Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

ARALIN 1 – Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)

Pangalan: ________________________________________________ Taon at Pangkat: ________________

A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa mga nakalaang patlang.


1. _____ ang Sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbolo.
a. Wika b. diskurso c. sintaksis d. kompitens
2. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang _____.
a. Simbulo b. kultura c. tunog d. sambitla
3. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay _____.
a. Pinipili b. isinasaayos c. dinamiko d. kagila-gilalas
4. _____ ang tawag sa makahulugang tunog ng isang wika.
a. Ponema b. morpema c. pangungusap d. diskurso
5. _____ ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.
a. Balarila b. gramatika c. sintaksis d. diskurso
6. Ang salitang Ingles na language ay galling sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay _____.
a. Dila b. bibig c. tunog d. salita
7. Ang sinasalitang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng _____.
a. Baga b. babagtingang-tinig c. bibig d. aparato sa pagsasalita
8. Nagkakaiba-iba ang wika ng mga bansa at mga pangkat dahil sa pagkakaiba-iba ng kanilang _____.
a. Edukasyon b. kasaysayan c. kultura d. bokabularyo
9. Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema na nakalilikha ng mga yunit ng salita kapag pinagsama-
sama sa isang maayos na nakabubuo ng parirala, pangungusap at talata. Anong kalikasan ang taglay ng wika sa
pahayag? Sagot: Ang kalikasan ng wika ay _____.
A. …may masistemang balangkas.
B. …arbitraryo.
C. …ginagamit ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.
D. …naimbento upang tukuyin na ang ibang wikain ay mas mababa sa iba
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkaarbitraryong kalikasan ng wika? _____
A. Ang wika ay buhay at dinamiko.
B. Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika
C. Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring paghiwalayin
D. Napagkakasunduang gamitin ng mga tao ang wikang gagamitin
B. Tukuyin kung TAMA o MALI ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.
_____1. Walang malinaw na konseptong nag-uugnay sa wika at kultura.
_____2. Tagalog ang unang pambansang wika ng Pilipinas.
_____3. May masistemang balangkas ang wika.
_____4. Unique o natatangi ang bawat wika.
_____5. May mga wikang mas makapangyarihan kaysa sa iba pang wika.
_____6. Ang opisyal na wika ng bansa ang dapat maging pambansang wika.
_____7. Namamatay ang wika kapag namatay ang taong gumagamit o nagsasalita nito.
_____8. Filipino ang tawag sa kasalukuyang pambansang wika ng Pilipinas.
_____9. Ginagamit natin ang wika para makamit natin ang ating mga kagustuhan.
_____10. Binubuo ng mga tunog at sagisag ang wika.
_____11. Napagkakasunduang gamitin ng mga tao ang wika.
_____12. Kailangang manatiling puro ang wika at hindi dapat tumatanggap ng mga pagbabago.
_____13. Dinamiko ang wika.
_____14. Walang mga tuntuning sinusunod sa paggamit ng wika.
_____15. May pasulat at pasalitang anyo ang wika.

Inihanda nina:

Cynthia Samson Maricen Barcelona Jordan Obogne


Rochelle Valdulla Rushelle Sarmiento

Binigyang-pansin: Pinagtibay:

Cynthia D. Samson Arleen D. Canapi


Subject Group Head, HUMSS Punungguro I
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

ARALIN 2 – Konseptong Pangwika

(Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo at Multilingguwalismo)

Pangalan: _______________________________________________________ Taon at Pangkat: ________________

