AS2 Filipino10 Removed

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: ____________________________ Petsa: ______________Iskor: ______

FILIPINO 10
Kuwarter 3 – Linggo 2

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip
2. Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng debate/pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika

Pamagat: Kasanayan sa Paggamit ng Wika: Tuon sa Debate at Pagsasaling

Wika

Layunin:
1. Nakapagbibigay ng reaksyon sa napanood na mitolohiya.
2. Nasusuri ang isyung tinalakay sa pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon.
3. Naisasalin ang mga pahayag sa mitolohiyang nabasa.

Konsepto
Ang Pagtatalo o Debate- ay binubuo ng pangangatwiran ng dalawang
koponan na magkasalungat ang panig tungkol sa paksang napagkaisahang
pagtatalunan. Maaaring nakasulat ang pagtatalo ngunit kadalasan ay binibigkas ito.
Sa pagbuo ng proposisyon o paksa ng pagdedebatihan kailangang napag-
aralan ng mga nagde-debate sa kanilang mga paksa na kung maaari ay kailangan
nilang magsalin ng kanilang mga proposisyon. Ano nga ba ang pagsasalin?
Pagsasaling-wika
Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin
ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. (Santiago, 2003)
Mga Katangiang Dapat Taglayin g Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang
kahulugan ng kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Kumokonsulta sa
diksyonaryo. Nauunawaan niya ang maliit na himaymay ng kahulugan at
halagang pandamdamin taglay ng mga salitang gagamitin.

1
Kuwarter 3 Linggo: 2
Competency Code: F10PD-IIIa-74 /F10PS-IIIa-78 /F10WG-IIIa-71
Kasanayan: 1. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip 2. Napangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
Ang kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-
kailangan ng tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor,
gayundin sa wastong paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at
pagsusunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman
sa gramatika ay hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay
patas, nagiging higit na mahusay na tagapagsalin.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may
higit na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa
sa mga konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Gabay sa Pagsasaling- Wika
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at
hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag,
pagbabawas, pagpapalit, o pagbabago sa orihinal na diwa ng isinasalin nang
walang napakalaking dahilan ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang
bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan. Bigyang- pansin din ang
aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin.

GAWAIN 1

REAK-VIDEO!
PANUTO: Panuorin ang mitolohiya na “Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan” muling
isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño na isinalin ni: Vilma C. Ambat.
Mapapanuod ito sa https://www.youtube.com/watch?v=u6WnjqnETTQ&t=54s kung walang
access sa internet maaaring basahin ang akda sa kahon. Matapos panuorin/basahin, ipahayag
ang iyong reaksyon sa napanuod sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba.

Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan

Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
Isinalin ni: Vilma C. Ambat

“Hay, ano ang saysay ng buhay?” naibulalas ni Bugan sa kaniyang asawang si Wigan. “Hindi
man lang tayo magkaroon ng anak; mukhang hindi pinakikinggan ng mga diyos ang ating mga
panalangin!”

Sumang-ayon naman si Wigan, “Oo, tama ka! Pero halika muna, mag-momma tayo at saka
natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.”
2
Kuwarter 3 Linggo: 2
Competency Code: F10PD-IIIa-74 /F10PS-IIIa-78 /F10WG-IIIa-71
Kasanayan: 1. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip 2. Napangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
Matagal na nag-isip ang mag-asawa hanggang nakapagdesisiyon si Bugan na magtungo
sa tahanan ng mga diyos sa silangan. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ang mga diyos na sina
Ngilin, Bumakker, Bolang at ang diyos ng mga hayop.”

Sinimulan ni Bugan ang kaniyang paglalakbay. Pumunta siya sa Ibyong, dumaan sa Poitan,
nagtungo siya sa silangan papuntang Nahbah, Baninan. Tumawid siya sa ilog ng Kinakin at narating
niya ang lawa sa Ayangan. Nakakita siya ng igat sa lawa. Tinanong siya nito “Saan ka pupunta
Bugan?” Sumagot si Bugan, “Pupunta ako ng Silangan para maghanap ng lalamon sa akin,
sapagkat hindi kami magkaroon ng anak ni Wigan.” Tumawa ang igat. “Huwag kang malungkot,
Bugan,” wika ng nito. “Sige magtungo ka sa silangan at makipagkita ka sa mga diyos.”

