Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

§ May tatlong pangunahing lapit sa pangangalap ng datos.

Ang mga ito ay pananaliksik sa laboratoryo, pananaliksik


sa aklatan, at pananaliksik sa larangan. Ang pagsasagawa
ng interbyu ay isa rin sa mga paraan ng pangangalap ng
datos.

§ Klasipikasyon ng Datos
§ Lapit at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos
§ Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos
Klasipikasyon ng Datos

Mahalagang maunawaan sa pangangalap ng datos ang iba’t ibang klasipikasyon nito. Ang dalawang
aspekto sa pag-uuri nito ay ang sumusunod:

1. Nakasulat o hindi nakasulat na datos – Maituturing ang datos bilang nakasulat na datos kung
mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito. Kabilang dito ang mga libro, journal, magasin,
pahayagan, liham, awtobiyograpiya, kronika, mapa, larawan, kalendaryo, at iba pang kasulatan.
Sa kabilang dako, ang mga hindi nakasulat na datos ay pasalitang panitikan, sining audio-biswal,
iba’t ibang labi, fossil, artifact, at iba pang katulad nito.

2. Primarya, sekondarya, o terserang datos – Maaari ding organisahin ang datos batay sa ikalawang
klasipikasyon. Naituturing na primarya ang datos kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan
ito sa pinag-aaralang paksa. Ibig sabihin, primarya ang datos kung nanggaling ito mismo sa tinutukoy
na pangyayari sa paksang pinag-aaralan (Evasco et al. 2011). Halimbawa nito ay ang mga interbyu
sa mga nakaranas ng torture noong rehimeng Marcos kung ang panahon ng Batas Militar ang pag-
uusapan. Sekondarya naman ang datos kung hindi ito kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan
at gumamit lamang ng mga primaryang datos. Halimbawa nito ang ulat sa pahayagan ng isang
reporter tungkol sa naranasang torture ayon sa mga biktima. Terserang datos naman ang turing sa
mga sangguniang gumamit, nagtipon, at naglagom ng mga primarya at sekondaryang datos.
Halimbawa nito ang mga dokumentaryong nabuo hinggil sa Batas Militar. Sa puntong ito,
mahalagang sabihin din na maraming mananaliksik ang hindi pinag-iiba ang sekondarya at terserang
datos.
Lapit at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

May tatlong pangunahing lapit sa pangangalap ng datos. Ang mga ito ay:

1.Pananaliksik sa laboratoryo – tumutukoy ito sa ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa


larangan ng agham pangkalikasan. Ang datos ay nakukuha mula sa kahihinatnan ng ginagawang
eksperimento.

2 .Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga dokumento at impormasyon –


tumutukoy ito sa pangangalap ng datos mula sa mga doku-mento at babasahing makikita sa
aklatan, artsibo o sinupan, Internet, pribadong koleksiyon, simbahan, munisipyo, museo, at iba pa.
Mahalagang kasanayang dapat matamo ng isang mananaliksik sa aklatan ang wastong
paggamit ng card catalog (CC) o online public access catalog (OPAC) sa paghahanap ng mga
akda gamit ang titulo ng publikasyon, pangalan ng may-akda, o kaugnay na paksa. Gayundin,
dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, marami na ring mga website na masasangguni sa pananaliksik
gaya ng Journal Storage: The Scholarly Journal Archive, Project MUSE, Project
Gutenberg, Filipiniana, Philippine E-Joumals, Bagong Kasaysayan, at Diwa E-Journal.
3 .Pananaliksik sa larangan – tumutukoy ito sa mismong pagtungo sa pook ng pinag-aaralang paksa.
Mahalagang maisaafang-alang sa ganitong lapit ang pakikipagkapuwa ng mananaliksik sa kaniyang
mga kalahok. Nararapat kilalanin ang kalahok hindi lamang bilang tagapagbigay ng impormasyon,
kundi bilang kapuwa tao. Kongkretong manipestasyon nito ang bukal na pakikipagkaibigan sa
kalahok at hindi lamang para sa layuning makapangalap ng impormasyon. Gayundin, esensiyal ang
paggamit ng katutubong wika o diyalekto sapagkat tanging sa taal na wika ng mga kalahok iamang
nila maipa-hahayag ang kaniyang ideya, damdamin, pananaw, at pag-uugali (Pe-Pua 2005). Ilan sa
mga katutubong pamamaraan ng pananaliksik ay pagtatanong-tanong, pakikipagkuwentuhan,
nakikiugaling pagmamasid, pagdalaw-dalaw, panunuluyan, at pakikipagtalakayan.
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos

Isa sa mga popular na p a r a a n s a p a n g a n g a l a p n g d a t o s a n g


pagsasagawa ng interbyu. Sa biglang tingin, ang paraang ito ay hindi
nangangailangan ng maraming kagamitan—tanging recorder at sulatan
lamang—at ng komplikadong kasanayan sa pakikipag-usap.

Gayunman, hindi nangangahulugang walang dapat isaalang-alang sa


pagpili ng interbyu bilang paraan ng pangangalap ng datos sa isang
pananaliksik.

Naglatag si Denscombe (2003) ng listahan para sa pagpili at


paghahanda sa interbyu. Aniya, kung isasagawa ang nasabing paraan,
mahalagang”oo”ang sagot ng mananaliksik sa sumusunod na
katanungan:
1.Nabigyang-pansin ko na ba ang angkop na paraan ng pagpapakilala (estilo ng
pananamit, digri ng pormalidad, at iba pa)?

