Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Covid-19 ay ang pangkasalukuyang pandemya na nangyayari.

Marami ng buhay ang kinitil,


mga pangarap na sinira, ang ekonomiya ay bumagsak at ang higit sa lahat ay pamilyang sinira. Ano nga
ba ang Covid-19 o ang Corona Virus Disease 2019? Ito ay unang tinawag na NCov-19 o ang Novel Corona
Virus na kalaunay naging Corona Virus Disease sa kadahilanang mabilisang pagkalat nito sa iba’t-ibang
bansa na naging Pandemya. Ito ay naipapasa sa pamamagitan ng droplets na kalaunay naging
“airborne.” Ang sintomas nito ay katulad ng isang taong may trangkaso: Pananakit ng katawan, lagnat,
ubo at sipon. Ang Virus na ito ay nagmula sa Wuhan China na kung saan dito naitala ang unang kaso ng
sakit na ito. Ayon sa mga balita, ang virus na ito ay galing sa pamilihang bayan ng Wuhan na kung saan
nagbebenta sila ng mga exotic foods katulad na lamang ng Paniki. Ayon rin sa ibang balita, ang virus na
ito ay sadyang ginawa sa isang labolatoryo sa China na kung saan ikinalat nga sa Wuhan upang
mabawasan ang kanilang populasyon. Maraming mga balita ang lumabas patungkol sa sakit na ito
hanggang sa umabot na ito sa ating bansa. Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19, tumataas rin ang
“fatality rate” nito. Kasabay ng pagtaas ng “fatality rate” kasabay rin nito ang bagong variant na nabuo
tulad ng Alpa, Beta, Gamma, P.3. Lambda at ang Delta Variant. Ang Delta Variant ay unang naitala sa
India noong Oktubre 2020. Ngunit ano nga ba ang Delta Varaint?

Ang B.1.617.2 o mas kilala bilang Delta Variant ay mas mabilis kumalat hindi katulad ng ibang
variant. Ito ay maaaring mas makapagdudulot ng mas malalang sintomas o sakit na maari ring
makamatay. Hindi katulad ng UK variant ay mas nakahahawang 50% salamata ang Delta ay 60%. Ang
unang kaso ng Delta Variant dito sa ating bansa ay naitala Noong Mayo 11, 2020 sa Lucban, Quezon na
isang Overseas Filipino Worker (OFW). Noong Ika-5 ng Agosto, umabot na sa 331 ang kaso ng Variant na
ito. Noong ika-13 ng Setyembre 2021, tumaas ang kaso ng Delta ng Variant patungong 2,708. Mas
marami pa rin ang naitalang lokal na kaso ng Delta Variant kumoara sa mga OFW. Sa patuloy na pagtaas
nito, ang gobyerno ay patuloy na nagpapatupad ng lockdown sa buong bansa upang makaiwas. Sa
pagpapatupad ng lockdown, nariyan din ang mga bakuna na binili galing ibang bansa upang mas
maprotektahang sa Virus ang mga tao. Unang binakunahan ang mga Government officials, frontliners,
workers at mga Senior Citizen sapagkat mas lapitin sila ng sakit na ito. Ngunit walang pinipili ang sakit na
ito. Mapa-sanggol, bata, o mga matatanda. Ang isang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19
at ng Delta Variant ay sundin ang mga safety protocols. Ngunit ayon sa aking mga napapnood na balita,
kasabay ng pagtaas ng kaso, ay nagkakaroon ng mga “black business” ang ibang kawani ng gobyerno na
kung saan kaya tumaas ang kaso ng Covid ay idinedeklara nila na Covid na lamang kahit na ito’y hindi.

Bilang mamamayan, maging disiplinado tayo upang hindi na kumalat ang sakit na ito. Ang
patuloy na pagkalat ng sakit na ito ay patuloy na nagpapahirap sa atin at sa ating bansa. Sa tamang
pagkakaroon ng “travel ban” mababawasan ang kaso lalong-lalo na ang Delta Variant na mas
mapanganib. Dahil sa patuloy na pagtaas ng variant na ito, mas lumalaki ang tiyansa na mas madami ang
taong makakapitan nito kahit na bakunado. Ang patuloy na pagtaas ng Delta Variant at ng ibang variant
ay nagsasabi na ang mga tao ay hindi ganoon kadisiplinado. Para sa mga opisyal na patuloy na naloloko
ng mga tao at ginagawang business ang pandemya, iwasan na ito sapagkat wala itong magandang dulot.
Iwasan muna ang pakikipagkita sa mga tao o pakikipagsalamuha. Dito, mapoprotektahan natin an gating
sarili, pamilya at mga taong nakapalibot sa atin. Kung maari, magpabakuna tayo upang mas malaki ang
proteksyon sa Virus. Huwag matakot magpabakuna sapagkat hindi naman ito ilalabas sa publiko kung
hindi ito ligtas. Maging maingat na mamamayan upang mailigtas ang sarili at pamilya sa banta ng Delta
Variant ng Covid-19 Disease.

You might also like