A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa mga nakalaang patlang.
_____1. Ito ang unang tawag sa Pambansang Wika ng Pilipinas noong 1959.
A. Diyalekto B. Filipino C. Pilipino D. Tagalog
_____2. Ito ang itinuturing na PAMBANSANG WIKA noong panahon ng mga Hapon.
A. Filipino B. Niponggo C. Pilipino D. Tagalog
_____3. Ito ang ginamit na batayan ng pambansang wika.
A. BikolanoB. Bisaya C. Cebuano D. Tagalog
_____4. Ang Ama ng Wikang Pambansa ay si …
A. Manuel L. Quezon C. Lope K. Santos
B. Jose P. Rizal D. Francisco Baltazar
_____5. Ang bumalangkas ng ABAKADA at naging Ama ng Balarilang Filipino ay si …
A. Manuel L. Quezon C. Lope K. Santos
B. Jose P. Rizal D. Francisco Baltazar
_____6. Ang patakaran hinggil sa paggamit at paglinang ng kasanayan sa dalawang wika ay tinatawag na edukasyong …
A. Multilinggwal B. monolinggwal C. trilinggwal D. bilinggwal
_____7. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay patuloy na nililinang at pinayayabong sa pamamagitan ng …
A. Pag-aambag ng mga wikang katutubo C. A at B
B. Panghihiram sa mga wikang di-katutubo D. Wala sa pagpipilian
_____8. Sa anong panahon napalitan ng wikang Ingles ang wikang Espanyol bilang opisyal na wika?
A. Panahon ng Katutubo C. Panahon ng Hapon
B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Amerikano
_____9. Sa kanilang panahon pinasigla ang Panitikang nakasulat sa Tagalog.
A. Panahon ng Katutubo C. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Espanyol D. Panahon ng Hapon

_____10. Bakit itinuring na “Gintong Panahon ng Tagalog” ang Panahon ng Hapon?


A. Ipinagamit nila ang wikang katutubo.
B. Maraming Pilipino ang natuto at nagsalita sa wikang Tagalog.
C. Naging puspusan ang pagpapagamit ng Tagalog sa mga paaralan.
D. Malayang ipinagamit ang wikang Hapon at Tagalog.

Suriin ang mga kasunod na pares ng pangungusap. Sa unahan ng bawat bilang, isulat ang:

A. Kung tama ang dalawang pangungusap


B. Kung tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawa
C. Kung mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
D. Kung mali ang dalawang pangungusap

_____11. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika
sa Pilipinas at mga di-katutubong wika.
_____12. Ang Filipino ay ang pinanukalang amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika sa Pilipinas. Ang
Tagalog ay isang wikang natural na may mga katutubong tagapagsalita.
_____13. Ang Pilipino ay isang multi-based national language. Ang Filipino ay isang mono-based national language.
_____14. Ang Filipino ay Tagalog din. Filipino ang itinawag sa ating Wikang Pambansa upang magkaroon ng kongkretong sagisag ng
modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang Pambansa.
_____15. Ang esensya ng Wikang Filipino ay hindi ang pagiging pambansang lingua franca nito. May nabubuong barayti ng wikang
Filipino bunga ng impluwensiya ng kani-kaniyang unang wika sa paggamit nito.

Inihanda nina:

Cynthia Samson Maricen Barcelona Jordan Obogne


Rochelle Valdulla Rushelle Sarmiento

Binigyang-pansin: Pinagtibay:

Cynthia D. Samson Arleen D. Canapi


Subject Group Head, HUMSS Punungguro I
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

ARALIN 4 – Konseptong Pangwika

(Rehistro/Barayti ng Wika, Lingguwistikong Komunidad)

Pangalan: _______________________________________________________

Taon at Pangkat: _________________________________________________

A. Basahin ang mga sumusunod na termino. Pagsama-samahin ang mga ito ayon sa larangang kinabibilangan.

Larangan: __________ Larangan: __________


1. 1.
2.Kometa prosa memory
2. asteroid
3.Teller epiko planeta
3. interes
4.Meteor savings 4.
hardware motherboard
Monitor tula mito deposit

Larangan: __________ Larangan: __________


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

B. Basahin ang mga salitang nakatala sa loob ng kahon. Pangkatin ang mga ito sa kasunod na talahanayan ayon sa inilahad na
katangian.

Monitor printer scroll shift delete bug


Window tab ink keypad number lock memory
MGA SALITANG PANGKOMPYUTER MGA SALITANG HINDI LAMANG PANGKOMPYUTER
File bite drag crash menu document
Save software wi-fi gig paste USB
Motherboard copy cut font installer megabyte
Firewall internet RAM virus network teminal CPU

Inihanda nina:

Cynthia Samson Maricen Barcelona Jordan Obogne


Rochelle Valdulla Rushelle Sarmiento

Binigyang-pansin: Pinagtibay:

Cynthia D. Samson Arleen D. Canapi


Subject Group Head, HUMSS Punungguro I

You might also like