Sanaysay at Talumpati 1 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

SANAYSAY AT TALUMPATI

YUNIT III
ANG PANANALUMPATI

ANG KAHULUGAN NG TALUMPATI


MGA LAYUNIN AT BAHAGI NG TALUMPATI
PAGHAHANDA SA TALUMPATI
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA BALANGKAS
MGA PARAAN NG PAGTATALUMPATI
HAKBANGIN SA PAGGAWA NG TALUMPATI
MGA HALIMBAWA NG TALUMPATI

ANG KAHULUGAN NG TALUMPATI

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig.

Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa
mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang
paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda
kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa
paksa.

Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda at iniayos
ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig. Samantalang
ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda
ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula at
wakas lamang.

MGA LAYUNIN AT BAHAGI NG TALUMPATI

Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,


magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala.
Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan ang layunin ng anumang
uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng pagdiriwang o okasyon.

MGA BAHAGI NG TALUMPATI

1. Pamagat - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng
madla.
2. Katawan - nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa
layunin ng talumpati.

PAGSASANAY
1, Ipaliwanag ang ibat-ibang layunin ng talumpati. (10 puntos)
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
PAGHAHANDA SA TALUMPATI

Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at interes at
mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring magtitipon ng mga
materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang gagamitin sa isusulat na
talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karanasan na may
kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos
makatipon ng mga materyales na gagamitin sa talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at
hatiin sa tatlong bahagi: panimula, katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang talumpati sa paglinang
ng kaisipan na kung saan nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing
kaisipan na inilahad sa balangkas.
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng magandang
personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay, may
mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din tandaan ng
mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan (rapport) sa madla.

MGA URI NG TALUMPATI AYON SA BALANGKAS

1. May pagahahanda-ang paksa ay ibinigay na sa talumpati bago an gmismong araw ng pananalumpati na


kung saan ay may sapat na kahandaan ang mananalumpati upang ilahad ang kanyang sallobin at paniniwala.

2. Walang paghahanda - ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay binibigay lamang
sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

PARAAN NG PAGTATALUMPATI
1. Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malaks sa harap ng mga tagapakinig.
2. Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
3. Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang
panimula at wakas lamang.
4. Palad na itinataas habang nakalahad - nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin
5. Nakataob na palad at biglang ibababa - nagpapahiwatig ito ng marahas na damdamin.
6. Palad na bukas at marahang ibababa - nagpapahiwatig ito ng mababang uri ng kaisipan o damdamin.
7. Kumpas na pasuntok - nagpapahayag ng pagkapoot o galit o pakikilaban.
8. Paturong Kumpas - nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak.
9. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga darili at unti-unting ititikom - nagpapahiwatig ng matimping
damdamin.
10. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita - pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nag
sasalita. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad- ipinahihiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at
pagkatakot.
11. Kumpas na pahawi o pasaklaw - nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang diwa, tao o pook.
12. Marahang pagbaba ng dalawang kamay - ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.

HAKBANGIN SA PAGGAWA NG TALUMPATI

1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan
at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na
gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng
mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing
kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at
pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga
pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

MGA URI NG TALUMPATI

Nagbibigay aliw
Nagdaragdag kaalaman
Nagbibigay sigla
Nanghihikayat
Nagbibigay galang
Nagbibigay papuri
Nagbibigay impormasyon
Katangian ng magaling na mananalumpati
Kaalaman
Kasanayan
Tiwala sa sarili

MGA HALIMBAWA NG TALUMPATI

Talumpating Pampalibang:

Tuwing buwan ng Disyembre nariyan ang ibat't ibang pagdirawang at isa sa pinaka-
pinagdiriwang ng lahat ng tao sa buong mundo ay ang pasko, makikita mo riyan ang mga magkakamag-anak
na sabay sabay na nagsisimba, at sabay sabay na nagdarasal sa loob ng tahanan ng Diyos nagpapasalamat sa
lahat ng biyayang kanilang natatanggap. Nariyan din ang mga kasiyahan nagaganap, ngunit sa tuwing
naaalala ko ang mga kasiyahang ito naaalala ko ang mga panahon nang ako ay musmus pa dahil sa tuwing
may kasiyahan ay pumaparoon ako upang makisaya gaya ng ibang bata na naghihintay sa mga regalong
kanilang iaabot sa akin hanggang sa ako'y nagkagulang na, hindi na gaya ng ako'y bata mas mahalaga na
sakin na makapiling ko ang aking mahal sa buhay, lalo na ang taong nakapagbibigay ng matatamis na ngiti
sa aking mga labi, mga taong hindi mahihigitan ng kahit na anu mang materyal na bagay o regalo dahil para
sakin silay isa nang regalo ni Bathala.
Dahil ang tunay na regalo ng pasko ay di patungkol sa mga bagay na ating natatanggap o naibibigay kundi
para sa kapanganakan ng nasa itaas at ang pag-ibig natin sa kapwa.

