Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagbabago: Maling Simula, Magandang Wakas!

Maingay, maalinsangan at malalakas na busina ng sasakyan ang


nakasanayang bumubungad sa umaga ni Jet. Araw ng linggo kung kaya't maaga siyang
nagising upang makapagsimba kasama ang kanyang pamilya. Ngiting abot hanggang
tainga at walang pagsidlan ang kayang labis na saya hanggang sa...... isang marahan
na pagtapik sa kanyang balikat ang nagpabalik sa kanyang ulirat. Nagising siya mula sa
kanyang malalim na imahinasyon.

Covid-19 disease. Isang nakakahawang sakit na kayang kumitil ng milyong


tao na siyang nagpabago ng lahat. Sa isang kurap, ang noon at ngayon ay lubhang
napakalayo ng agwat. Noon, dagat ng tao ang makikita sa mga malls, pasyalan,
palengke, simbahan at ipa bang lugar subalit ngayon, tila ba araw ng pagsusulit
sapagkat makikita mong "one seat apart". Nasaksihan ng mundo ang daing, sumamo at
hinagpis ng mamamayang lubhang apektado ng Covid-19 pandemic. Kawalan ng
trabaho, gutom, at nawalan ng mga mahal sa buhay ang sinapit ng mga tao. Mahihirap
na naghihirap dahil sa covid-19. Hindi lingid sa ating kaalaman ma marami pang
problema ang dapat na solusyonan. Ang agawang teritoryo sa West Philippine Sea,
isyung pangkalikasan, isyung pampolitikal at marami pang iba subalit ang Covid-19 ay
dapat na hindi ipagsawalang- bahala sapagkat apektado dto ang ekonomiya ng bansa,
kalusugan, edukasyon, at sa pamumuhay ng mga mamamayan. Sa usapin pang-
edukasyon, naging hamon sa mga mag-aaral at mga guro ang modular and online
learning. Marami ang hindi na nagpatuloy sa kanilang pag aaral dahil sa kawalan ng
gadgets at pera. Mas pinili na lamang na huminto kaysa mag aral. Nakakalungkot
lamang isipin na dahil sa pandemyang ito, naapektuhan ang isa sa napakahalagang
bagay na magpapaangat sa bansa, ang edukasyon.

Malayo ang tingin at malalim ang iniisip. Sariwa pa dn sa alaala ni jet ang
ang imahe ng kanilang normal na pamumuhay. Hindi pa rin niya lubos maisip na sa
isang iglap ay naglaho ang lahat ng mga bagay na nakasanayan niya. Sa mahigpit
isang taong pagkakakulong sa pagsubok na ito, "sana" na lamang ang pilit na
sumisigaw sa kanyang isipan na SANA bumalik ang lahat sa normal, sa dati niyang
nakasanayan.

Sa mahigit na isang taong lumipas mula nung pandemic, namuhay si jet sa


tinatawag na "New Normal".  Ang dating mamatamis na ngiti na nasisilayan ni Jet sa
bawat tao ay ikinukubli ngayon ng face mask at face shield. Ngunit sa kabila ng lahat ng
pagbabago dulot ng covid-19, hindi rin maikakaila ang positibong epekto nito.
Nagkaroon ng sapat ng oras para sa pamilya dahil sa home quarantine. Nabawasan din
ang polusyon sa mga siyudad, nabawasan ang krimen, nagkaroon ng pagkakaisa sa
buong mundo, nabuhay ang kabaitang-loob ng bawat isa.

Ang Covid-19 ay maituturing na isa sa pinakamalalang pagsubok na


naranasan sa  buong kasaysayan. Sabi nga nila, "everything happens for a reason".
Naging hamon sa bawat isa satin ang pandemic na ito upang mas maging matatag   sa
buhay. Ang dulot nitong pagbabago ay hindi masama. Naging daan ito upang baguhin
ang mga maling gawain natin noon. Huwag matakot harapin ang pagbabago sapagkat
mas masarap lasapin ang "New Normal" kaysa sa nakasanayan.

Habang nakaupo si Jet, tinatanaw ang mga nagdaraang sasakyan ay


napagtanto niya ang mga bagay. Namulat man siya sa ganito katinding pagsubok,
naging daan naman ito upang  mas maging kapaki-pakinabang na indibidwal sa lipunan
na kanyang kinabibilangan. Nakatago man ang ngiti ng mga taong nakikita niya dahil sa
facemask, nakikita niya pa rin na may sumisilip na ngiti sa kanilang mga mata.
Pahiwatig lamang na ano mang pagsubok na pinagdaraanan, may bagong bukas pa
ring naghihintay.

