PAGBASA

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PAGBASA AYON SA IBA’T IBANG AWTOR:

KAHULUGAN AT ILANG
KONSIDERASYON SA PAGBASA
Itinakdang Bunga ng Pagkatuto
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang:
➢ makapaglalahad sa kahalagahan ng binasang
akda;
➢ makapaglalapat ng kasanayan sa iba’t ibang
teknik sa pagbasa.(CLO 8)
Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
Ika-anim na Linggo
Departamento ng Filipino
Materyales
Computer, laptop, printer,at iba pa
Sanggunian
1. Garnace-Ulit, P. et al. (2009).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Grandbooks Pub. Inc.
2. Aldaca & Villarin, I (2012).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
MaxCor.
3. Ugot, I. & Abangan, V. (2010). Pagbasa
at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Lacsamana Press & Publishing Corp.
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 47
➢ Gray (1956) – Ang pagbasa ay sumasaklaw sa apat na proseso tulad ng pagkilala sa salita,
pag-unawa sa kahulugan ng salita, pagreak sa kahulugan ng salita sang-ayon sa nalalaman ng
bumabasa at pag-uugnay ng ideya sa kaligirang kaalaman ng bumabasa.
➢ Rubin (1983) – Ang pagbasa ay pagdadala at pagkuha sa kahulugan ng nakalimbag na pahina.
Ipinahihiwatig nito na dinadala ng mga mambabasa ang kanilang kaligirang kaalaman,
karanasan at emosyon sa kanilang binabasa.
➢ Koch, et al. (1982) – Ang pagbasa ay hindi lamang pagkilala sa mga simbolong nakalimbag
kundi pagkuha ng kahulugan ng nakalimbag na simbolo sa pamamagitan ng wastong pagunawa at
pagpapakahulugan sa mensahe at layunin ng sumulat.
➢ Anderson, et al. (1985) – Ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan mula sa
mga tekstong nakasulat. Isa itong komplikadong kasanayan na nangangailangan ng ilang
magkakaugnay na hanguan ng impormasyon.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
Ilan sa mga halaga ng pagbabasa ay ang sumusunod:
Nakapagdudulot ito ng kasiyahan at nakalulunas ng pagkabagot.
Pangunahin itong kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay.
Gumaganap ito ng mahalagang tungkulin sa ating araw-araw na buhay.
Nalalakbay natin ang mga lugar na hindi nararating, nakikilala ang mga taong yumao na o hindi
na nakikita.
Naiimpluwensiyahan nito ang ating saloobin at palagay hinggil sa iba’t ibang bagay at tao.
Nakatutulong ito sa paglutas ng ating mga suliranin at sa pagpapataas ng kalidad ng buhay ng
tao.
MGA TEKNIK NG PAGBASA
▪ Kaswal – ang tawag sa “pampalipas oras” na pagbabasa ng isang taong may hinihintay upang
hindi mainip. Kaya hindi kailangan ang seryosong atensiyon sa bagay na binabasa.
▪ Komprehensibo – ito ang kabaligtaran ng kaswal na teknik ng pagbabasa. Binibigay rito ang
buong atensiyon ng pagbabasa. Buong ingat na sinusuri ang bawat detalye na nakapaloob sa
isang babasahin. Maaaring mapansin ang ganitong teknik sa mga mag-aaral o sa mga taong
gumagawa ng pagsusuri.
▪ Kritikal – masining ang ganitong teknik ng pagbabasa. Hindi lamang upang mabatid ang
kahulugan ng binabasa kundi upang maging mapanlikha at makatuklas ng panibagong
katawagan at maiugnay ito sa kapaligirang sosyal at kultural.
▪ Pamuling-basa – habang muli’t muling binabasa ang isang babasahing materyal, may bagong
mahalagang bagay ang natutuklasan. Napakalawak ng naibibigay na antas ng interpretasyon
nito na hindi agad nakukuha sa paminsanang pagbabasa. Mahirap man itong mauunawaan o
madali dahil sa uri ng pananalita o paraan ng pagpapahayag sa unang pagbasa, may lalabas
pa ring mahalagang diwa, kaya hindi pagsasawaang muli’t muling babasahin. Sa pananaliksik,
tinitiyak sa pagbabasa ang kapaniwalaan sa mga inilahad na opinyon. Nagagawa ito sa paulitulit na
pagbasa at pagbusisi sa mga katibayan. (qtd. Arrogante, et al. 2007)
GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 48
▪ Basang-tala – pagbasa itong sinasabayan ng pagsulat. Kapag may nakikitang mahahalagang
kaisipan o konsepto, itinatala ito o kaya’y minamarkahan para sakaling kailangang muli ang
impormasyon, madali itong makita o makuha. Isang paraan ang pagtatala ng mga
mahahalagang impormasyon. Ang pagsasalungguhit ay nagpapakita ng mahalagang
pangunahing punlo o mapuwersa o mabigat na pahayag. (qtd. Arrogante, et al. 2007)

You might also like