Ipinagpatuloy ni Bugan ang kaniyang paglalakbay patungo sa lugar ng mga diyos. Narating
niya ang lawa sa Lagud. Nakita niya roon ang isang buwaya. “Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa
ng buwaya. “Ako si Bugan ng Kiyangan, at naghahanap ako ng lalamon sa akin. Wala kaming anak
ng aking asawa,” sagot ni Bugan. Humikab ang buwaya at nagsabing, “ Hindi kita maaaring kainin
sapagka’t napakaganda mo.”

Ipinagpatuloy muli ni Bugan ang kanyang paglalakbay at nakarating sa tahanan ng

kinatatakutang pating. Nilabanan niya ang pangangatog ng kaniyang tuhod. Hinarap niya ang pating
at nagwika “Pakiusap, kainin mo na ako. Kaming mag-asawa ay walang anak. Ayaw ko nang
mabuhay pa kung hindi ako magkakaroon ng anak.”

Sumagot ang pating, “Isang malaking kahihiyan kapag kinain kita. Napakaganda mo. Halika
muna sa aking tahanan at kumain; bago mo ipagpatuloy ang iyong paglalakbay.” Pagkatapos
saluhan ang pating sa hapag-kainan, muling naglakad patungong silangan si Bugan. Sa wakas ay
narating niya ang tahanan ng mga diyos na sina Ngilin, Bumabakker, at iba pang mga diyos. Labis
siyang napagod kaya humiga siya sa lusong na nasa labas ng bahay. Doon hinintay ang mga diyos.
Lingid sa kaniyang
kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.

“May naamoy akong tao,” sabi ni Bumabbaker. Lumabas siya ng bahay upang hanapin ang
pinanggagalingan ng amoy. Nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa kanyang
lusong. “Ano’ng ginagawa mo dito, Bugan?” tanong niya habang kinikilala kung si Bugan nga iyon.

“Naku, nagpunta ako rito upang mamatay, sapagkat hindi pa rin kami nagkakaroon ng anak
ni Wigan pagkalipas ng ilang taon,” wika ni Bugan.

“Kahibangan,” wika ni Bumabbaker habang tumatawa. “Halika, hanapin natin si Ngilin at

kung nasaan pa ang iba,” wika ni Bumabbaker.

Nalugod ang mga diyos na makita si Bugan. Nagbigay sila ng regalong baboy, manok at
kalabaw. “Sasama kami sa iyo pabalik sa Kiyangan. Doon ka namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad
upang mabiyayaan ka ng mga anak, masaganang ani at pamumuhay.”
Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging
dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad. Isinagawa ni Wigan at Bugan ang ritwal
at pinasalamatan ang kanilang mga diyos. Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng
kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok sa sinapupunan ni Bugan.

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/
nagkaroon-ng-anak-sina-wigan-at-bugan.htmls

Napaibig ka rin ba sa kwento ni Wigan at Bugan? Ano ang kamangha-manghang pangyayari

sa iyong napanuod/ nabasa? Upang mas lubos mong maunawaan, sagutan ang mga sumusunod na
gawain.

3
Kuwarter 3 Linggo: 2
Competency Code: F10PD-IIIa-74 /F10PS-IIIa-78 /F10WG-IIIa-71
Kasanayan: 1. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip 2. Napangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA PARA SA GAWAIN 1 AT 2
5 puntos Nilalaman (kaugnayan sa paksa, kalinawan sa paglalahad at orihinalidad)
3 puntos Istilo sa pagsulat (bantas, baybay, at gamit ng salita)
2 puntos Organisasyon (pagkakaugnay, kaisahan, at diin)
10 puntos Kabuuang puntos

“Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan”

Muling isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño
na isinalin ni: Vilma C. Ambat

Reaksyon sa
Reaksyon sa Tauhan Reaksyon sa Wakas
Pangyayari

GAWAIN 1.2

REAK MO! SHARE MO!

PANUTO: Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa akda, ano ang iyong nais na
maging wakas nito?

_________________________________________________________________

4
Kuwarter 3 Linggo: 2
Competency Code: F10PD-IIIa-74 /F10PS-IIIa-78 /F10WG-IIIa-71
Kasanayan: 1. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip 2. Napangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
GAWAIN 2

OO o HINDI? DEBA ‘TE?

PANUTO: Basahin ang artikulo na nasa ibaba at pagkatapos ay ilahad ang iyong opinyon,
kung ikaw ba ay sang-ayon o hindi sang-yon dito, gamitin ang graphic organizer.

Bakit isinusulong ang panukalang divorce?

