Narrative Report Buwan NG Wika 2021

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao


Ministry of Basic, Higher and Technical Education
SCHOOLS DIVISION OF COTABATO CITY
J. MARQUEZ ELEMENTARY SCHOOL
Cotabato City

ULAT PASALAYSAY SA PAGDIRIWANG NG


BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2021

Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang ang buwan ng Wikang


Pambansa, Ang wikang Filipino. Ang pagkakaroon ng pambansang wika ay may
malaking kaugnayan sa pag-unlad ng isang bansa. Ito ang siyang pag-uugnay sa
damdamin, puso at isipan ng bawat mamamayan.

Alinsunod sa Memorandum Panggawarang bilang 046, s. 2021, ang paaralan


ng Elementarya ng J. Marquez ay nakikiisa sa sabayang pandiriwang ng buwan ng
wikang pambansa at buwan ng wikang kasaysayan mula ika-1 hanggang ika-31 ng
buwan ng Agosto sa taong 2021 na nagtatakda ng temang, “Filipino at Mga
Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Layunin ng Buwan ng Wika 2021 ay ang mga sumusunod:

a. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041


b. Maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at
kasaysayan nito
c. Mahikayat ang iba’t- ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na
makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika
at sibiko
d. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng
Pilipinas sa pamamagitanng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng
Buwan ng Wikang Pambansa
e. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang Komisyon sa Wkang Filipino o KWF
bilang ahensiya ng pamahalaan na nagangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa
pamamagitan ng mga programang pangwika nito.

Ang paaralang elementarya ng J. Marquez ay naglunsad ng mga gawaing


birtwal para sa mga guro at mag-aaral upang matiyak ang kaligtasan ng lahat dulot ng
pandemya. Ang mga kabataan ay nagkaroon ng patimpalak sa pagbuo ng poster mula
sa unang baitang hanggang ikaanim na baitang. Nagkaroon din ng patimpalak sa
pagbuo ng slogan mula sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang.
Nagpakitang gilas din ang mga mag-aaral sa pag-awit ng mga musikang katutubo at
pagpapamalas ng talento sa pagtula. Nagpakita rin ng pakikiisa sa pagdiriwang ng
buwan ng wika ang mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pagsuot ng mga
katutubong kasuotan.

Isang maikling mensahe naman ang ibinigay ng punong-guro ng paaralan na


si Mary Grace A. Berdeprado ukol sa kahalagahan ng Wikang Pambansa at sinundan ito
ng katuwang na punong-guro na si Benjamin M. Wahab sa pagbibigay ng mensahe
tungkol estado ng wikang pambansa na dapat nating malaman bilang isang Pilipino.

Ang mga mag-aaral na nagwagi sa bawat patimpalak ay nakatanggap ng


gantimpala. Sa kabila ng pandemya dulot COVID-19 ay naipakita ng mga mag-aaral ang
kanilang kahanga-hangang talento at pakikiisa sa pagdiriwang ng buwan ng wikang
pambasa sa tulong ng kanilang mga mahal na magulang.

Sa kabuoan ay naging matagumpay ang pagtatapos ng buwan ng wika.


Naipakita ng mga guro at mag-aaral ang kanilang pagmamahal at paggalang sa
Pambansang Wika.

Inihanda ni:

KRISTINE JOY B. LABRADOR


Koordineytor sa Filipino

Pinagtibay ni:

MARY GRACE A. BERDEPRADO


Punong-guro

You might also like