap ang mga tinda sa cafeteria namin."

V. Pagtukoy sa Sanhi at Bunga. Salungguhitan ng isang beses ang Sanhi at dalawang beses para sa Bunga
26. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi.
27. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si Tatay
28. Sapagka’t hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.
29. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang tito ni Atoy.
30. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig

“ May mga bagay sa mundo na hindi kayang baguhin ng panahon, pero kayang ayusin kung bibigyan ng pagkakataon”

Inihanda ni Gng. Imee Y. Lintag

You might also like