Talumpating Panghikayat:

Mga kaibigan, nais ko sanang hingin ang inyong kaunting sandali, kung kayo ay
nangangailangan ng hanapbuhay na makapagbibigay ng salapi para sa inyong pangangailangan maaari
kayong tumungo sa aming gaganaping seminar sa susunod na linggo. Ang magaganap na seminar ay
maaaring makapagbigay ng magandang buhay para sa inyong kinabukasan. Aasahan po namin ang inyong
pagdalo, maraming salamat po! Maraming salamat!.

Talumpating Nagbibigay Kabatiran:

Maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. Ang mga sakunang ito ay hindi natin
inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating. Walang sino man ang nakaaalam o makapagsasabi
kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi isang Bathalang makapangyarihan na siyang lumikha.
Minsan na rin tayong hinagupit ng isang sama ng panahon gaya na lamang ng bagyo. Isang sakunang hindi
mo inaasahan at sa paghagupit ng sungit ng panahong ito, kulang ang kahandaan ng Bansa at bawat isa sa
atin kaya naman maraming buhay ang nawala, mga buhay
na walang kamuwang muwang na sasapitin nila ang ganitong pangyayari, mga musmos na nawalan ng
pangarap at mga magulang na animoy pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa sinapit ng mga mahal sa
buhay. Ganitong mga pangyayari ang nagaganap sa tuwing dadaan ang isang sungit ng panahon. Sanay ang
mga pangyayaring ito'y tumatak sa ating isip at magsilbing aral para sa atin. Kayat
dapat maging handa tayo sa mga ganitong sungit ng panahon, maging handa sa lahat ng oras at
bagay.Habang nariyan ang liwanag ng araw magsagawa ng mga paghahanda upang di na muling maranasan
pa ang dinanas ng iba, maging matalino, maging handa at laging manalangin sa poong lumikha.

Talumpating Pampasigla:
May kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging
Doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo, may mgataong gustong
maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain ang mga krimem at sanhi ng pagdami ng
krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging guro na gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang
mga mag-aaral. Bawat isa sa atin ay may mga pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi
magsisikap, ang tinutukoy na pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral. Dahil ang pag-aaral, hindi parang
ngumunguya lamang
ng mani, maraming dapat pag-daanan, maraming balakid sa pagtupad ng isang pangarap isa ay ang
kakapusan ng panustos. Ang pag-aaral ay mistulang senaryo sa pagsakay sa isang pampasaherong sasakyan.
Hindi mo mararating ang gusto mong patutunguhan pagka ikaw'y walang salaping panustos ngunit kahit
may mga ganitong balakid huwag tayong mawawalan ng pag-asa upang abutin ang ating pangarap. Maging
matatag at magsikap upang sa pagdating ng araw masisilayan din ang liwanag na inaasam.
Talumpating Pagbibigay Galang:
May mga mahal tayo sa buhay na piniling lumayo sa sariling bayan upang maghanap ng mas maaayos na
ikabubuhay, pinili nila ang mangibang bayan para takasan ang paghihirap na kanilang nararanasan hindi
para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil batid nilang mas magiging maganda ang kinabukasan
ng kanilang mga inawang mahal sa buhay dito sa lugar na tinubuan. Ngunit sa kanilang mga pagtitiis, sa
mga hirap at lungkot na kanilang dinaranas sila'y nagiging matatag at kanilang napapatunayan sa
pamamagitan ng pag-balik sa lupang kinagisnan kung saan-mga ngiting kay tamis ang masisilayan sa mukha
ng kanilang mga kadugo na animo'y palakang sabik sa ulan kayat para sa aking mga magigiting at masisipag
na
kamag anak na nangingibang bayan at ngayo'y narito nang muli sa ating harapan. Maligayang pagbabalik.

Talumpating pang-akit:

Magandang umaga po! Sa panahon natin ngayon may mga pagbabagong dapat
mangyari sa ating lugar, mga gawain na dapat aksyonan at mga gawaing hindi dapat
ipagpaliban, kaya nga't kailangan natin ng pagbabago upang maisagawa ang mga dapat isagawa, kaya kong
gawin ang mga iyon ngunit sa tulong niyo mga kaibigan hindi malabong mababaon lamang sa wala ang
inyong tiwala, sa pamamagitan ng inyong tulong mas magiging maunlad, mapayapa, at maganda ang ating
lugar kaya't sana sa darating na halalan sana'y ibigay niyo sa akin ang inyong tiwala at siguradong hindi ito
mapupunta o hahantong sa wala.
Iyon lamang po mga kaibigan at magandang umaga sa inyong lahat!

