Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ekonomiya nabansot ng 11.

5%;
Malacañang kumbinsidong 'the worst
is over'
Philstar.com
November 10, 2020 | 2:30pm
Makikitang magkatapat ang Ortigas Business at ilang barung-barong sa Pasig Floodway sa litratong
ito, ika-25 ng Mayo, 2020, sa gitna ng COVID-19 pandemic
The STAR/Michael Varcas, File
MANILA, Philippines — Bagama't patuloy ang pagbagsak, bahagyang
nakahinga ang ekonomiya ng Pilipinas matapos ang dahan-dahang
pagluluwag ng mga lockdowns kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay kapansin-pansing pag-igi mula sa nakaraang -15.9% na pagliit ng gross


domestic product (GDP) noong ika-2 kwarto ng 2020 — ang pinakamalaking
pagbulusokng ekonomiya sa kasaysayan ng Pilipinas.
May kaugnayan: Philippines plunges into worst economic slump under
democracy
"The Gross Domestic Product (GDP) growth rate recorded a decline of -11.5
percent in the third quarter of 2020," ulat ng Philippine Statistics Authority
(PSA) ngayong Martes.
Tumutukoy ang GDP sa kabuuang halaga ng lahat ng ng produkto't serbisyo
na inaalok sa loob ng bansa sa isang takdang panahon.

Matatandaang lubhang naapektuhan ito ng COVID-19 pandemic, bunsod ng


pagsasarado ng maraming negosyo at pagkakatanggal sa trabaho nang
pagkarami-rami, sa takot na mahahawaan ng nakamamatay na virus.

"Kaya naman po nangyari ito, kasi nga po nag-[modified enhanced community


quarantine] na naman po tayo sa Metro Manila at ilang mga probinsya sa
CALABARZON, at dito po nanggagaling talaga ang 60% ng ating GDP," ani
presidential spokesperson Harry Roquesa isang briefing.

Ngayong modified general community quarantine (MGCQ) na sa kalakhan ng


bansa at general community quarantine (GCQ) na sa Metro Manila, dahan-
dahan nang nanunumbalik ang public transportation at trabaho nang marami,
dahilan para ma-minimize nang bahagya ang matinding pinsala ng
lockdowns.

'The worst is over'


"Siyempre po 'yan ay malungkot na balita pero 'yan po ay improvement doon
sa [16.9%] na pagbaba ng ating ekonomiya noong second quarter," patuloy ni
Roque.

"[Pero] bahagyang umangat na po ang ating ekonomiya, nagpapatunay po


that the worst is over."

Sa unang siyam na buwan, sinabi ng state statisticians na bumaba ang GDP


ng 10% year-on-year, na mas malala sa target ng pamahalaan na 6.6%
pagbaba.

Gayunpaman, optimisitiko rin si Acting Socioeconomic Planning Secretary


Karl Chua sa mga bagong numero.

"The smaller GDP contraction of 11.5% in the third quarter... indicates that the
economy is on the mend. The path is clearer to a strong bounce-back in
2021," ani Chua.

Una nang tinaya ng ilang analysts ang mas madilim na hinaharap para sa
ekonomiya, na dating tinitignang "fastest growing" sa Southeast Asia, gaya na
lang ni Rajiv Biswas, chief Asia Pacific economist mula sa IHS Markit.

You might also like