Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO WEEK 1

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa kwderno


ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na makrong kasanayang pangwika ang lumilinang na


maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao?

A. pakikinig B. pagbasa C. pagsulat D. pagsasalita

2. Alin naman sa mga sumusunod ang HINDI tumutugon sa mga tinukoy na dahilan
kung bakit nagsusulat ang tao?

A. libangan
B. pagtugon sa trabaho
C. pagsasatitik ng nararamdaman
D. pagtalima sa kagustuhan ng magulang

3. Alin ang itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat dahil lubos


na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan?

A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

4. Sa anong uri ng pagsulat mabibilang ang lahat ng pagsasanay na naranasan ng mga


mag-aaral mula sa elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school?

A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. pamanahunang papel
D.akademikong pagsulat
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging bahagi ng pagsasanay mo sa
akademikong pagsulat?

A. pananaliksik
B. pamanahung papel
C. paggawa ng sanaysay
D. pagsulat ng gabay sa pagtuturo

SAGOT
1. C
2. D
3. C
4. D
5. D

Balik-Tanaw

Panuto: Magtala ng iba’t ibang sulatin na iyong naisagawa noong ikaw ay nasa Junior
High School pa lamang. Maaaring mula sa asignaturang Filipino, Ingles o kaya naman
mula sa Agham o iba pang asignatura.

Filipino Ingles Agham / Iba Pa

SANAYSAY SINOPSIS SINTESIS

SINOPSIS BOOK REVIEW SANAYSAY

TALUMPATI REFLECTION FLASHCARDS

Sagutin:

1. Alin ang pinakagusto mong isulat sa mga ito? Ipaliwanag.


Ang pinakagusto kong isulat ay ang sanaysay na may relasyon sa noli me tangere at el
filibusterismo, sa asignaturang filipino. Maganda itong pag-aralan, unawain, at higit na
maintidihan dahil ito ay nasa akdang may lenggwaheng filipino.
2. Alin naman ang pinakaayaw mong isulat? Ipaliwanag.
Ang pinakaayaw ko ay ang mga sulatin sa agham. Bukod sa komplikado ang mga salita
at mahirap intindihin, hindi ko lubos maintindihan dahil halos lahat ng ito ay may
kaugnayan sa isat’isa, teorya kumbaga.
3. Sa iyong palagay, ano kaya ang layunin ng isang guro para sa isang mag-aaral
na katulad mo na pasulatin ng mga nabanggit na sulatin?
Sa aking pananaw, ag layuni ng guro ay upang malinawan ang aking isipan sa tunay na
eksplanasyon ng mga sulatin at mailathala ang aking opinyon at kaalaman, damdamin,
at paniniwala sa pamamagitan ng pagsulat.

Gawain 1

Makipag-usap sa isa mong kamag-aral. Maaaring sa pamamagitan ng text o chat kung


hindi makapag-uusap nang personal. Magpalitan ng inyong pagkaunawa hinggil sa
akademikong pagsulat. Batay sa inyong napagusapan, bumuo ng sariling
pagpapakahulugan sa akademikong pagsulat. Maaaring ito ay hugot-lines, islogan o
ano pa mang higit na lilinang sa inyong interes. Maaari kayong gumuhit o magdikit sa
inyong kwaderno ng larawan ng anumang bagay na paborito ninyo upang pagsulatan
para maging malikhain ang inyong gawain.

NAGING MAKATWIRAN
NAGSILBING LIBANGAN
AKADEMIKONG PAGSULAT
NARARAPAT SA LAHAT
ATING PAG-ARALAN
SA HULI TAYO’Y UUNLAD
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga kalagayan. Pagkatapos,
punuan ang mga patlang ng angkop na mga salita upang makumpleto ang diwa ng
bawat sitwasyon. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Nais ni Kyle na malinang pa ang kanyang kasanayan sa pinakamataas na antas ng


pagsulat. Kaya naman kailangan ni Kyle na magsanay sa pagsulat
ng_______________.

A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. pamanahunang papel
D. akademikong pagsulat

2. Taglay ni Vernice ang mapanuring pag-iisip, kakayahang mangalap ng


impormasyon, mag-organisa ng mga ideya at kakayahang magsuri ng iba’t ibang
akademikong sulatin. Patunay lamang ito na may kasanayan siya sa_____________.

A. pananaliksik
B. teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

3. Higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ang __________ ay


itinuturing din na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat. A. pananaliksik
B. akademikong pagsulat C. teknikal na pagsulat D. pamanahunang papel

4. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na naranasan ng mga mag-aaral mula sa


elementarya, sekondarya, kolehiyo, at maging sa graduate school ay maituturing na
bahagi ng __________________.

A. pananaliksik
B.teknikal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. pamanahunang papel

5. Kumukuha ng Academic Track sa HUMSS strand si Ej. Sa simula pa lang ay


nagbigay na ang guro ng mga pangangailangan ng buong klase sa pagsulat ng iba’t
ibang uri ng akademikong sulatin. Kaugnay nito, ang pahayag na _________ ay HINDI
tumutugon sa maaaring sabihin ng guro tungkol sa akademikong pagsulat.

A. higit itong mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat


B. ordinaryong uri ito ng pagsulat, kaya’t maaaring sulatin ng lahat
C. ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng intelektuwal na pagsulat
D. pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

SAGOT:
1. D
2. C
3. B
4. C
5. B

You might also like