Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: Abdulbasik, Alyshma Dhnara H.

Seksyon: BSAC2B Gawain: Repleksyong Papel

“Ang Puso Ng Dyosa Ng Kaliksan’’

Ang eko-pelikulang pinamagatang “Moana” ay maituturing isang makabagong obra


maestra sapagkat tinatalakay nito ang suliranin sa kalikasan sa pamamagitan ng malikhaing gawa
ng animasyon kalakip ang sining sa pagsayaw at musika. Sa gayon, ang isang malalim na paksa
tulad ng hamon sa kapaligiran ay mabigyang aliw upang mahimok ang mga kabataang
manunuod. Ngunit, ang aral na makukuha sa palabas ay ang sadyang pumukaw sa malda
bagamat ito ay napapanahon at isinalin mula sa mga makatotohanang kaganapan. Ang kwento ay
umiikot sa protagonist na nagngangalang Moana. Siya ay sinilang sa isang maharlikang pamilya
kung kaya’t inaasahan ng kanyang mga magulang na pagdating araw siya ang papalit bilang
pinuno ng kanilang isla. Subalit, ang kanyang pagmamahal sa karagatan at ang hangaring
maglakbay ang magsisilbing balakid upang lubos siyang makapaglingkod sa kanilang
nasasakupan. At sa di inaasahang pagkakataon, siya ang pinili ng karagatan na magbalik ng puso
ng dyosang si Te Fiti.

Maraming talinghaga ang ginamit sa pelikulang ito upang bigyang buhay ang mga
pagsubok na tinatamasa ng mundo. Halimbawa na lamang ng karakter na si Maui, isang tauhan
na ang tanging layunin ay malikom ang lahat ng kapangyarihan at ipagbunyi siya ng mundo.
Maihahalintulad siya sa mga organisasyon at industriya na sinisira ang inang yaman kapalit ng
salapi at pagkikilala sa antas ng ekonomiya. Ito ang pangunahing sanhi ng problemang
pangkalikasan, ang mga makasariling propaganda na walang pagninilay-nilay sa mga organismo,
iba’t ibang uri ng hayop at maging tao na maaring mapinsala. Makikita rin sa eksenang kung
saan inalis ni Maui ang puso ng dyosa ng paglikha na si Te Fiti ang mabilisang pagguho at
pagkamatay ng mga halaman at lupain sa paligid, animo lahat ng buhay ay tuluyang nawala. Ito
ay kasalukuyang nangyayari nang marahan sapagkat ating inaabuso ang paghuhukay at pag-aani
ng mga bunga ng kaliksan. Aking napagtanto ang leksiyon na kung papaano ang ating gawi sa
kalikasan ay ganoon din ang tugon nito saatin, gaya ni Moana na nagpakita ng kagandahang loob
at pagmamalasakit sa kalikasan ay sinuklian ito ng masaganang paligid.

Maging huwaran sana sa bawat indibidwal ang ginawang sakripisyo ni Moana upang
masagip ang kanyang mga mamayan at pamilya. Ang pelikulang ito ay marahil may bahid ng
katha, ngunit, ating palalimin ang persepsyon at tingnan ang iminumungkahing mensahe. Huwag
nating ipagwalang kibo ang mga babala mula sa mga ganitong sulatin bagama’t maari itong
maging realidad sa ating kinabuksan. Ang kalikasan ay nararapat lamang pangalagaan dahil ito
ang pinagkukunan ng mga sangkap at materyales na kinakailangan upang mamuhay ng mariwasa
at payapa ang mga tao. Sa madaling salita, mahalagang unawain na ang lahat ay sadyang umiiral
lamang sapagka’t ang kaliksan ay patuloy na naglalaan saatin. Ang kwentong ito ay nagmulat sa
aking isipan sa kung gaano akong nababatay sa kalagayan ng kaliksan. Kung kaya’t aking dapat
pagyamanin kapaligiran tulad ng pagmamahal sa sarili.

You might also like