Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang mga Yakan

Ang Yakan ay tumutukoy sa nakakaraming grupong Muslim sa Basilan, isang isla sa bahaging Timog ng
Basilan sa Mindanao. Tinawag sila ng mga Kastila na mga Someacas at itinuturing silang Malayo at
minsan, tinatawag ding mga kalabang taong bundok.

Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Yakan, na ang mga produkto ay bigas (palay), niyog,
kamoteng- kahoy, abaka, lansones, kakaw mais. Palay ang pinakahahalagahan nilang pananim. May
sinususunod na ritwal at dasal ang mga Yakan at pagtatanim hanggang sa pag aani. Ito ay
pinangungunahan ng kanilang Imam.

Sa Muslim ng Yakan, ang mundo ay nahahati sa dalawa: Dar –UI-Islam (tirahan ng mga Islam) at Dar-
UI-Harb (tirahan ng mga di naniniwala). Para sa Yakan, ang langit ay isang lugar kung saan matatagpuan
ng kaluluwa ang kaligayahan, kasiyahan, at kapayapaan. Para sa kanila ang langit ay may walong
andana. Ang ikalawang andana ay ang dimensiyon ng Diyos na kung saan di maaabot ng sinuman
hanggat hindi pinagsisikapan dito sa daigdig.

Ang ilan sa mga paniniwala ng mga Yakan ay ang (1) Hindi pagtatahi tuwing Biyernes at Sabado. Ang
telang itinatahi kapag Biyernes ay madaling masusunog sapagkat ang araw na ito ay sumisimbolo ng
apoy. Kung magtatahi naman sila nang sabado, and damit ay magkakaroon ng maraming kuto, (2) kung
ang isang tao ay hindi naligo ng isang lingo at nagtatahi lamang ng kanyang damit, may paniniwala ang
Yakan na mapupuno ng dumi ang kanyang katawan. Isang dasal ang iaalay habang nananahi upang lagi
nilang kasama ang Diyos at hindi sila isusumpa.

Naniniwala ang mga Yakan na ang kanilang bahay ay dapat nakaharap sa Silangan at dapat nakaharap
din ang gilid ng kama ng bana sa may silangan upang madaig daw nito ang kanyang maybahay. Ang
pagsalansan ng mga materyales ng bahay ay nararapat na nakatutok sa Silangan upang magkaroon ng
pagkakaisa ang pamilya. Ang numero o bilang ng mga kwarto at hakbang ng hagdanan ay dapat na
kalabisan (butal na) pagkat ang tukol (pares) na mga numero ay nangangahulugang kamatayan at
masamang palatandaan.

You might also like