Talumpating Papuri
Tuwing sumasapit ang huling araw ng taon ipinagdiriwang natin ang araw ng isang
pinakatanyag na bayani ng ating bansa, maraming tao ang lubos na nakakababatid kung sino ang bayaning
ito. Siya ay kilala sa lupang tinubuan at maging sa iba pang panig ng mundo. Ngunit sa pagiging tanyag
niya, batid ba natin ang tunay na kwento ng pahina ng kanyang buhay? Simulan natin ito nang siya ay
musmus pa, noon pa man pansin na ang kanyang katalinuhan, nakapagbasa siya sa gulang na ang mga
musmus na katulad niya ay mahirap o hindi pa batid ang ganitong gawain, hanggang sa siya'y naging isang
manunulat, marami siyang mga akdang nilikha base na rin sa kanyang mga naging kasanasan. Ilan sa mga
kilalang akda niya ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hanggang sa ipinaglaban niya ang ating
bansa
ng hindi gumagamit ng mga bagay nag maaaring kumitil ng buhay hindi marahil takot siya kundi dahil alam
niya na hindi sa pagpapadanak ng dugo ang tunay na pakikipaglaban para sa kalayaan. Isa rin siyang modelo
na dapat tularan ng ating mga kabataan lalo pa't siya na rin ang nagwika na ang kabataan ang pag-asa ng
bayan. Kayat bilang pag-gunita tayo'y magpasalamat sa kanyang nagawa dahil kundi sa katulad niyang
bayani, hindi natin mararanasan ang buhay na tinatamasa natin ngayon!
PAGSASANAY:
1. Alin sa mga sumusunod na mga halimbawa ng pagtatalumpati ang nais mong isagawa at bakit? Magbigay
din ng isang paksa na nais mong pillin upang ito ay mailahad sa mga tagapakinig. ( 10 puntos)
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
___________________________________________

GAWAIN:
1. Maghanda para sa isang pananalumpati na kung saan ang guro ang magbibigay ng paksa sa bawat
magaaral. Ang kasuotan ng bawat mananalumpati ay semi-formal. Sundin ang rubrics upang maging
maayos ang isasagawang video recorded presentation. (40 puntos)

KRAYTERYA KATANGI-TANGI- NATAMO NAILILINANG NAGSISIMULA PUNTOS


OO OO,NGUNIT HINDI, NGUNIT HINDI
10 PUNTOS 8 PUNTOS 6 NA PUNTOS 4
NA PUNTOS
KAALAMAN Alam ng mabuti Alam ang isyu/ Alam ang ibang Hindi alam ang
SA ang isyu/paksa. paksa, bahagi ng isyu o paksa.
ISYU/PAKSA Kapansin-pansin nagkaroon ng isyu/paksa, Hindi din
na nagsanay at saglit na kailangan ng nagpakita ng
nagpakita ng pagsasanay, pagsasanay, tiwala sa sarili
tiwala sa sarili may tiwala sa nagpapakita ng
sarili kawalan ng tiwala
sa sarili
TINIG Palaging malakas, Malakas, Maaaring sobrang Sobrang mahina o
mabagal at mabagal at mahina o sobrang sobrang mabilis
malinaw malinaw mabilis magsalita, magsalita,
magsalita. Wasto magsalita.Was paminsan-minsan nauutal. Maling
ang pagbigkas. to ang nauutal. Maling pagbigkas sa mga
pagbigkas. pagbigkas sa ilang salita.
salita.
EKSPRESYO Naaayon ang Nagpapakita Hindi gaanong Hindi nagpakita
N NG ekspresyon ng ng paminsa- nagpapakita ng ng kahit na anong
MUKHA AT mukha at galaw ng minsang ekspresyon ng pag-arte
GALAW NG katawan sa ekspreson ng mukha at galaw ng
KATAWAN mensahe mukha at katawan
galaw ng
katawan
NILALAMAN Naaayon ang Nagpapakita Hindi gaanong Hindi nagpakita
nilalaman sa tema/ ng kaangkupan nagpapakita ng ng kaangkupan sa
paksa/isyu sa kaangkupan sa tema/paksa/isyu
tema/paksa/is tema/paksa/isyu
yu

SANGGUNIAN:
http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/mga-iba-ibang-uri-ng-talumpati.html
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Talumpati

You might also like