Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Beth Lhorjean P.

Maloon Asignatura: Filipino sa Piling Larangan(Akademik)


December 3, 2020
12b-HUMSS
Output Bg. 9: REPLEKTIBONG SANAYSAY

Kalikasan natin Ngayon

Ang kalikasan ay ang biyayang binigay ng ating Panginoong Diyos. Dito nanggagaling lahat ng bagay
na ating ikinabubuhay sa pang araw-araw. Binigyan tayo ng magandang yaman na walang sinuman ang
makakagawa nito. Pero dahil sa mga taong may mga matataas na kuryosidad ay kung anu-ano na
lamang ang ginagawa sa ating kapaligiran. Kaya naman kung ano man ang ating hakbang sa ating
kalikasan ay yun din ang ibinabalik sa atin.

Saksi mismo ang ating kalikasan sa bawat galaw na ating ginagawa. Mga basurang pinagtatapon ng
mga tao kung saan-saan. Pati mga hayop sa dagat ay nanganganib dahil sa mga nakakain na basurang
tinatapon ng mga tao.Mga taong parang walang pakialam sa kung anong mangyayari kung sila ay
palaging magtatapon. Ayon, rin sa aking naobserbahan ay parang unti-unti ng nauubos ang mga puno
na aking makikita dahil na rin sa mga gusali at establisyemento na ginagawa ng mga tao. Tunay na
makakatulong nga ito para sa pag-unlad ng ating bansa ngunit magiging kawawa rin ang ating
kalikasan dahil mapapaligiran na lamang ito ng polusyon. May mga tao rin na patuloy sa paggawa ng
mga bagong teknolohiya na para sa kanila ay makakatulong sa ating kalikasan ngunit base sa aking
naobserbahan ay mailan-ilan lamang ang tagumpay nakapagawa ng mga tunay na makakatulong sa
ating kalikasan. Habang ang iba naman ay natatambak lamang sa basura na siyang makakaparami. Sa
kabila ng pag-unlad ng ating sibilisasyon at teknolohiya ay ang kapaligiran ang naaapektuhan. Patuloy
na masisira ang ating kapaligiran kung patuloy tayong mamumuhay sa paraan na mas makakasira nito,
hindi lamang dito sa ating bansa maginng sa buong mundo. Ang pagpapabaya ng mga tao ay syang
resulta ng pagkakaroon ng mga kalamidad, tulad na lamang ng pagbabaha at polusyon na ating
nararanasan.

Ngayon, na marami na tayong nararanasan na kalamidad, inaasahang magkakaisa tayong lahat bilang
isang mamamayan at anak ng Diyos. Binigyan tayo ng magandang kapaligiran ng Diiyos kaya naman
ay dapat tayo ang mag-alaga dito bilang isang instrumento sa ating mundo. Bawat isa sa atin ay may
responsibilidad na dapat gampanan at yun ay ang pangalagaan ang ating kalikasan. Dahil kapag ito ay
ating pinabayaan ay tiyak na tayo ang mawawalan at magsisisi sa huli. Kaya naman kung gusto natin
ng isang pagbabago ay dapat simulan natin sa ating sarili, at yun ang pagdidisiplina sa ating mga sarili.
Nararapat rin na pangalagaan nating ang ating likas na yaman dahil dito tayo nabubuhay, kung wala
ang ating kalikasan ay wala rin sana tayo dito sa mundo. Huwag na tayong maghinatay ng ibang
panganib, kundi ay dapat maisakatuparan natin ang pagpapahalaga ng ating yamang kalikasan sa
ngayon para na rin ang susunod na henerasyon ay makikita din nila ang ganda ng ating Inang kalikasan.

You might also like