2.Angkop ba ang pagsasagawa ng interbyu kung pag-uusapan ang: a. paksa ng


pananaiiksik; b. pangangailangan sa detalyadong impormasyon; c. akses sa
kakapanayamin; at d. kasapatan sa oras at salapi?

3.May malinaw ba akong bisyon sa mga usaping tatalakayin sa panahon ng


interbyu?

4.Maisasaayos ba ang iskedyul ng mga interbyu, sapat upang makabuo ng trans-


kripsiyon at analisis ng mga ito?

5.Kumpiyansa ba akong ang aking personal na pagkakakilanlan ay hindi magiging


hadlang sa pagkuha ng mga kakapanayamin, at sa kanilang bukas at tapat na
tugon sa aking mga itatanong?
6 . Malinaw ba sa akin ang pamantayan sa pagpili ng
kakapanayamin?

7. Naisaayos o napili na ba ang oras at pook ng interbyu?

8. May limitasyon ba sa oras ang isasagawang interbyu


at batid ba ito ng mga kalahok?

9. Nabigyang-pansin ko na ba ang angkop na paraan


ng pagpapakilala (estilo ng pananamit, digri ng
pormalidad, at iba pa)?
Kaugnay ng mga nabanggit sa itaas, nakapagbigay rin sina Constantino at
Zafra (1997) ng mga hakbang na nararapat bigyang-pansin b4o isagawa,
habang isinasagawa, at pagkatapos isagawa ang interbyu:

1. Bago ang interbyu


• Tiyakin ang taong iinterbyuhin batay sa impornnasyong nais mong makuha.
Hindi lamang ang mga propesyonal kundi maging ang karaniwang
mamamayan ay maaaring magsiibing awtoridad batay sa paksang pag-
uusapan.
• Makipag-ugnayan sa iinterbyuhin at itakda ang petsa at iugar ng interbyu
nang may ma!inaw na konsiderasyon sa taong iinterbyuhin.
• Magsaliksik tungkoi sa paksa at taong iinterbyuhin. Sa ganitong paraan,
natututukan sa proseso ng interbyu ang pagpapaiawak at pagpapaialim ng
impormasyon, hindi ang mga batayang datos larnang na maaari nang
makuha sa ibang sanggunian.
• Maghanda ng mga gabay na tanong. (Tandaan: Ang mga tanong ay gabay
lamang, lwasang magpatali rito. Mahaiagang umangkop ang tanong sa daloy
ng usapan.
• lhanda ang mga teknikal na kagamitan para sa interbyu gaya ng tape o
digital recorder, panuiat, at sulatan.
2. Habang nag-iinterbyu

• Dumating sa itinakdang petsa, oras, at lugar ng interbyu.


• Magpakilalang muii sa iinterbyuhin at talakayin sa
kaniya ang kaligiran ng paksa at !ayunin sa
isasagawang interbyu. 
• Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong
pagtatanong. ibig sabihin, mahalagang lumikha ng iba’t
ibang uri ng katanungan na may layuning magbukas ng
paksa, manghingi ng opinyon, magpalalim ng ideya, at
iba pa.
• Magpasalamat sa pagpapauniak ng ininterbyu.
3. Pagkatapos ng interbyu

• Lagyan ng wastong identipikasyon ang tape na ginamit (o file kung digital) sa


interbyu (halimbawa: Interbyu kay Dr. Rosario Torres-Yu tungkol sa panu-nuring
pampanitikan, UP Faculty Center, 10 Abrii 2015).
• Gawan ng transkripsiyon ang interbyu. Upang ganap na maorganisa ang
transkripsiyon, bukod sa mismong pahayag ng kinapanayam, mahalagang
maisama ang sumusunod:
• Anotasyon – tumutukoy ito sa mga impormal na tala at kornento kaalinsabay
ng mga pahayag ng ininterbyu, Nakabatay ang anotasyon sa aiaala ng
mananaliksik habang isinasagawa ang interbyu. Kinapa-palooban ito ng mga
obserbasyon sa ininterbyu ang kaniyang kilos, emosyon, katahimikan, at iba
pang hindi naitatala sa salita.
• Line number at code — bawat iinya ay makabubuting lagyan ng numero
upang maging madali ang paghahklap sa anomang mahalagang pahayag.
Gayundin, mainam ding magbigay ng code o koda sa mga ideyang lalabas
sa pahayag upang maging madali ang pag-oorganisa at analisis ng interbyu. 
Narito ang isang halimbawang bahagi ng transkripsiyon ng isang interbyu sa
tationg kabataan hinggil sa epekto ng udyok ng mga kaibigan sa pag-inom
ng alak:
Pansinin sa transkripsiyon ang mga numero sa gilid na nagpapakita ng
haba ng interbyu. Tingnan din ang paglatagay ng koda na maaaring
tumutukoy sa ibalt ibang ideya — “koda 05” para sa unang karanasan
sa pag-inom at “koda 12” para sa reaksiyon ng mga kaibigan.
Naglagay rin ng anotasyon upang ilarawan ang iba pang bagay na
hindi nahahagip ng recorder.

Mahalagang isaisip din na reyalidad ng interbyu ang mas maluwag na


gamit ng wika. Dagdag pa rito, sa kaso ng mga pangkatang interbyu,
maaaring mangyari ang pagsisingitan o pagsasaluhan sa usapan gaya
ng naitala sa itaas.

You might also like