MAYNILA - Bukod sa Vatican City, ang Pilipinas na lang ang bansang tumututol sa
pagkakaroon ng divorce sa mga mag-asawa.
Kaya naman sa Kamara, aabot sa tatlo ang inaprubahang panukala na layong ipasok ang
divorce sa Pilipinas.
Hindi bago ang pagsulong ng divorce, ayon sa abogadong si Noel Del Prado sa programang
"Usapang de Campanilla" ng DZMM.
Pero aniya, kinakatuwiran ng divorce ang pagtanggol sa karapatan ng mga kababaihang
kumalas sa abusadong asawa.
"Sinasabi halimbawa doon sa mga sitwasyon lalo na kung merong pang-aabuso, may
physical, emotional, at mayroon ding tinatawag na economic abuse. Iyan ay malinaw na
batayan sa paglabag sa karapatan ng kababaihan," ani Del Prado.
Pabor din umano sa mahihirap ang panukala lalo't mayayaman lang umano ang mga
nakikinabang sa annulment, na nagpapawalang-bisa ng kasal ng mag-asawa.
"Rights-based ito. May karapatan ka to earn access to justice," ayon kay Del Prado.
Una nang tumutol ang mga miyembro ng simbahan at ilang senador sa pag-arangkada ng
panukalang divorce sa pangambang "ikakasira" ito ng mga pamilya.
Layong pagsamahin ng Kamara ang House bills 100, 838 and 2263 bago isalang sa plenary
discussion.
https://news.abs-cbn.com/news/02/11/20/alamin-bakit-isinusulong-ang-panukalang-divorce

_____________________________ ________________________________
SANG-AYON

DI SANG-AYON
_____________________________ __________________
______________________
5
Kuwarter 3 Linggo: 2
Competency Code: F10PD-IIIa-74 /F10PS-IIIa-78 /F10WG-IIIa-71
Kasanayan: 1. Nabibigyang-puna ang napanood na video clip 2. Napangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
GAWAIN 3.1

ISASALIN ‘DI LILISANIN!

PANUTO: Isalin sa ingles ang mga pahayag na kinuha mula sa mitolohiyang nabasa sa
Gawain 1.

Salin sa Ingles

____________________________
1. “Dito ka lang, Wigan, pupuntahan ko ____________________________
ang mga diyos na sina Ngilin, ____________________________
Bumakker, Bolang at ang diyos ng ____________________________
mga hayop.” ____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
Salin sa Ingles
____________________________
____________________________
_________________________________ ____________________________
2. “Naku, nagpunta ako rito
_________________________________ ______
upang mamatay, sapagkat hindi
_________________________________ pa rin kami nagkakaroon ng
_________________________________ anak ni Wigan pagkalipas ng
_________________________________ ilang taon,”
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________ Salin sa Ingles
_______
___________________________
___________________________
3. “Sasama kami sa iyo pabalik sa ___________________________
Kiyangan. Doon ka namin tuturuan ng
___________________________
ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka
ng mga anak, masaganang ani at
___________________________
pamumuhay.” ___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
___________________________
6 ___________________________
Kuwarter 3 Linggo: 2
___________________________
Competency Code: F10PD-IIIa-74 /F10PS-IIIa-78 /F10WG-IIIa-71
Kasanayan: 1. Nabibigyang-puna ang napanood na video ___________________________
clip 2. Napangangatuwiranan ang
sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa___________________
sa pamamagitan ng debate/pagtatalo
3. Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika
SANGGUNIAN:

Filipino 10. Learner’s Module

ABS-CBN News. ALAMIN: Bakit isinusulong ang panukalang divorce? February 11,
2020
https://news.abs-cbn.com/news/02/11/20/alamin-bakit-isinusulong-ang-panukalang-
divorce
Jana, Audrey. Pagsasaling Wika. January 31, 2016
https://www.slideshare.net/audreyjana3/pagsasaling-wika-57697459
Manahan, Evelyn. Debate. September 27, 2012.
https://www.slideshare.net/eves121/debate-ppt
Ville, Mar. Filipino 10. 2015
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/nagkaroon-ng-anak-sina-wigan-at-
bugan.html

Inihanda ni:

CRISTINE G. DERIS
ADDITION HILLS INTEGRATED SCHOOL
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

ARIEL C. MANLAPAZ ARNEL NAVISA

Tagasuri ng Nilalaman at Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

WERLITO C. BATINGA
Superbisor sa Filipino

7