Fil01s - SQB 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

1

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY CAVITE

INTERNATIONAL SCHOOL
General Trias City, Cavite

FIL01S: Filipino 7
Course Learning Kit

Subquarter B
September 27 to October 16, 2021
This set of modules was prepared by Ms. Maricris P. Rodriguez, Junior High School faculty
member of the LPU International School. The author of the modules may be different from
your actual teacher. Please refer to the Class Orientation Kit for details and instructions from
your subject teacher.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
2

SESSION TOPIC (PAKSANG TALAKAYAN): ANG ALAMAT NG

PALENDAG

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fpinoyalamat.com%2Falamat-ng-palendag%2F&psig=AOvVaw36leXUE-
Dt2BCnUuUXfbbc&ust=1602485112112000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCPjM8bf4q-wCFQAAAAAdAAAAABAJ Accessed October 2, 2020

Tatalakayin natin sa modyul na ito ang isang akdang pampanitikan na

alamat ng mga Magindanawan. Ikaw ay inaasahan rin na makapagsasagawa ng
isang Travel Brochure. Ang modyul na ito ay tatalakayin natin sa buong isang
linggo.

LEARNING TARGETS (MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO)

Matapos ang pag-aaral sa paksang ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Kaya ko masuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan

2. Kaya ko na masuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo
(halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure)
3. Kaya ko na magamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
3

KEY POINTS (SUSING KAISIPAN)

 Alamat
 Travel Brochure

Core Content (Nilalaman)

Aralin 6: Ang Alamat ng Palendag

“Ang kabiguan ay bahagi na ng buhay ngunit di tayo dapat magpalunod sa

lumbay ; bagkus ay muling bumangon at sa ikot ng mundo’y sumabay.”

Pagganyak na Gawain

Sa maraming pagkakataon sa ating buhay, nakararanas tayo ng pagluha. Ikaw, kailan ka ba

huling lumuha? Ano ang naging dahilan sa iyong pagluha? Batay sa iyong obserbasyon at maging
sa tunay mong karanasan o karanasan ng iyong mga kapamilya o kaibigan, ano-ano nga ba ang
nagiging dahilan sa pagluha ng isang tao? Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng kahon.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
4

Lumuluha ang tao kapag Lumuluha ang tao kapag

Mga karaniwang
dahilan ng pagluha
ng isang tao

Lumuluha ang tao kapag Lumuluha ang tao kapag

Sa iyong palagay, nakatutulong ba o nakasasama ang pagluha sa isang tao?

Paano ito maaaring makasama?____________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Paano naman ito maaaring makatulong?_____________________________________________
_____________________________________________________________________________

Ang unang pag-iyak at pagluha ng

bagong silang na sanggol ay ikinatutuwa
ng mga taong nakasaksi sa pagsilang
sapagkat ito ay nagpapakitang buhay ang
bata. Habang lumalaki ang sanggol, ang pag-iyak o pagluha
ay nagiging malaking bahagi ng kanyang buhay. Dahil wala
pang kakayahang magsalita, ito ang nagagamit niya upang
maipaabot sa kanyang mga tagapag-alaga ang iba't iba
niyang pangangailangan. Katunayan, tinatayang ang
sanggol ay karaniwang umiiyak nang mula 1 hanggang 3 oras sa maghapon para sa layuning ito.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
5

Sa paglaki ng sanggol, ang dalas ng pag-iyak o pagluha ay nababawasan subalit ayon sa

pag-aaral, ang mga babae ay mas madalas lumuha kaysa sa mga lalaki. Ang karaniwang bilang ng
pag-iyak o pagluha raw ng mga babae ay 50 beses sa isang taon samantalang ang mga lalaki ay
nasa 10 beses lamang bagama't madalas ay hindi nila tahasang inaamin ang pagluha. Ayon din sa
mga pag-aaral, may tatlong pangunahing dahilan daw ang pagluha. Ang pinakanangunguna ay
pagluhang dala ng emosyong maaaring lungkot, galit, tuwa, at iba pa. Ang dalawa pang uri ay
maikakategorya sa uring lacrimal na nakatutulong upang malinis ang mata para makakita nang mas
malinaw. Kabilang dito ang uring “basal” na nagpapabasa sa mata upang hindi ito manuyo at reflex
o luhang sadyang dumadaloy kapag may bagay na nakairita sa mga mata tulad ng sibuyas o usok.
Ang pag-iyak o pagluha ay magkakaroon ng napakahalagang bahagi sa babasahin nating alamat
sapagkat isang mahalagang bahagi ng kulturang Magindanawon ang sinasabing nabuo mula rito.
SANGGUNIAN:

