Edukasyon para Sa Lahat NG Pilipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EDUKASYON PARA SA LAHAT NG PILIPINO

Karapatan. Isang salita para sa bawat isa. Walang dapat mapaglamangan. Walang dapat maiwan.
Karapatan sa Edukasyon, isang sigaw ng bawat kabataan lalo’t higit ng mga hikahos sa buhay.
Naniniwala ako na ang bawat kabataan ay may pangarap. Subalit, may ilan ang hindi ito maisakatuparan
dulot ng kahirapan sa buhay. Nasimulang humawak ng lapis at papel, ngunit sa bandang huli hindi
matagumpayanan ang diploma. Ito ang isa sa napakasaklap na katotohanan sa ating bansa. Kung kaya’t
marami pa ring kabataang Pilipino ang umaasa na madinig ng ating bayan, ng ating gobyerno. Humihiling
na maipagpatuloy ang katagang “Kabataan, Pag-asa ng Bayan” sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang
panawagan na mabigyan ng sapat na edukasyon ang mga kabataang walang kakayahang makapagtapos
ng pag-aaral.

Edukasyon para sa lahat ng Pilipino. Mahirap man o mayaman, ang edukasyon ay Karapatan ng bawat
isa. Kung bibigyang pansin ito ng ating gobyerno mas magkakaroon tayo ng isang produktibong bayan.
Mas maraming kabataan ang makapagbabahagi ng kanilang karunungan at angking talento. Edukasyon
para sa lahat ng Pilipino. Sa gayon, walang magulang na maghihinagpis sapagkat walang kakayahang
makapagpa-aral. Walang kabataan ang maglalaan ng oras sa mga bagay na mas makasisira sa kanilang
maganda sanang kinabukasan. Edukasyon para sa lahat ng Pilipino. Ito ay maisasakatuparan ng ating
bayan kung tayo ay nagkakaisa at may pagmamalasakitan sa kalagayan ng bawat isa. Ito ang sigaw ng
bawat kabataang Pilipino, “ Edukasyon para sa lahat ng Pilipino!”.

You might also like