“Pandemya: Bumago sa Mundong Kinagisnan”


Simpleng pamumuhay. Walang pangamba at takot na nakaabang tuwing lalabas
ng bahay. Mga okasyon at tradisyon na masarap alalahanin. Sayawan, kantahan at
walang patid na kuwentuhan kasama ang mga mahal sa buhay. Papasok sa paaralan
kasabay ang mga kaklase. Magtutuksuhan sa loob ng silid aralan. Makikinig sa
diskusyon ng guro hinggil sa mga aralin . Sa galaan ay hindi rin pahuhuli. Ilan lamang
ito sa pinananabikang gawin ni Ali noong normal pa ang lahat at wala pa ang
pandemya.

Makalipas ang ilang buwang pagkakakulong sa kaniya-kaniyang tahanan, sa


wakas ay nakamit din paglaya. Nagkaroon ng kaunting kaluwagan at muling nakalabas
ng panandalian. Sinamantala ni Ali ang pagkakataon upang makagala at hindi nito
alinta ang banta ng kapahamakan. Kung saan-saan siya nagpupunta kasama ng
kaniyang mga kaibigan.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, sa kanilang tahanan ay nadatnan niya


ang kaniyang ama na nakahandusay sa sahig, nanghihina’t may dinaramadam.
Nilalagnat, inuubo, hindi makapagsalita ng maayos, naninikip ang dibdib at hindi
gaanong makahinga. Takot at kaba ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
Hindi niya alam ang gagawin. Tumakbo siya palabas para humingi ng tulong pero
parang walang nakaririnig sa kaniya. Walang gustong lumapit sa mag-ama. Kitang-kita
sa mukha ng mga taong nakapaligid sa kanila ang pandidiri at hindi mababanaag ang
anumang pag-aalala. Halatang ayaw silang tulungan at lahat ay biglang nagsilayuan.
Alam ni Ali kung bakit ganoon ang ikinilos ng mga kapitbahay sa mga sandaling iyon.
Alam nito na takot silang mahawaan kung sakaling ang kaniyang ama ay positibo sa
kumakalat na sakit. Tama! mahawaan ng sakit, sapagkat ang ilan sa nararamdaman ng
kaniyang ama ay sintomas ng Covid19. Isang nakahahawang

Nagsusumisigaw at walang tigil ang pagpatak ng luha ni Ali. Hindi niya maigalaw
ang buo niyang katawan. Pinipilit makaalpas, pero wala talaga. Ipinikit niya ang
kaniyang mga mata, taimtim na nagdasal. “Panginoon, tulungan mo ako” sambit niya ng
ilang ulit sa kaniyang isipan. Hanggang sa bigla siyang nagising sa bulyaw ng kaniyang
ama. Kanina pa pala nila ginigising si Ali. Siya ay napabuntong hininga ng malim.
Tagatak ang kaniyang pawis dahil sa init ng panahon. Isang masamang panaginip lang
pala ang nangyari.

Tila isang bangungot ang hatid nitong kinahaharap nating sitwasyon. Maraming
naapektuhan. Sinalanta ng pandemya ang dating normal na pamumuhay ng mga tao.
Binago nito ang mga nakagisnan at nakasanayan. Hinatid tayo sa pagkakalugmok at
ikinulong muli sa krisis sa iba’t ibang aspekto. Salat sa trabaho, pera, pagkain at
maging sa kaalaman. Hirap, lungkot, pighati at labis na paghihinagpis ang
nararamdaman ng bawat isa.

Ang Covid-19 pandemic ay isang malaking hamon sa lahat at sumubok sa


katatagan ng bawat mamamayan. Ang pandemyang ito ang kumikitil sa maraming
buhay. Wala itong pinipili, bata man o matanda lahat ay dadapuan at matatamaan kung
hindi mag-iingat sa bawat isasagawang hakbang.

Paano nga naman tayo mananalo sa kalabang hindi nakikita? Lalo na’t kung ang
ilan sa ating mga kababayan ay hindi marunong sumunod at walang disiplina. Marami
ng namamatay at marami pa ang mamatay kung ating babaliwalain ang bantang hatid
ng Covid-19.

Ginising ng panaginip na iyon ang kamalayan ni Ali. Nawa’y tayo rin ay nagising
sa katotohanan na kung hindi tayo mag-iingat at hindi susunod sa mga patakarang
inilulunsad ng gobyerno ay maaring magkatotoo ang mas malalang bangungot sa ating
buhay. Lagi nating tandaan, “Lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang
maprotektahan ang ating sarili at ang iba.” Gawin natin ito upang atin pang masilayan
ang panunumbalik ng mundong puno ng kulay at buhay. Tayo ay magdasal, sapagkat
anumang pagsusubok na ating pinagdaraanan ay may kalakip na aral at kadahilanan
na siya nating magagamit tungo sa bagong buhay na naghihintay.

You might also like