• 17 Facts About Crying & Tears You May Not Have Known." Phactual. Accessed July 16, 2016. https://www.phactual.com/17-facts-about-crying-tearsyou-
may-not-have-known/.
• Schocker, Laura. "13 Things You Probably Don't Know About Tears." The Huffington Post. Accessed July 16,
http://www.huffingtonpost.com/2014/01/10/tear-facts_n_4570879.html.

Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin sa hanay A batay sa
konteksto ng pangungusap. Hanapin ang sagot sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
linya.

А B
______ 1. Madarama ang bigat ng a. inubos
suliraning dinadala ng dalaga sa b. nakasaling
kanyang tahimik na paghikbi. c. pagluha
______ 2. Ang kalungkutan ng dalaga ay d. sundalo
tunay na nakaantig sa aking e. tungkulin
damdamin.
______ 3. Inatasan ng hari ang kawal upang
mamuno sa isang digmaan.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
6

______ 4. Ipinadala ng hari ang binata sa isang

mahalagang misyon kaya kinailangan niyang
iwan ang minamahal.
______ 5. Ginugol niya ang oras sa kanyang habihan
upang makalimot sumandali sa kanyang
kasawian.

ANG ALAMAT NG PALENDAG

(Alamat ng mga Magindanawon)

Salin ni Elvira B. Estravo ng “The Legend of Palendag"

Ang palendag ay isang instrumentong pangmusika ng mga

Magindanawon. Ito'y galing sa salitang Magindanaw na lendag,
nangangahulugang “paghikbi”. Gawa ito sa isang uri ng kawayang
tinatawag na bakayawan ng mg akatutubo. Ito’y may habang dalawang
hanggang tatlong talampakan, may tigalawaang butas sa magkabilang
gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito gaya ng plawta.
Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin
ang sarili.Nabibigyang kahulugan ng isang mahusay tumutgtog ng
palendag ang iba’t-ibang damdamin at nakakalikha ng isang maganda at
nakakaantig-damdaming musika.
Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook.
Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong Magindanaw
ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan,
waring walang hangganan ito.
Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng
misyon sa isang malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago
makaalis ang binata. Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng laláki. Inaliw niya ang dalaga
at sinabing huwag siyang aalalahanin sapagkat uuwi siya agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako
rin niyang susulat nang madalas. Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punumpuno
ng pagmamahal at pag-aalaala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat
hanggang sa ito'y tuluyang tumigil. Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot
The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
7

na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng kanyang misyon. Lubhang nasaktan
ang dalagang manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa magulang, maraming oras ang
ginugugol niya sa habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha'y laging
pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa
laging pagpatak dito ng luha ng dalaga. Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya
ito at lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa
pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pangmusika.

Alamat
Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na
nangangahulugang “upang mabasa”. Ito ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga
taongbayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o
katawagan o iba pang bagay. Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat.
Isinasaad dito kung paano nagsimula ang bagay-bagay. Kalimitang ito’y nagtataglay ng mga
kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay
ang ating katutubong kultura, mga kaugalian, at kapaligiran.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
8

Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng makatotohanan at mapanghikayat na

Proyektong Panturismo
(Travel Brochure)
Layunin: Naiisa-isa ang mga hakbang at panuntunan na dapat gawin upang maisakatuparan
ang proyekto. Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong
panturismo.

1. Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong "Travel Brochure"

Napakahalaga ng nilalaman ng iyong travel brochure dahil ito ang aakit sa mga turista
upang ang lugar ay pasyalan. Makabubuti kung gayon na magsaliksik at magbasa ka upang marami
kang maibahagi tungkol sa lugar na ito. Ngunit napakahalagang suriin mo ang mga datos na iyong
nasaliksik upang umangkop sa uri ng turistang nais mong maabot ng iyong gagawin. Makatutulong
ang pagsagot sa tanong na nasa ibaba:
Anong uri ng turista ang target ng iyong travel brochure? Sila ba'y mga kabataang mahilig
sa adventure? mga backpacker na may limitadong badyet? mga mag-aaral na gusto ng isang
educational fieldtrip? pamilyang may mga anak? mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik
na bakasyon?
Kapag alam mo na ang uri ng turistang nais mong maabot ng iyong travel brochure ay
ituloy mo na ang pananaliksik. Mula sa iyong nasaliksik ay piliin ang pinakamahahalagang bagay
na gusto mong bigyang-diin tungkol sa lugar na sa tingin mo ay aakit sa uri ng turistang target ng
iyong travel brochure. Maging maingat at mapili sa mga salitang ilalagay mo sa brochure. Dapat,
naglalaman lamang ito ng pinakainteresante at pinakamahalagang impormasyon patungkol sa lugar
dahil hindi makabubuti kung mapupuno ng salita ang brochure. Bakâ kasi katamaran na itong
basahin ng target mong babasa.
2. Pagpili ng mga Larawang isasama sa Travel Brochure Pumili ka ng mga larawang aangkop
sa iyong binubuong travel brochurę. Ang mga larawang ito ay inaasahang lalo pang makapang-
aakit sa target mong uri ng turista. Makabubuti kung mas maraming larawan ang iyong ihahanda
para mas marami kang pagpilian dahil hindi naman lahat ng larawang ito ay isasama mo.
Maliban sa larawan ng iba't ibang pasyalan o magagandang tanawin ay huwag mo ring
kalimutang magsama ng mga larawan ng puwedeng gawin sa mga lugar na ito tulad ng
pangangabayo, pagzi-zipline, pagpi-piknik, o simpleng paglalakad-lakad sa malapulbos na
dalampasigan. Tiyaking ang mga larawan ay sadyang makaaakit, bago, at may mataas na kalidad
o hindi malabo.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
9

3. Pagbuo ng Borador Para sa Iyong Travel Brochure

Layunin: Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo
` Bago pa tuluyang buoin ang travel brochure ay makatutulong ang pagbuo muna ng borador para
maging huwaran o template ng iyong bubuoin. Sa pagbuo ng borador o draft ay tiyaking nagamit
mo ang wasto at angkop na wikang Filipino upang ito ay hindi lang maging makatotohanan kundi
makapanghihikayat din sa target na mambabasa. Kahit wala munang mga larawan o teksto, iguhit
lang muna kung saan ilalagay ang mga ito gayundin kung paano titiklupin ang travel brochure.
Karaniwang tinitiklop sa tatlo ang travel brochure.
4. Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure
Layunin: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo
Mula sa borador ay handang-handa ka na sa pagbuo ng aktuwal na travel brochure.
Gagamitin mo na ngayon ang mga impormasyong iyong nasaliksik gayundin ang mga larawang
pinili mo. Tiyaking malinaw at nababasa ang mga teksto sa travel brochure. Iwasan ang masyadong
maliliit na titik. Bigyang-diin ang pinakamahahalagang bahagi sa pamamagitan ng paggamit ng
ibang kulay o paggamit ng diin (bold face) sa mga ito.
Sangguniin ang binuong borador para matiyak na naaayon sa plano ang harap, ang gitna,
at ang huling bahagi ng brochure. Tiyaking tama ang baybay at bantas sa iyong gagawin at
naipaliliwanag din ang mga salitang ginamit sa paggawa ng proyekto tulad ng mga acronym.
Gumamit din ng wasto at angkop na wikang Filipino. Ito ang isang uri ng sulating ginagamitan ng
pormal na wika at hindi ng mga balbal, kolokyal, o lalawiganing salita. Makatutulong ang mga
libreng template na matatagpuan sa Internet sa pagbuo ng travel brochure.

PowerPoint Presentation to be uploaded at MyLPU

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
10

Gawin Natin!
IN - TEXT ACTIVITES

Nakikilala ang mga detalye ng binasa

Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na mga tanong batay sa binasang alamat.
1. Ang dalaga sa alamat ay isang__________________.
a. Mananahi
b. Tagaburda
c. Manghahabi
d. Magsasaka

2. Ang kasintahan naman ng dalaga ay isang _______________.

a. Manlalakbay
b. Datu
c. Kawal
d. Mangangalakal

3. Hindi na natupad ng binate ang pangakong pagbabalik sa kasintahan dahil siya

ay____________.
a. Ikinasal sa ibang babae
b. Natalo sa sinalihang labanan
c. Namatay habang naglalakbay
d. Nakatagpo ng magandang kapalaran

4. Ang palendag ay isang instrumentong pangmusikang tinutugtog na parang isang _______.

a. Gitara
b. Plawta
c. Tambol
d. Piyano
5. Ayon sa alamat, ang unang bersiyon ng instrumentong ito ay nalikha sa pamamagitan ng
_______________.
a. Pagtusok dito ng karayom na gamit sa paghahabi
b. Pag-ihip nang malakas sa kapirasong kawayan
The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
11

c. Paggamit ng makina para mabutas ang kawayan

d. Laging pagpatak ng luha sa bahagi ng kawayan

SESSION SUMMARY
PAGLALAHAT)

Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus, na

nangangahulugang “upang mabasa”. Ito ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga
taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop,
pangalan o katawagan o iba pang bagay.

Mga Hakbang at Panuntunan sa Pagsasagawa ng makatotohanan at mapanghikayat

na Proyektong Panturismo

 Pananaliksik at Pagsulat ng Nilalaman ng Iyong "Travel Brochure"

 Pagpili ng mga Larawang isasama sa Travel Brochure
 Pagbuo ng Borador Para sa Iyong Travel Brochure
 Pagbuo ng Aktuwal na Travel Brochure

Ito na ang huling aralin sa kabanata at sa naunang limang aralin ay inaasahang napaglalim
ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga hindi lang sa pisikal na yaman at ganda ng Mindanao kundi
gayundin sa taglay nitong makulay at mayamang kultura at tradisyon.
Ngayon ay gusto mong patunayang "It's More Fun in the Philippines" o sabihin nating "It's
more fun in Mindanao." Ikaw ay isang advertising executive na kinomisyon ng Departamento ng
Turismo sa Mindanao upang bumuo ng travel brochure na makapang-aakit ng mga turista upang
dalawin o pasyalan ang iba't ibang lugar sa Mindanao. Makatutulong sa pagbuo ng gawaing ito
ang sumusunod:
• Ang mga datos at kagamitang kakailanganin sa pagbuo ng travel brochure na tinalakay at
itinala mo sa aralin 1;
• Ang iba't ibang maaaring mapagkunan ng mga impormasyon na tinalakay sa aralin 2;
• Ang mga hakbang sa pananaliksik na tinalakay sa aralin 4; at
• Ang mga hakbang sa pagbuo ng travel brochure na nabasa sa Alamin Natin ay
makatutulong upang makapagsagawa ng makatotohanan at makapanghihikayat na
proyektong panturismo.

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
12

Teknikal na Panuto: (Wired Mode)

 App o Program na maaaring gamitin: MS Publisher, Powerpoint
 Font style: Kayo po ang bahalang mamili siguruhin lamang na nababasa
 Maaaring maglagay ng disenyo sa pagiging malikhain (huwag lamang puro disenyo ang
nakalagay)
 Ang filename ay LASTNAME_SECTION_TravelBro (Isang beses lamang maaaring mag
submit kaya siguraduhin ang file na ipapasa ay ang tamang gawain o file).

Pamantayan sa Pagmamarka:

The use, disclosure, reproduction, modification and/or transfer of this document for any purpose, in any form or
by any means without approval from Lyceum of the Philippines University Cavite is strictly prohibited, and may be
subject to disciplinary and/or legal sanctions.
13

At dito nagtatapos ang Modyul 6

Mga Sanggunian:

1. Julian, A. B., Lontoc, N. S., Jose, C. E., & Dayag, A. M. (2018). Pinagyamang Pluma
Wika at Panitikan (Ikalawang Edisyon ed.). Quezon City: Phoenix Publishing House
Incorporation. (Ang makikita sa taas ay hiniram lamang sa aklat na ito .)

Kasagutan sa Pagwawasto

Payabungin Natin
1. C
2. B
3. D
4. E
5. A

Pagtataya

Gawin Natin!
1. C
2. C
3. A
4. B
5. D